Deceive me, Love (Buenavista...

By Eishstories

153K 1.9K 1.2K

First book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Ma... More

Deceive me, Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 21

3K 44 26
By Eishstories

Chapter 21
Believe


Dinala ko ang sarili sa loob ng banyo nang makawala sa pagkakadagan niya. Humilig ako sa pintuan at mapakapit sa dibdib. And before I could even think about things that includes Range in it, mimabuti ko nang maligo.

Pagkalabas ko ng banyo, tulog na tulog pa rin siya. Maingat ako sa galaw dahil takot din naman akong masiging siya nang hindi pa ako nakakapagbihis. With ease, bumaba ako sa kitchen, dito lang kasi may tao dahil sobrang aga pa.

Animo'y pinagbagsakan ng langit at lupa ang histura ni Nanay Leticia nang makita akong mag-isa lang. She even stretched herself to see if I have someone trailing behind me. At nang makita niyang wala ang alaga niya, marahan niya akong tinignan.

She sighed.

"Sana ay natulog pa kayo, hija. Maaga pa naman," sabay lapag ng kape sa harapan ko.

Umayos ako ng pag-upo sa bar stool at sumimsim sa kape. "Gising na ho ako eh,"

"Hindi ka napagod kagabi?" she asked casually.

Lumaki ang mata ko. Napaso pa ang dila sa kape pero pinigilan kong magreact lalo't seryoso si Nanay Leticia sa tanong niya.

"Wala hong ganoon, Ma'am..." hastily killing the idea that is forming in her head.

Hindi ko alam kung ano ang itatawag sa kaniya lalo't may mga kasambahay na nakikinig. I don't think it is appropriate to call her like how Range calls her.

She clicked her tongue then leaned on the breakfast counter. "May edad na kayo, Saint. Hindi na kayo mga bata pa. Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin?"

Nilapag ng isang kasambahay ang plato ng agahan sa harapan ko kaya bumaba ang tingin ko roon. Tumikhim ako at ibinalik kay Nanay ang tingin.

"Wala ho talaga," simple kong sabi.

"Morning..." Range suddenly and magically appeared on my right.

Nagkatinginan sila ni Nanay bago umupo sa katabi kong bar stool. Kinabahan kaagad ako dahil sumunod siya. Tingin ko tuloy hindi na naniniwala sa Nanay Leticia na walang nangyari kagabi.

"Magandang umaga, hijo." si Nanay bago tumalikod patungo sa mga naglulutong kasambahay.

"Bakit hindi mo ako ginising?" he asked cooly.

Lumipad ang tingin ko sa mga kasambahay na bahagya pala kaming tinitignan. Inusog ko ang bar stool papalayo sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay sa paglayo ko.

"Ba't naman kita gigisingin?" tumikhim ako.

Range pouted.

Mamasa-masa ang buhok niya at mukhang kakagaling lang sa pagligo. And he smells like my bodywash, sa kwarto ko rin siguro 'to naligo. He then swiftly took my fork with sausage in it. Pinakita niya sa akin ang pagkagat niya sa pagkain ko bago natawa.

"Sobrang aga niyo namang nagising, Range?" pareklamong sinabi ni Nanay nang ilapag niya ang tasa ng kape sa harapan ni Range. "Sabagay, mukhang ako pa ang gumising sa inyo kanina. Tsk."

Nabitin sa ere ang nakabuka kong bibig dahil sinagot ni Nanay ang sarili niyang tanong. Bago pa ako makasagot, tumalikod na siya para tumulong ulit sa pagluto ng agahan.

Pansin kong hawak na niya pala ang backrest ng stool kaya ko siya pagalit na nilingon. Ano ba 'tong pakulo niya? Kung maka-asta siya ay para kaming walang problema ah?

Can he stop acting as if we have no issue here?

Ilang subo pa lang ng agahan, binagsak ko na ang kubyertos sa plato. Range became stoic right after. Tinitignan niya lang ang plato ko.

"Can you fucking stop this game?" humina ang pananalita ko dahil sa ingay galing sa kalapit na hagdanan.

Sina Olivia iyon, sigurado ako. At bago pa ako makatayo paalis, pumasok sina Olivia sa kusina at tinignan ang katabi ko. Gulat sila na makitang sobrang lapit namin sa isa't isa.

Umirap si Mia sa likod.

Nanay immediately stepped in and shooed the girls to wait on the dining room. Mabuti at pinaalis sila bago pa makapagsalita si Olivia. Mukha niya kasi akong mumurahin kanina sa hitsura niya.

Ito na nga ba ang ayaw kong mangyari. Olivia obviously likes Range, and I feel obligated somehow to step aside. Alam kong gulo na naman 'to lalo't naranasan ko na iyan kay Lucas. Ako na ang iiwas hangga't maaga pa.

"Saint-"

Tinaas ko sa ere ang palad kaya siya nahinto. "I said stop this fucking game, Range. Pagod akong makipaglaro sa'yo. Puwede ba?!"

Kahit may mga kasambahay roong nakikinig, wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin nila sa paninigaw ko sa amo nila. Umakyat ako ng kwarto para hintayin ang pagtulak namin papuntang school.

In the outreach, Olivia's group are now sending me death glares. Alam ko kaagad na hindi nila papalampasin ang nakita sa kusina kanina. Kahit hindi ko pa nababasa ang isip nila'y alam ko na ang laman no'n. Aakalain na naman nilang inaagawan ko ng puwesto si Olivia kay Range.

Hindi na nakapagpigil si Olivia, nilapitan na niya ako rito sa gilid ng stage. Mabilis niya akong hinigit sa braso.

She laughed mockingly. "Maaga ka talagang nasiging para lang makalandi? Akala mo siguro kung aagahan mo ay hindi namin makikita at malalaman?"

Gusto kong matawa pero mas mag-aalab 'to sa galit ko kung iyon ang gagawin ko. Her eyebrow is twitching in anger.

"E 'di agahan mo rin bukas ng gising, Vi. Hindi ko naman hawak ang gising mo kaya ikaw na ang bahala r'yan." binigyan ko siya ng totoong ngiti.

Pinaningkitan niya ako at mas hinigpitan ang pagkakahigit sa braso ko para hindi ako makawala. Masakit ang kuko niyang bumabaon sa balat ko. Nagpumiglas ako para mabitawan niya.

"You think I don't notice your sensual stares to him, Saint? You have Lucas so don't sway now! Isa-isa lang at h'wag mong inaako lahat! Nagkakamabutihan na kami ni Range!"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Of course. Walang problema."

"You can have Lucas! I just realize..." she paused. "City boys are not really my type. Mas gusto ko na ang probinsiya at ang pamumuhay rito sa isla. At baka nga sa susunod, wala na ako sa hospital dahil dito na ako mamamalagi," hibang niyang dagdag.

Tumango ako kahit gustong-gusto ko na siyang tahasang sagutin. There are far greating things she has to learn about Range. But I won't be the one to tell her that. Bahala siyang mapaso kay Range ng mag-isa niya.

"Siguraduhin mo munang wala iyang sabit, Vi. For all you know, he might have a fiancé. Alam mo naman na kapag ganiyan na mayaman ay posibleng may arranged marriage na, 'di ba?"

Umawang ang bibig niya pero kalaunan ay pinagtawanan ako.

"Sinisiraan mo lang siya sa akin para ikaw lang ang makinabang! Sasabihan mo ako ng mga negatibong bagay para mawalan ako ng gana sa kanya! Alam ko na kung gaano kadumi ka maglaro, Saint. But no, I don't think he has a fiancé yet," she smirked as if she's so sure of herself.

Bahagya na akong natawa. "Pinagsasabihan ka lang, Vi. Ba't mo ba ako ginagawang kalaban dito?"

"Because you are the enemy! Noon pa man! Mang-aagaw ka!" deri-deristo niyang sigaw sabay talikod.

Yumuko ako at hindi na pumatol pa. Naglakas loob akong tignan si Olivia pero umiiyak na ngayon kina Sophia at Mia. The two eyed me as if I killed someone, as if it was my fault for speaking the truth.

But I did my part. Hindi na ako magi-guilty pa kung lokohin nga siya ni Range dahil una pa lang, pinagsabihan ko na siya. Choice niya rin naman iyan sa huli.

Emma almost made me jump. Tinapik niya ako ng marahan sa balikat. Ang tingin niya'y nakay Olivia rin na walang humpay sa pag-iyak sa dulo.

Emma sighed. "Kung ako talaga ang nasa posisyon mo, Saint. Aalis at mag-re-resign na lang ako sa hospital. Mukhang kahit anong gawin mong pagpapaamo sa kanila ay hindi talaga uubra. Mamasamain at mamasamain nila lahat ng efforts mo,"

"Ikaw ang rason kung bakit hindi pa ako umaalis. Kapag umalis ako, ikaw naman ang pagtutulungan ng apat. Dapat sabay tayong aalis sa hospital at walang magpapaiwan,"

Emma sighed and nodded.

Kalaunan, natapos kami sa immunisation ng mga grade three students kaya balik kaagad kami sa mansyon. Ang mga resident doctors at mga nurses, nagpahinga rin dahil pagod. Kaming anim na kababaihan lang ang sasama sa pagpasyal ng Oro Verde.

May suot-suot kaming botas lalo na't maputik ang daan. Ang sabi ni Marcus, hindi raw kami aabot sa plantasyon, dito lang kami sa palibot ng mansyon papasyal. At dahil nga wala si Range, busangot ang mukha ni Olivia sa unahan.

Emma clasped her arm to mine for additional support, madulas kasi. "Ilang araw pa lang ay in love na kaagad iyang si Olivia sa batang senyor? Nahihibang ba siya o malandi lang talaga?"

Natawa ako at napailing.

"Hindi ko rin alam, Emma." iyon na lang ang naging sagot ko nang huminto ang grupo sa paglalakad.

"Sorbang layo na ba nang nilakad natin, Saint?" Edwardo asked me from behind.

Nilingon ko siya saka umiling. Mabagal nga ang kilos namin dahil sa putik. Siguro'y hanggang dito na lang kami at babalik na sa mansyon.

Nakikiusyuso sina Olivia sa paraan ng pagpapatakbo ng plantasyon. At kahit si Emma ay nakikinig sa kanila kung paano ang proseso, mula harvesting, papunta sa packaging.

At dahil hindi ako interesado gaya ng lahat, napagdesisyunan kong lumayo sa grupo. Mas maputik pa itong dinadaanan ko kaya maingat ang bawat hakbang ko sa lupa.

A faint sound of a twig breaking made me turn to my back. Sumunod pala si Olivia sa likod ko. She is gritting her teeth, even clenching her hands. Ano naman ang kinagagalit nito?

"Saint!" umalingawngaw ang sigaw niya.

What does she wants now?

Nakalapit siya ng husto sa akin kaya nagulat ako at hindi nakaatras papalayo.

"Gusto mo ba siya o hindi?!" nanggagalaiti niyang tanong.

Kumunot ang noo ko sa gulat. "Sino ba ang ibig mong sabihin-"

"Si Range! Gusto mo ba siya o hindi?! Aminin mong gusto mo rin siya dahil nakita mong interesado ako sa tao! Ganiyan ka naman kasi talaga. Lahat ng gusto ko, ginugusto mo rin!" she pushed my shoulder slightly.

Nanginginig ang braso niya sa galit kaya alam kong hindi siya nagbibiro sa pinagsasabi niya. Bumaon na sa akin kung ano ba talaga ang opinyon niya sa akin. Kalaban, iyon 'yon.

Kinalma ko ang sarili, huminga ako nang malalim muna bago sumagot.

"Hindi ko siya gusto, Vi."

Ngunit, nahirapan akong sabihin iyon. Ramdam ko ang pamamanas ng palad ko sa tanong niya at sa sagot ko. It was as if I was lying to myself the way my body reacts now.

She gritted her teeth again.

"Kung makita-kita pa kitang lalapit sa kanya, hindi ako magdadalawang isip na punain ka sa kalandian mo, Saint! You get me?! Pupunain kita kahit sa harapan pa ng iba kaya ngayon pa lang, isipin at kalkyulahin mo na ang galaw mo! Malandi ka!"

I nodded to concede.

Humakbang pasulong si Olivia at hindi pa tapos sa galit niya. Nanginginig niya akong pinagtuturo gamit ang hintuturo. Hindi ako makaatras kaagad dahil bumaon na ang boots ko sa putik. Tinulak niya ang braso ko, malakas na ngayon, hindi gaya kanina na mahina lang.

"Olivia! Can you stop advancing to me? Matutumba ako! Ano ba!" pasigaw kong saway pero hindi siya nagpapaawat.

"Titigil lang ako kung pipirmi ka na sa lugar mo. Stay in your fucking lane, Saint. H'wag kang tatapak sa dinadaanan ko!"

Sa panggigil niya ay malakas niya naitulak ang balikat ko. I lost my balance but regained it when I reached for her hand. At imbis na ako ang bumagsak sa putikan, siya ang sumalampak una ang puwet. Nahila ko siya pababa ng hindi ko namamalayan!

In that moment, I froze seeing her covered in dirt.

"Olivia!" I panicked but reached for her hand. "I am so... sorry."

Malakas niyang tinapik ang kamay kong inilahad para tulungan siya pataas. Kita ko ang pagbuhos ng luha sa kanya. Doon, mas lalo akong nanlamig sa kinatatayuan.

She cried more as if she in deep, deep pain. Hinahawakan niya ang baywang na parang doon ang masakit sa kaniya.

"You did it on purpose, you desperate bitch!"

"Anong nangyayari rito?" a deep baritone voice prevented me from defending myself.

Pumikit ako at mas niyukom ang kamao bago binalingan si Range. Galit niya akong tinignan, at kung bakit siya galit ay hindi ko rin alam. His curious eyes then went down to Olivia.

And there I felt my stomach shrunk to the dirt, too. Galit ba siya dahil akala niya'y tinulak at hinila ko si Olivia sa putikan?

Is... that it?

"Range," naiiyak na sinabi ni Olivia nang makalapit na si Range sa kanya.

What broke my heart is him being problematic about her. Parang hindi niya alam ang gagawin o sasabihin. Mas nanlamig ako nang nagsilapitan ang lahat sa amin. At lahat sila, tinitignan ako na animo'y kasalan ko ang lahat.

Kinagat ko ang ibabang labi.

"Vi, I am so sorry..." pag-ulit ko pero walang nakikinig.

Marcus went to Olivia's side to help as well.

Si Emma lang ang pumunta sa gilid ko at niyakap ang baywang ko bilang suporta. Umiinit ang gilid ng mata ko habang tinitignan si Range na binubuhat si Olivia pataas.

"K-Kung sana ay hindi mo ako tinulak, Vi." mahina kong depensa sa lahat.

"At kasalanan ko pa talaga?! Ikaw ang humila sa akin pababa sa putikan, Saint! You like to blame me on everything when it is already obvious that this is entirely your fault! Gusto mong binabali ang kasalan sa akin gayong ikaw naman ang mali! For what? Sympathy?!"

"I said I am sorry, Olivia! At hindi ko binabali ang kasalan ko, hinila mo rin talaga kasi ako kanina!" iritado ko nang sigaw.

"Enough!" Range thunderous voice echoed out in the open.

Mas niyukom ko ang kamao sa inis at galit nang pinatahimik ako ni Range. Mas naninikip ang dibdib ko lalo't halata na kahit siya'y hindi pakikingan ang panig ko. Wala man lang ba makikinig sa paliwanag ko? Even you, Range? Wala bang magtatanong kung sino ang nag-umpisa ng sigawan namin o kung ba't kami umabot sa sakitan?

Wala talaga?

Siguro'y buo na ang konklusyon nilang kasalanan ko lahat. Then fine!

"I will bring her with me," Range announced. "Ako lang ang may dalang kabayo sainyo, Marcus. Kaya ako na ang maghahatid sa mansyon."

Buhat-buhat ni Range si Olivia papunta sa kabayo niya. The three girls shook their heads in disbelief before turning their backs on us. Lahat sila ay sumama na roon kay Olivia. Naiwan lang ako kay Emma. Bumagsak ang luha ko ng tuluyan.

Pinilit kong huminga ng maayos. "Just go with them for now, Em. Susunod ako kalaunan,"

Emma's face painted hesitations. "Iiwan kita? Sigurado ka bang okay ka lang na mag-isa rito? Sumama ka na-"

Umiling ako. "Kaya ko na. Dito muna ako at magpapahangin lang. Please?"

Thankfully, Emma agreed. Sumama nga siya sa pagtulak nilang lahat pabalik ng mansyon.

Naninikip pa rin ang dibdib ko sa paninigaw ni Range. Pilit ko lang pinipigilang maiyak pa lalo. Nagsimula akong maglakad ng mas papalayo pa. At kahit naman hindi ko nalibot at saulado ang Oro Verde, alam ng mga paa ko kung sa'n ako dadalhin.

Bumaba na ang araw kaya ginamit ko ang cellphone bilang flashlight. Na kalaunan ay namatay rin ang baterya. And finally, after almost forever of walking, I reached the plateu area of Oro Verde. Dito ang barn at ang guest house nina Range, iyong tinuluyan namin noon.

Dito muna ako para magpakalma ng sistema. Nahihiya rin naman kasi ako sa nagawa ko kay Olivia. Napagtanto ko sa ilang oras kong paglalakad na tama nga siguro sila, na kasalan ko iyon lahat.

Pumikit ako at nagdadasal na sana ay bukas ang pintuan ng guest house. Pinihit ko unti-unti at nabuksan iyon. I sighed in relief.

Pinasadahan ko ng tingin ang bahay bago pinaandar ang ilaw. Pareho pa rin ang estilyo ng bahay gaya ng unang beses ko rito.

At dahil may nararamdaman akong sakit sa braso, bumama ang tingin ko roon. Two vertical line of wounds made me cry even more. Sobrang lalim pa ng isa at dumudugo. Siguro'y galing sa kuko ni Olivia kanina.

Dinala ko ang sarili sa sink para mahugasan ang mahapding sugat ko sa braso. Tinuko ko ang siko sa sink pero sumuko rin kalaunan. At sa prangkahang usapan lang, walang binatbat itong sugat ko sa braso kumpara sa nararamdaman ko sa puso ko ngayon.

Suminghap ako bago pa makapag-isip ng ibang bagay. Dala ko ang isang basong tubig para lumabas sa likurang patio. Pagod akong naupo para pagmasdan ang kabilugan ng buwan. My life was still and quiet for a moment, so still, in fact, that I almost forgot my ordeals.

The glass door squeaked harshly.

Napatayo ako sa takot nang iluwa roon ang galit na galit na si Range. His jaw clenched more when our eyes met. But seconds after, he relaxed as if seeing me standing here was an oasis after a long drought.

Kahit sa kadiliman ng gabi, hindi ko maipagkakaila na ganoon din ang nararamdaman ko para sa kanya. His eyes that are piercing right through me is as dark as the night.

Range is fuming. I stiffened in fear.

"Why can't we call you?" tanong niya gamit ang mahinanong tono.

Nagulat ako. Akala ko kasi na sisigawan niya ako. Pero tama nga siguro talaga ako sa naiisip kanina, na kumalma siya sa galit nang makita ako.

And why is that Range?

Nag-alala ka na sa akin? Ni hindi mo man lang nga ako kinamusta kanina kung okay ba ako? You jumped to Olivia straight on and forgot about me!

There we go...

Lumabas din sa akin na iyon ang kinagagalit ko mula pa kanina. Na galit akong hindi ako ang pinili niyang kampihan, na si Olivia ang pinili niyang unahin.

Galit ako sa'yo, Range!

"Bakit ka ba 'andito? At kung pagsasabihan mo lang din naman ako tungkol sa nangyari kanina. Umuwi ka na-"

"Sainthia!" loud growl from him made jump.

Pumikit siya. Makikita mong pinapakalma lang ang sarili, siguro'y hindi niya sadyang sigawan ako.

"Answer me, please. Why can't we call or reach you?" he added, but this time, calmer.

"Patay ang telepono ko, okay na? At ang sabi ko, kung pagagalitan mo nga ako at sisisihin sa nangyari kay Olivia. Huwag mo nang ituloy dahil alam at aminado akong kasalanan ko lahat. No need to rub the blame on my face, Range. Alam ko na!"

He pursed his lips, as if he was trying to calm himself down. At the same time, understand my words the best way he could.

Tumulo ang luha ko sa wakas nang mas isinara niya ang pagitan namin. Yumuko ako.

"You are going blame me, right? Iyon naman ang tingin nilang lahat kanina. Na ako ang nanguna, na ginusto kong masaktan siya. At iyon din ang tingin mo, 'di ba?"

Range heaved. Tinaas niya ang ulo ko sa pagkakayuko gamit ang hintuturo niya. Malambot niya akong tinignan nang makumpirma niya nga'ng umiiyak ako.

"Hindi kita sinisisi," he chuckled. "But can you tell me what really happened back there, Saint? Did you really start the fight?"

Tinapik ko ang kamay niya paalis sa mukha ko. Mas minasamaan ko siya ng tingin.

"Hinila ko nga siya sa putikan, oo, totoo 'yon. Kaya ko nga inaako lahat ng kasalan, 'di ba? At isa pa, pagod na akong mag-explain." dahil hindi mo naman ako pakikingan!

Ngumuso siya bahagya. "And you pulled her to the dirt because?"

"Because she tried to push me, Range! No. Actually, she pulled me already and that made me lose my balance! Kumapit ako sa kanya at nahila siya pababa," humina ang boses ko nang pinaningkitan niya ako ng tingin.

Mukhang hindi niya ako pinapaniwaalan. Sa loob-loob ko tuloy, mas lalo akong umaapoy sa galit.

"Ang sabi niya sa akin kanina, nagalit ka dahil nagseselos sa kanya at sa manliligaw mong doktor. Pinagsalitaan mo raw ng masama at tinulak. Is that true, Saint?"

Lumaki ang mata ko sa pag-iba ni Olivia ng istorya para ako ang mas magmukhang masama. But I can't tell Range that she twisted the story. Paano ko kasi sasabihin na siya ang pinagtalunan namin at hindi naman si Lucas?

I groaned. "Bahala ka kung iyan ang gusto mong paniwalaan, Range. Inaksaya mo lang ang oras kong mag-explain. Hindi mo rin naman ako-"

Hindi ko naituloy ang reklamo ko nang hinigit niya ang braso ko para mas pagmasdan. Itatago ko pa sana ang sugat pero nakita niya na iyon. At ang traidor kong luha, bumagsak naman nang hinila niya ako papasok ng bahay.

Iniwan niya ako sa sala at nagmamadaling umalis. At pagbalik niya'y may dala na siyang first aid kit. Mabigat ang paghinga niya habang tinitignan ang malalim kong sugat.

"You believed her twisted story, Range..." mas lumalim ang pag-iyak ko. "Sa kaniya ka naniwala kanina at hindi sa akin. Siya ang inuna mo kahit kita mo nang may sugat din ako. Kinampihan mo siya," nakakainis na parang tonong nagtatampo ako.

Siguro nga. Siguro ay sobrang nagtatampo ako ng husto sa kaniya.

He sighed. "Her story is somehow... believable,"

"What? Na nagseselos ako sa kanila ni Lucas?"

Diniin niya ang bulak na may betadine sa sugat ko bago niya ako tinignan.

"Yeah."

"Tss. Hindi naman si Lucas ang pinag-awayan namin kanina. At isa pa, bakit naman ako magseselos-"

"Because you fancy that guy?" iritado niya akong binalingan.

I pursed my lips. And because I wasn't able to answer him as quickly as he expected. Umusog siya papalayo sa akin.

"You like that guy, Saint?" he echoed.

Umiling ako. "Kahit naman anong sabihin ko sa'yo, hindi mo naman ako pakikinggan dahil mas naniniwala ka sa kwento ni Olivia! E 'di, ba't ka pa nandito? If you already chose her, then be with her, Range! I don't need your pity-"

Natigilan ako nang bigla niyang pinahiran ang luha ko sa pisngi gamit ang hinlalaki niya. His hand rested on my face, and his eyes were are intensely looking at me.

He sighed. "I will always side you. And I'd believe no one other than you, Saint. Whatever you say now or even tomorrow, I'd believe wholeheartedly. You know, why is that?"

"Why, Range? Why would you believe in me if you know well... I can't reciprocate that back to you?" namamaos kong agap.

"Dahil ikaw ang nagsabi, Saint. " he chuckled whilst brushing my cheeks. "You have whipped me hard even before. Now only your opinion matters to me."

Continue Reading

You'll Also Like

176K 4.2K 46
Envy is when one lacks another's superior quality, achievement, or possession and either desires it or wishes that the other lacked it. | Seven Deadl...
253K 24.8K 60
Tate Arisse Zacarias came from a simple family and decided to take up Journalism at one of the best universities in the country. She left her family...
10.6K 358 33
(Paradise Series#1) When I let him enter my life. I lost someone important to me. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started:...
883K 40K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.