Against the Waves (THE PRESTI...

נכתב על ידי diorlevestone10

1.1M 20.9K 5.3K

The Prestige Series 1 Layana never liked the idea that her first love suddenly left her without any warnings... עוד

Disclaimer
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Last Part
Epilogue- Last Part (Spin off)
Note
SC 01: Twins

40

26.9K 387 136
נכתב על ידי diorlevestone10

Shore

EXTRA R-18: Strong Violence; Death. Read at your own risk.

Muling pumaimbabaw ang mga sunod sunod na putok ng baril. Tinakpan ni Hayes ang magkabila kong tenga. Nanginginig namang hinawakan ko rin ang kaniyang mga kamay at idiin pa iyon dahil pakiramdam ko ay mabibingi ako.

"We need to get you out of here."

"W-what?"

"Come on."

Bagaman nalilito ay nagpatianod ako sa paghatak ni Hayes. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang gulo-gulo na ang reception. Hinanap ng mata ko si Abes. My friend is here!

"Hayes, what is happening?"

Imbis na sagutin ako ay mas lalo niyang binilisan ang paghatak sa akin. Agaran kaming nakarating sa parking area. Nadatnan namin doon ang mga kapatid niya at maging sina Abes.

"Putangina! May pamilya ako gago!" Sigaw ni Abes.

Niyakap ng kaibigan ko ang pamilya niya at nagmamadaling isakay sa isang sasakyan. Ganoon rin ang naging eksena sa pamilya ni Kuya Eubert at Ate Shay.

"Hayes," mangiyak ngiyak na pagtawag ni Ate Shay sa kapatid.

"You need to get out of here. Now!"

"Pero si Dad!" pagtutol ni Ate Shay.

"Just go!" Sigaw ni kuya Eubert.

Nagpalitan ng tingin sina Abes at Hayes pagkatapos ay nagbaba ng tingin sa akin si Hayes. "Come on."

Kumunot ang noo ko. It seems like Abes knows something.

Nagmamadaling nagbigay paalam ang pamilya ni Ate Shay at ganoon rin ang asawa ni Kuya Eubert. Patuloy pa rin ang pagpaimbabaw ng kaguluhan sa loob. Pinapasok din agad ni Abes ang fiancee niya sa isang kotse kasama ang sa tingin ko'y kapatid nito.

"Abes," takot nitong pagtawag sa aking kaibigan.

"Everything's gonna be alright. Hmm?"

"Come with us, please."

Umiling iling si Abes. "You know why I need to stay here. I want you to be safe first. Wait for me in our house." Hindi sumagot ang babae. "Come on, I want your adobo. Hmm? Let's get some dinner."

"Papa," banggit ng anak ni Abes.

He reached for them and planted a kiss in their foreheads. They are being drag in our mess! I hate it.

"Papa will come home tonight, okay? I want you to hug your mama until I come back. Can you do that for papa?"

My heart sank as I watched them. At this point, I know things will get messier.

"Promise to papa, baby." Tumango tango lang ang inaanak ko. Bumaling muli si Abes sa kasintahan at ginawaran ito ng halik.

"Papakasalan pa kita. Uuwi ako sa'yo. Hindi pwedeng hindi ako makabalik. Hmm? Hintayin mo ako."

"Abes, please!" Alliana cried.

Abes cupped her face and planted a long kiss in her forehead. "See you later."

Nagsimula nang umalis ang mga sasakyan at natira na lang ang sasakyan na pagsasakyan namin ni Abes. Sa tagpong iyon, alam ko na kung ano ang gustong mangyari ni Hayes nang subukan niya rin akong ipasok sa isa pang kotse.

"N-no," nagpumiglas ako sa pagkakahawak ni Hayes. "No." Hayes tried to reach me but I moved away. "No! I am not leaving!"

"Layana, listen to me," muli akong inalo ni Hayes.

Nang tuluyan niya akong mahawakan ay nanghina ako. Hindi ko na napigilan na mapaiyak. I just got him back! I won't let anything to take him away from me.

"No, I'm not leaving Hayes! Not without you! If we leave this place, you should too!"

Umiling iling ito. "Layana, baby listen to me."

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Panay ang pag-iling ko sa kaniya na tila ba kinukumbinsi na hindi ako pabor sa pinapagawa niya.

"I'm gonna stay here!"

"Layana can't you see? It's dangerous here!" Sabat ni Abes.

"The more he needs to leave too!" I shouted back. "Abes, why are you involved in this mess?"

He frustratedly comb his hair. "It's not the time to talk about it, Layana. We need to leave!"

I can't barely see him because of my tears. I can't understand why he is suddenly involved in this mess.

Hayes reached made my face him again. "Hey, hey look at me. I'm gonna be alright."

I held his hand tighter."No. No. No. I can't bear to lose you again! Not again!"

He smiled to me. "Don't you trust me?" Hindi ako sumagot. "Layana, I'm gonna be alright. I promise."

"No.

"Yes you do. I want you to to come with Abes. He will take you away from here. Do you hear me?"

I cried. Binuksan ni Hayes ang pinto ng sasakyan sa backseat at ipinasok ako roon. Agad kong ibinaba ang bintana ng kotse at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. Muli niya akong ginawaran ng ngiti na para bang sinasabi sa akin na magiging ayos lang ang lahat.

"Antonio Monte de Ramos is here, Layana," saad ni Abes. "He's here."

Lumuluha akong nag-angat ng tingin kay Hayes pero nakangiti pa rin ito sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko. He reached for my hand and slide a ring on my finger. Mas lalo pa akong naiyak nang ilagay inilagay niya sa palad ko ang bracelette na ginawa ko noon.

"Keep it for me."

Nataranta ako. Para ba kasing sa ginagawa niya ay sinasabi niyang hindi na siya magpapakita sa akin!

"Hayes, you're scaring me!"

"Hey, ayoko lang na madungisan ang mga iyan. Just...just keep it for me, okay?"

Nilabanan ko ang pagtitig ni Hayes. Pinasadahan niya ang kabuuan ng mukha ko ng may ngiti sa labi na para bang iyon na ang huling beses na pagmamasdan niya ako. Nilalamon ako ng kaba sa dibdib ko.

Muling pumaimbabaw ang mga putok ng baril kaya napatili ako.

"Go," saad niya kay Abes.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Hayes nang magsimulang buhayin ni Abes ang makina ng sasakyan.

"No! No! I am not leaving without you! Hayes!"

He smiled to me once again and kissed me. It was full of love, full of sincerity...and with that kiss, I somehow felt a goodbye.

"I'll see you after this."

Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Muli ko siyang siniil ng halik kahit na nalalasahan ko na ang sariling luha.

"In our wedding...as the sun set in the horizon... I'll see on you that day...So, I want you to trust me okay?"

Tumango tango ako pero hindi na nawala ang agam agam at takot sa puso ko. Tito Antonio is a dangerous man. Kahit noong college pa lang kami nila Hugo, we never dared to come closer to him since he screams authority and power.

"I love you," I said to him.

Ngumiti siyang muli at tumango. "I love you. Always."

Nagsimula nang paandarin ni Abes ang sasakyan. Ilalabas ko pa sana ang ulo ko sa bintana para masilayan pa si Hayes pero sinara na iyon ni Abes. Iyak lang ako nang iyak habang si Abes ay kinakausap ang fiancee sa kaniyang cellphone. Sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa aking damit. Napapikit ako nang mariin nang pumasok sa isip ko ang kung ano-anong kalunos lunos na pwedeng mangyari kay Hayes.

"A-Abes take me back," pagmamakaawa ko.

Tumingin siya sa akin sa rear mirror view. "Nasisiraan ka na ba? Delikado nga roon, Layana!"

"Kaya nga ibalik mo ako roon! Kung mapapahamak si Hayes, hindi ko na alam ang gagawin ko! Abes alam mo kung gaano kadelikado si Tito Antonio!"

"Putangina naman Layana!" Naihampas niya ang manibela. "Oo alam kong mahal mo si Hayes pero tangina naman hindi lang naman ikaw ang damay dito e!"

Sandaling umurong ang luha ko dahil doon. Nakagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang paghikbi.

"M-may pamilya akong kailangan uwian, Layana. N-naghihintay sila sa'kin. Kaya ayokong bumalik doon! Selfish na kung selfish pero putangina ayaw din kitang mapahamak doon!"

Tinakpan ko ang mukha ko ng aking dalawang kamay at doon umiyak. Nakukuha ko ang punto ni Abes pero alam kong hindi ako papatahimikin ng takot ko dahil alam kong nasa peligro ang taong mahal ko.

"Kaya kahit anong gawin mo, kahit anong iyak mo sa akin ngayon na ibalik kita hindi kita ibabalik-"

Hindi na natuloy ni Abes ang sasabihin dahil may bumangga sa aming kotse. Pakiramdam ko ay naalog ang lahat ng sa akin. Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa lakas ng impact. Halos hindi ko maimulat ang mata ko dahil sa hilo. Hinawakan ko ang ulo ko nang may maramdamang mainit na likido roon.

Dugo.

Bagaman nahihilo ay sinubukan kong abutin si Abes. Nakatungo ito sa manibela at walang malay. Umuusok na rin ang sasakyan sa aming harapan.

"A-abes," nanghihina kong pagtawag.

Ngumiwi ako nang mas maramdaman ang hilo ko. Sinubukan kong iayos ang pagkakaupo ni Abes nang maaninag ko ang ilang lalaki na nagsilabasan sa isang itim na van. Nakasuot ang mga ito ng parang bonet kung kaya mata, ilong at bibig lamang nila ang nakikita ko. Papaunta sila sa gawi namin.

"A-abes," inalalayan ko ang ulo ng kaibigan ko na maisandal sa head rest. Halos mangiyak ako nang makitang duguan din ito. Nanginginig kong tinapik tapik ang pisngi niya at inalog alog ang balikat.

"A-abes, wake up! Abes!"

Mas lalo pang lumamang ang kaba sa puso ko nang basagin ng isang lalaki ang pinto ng sasakyan at isinuot ang kamay doon para mabuksan ang pinto.

"S-sino kayo? A-anong kailangan n'yo!?"

Imbis na sagutin ako ay marahas nila akong inilabas sa sasakyan. Napasubsob pa ako sa semento dahil sa pagmumumiglas. Nagsquat sa harapan ko ang isang lalaki at sinabunutan ang buhok ko dahilan para mapatingala ako sa kaniya.

Nitrace niya ang panga ko gamit ang hintuturo at ngumisi. "Ang ganda mo sana kaso mamatay ka lang din mamaya."

Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha ko habang sinasalubong ang madilim at mapanganib nitong tingin sa akin.

"A-ano bang kailangan n'yo!?"

Humalakhak ang lalaki at sinampal ako ng pagkalakas lakas. Ramdam ko ang hapdi niyon.

"Ayoko sa lahat iyong babaeng maingay, Miss. Depende na lang kung sa kama ka maingay, pagbibigyan kita."

Tumango tango ito na para bang naaliw sa akin. Hindi ko naman inaasahan na muli niya akong sasampalin. Sa pagkakataong ito ay ramdam ko ang dugo sa aking bibig.

"Ihatid n'yo na iyan sa stadium!Naghihintay na roon si Sir Antonio!" UtOs niya sa nga kasamahan. Nagpumiglas ako at sinubukang tadyakan ang mga lalaki pero masyado silang mailap.

Sir Antonio? Mga tauhan ba silani Tito Antonio? Si Hayes...Si Abes.

"A-anong gagawin n'yo? Anong gagawin n'yo! Layuan niyo ang kaibigan ko!!"

Inilipat nila ang kaibigan ko sa isang bagong itim na sasakyan. Walang plate number doon. May kung ano silang kinalikot sa loob ng sinasakyan ni Abes. Ilang saglit pa ay nakita kong nagsimula itong umandar mag-isa. Kumalabog ang puso ko.

"No...no...No! Abes! Abes!" Sigaw ko.

Muli akong nagpumiglas kahit na alam kong wala na akong kawala. Itinali nila ang dalawa kong kamay sa aking likuran gamit ang lubid. Napakahigpit niyon. Nakakasugat. Pero wala na akong pakielam, ang iniisip ko ngayon ay si Abes. Bakit kailangan nilang idamay ang kaibigan ko!

"Masyado kasing pakielamero ang kaibigan mo. Huwag kang mag-alala, minor car accident lang naman siguro ang mapapala niya...tignan mo mamaya kasama niya na si Hesus." Nagtawanan ang mga ito.

"Mga demonyo kayo!" Pagtangis ko. "Ano bang kasalanan namin sa inyo! Napakawalang hiya niyo-"

Impit na sigaw ang tanging nagawa ko nang suntukin ako ng isa sa aking tiyan.

"Masyado kang maingay!"

Dumiin ang hawak ko sa aking sikmura dahil sa sakit niyon. Kahit kailan ay hindi ako sinaktan ni Hayes ng pisikalan! Wala akong magawa. Ang hina hina ko na naman. Kahit na gusto kong manlaban ay masyado silang malakas kumpara sa akin.

"I have a surprise for you."

Matalim kong tinignan ang lalaking sumampal sa akin pero kahit may tabing ang mukha niya ay nakikita ko roon ang demonyo niyang ngisi.

"Marunong ka naman sigurong magbilang ano? Sige nga, bilang ka nga hanggang tatlo."

Wala na akong halos marinig. Lumuluha at nanlalaki ang mata kong nakatanaw sa sasakyang sinasakyan ni Abes na ngayon ay nagpagulong gulong na sa bangin.

"Oh, ayan na pala e. Enjoy sa ride papuntang langit!" muli silang nagtawanan.

Nagulantang ang mundo ko nang marinig ang malakas na pagsabog. Bumigat pa lalo ang paghinga ko nang marinig muli sunod pang pagsabog. Ang wasak wasak na kotse sa dulo ng bangin ay nagliliyab...kasama ang katawan ng kaibigan ko.

"Abes," nanghihina kong sabi.

"Hanggang dulo, Anais. Sasamahan din kita hanggang dulo."

Nagpaulit ulit sa utak ko ang sinabi niya at ang mga ngiti nito. Kausap ko pa siya kanina. Tumatawa pa siya kanina...Ikakasal pa si Abes...Naghihintay pa ang pamilya niya sa pag-uwi niya.

My lips started to tremble when I heard his laugh inside myhead. Those smiles and laughter we shared to each other during our college days together with our friends...

Hindi ko na...Hindi ko na maririnig ulit ang tawa niya?...H-hindi ko na maririnig ang boses ni Abes?

"Too bad. Your friend is dead."

"No," kapos hininga kong sabi. Panay ang pag-iling ko bagamat kitang kita ng mata ko ang halos kulay dilaw at kahel na paligid dahil sa liwanag na nagmumula sa umaapoy na sasakyan.

Umiyak ako nang umiyak doon, hindi iniinda ang mga sampal nila sa akin dahil sa pagtangis ko. Sa hindi mabilang beses ay nawalan ako ng malay nang muli akong sinuntok sa tiyan ng lalaki.

Nagising na lang ako ay nasa swimming pool na ako. Inilibot ko ang mata ko sa paligid at sa aking sarili. Walang lamang tubig ang swimming pool at nakaupo ako sa isang silya sa gitna nito. Nakatali pa rin ang kamay ko at nakatakip ng tape ang aking bibig. Sigaw ako nang sigaw para humingi ng tulong pero alam kong walang saysay iyon ngayon.

Hayes...Hayes natatakot ako. Natatakot ako.

Mula sa itaas ay sumilip ang nakapamulsang lalaki. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa hilo at sa mga luha ko. Sa tingin ko ay umaabot ng 7-9 feet ang lalim ng pool. Nagsimula akong mataranta at maging malikot nang magsimulang rumagasa ang tubig. Napakabilis ng pagpuno niyon.

"Hhmmp!" Sigaw ko.

Natataranta kong sinubukang tanggalin ang lubid na nakatali sa paa at kamay ko pero masyado na akong nanghihina.

"Poor Alani, She'll be alone now."

Nanlaki ang mata ko nang mahimigan ang boses ni Tito Antonio. Nakapamulsa na ito sa kaniyang itim na slacks. Unti-unti ay nakita ko nang maliwanag ang kaniyang mukha.

Tito....

"Of all people, Layana, why did it have to be the Espinozas? Maling pamilya ang nilandi mo."

Rumagasa ang galit at luha ko nang maalala ang sinapit ng kaibigan ko. Ang dami na niyang kinuha sa akin. Ang dami ng inosenteng nadamay nang dahil sa kaniya.

"Ilabas n'yo na!" Sigaw niya.

Sa pinakaitaas sa isa sa mga railings ay nakita ko ang ilang armadong lalaki na kinakaladkad ang isang duguang lalaki. Dinaga ang dibdib ko nang masilayan ang kahabag habag na postura ng lalaki. Bakas ang dugo sa kulay puti nitong long sleeve. Halos hindi na rin ito makatayo nang maayos at tila lantang gulay lang na kinakaladkad ng mga tauhan ni Tito Antonio.

Hayes.

Alam kong siya iyon. Kahit na nakasaklob sa kaniyang ulo ang isang itim na tela ay alam kong siya iyon.

Hindi ko na maisatinig ang sakit na nararamdaman ko. Nanlabo ang paningin ko nang marahas nilang tanggalin ang tela dahilan para masilayan ko ang duguan nitong mukha. Halos maligo na ito sa sariling dugo.

"Oh, our mighty lover boy!" Sigaw ni Tito Antonio at pumalakpak pa ito. "Look how handsome he is, Layana!"

Unti-unting umangat ang ulo ni Hayes at nagtagpo ang paningin namin. Nanlaki ang mata nito at nagpumiglas sa mga nakahawak sa kaniya kahit na hinang hina na ito.

Hindi ko na magawang alisin ang paningin ko kay Hayes kahit na nasa tuhod ko na ang tubig. Ako ang pinag-ugatan ng lahat ng ito. Ako. Masyado akong naging mapangahangas na pumasok sa buhay ng mga Espinoza. Hindi sana masisira ang buhay ni Hayes kung hindi ako naging parte ng buhay niya. Hindi sana siya magdudusa ng ganito.

"You aashole!" Sigaw ni Hayes sa itaas.

"Oh, darling you don't want to mess up with me," nanghihinayang na sabi ni Tito Antonio.

"Let her go!"

Pumaimbabaw ang tawa ni tito Antonio sa kabuuan ng pool stadium. Sobrang pinipiga ang puso ko nang makita ang nahihirapang pagpiglas ni Hayes sa mga armadong lalaki.

"We are just starting Hayes. This will going to be fun. Arman!"

May ilang tunog ng sapatos akong narinig pero hindi ko makita kung sino iyon dahil masyadong mababa ang kinalalagyan ko. Lumuluha lang akong nakatingin kay Hayes habang sinusubukan niyang manlaban.

Natatakot ako...Natatakot ako na baka hindi ko siya makita sa dulo ng lahat ng 'to.

"Fuck! No! I'm gonna kill you!"

"Family reunion, eh? You should thank me for this," saad ni Tito.

Hindi ko na makita si Tito Antonio nang umalis siya sa pagkakadungaw sa akin. Pero rinig ko ang tunog ng kaniyang sapatos. Kung sinu-sino ng santo ang tinawag ko, naghihintay ng himala na sana ay matapos na ito pero alam kong napakaimposible niyon.

Umaabot na sa bewang ko ang tubig, mas lalo akong nawalan ng pag-asa. Patuloy ko lang na tiningala si Hayes, papalit palit ang tingin niya sa akin at sa tingin ko'y kay Tito Antonio.

Napangiti ako nang mapakla sa loob loob ko. Hindi ko man lang maipadama kay Hayes kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano ako pinapatay araw-araw ng hindi ko siya nakasama noon. Mahal na mahal ko siya pero sinaktan ko siya. Sobrang pagsisisi ang namumutawi sa puso ko ngayon.

Gusto ko pang makasama siya nang mas matagal. Gusto ko pang maikasal kay Hayes at gumising bawat umaga na siya ang una kong masisilayan. Gusto ko pang bumuo ng isang pamilya kasama siya kahit na alam kong malaki ang kasalanan ko sa pagkawala ng anak namin.

I haven't told him how much I loved him...and I sincerely loved him as Hayes himself and not just as his brother.

"Choose, Hayes. Choose wisely."

Pumikit ako nang mariin nang mapagtanto ang sitwasyon namin. Ito na naman siya, naiipit na naman sa sitwasyon. Buong buhay ni Hayes ay nahihirapan siya at dahil iyon sa akin. Sa mga puntong ito, gusto kong sana ay unahin niya naman ang sarili niya. Tama na ako. Naiparamdaman niya na sa akin ang pagmamahal niya. Sobra sobra pa nga. Ngayon ang tanging gusto ko lang ay unahin niya naman ang sarili niya.

"Hayes!" Nakangiti kong pagtawag sa kaniya kahit na lumuluha ako.

Pilit niyang binubuksan ang mga mata dahil pumutok na ang isa dahil sa sobrang bugbog. I smiled painfully. My baby. Mumultuhin ko nga itong si Tito Antonio. Ang gwapo gwapo ng mukha ni Hayes tapos sisirain lang nila ng ganito?

"I'm okay," nauutal kong sabi. "I have a swimming class before in college, right?"

"Let them go, Antonio!"

Makalipas ang ilang taon ay muli kong narinig ang mala-awtoridad na boses ni Don Nicholas. He is also captivated by Tito Antonio. I smiled in defeat. Talo na nga kami. Malulunod na naman kami sa sakit. Ngayon, literal din na malulunod ako.

"Sa akin ka may galit hindi ba? Bakit mo dinadamay ang mga inosenteng tao!"

"Tumahimik ka!"

"Ganito ba ang ginawa sa'yo ng pagmamahal, Antonio? Nakakaawa ka!"

"Sinabi nang tumahimik ka e!"

Pumaimbabaw ang tunog ng sampal sa kabuuan ng lugar. Dumiin ang pagkakapikit ko sa aking mata lalo pa ngayo'y nararamdaman kong nasa dibdib ko na ang tubig.

"What now, Hayes!? Choose! If you won't choose I'm gonna fucking kill them all!"

"No! No!" He shouted but his voice just cracked in the end. He looks so helpless. "No, please...p-please...Ako na lang... Ako na lang!"

Binibiyak ang puso ko nang marinig kung paano magsumamo si Hayes. He is ready to sacrificed his life just for us. He's so selfless.

"H-huwag sila. Pakawalan mo na sila. Spare them, please... P-lease, just let them go!"

Humagulgol ako nang marinig ang nanghihinang boses ni Hayes sa pagmamakaawa kay Tito. Bakit kahit nasa bingit na kami ng panganib ay ako pa rin ang iniisip niya? Bakit?

"The only thing that will have me is you and my death, Layana"

As I heard his voice in my head, I can't help but to love him more. He doesn't deserve me. He deserves more. Not me. Not the kind of person like me.

Nagmulat ako nang mata ay sinalubong ko ang tingin ni Hayes. Ngumiti ako kahit na balot na balot ako ng takot. "I'm gonna be alright, I promise."

"I will save you both Layana! Stop saying some shits! We'll have our wedding!"

I smiled sadly. Ten years nang overdue iyong kasal na iyon...At sigurado ako na madadagdagan pa ng maraming taon bago mangyari iyon. Maybe, in our next life?

Pumaimbabaw muli ang tawa ni Tito Antonio na para bang iyon ang pinakanakakatawang joke na narinig niya.Baliw na siya. I just know it, ganiyan din ako noon. Tatawa kahit wala namang nakakatawa...pero siya, papatay dahil sa mababaw na dahilan.

"Hayes, just choose yourself this time. Please. S-save your father."

"Hayes-" naputol ang sasabihin ni Don Nicholas nang umeksena si Tito Antonio. "Sssh, I'm enjoying their conversation, old hag. Shut up." Muli akong sinilip ni Tito Antonio. "Go ahead, darling. Convince you're boyfriend to save his father or else, Nicholas' brain will explode in an instant."

"Leave her alone! Fucker!" Sigaw ni Hayes. "Layana!"

"Hayes, just shut up!" I screamed. "Shut up!"

Hayes looked at me painfully while he is in tears. Inangat ko na ang ulo nang umabot na sa leeg ko ang tubig. Nagwawala pa lalo si Hayes pero wala na akong halos marinig. Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil mas lalo akong nasasaktan kapag nakikita ko ang panlalaban nito. At bago pa tuluyan na sakupin ng tubig ang kabuuan ko ay humugot ako ng malalim na hininga.

Me too, Hayes. The only thing that will have me is you and my death.

המשך קריאה

You'll Also Like

24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
855K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
1.1M 14K 34
(Completed) Warning: Matured Content After being cheated on many times, Doctora Monica still chose her husband over anyone because she didn't want h...
371K 6.4K 45
To sail across the seven seas and to dock in many ports. Those are just the two things Kiro Danvier Celeres aimed for his life. He is popular as the...