I'm Inlove With My Maid's Dau...

By Zhaeya_

230K 5K 173

He is contented for all the things that he have now, until the daughter of his maid came. More

Im Inlove With My Maid's Daughter
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue part 1
Epilogue part 2
Author's Note

Chapter 7

5.6K 135 3
By Zhaeya_

-

Matapos kong makita ang bigay sa akin ni Zackelthon hindi ko talaga maiwasang mapangiti. Sya lang ang nag bigay sa akin ng ganitong kamahal na regalo. Nong nakita ko ito, halos hindi ko matanggal ang paningin ko, ngayon nasa mga kamay ko na.

Sobrang mahal ang binigay nya. Bakit nya ako binigyan ng ganito? Alam ba nya na gusto ko ito?

Binalik ko sa box ang kwentas na bigay nya sa akin. Eh susuli ko ito sa kanya, dahil nahihiya ako.

Kalaunan pumasok si Mama sa kwarto na nakangiti. Nanatili lang akong nakaupo sa kama, habang sya ay papalapit sa akin.

"Anak? Nakapag desisyon ka na ba?" Tanong nya sa akin, habang naupo sya sa tabi ko.

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapagdesisyon. May parte sa akin na gusto kong mag-aral d'on, high school palang ako, hanggang pangarap lang talaga ako na makapasok sa paaralan na iyan, dahil sobrang mahal ng tuition. Halos hindi nga namin mabayaran ang mga utang ni Papa ng ilang taon, paano nalang kaha kong ang tuition d'on ay kalahating milyon. Siguro sa nga mayayaman na katulad ng mga Del Faszo kaya lang bayaran ng isang araw.

"H-hindi pa po" sagot ko.

Bumuntong hininga si Mama sa ka hinawakan ang kamay ko. Malumanay ko syang tinitigan.

"Sana anak makapag desisyon ka na, pag d'on ka makapag-aral, siguradong maraming trabaho ang maghihintay sa iyo dahil galing ka sa paaralan na iyon. Alam ko namang pangarap mo din na mag-aral d'on kaya pumayag ako sa offer nila, pero nasa iyo parin naman ang desisyon anak"

Pag d'on ako pumasok maraming trabaho ang mag-aabang sa akin. Makukuha ko din ang kurso na gusto ko. Pero umaapaw sa akin na nahihiya.

"Anak, alam ko namang, marami na silang naitulong sa atin. Pero ikaw parin ang bahala" dagdag nya.

Pagkatapos naming mag-usap ni Mama nahiga na sya kama at natulog. Gising na gising parin ako at iniisip kong tatanggapin ko ba ang inoffer nila sa akin. I want to take business ad. And build my own pastry for business. Pero may parte sa akin na education. Pwede naman sigurong mag business ako habang nagtuturo. Pero pwede naman akong mag-aral sa ibang unibersedad. Pero gaya ng sabi ni Mama, maraming trabaho ang mag-aabang pag d'on ako mag-aral.

Nakatulugan ko nalang ang pag-iisip. Kinabukasan nagising ako dahil sa ingay ng mga kasambahay. Bumangon ako sa kama at inayos ang sarili bago lumabas.

Nakita ko silang nag-tipon, pero kunti lang ang nandito ang iba nasa loob siguro. Nang napansin nila akong nakatayo, binati nila agad ako.

"Magandang Umaga Ysha" sabi ng babae na kasing edad ni Mama.

"Magandang Umaga din po" bati ko. "Nasan si Mama?"

"Ah, nasa loob nag luluto, nandito kasi si Chairman kaya naging abala sila"

Chairman? Sinong chairman?

Napansin siguro niya na hindi ko kilala kaya nagsalita sya ulit.

"Yung ama ni Mr. Del Faszo iyon ija, kasama ata ang mapa-pangasawa ni Sir Zackelthon" sagot nya.

Asawa? Mapa-pangasawa ni Zackelthon?

Hindi ko maintindihan pero bigla nalang akong nakaramdam ng sakit. Ramdam kong bumagsak ang balikat ko. Bakit ba ako nasasaktan?

Tinignan ko ang kasambahay na kausap ko kanina. Nakatingin lang sya sa akin, na parang sinusuri ako. Ningitian ko lang sya. At bumalik na sa kwarto. Naligo na ako at nag-bihis para makapasok sa trabaho. Nakalimutan kong may trabaho pa pala ako.

Hindi na ako kumain ng umagahan, at dirediretsung tumakbo palabas. Nakita ko ang dalawang sasakyan na hindi pamilyar sa akin. Sasakyan siguro ng mapapangasawa ni Zackelthon. Tuwing iniisip ko iyon nasasaktan ako.

Gaya ng inaasahan mayaman, talaga ang mapapangasawa nya.

Habang nag-tatrabaho ako, hindi mawala-wala sa isip ko ang sinabi ng kasambahay kanina. Sino ba ang mapapangasawa ni Zackelthon? Siguro kasing yaman din nila. Maganda kaya? Mabait?

Napailing-iling nalang ako sa mga iniisip ko. Bakit ba ini-isip ko yon? Hindi ko na talaga naintindihan ang sarili ko.

Panay buntong hininga ang ginawa ko sa trabaho. May customer tuloy na nag reklamo dahil mali ang binigay ko.

"Ang sabi ko hot chocolate hindi Kape" galit na bulyaw nya sa akin. Mabuti nalang at walang masyadong costumer.

"S-sorry po Ma'am"

"Bilis"

Nag-timpla ulit ako ng hot chocolate.  Ano ba Ysha! Umayos ka!

Napansin siguro ako nila Ella at Jason dahil lumapit sila sa akin. Ngumuso lang ako habang ginagawa ang order. Hindi ko pinansin si Ella at Jason na nasa tabi ko. Kinuha ko na ang hot chocolate pero binawi ito sa akin ni Jason.

"Ako na." presenta sa akin.

Hindi na ako nakatanggi dahil nasa kamay nya naman iyon. Napa buntong hininga nalang ulit ako. At naupo sa counter. Tinitignan ang table ni Zackelthon, pero walang naka upo don.

Malamang hindi talaga sya makakapunta dito. Bisita nya ang mapapangasawa eh. Ito na naman ang puso ko kumikirot, ano bang problema nito?

"Woi, ghorl! Lakas maka exhale! May problema?" Tanong sa akin ni Ella.

Hindi ko sya sinagot. Nanatili akong nakatingin sa table ni Zackelthon. Hindi ba sya, bibili ngayon? Malamang, meron ngang bisita. Teka nga bakit ko ba iniisip iyon?

"Ay hindi namamansin." singit ni Jason.

At this time nilingon ko na sila. Sa lalim na iniisip ko, hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Jason. Naka tingin din sila sa table kung saan ako naka tingin. Nahiya tuloy ako.

"Hala wala si Sir pogi" sabi ni Jason.

"Hinahanap mo ghorl?" Tanong ni Ella.

Umiling kaagad ako. Hala! Napansin nila!

"H-hindi ah" I denied.

"Halata namang hinahanap eh!"

"Hindi talaga."

"Sus! Sobrang halata mo ghorl!" Sabi ni Ella habang kinukusot ang mukha ko.

"Hindi nga" sabi ko ulit.

"Halata! Ngang may gusto ka sa kanya eh!"

Gulat akong napatingin ni Jason. Gusto? Gusto ko Zackelthon?
I can feel my face heated. And my heart is beating so fast again!

"Oiii namula sya" tukso nila sa akin. Habang tinusok-tusok ang tagiliran ko.

"H-hindi a-ah!"

"Oiiii nauutal sya haha" tawa nilang dalawa.

Dahil sa hiya ko, tumayo na ako at nagsimula na ulit sa trabaho. Imposibling magkagusto ako sa kanya! Waka akong gusto. Pero tuwing iniisip ko na meron sa bahay nya ang mapapangasawa nya nasasaktan ako. Hala! Ano bayan! Wala nga akong gusto eh.

Naglalaban ang puso at isip ko. Hindi ko alam kong ano ang tama sa dalawa. Nag hapon nalang wala parin si Zackelthon. Hindi ba sya magpa-padeliver? Baka wala sa opsina dahil nasa bahay kasama ang mapapangasawa nya. Sino kaya iyon?

Inabala ko nalang ang sarili ko sa trabaho, pero kahit anong gawin ko hindi matanggal sa isip ko ang fiancé ni Zackelthon.

"Ano ba talaga problema mo Ysha?" Tanong sa akin ni Ella.

"Wala nga." Maliit na sagot ko.

Hindi na nila ako kinulit, kaya nag pa tuloy ako sa tintrabaho.

Hindi ko napansin na gabi na pala. Pumasok na ako sa staffroom at nagbihis ng damit. I tangled my hair in ponytail. Nasa bahay pa kaya iyong mapapangasawa nya? Naiinis na ako sa sarili ko dahil nasasaktan ako tuwing iniisip iyon. Posible kayang may gusto ako sa kanya? Napailing iling nalang ako sa iniisip ko. Hindi pwede! May napapangasawa nanga sya eh!

Nakapasok na ako sa village at binati si Mang Rudnel. Nag-alala na naman sya dahil gabi na naman daw ako na ka uwi.

"Wag kang magpa-pagabi ija"

"Hindi po maiwasan, nagtatrabaho ako eh"

Nakapasok na ako sa bakuran ng bahay. Ng nasa harap na ako ng bahay meron parin ang dalawang sasakyan kanina.

Dito kaya sila matutulog? Sino kaya ang babae? Saan sya matutulog? Sa kwarto din ba ni Zackelthon?

Iniisip ko palang na nagkatabi silang matulog parang nadudurog at naluluha ako. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nakapasok na ako ngayon sa kwarto namin ni Mama, agad akong naligo at nag bihis. Wala ang mga kasambahay siguro nasa loob at nagta-trabaho. Hihintayin ko sana si Mama dito pero nag text sya sa akin na sa kusina na daw ako kumain.

Ng papasok na ako sa loob ng kusina rinig ko ang mga usapan nila. Kaya hindi mo na ako pumasok.

"Ang gandang babae ng mapapangasawa ni Sir ah"

"Elegante"

"Ang yaman din"

"Bagay silang dalawa maganda at guwapo"

"Pero hindi naman masyadong pinapansin ni Sir iyong mapapangasawa nya"

"Nag away ata."

Nag-away?

Kumatok na ako at pumasok. Nakatingin silang lahat sa akin. At bumalik sa pagkain. Umupo ako sa bakanteng upuan na katabi ni Mama. At nag simula ng kumain.

"Nako! Nakita mo ba ang mapapangasawa ni Sir, Ysha?" Tanong ni Eva sa akin.

Nagulat ako sa tanong nya, pero hindi ko pinahalata.

"H-hindi eh" sabi ko. Pero sino kaya iyon?

"Nako mas maganda pa naman si Ysha keysa don" sabi ng isang kasambahay.

"Check ka d'on Ate Mara" sang-ayon ni Eva.

Habang kumakain kami. Hindi ako mapakali. Sino kaya ang mapapangasawa ni Zackelthon? May gusto kaya sya d'on? Malamang papayag ba sya pag hindi nya gusto iyon?

Hindi ko nalang iyon pinansin at nag patuloy sila sa usapan. Narinig kong biglang bumukas ang pinto at natahimik sila. Hindi ko lang iyon pinansin at nag patuloy nalang sa pagkain.

"Magandang gabi po Sir" basag ni Eva sa katahimikan.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kabahan at na mapaangat ng tingin. D'on ko nakita si Zackelthon na naka itim na Vneck shirt at naka jeans. Bigla nalang lumakas ang tibok ng puso ko. Nakatingin sya sa akin, at napatingin din ako sa kanya. Kita ko sa mga mata nya na masaya sya. Masaya sya siguro dahil nandito napapangasawa nya? Binawi ko agad ang tingin ko dahil naiilang ako.

Bakit natuwa ako na makita sya ngayon? Bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko?

"Im sorry, may hinahanap lang ako, nakita ko na pala." mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil narinig ko ang boses nya. Umalis sya agad matapos sabihin iyon. Anong hinahanap nya?

"Ano kaya hinahanap ni Sir?" Tanong ni Eva.

"Ewan." Sagot ng isa.

Matapos naming kumain. Tumulong na ako sa ginagawa nila. Ng biglang tinawag ako ni Ate Mara.

"Ysha, ikaw mona mag hatid sa loob, nagpapatulong kasi si Mama mo" utos nya sa akin.

Tinignan ko ang dala nyang bote ng pitsel na may laman na pine apple juice at limang baso. Tinanggap ko iyon.

"Sige po."

"Salamat ija."

Ngumiti ako sa kanya, at kinuha ang tray dala nya. E, hahatid ko lang naman at wala ng iba. Habang nag lalakad ako sa hallway kinakabahan ako. Ng nasa tapat na ako ng pinto ng dining room. Parang pinipigilan ako ng sarili ko na pumasok.

Papasok na sana ako ng makita ko ang isang kasambahay na pabalik sa kusina, ng bigla ko syang tinawag. Parang hindi ko kayang pumasok. Lumapit ako sa kanya at kinausap.

"Ate, ikaw mo na maghatid sa loob, nahihiya ako eh" sabi ko.

She tilted her head curiosly, pero pumayag naman sya. Nakaramdam tuloy ako ng ginhawa.

"Sige Ysha" binigay ko sa kanya ang tray, kaya ako na ang nag presenta na buksan ang pinto. Sana hindi ko nalang pala ginawa dahil nakita ko ang nasa loob.

Ang magandang babae na nakayakap sa braso ni Zackelthon na malalaki ang ngiti, pero ang tingin ni Zackelthon ay nasa pagkain lang. Bigla akong nakaramdam ng sakit. Hindi maalis sa tingin ko ang posesyon ng dalawa, ng biglang bumaling ang tingin ni Zackelthon sa akin. Kita ko sa nga mata nya na nagulat sya, kaya bigla nyang inalis ang pagkakayakap nito.

Sinara ko agad ang pinto, tumalikod at umalis. Patakbo kong tinahak ang living area, hanggang sa makarating ako sa kusina. Hinanap agad ng mata ko si Mama. Nakita ko sya agad na nagpupunas ng mga pinggan.

"Ma, mauna na po ako sa loob" mahinang sambit ko.

Tinitigan ako ni Mama. "Okay ka lang?" Tanong nya. Tumango lang ako bilang sagot at tinalikuran sya. Pagkalabas ko sa kusina, nangingilid ang mga luha ko. Ano bang nangyayari sa akin?

Nahiga agad ako sa kama pagkapasok ko sa kwarto. Palipat-lipat ang posesyon ko dahil hindi ako mapakali. Ilang minuto ang nakalipas, Naramdaman kong pumihit ang pinto kaya ng papanggap akong tulog. Naramdaman kong nahiga agad si Mama sa kama. Kaya dinilat ko na ang nga mata ko.

Hindi ko napansin kong ilang oras na akong gising at hindi makatulog. Bumangon ako sa kama para lumabas at makapaghangin. Pagkalabas ko, umupo ako sa bench sa harap ng fountain. Tumingala ako para makita ang mga bituin. Napakaganda nila.

"Kumusta ka dyan Pa?" Wala sa sariling tanong ko.

Pumikit ako at dinama ang malamig na hangin. Bigla akong nakarinig na parang may nag-uusap. Nilibot ko ang tingin ko para malaman kong nas'an iyon.

Nakita ko ang anino, nasa may balkonahe. Tumayo ako para lapitan iyon. Hindi ko naman ginagawa ang lumapit pag may nag-uusap pero parang gusto kong malaman kung ano iyon. Pinipigilan ko ang sarili ko na lumapit pero parang may sariling utak ang mga paa ko. Ng malapit na ako sa dalawang anino, narinig ko agad ang sinabi ng boses babae.

"I love you"

Nagulat at kinabahan agad ako sa narinig ko, hindi ko alam kong bakit. Pero walang sumagot sa kanya. Kaya sinilip ko kung anong ginagawa nila.

My eyes widened, my heart hurts. I can feel my tears rolling down to my cheeks. Completely stunned.

Zackelthon and his fiancé kissing.

Tinalikuran ko agad sila at tumakbo palayo. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang pinipiraso. Habang tumatakbo ako palayo, pinupunasan ko ang luha na patuloy na umaagos. Why am I acting like this?

Nakapasok agad ako sa kwarto at agad na humiga. I am covering my mouth with pillow, hoping that my mother won't hear my sobs. Why am I crying? Dahil ba nasaktan ako sa nakita ko? Bakit ako nasasaktan sa nakita ko?

Posible kayang may gusto ako sa kanya? Tuwing naririnig ko ang boses nya, masaya at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pag hindi ko sya nakita, hinahanap ko sya. At sa nakita ko kanina nasasaktan ako.

May gusto nga ako sa kanya....

Continue Reading

You'll Also Like

253K 574 21
TOM KAULITZ SMUT
189K 690 25
18+ ပါ။ စောက်ပတ်ထဲလိုးမသွင်းခင် လုပ်မယ့်ဟာတွေ ရေးမှာ။ ညစ်ညမ်းစာတွေပါ။
26.7K 3.5K 24
sᴏ ʜᴇʀᴇ ɪ ᴄᴏᴍᴇ ᴡɪᴛʜ sᴇᴀsᴏɴ 𝟸 ᴏғ ᴛʜᴇ ᴍᴏsᴛ ᴅᴇᴍᴀɴᴅᴇᴅ ɪᴛᴠ sᴇʀɪᴀʟ ᴍᴀᴅᴅᴀᴍ sɪʀ❤️..ʜᴇʀᴇ ʏᴏᴜ ɢᴜʏs ɢᴏᴛ ᴡɪᴛɴᴇss ᴏғ ᴛʜᴇ ɴᴇᴡ ᴊᴏᴜʀɴᴇʏ ᴏғ ᴍᴘᴛ ᴍᴇᴍʙᴇʀs ᴀғᴛᴇʀ ᴛʜᴇ ʙᴏ...
45.9K 927 188
She is the heart of everyone, she is the little princess in the capital circle, she is the eldest lady who trampled the underworld under her feet, sh...