Herrera Series 7: Owning the...

بواسطة KNJTHNDSME

347K 14.4K 1.2K

Nang makulong ang boyfriend ni Roxanne na si Ellis dahil sa rape at frustrated murder. Ginawa niya ang lahat... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26-27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Special Chapter

Chapter 31

6.8K 333 24
بواسطة KNJTHNDSME

Chapter 31

HINDI na nadismaya si Lucien nang pagpunta niya sa bahay ni Roxanne ay wala ito. Ngunit ang tanging ikinadismaya niya ay ang makita ang karatulang nasa harap ng malaking bahay na ilang buwan palang nilang tinirhan.

Malamang ay ang Don ang nagplano niyon. Ang ibenta ang bahay ni Roxanne upang itago ito sa kanya. Iyon ang ginawa ng mga ito nang makalaya si Ellis. At ginawa na naman ng mga ito upang itago sa kanya.

Bagsak ang balikat na napabuntong hininga siya. Isang linggo narin ang nakalipas nang huli niyang makita ang dalaga. Isang linggo na siyang nagpapabalik-balik, nagbabakasakaling makita niya ito at makausap.

Maging ang cellphone number nito ay hindi niya matawagan. Malamang ay nagpalit ito ng numero upang iwasan siya.

Isang araw pa nga lang ay hindi na niya kaya. Palagi niyang naiisip ang dalaga at hindi siya mapakali dahil sa pangamba na kanyang nadarama.

Mabigat ang dibdib niya dahil wala siyang kaalam alam sa kung ano ang nangyayari sa dalaga. Hindi niya alam kung kamusta na ito, kung iniisip rin ba siya nito o kung hindi na.

Pakiramdam niya ay naging impyerno ang buhay niya sa loob ng isang linggo na hindi niya ito nakita.

Kaya naman nagbakasali siya. Hindi niya iisipin kung paano siya nito pakitunguhan. Ang mahalaga ay makausap niya ito.

Ngunit sa isang linggong iyon ay paulit-ulit lang siyang nabibigo. Kung alam lang niya ang opisina nito, baka doon ay makita niya ang dalaga. Pero kahit siguro katiting na swerte ay hindi lalapit sa kanya.

"Kahit masilayan lang kita, Roxanne. Kahit iyon lang sapat na sa akin." Aniya sa sarili.

Naglalakad siya sa gilid ng mall at wala siyang planong igala ang mga mata niya nang marinig ang pamilyar na boses.

Hindi pa iyon klaro sa kanya pero kaagad niya itong hinanap.

Si Celeste kasama ang asawa at dalawa nitong anak. Kalalabas lang ng mga ito sa mall.

Kusang humakbang ang kanyang mga paa nang makakita siya ng pag-asa ng mga oras na iyon. Walang alinlangan siyang lumapit sa mga ito at sinikap ang distansya upang hindi mabigla ang mga ito.

"L-Lu..cien?" Halos ayaw nang sambitin ni Celeste ang kanyang pangalan. Ngunit hindi niya nakakitaan ng pagkadisgusto o galit ang mukha nito. Bagkus ay nag-aalala ito.

Kung anuman ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga ay malaman niya mula rito kung nasaan ang dalaga.

"Nasaan si Roxanne? Can I see her, please? Can I talk to her?" Pagmamakaawa niya.

Bumaling si Celeste sa asawa nito. "Mauna na kayo sa kotse. Susunod ako."

Tumango si Aspen bago bumaling sa kanya. Hindi na ito nagsalita pa at binuhat nalang ang dalawang anak saka naglakad patungo sa kung saan.

Napangiwi si Celeste pero ang ngiwing iyon ay nagpapakita ng awa sa kanya. "What happen to you? You looked awful."

Wala siyang pakialam sa hitsura niya. Kung hindi pa siya nakapag-shave o kung maitim na ang gilid ng kanyang mga mata dahil sa gabi gabing hindi siya makatulog. O kung sa pagbawas ng timbang niya dahil sa hindi siya makakakakain ng tama.

Ang tanging nasa isip lang niya ay kung paano mapapatawad ni Roxanne.

"You have to give her time, Lucien. Hindi madali para sa kanya ang mga nalaman." Nanlulumong anito.  "I mean, if I were her, I would've confronted you instead. I would just lash on you and smack you in the face. But I am not Roxanne." Napabuntong hininga si Celeste. "You don't know what she have been through. Kapatid niya ang pinag-uusapan natin dito. And the fact that you hide it from her, is even worst."

"What should I do?" Maluha luha niyang tanong sa pinsan ni Roxanne. Ramdam niya ang init sa kanyang pisngi.

"If you truly sorry about it. Just respect her. She wants peace. If she accept your apology, then good for you. But if she doesn't, well, you have to move on." Nagkibit balikat si Celeste.

Marahas siyang napailing. Doon na bumuhos ang emosyon niya. Sa iisiping hindi na siya kaya pang tanggapin ng dalaga ay parang kutsilyo na unti unting pumapatay sa kanya.

Iniisip pa lang niya ay parang kinikitil na ang buhay niya. Paano pa kaya kung totoong wala na talaga sa puso ni Roxanne ang magpatawad.

"I can't!" Halos isigaw na niya ang sakit sa puso niya. Hindi niya kayang mawala sa kanya ang dalaga. "I can't.. I am used to her being around! As if my life is revolving around her! She is my life! Kapag nawala siya, ikamamatay ko."

"That's life." Walang ganang ani Celeste. "Nagiging buhay natin ang taong nagpapatibok sa puso natin. Para bang sila ang nagbibigay buhay sa atin kahit hindi naman talaga." Bahagyang natawa si Celeste. "I've been through that. Trust me, iyan palang ang simula ng sakit na nararamdaman mo. Mas masakit pa kapag kaharap mo na 'yong buhay na sinasabi mo, pero hindi mo siya magawang hawakan kasi galit siya sa'yo."

"I.. know.. I can feel that already."

"Hindi naman kami galit sa'yo. Galit kami sa ginawa mo. Para kaming mga tanga na pinakisamahan ka ng maayos tapos ikaw hindi ka naging tapat sa amin." Bakas sa tono ni Celeste ang galit. Pero hindi iyon galit na hindi kayang magpatawad.

"Akala ko kasi, hindi niyo ako mapapatawad." Napapahiyang aniya. "I know it's not me, but still. Because of me, her brother died."

"Well, technically!" Tinaasan siya nito ng kilay saka ito umirap sa hangin. "What do you expect? Alangan namang mag-party kami dahil nalaman namin kung sino ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid ni Roxanne. But that doesn't mean we are mad at you forever. You did nothing wrong! Ang sa amin lang, sana ay naging honest ka."

"Paano si Roxanne?.."

"She's a handful alright. But there is noway she couldn't forgive you. Just give her  time." Bigla ay lumamlam ang mga mata ni Celeste. "Nakita ko kung paano siya nag-suffer sa pagkamatay ng kapatid niya. She took the blame. Her father blamed her for what happen. She blamed herself. Lumayo ang loob niya sa amin at hindi namin alam kung paano siya lalapitan.

"Alam namin na sa loob loob niya, kinikimkim niya ang sama ng loob niya sa amin. Ayaw namin siyang kaawaan, that would make her feel bad for herself even more. Kaya hindi mo siya masisisi kung galit siya sa'yo."

"I want to talk to her. Explain my side."

"Kung mag-eexplain ka rin pala, bakit kailangan mo pa humingi ng tawad?" Nagtatakang tanong ni Celeste. "I mean, you say sorry that's great. But to explain? For what? Para makatakas ka sa kasalanan mo?" Bigla ay nagbago ang ekspresyon ni Celeste dahilan para hindi siya makakibo.

Hindi niya alam kung bago lang ba iyon rito o talagang nakaugalian na ng angkan nila ang ganoong ekspresyon dahilan para tumayo ang balahibo niya sa bawat parte ng katawan niya.

"Never ruin an apology with an excuse."

Natigilan siya.

"Or else it won't be a sorry at all." Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito.

Hindi na niya hinabol ang babae. Wala na siyang lakas na humakbang pa. Sinundan nalang niya ng tingin ang papalayo nitong bulto.

Nang mawala na ito sa kanyang paningin ay napaupo siya sa sahig. Parang wala na siyang dahilan pa para mabuhay.

Bagsak balikat siyang napayuko. Sinandal niya ang dalawang siko sa kanyang tuhod at nanlalantang napatitig na lang sa semento.

"YOU put your house and apartment on a lease?" Hindi makapaniwalang tanong ng kanyang Lolo.

Ang akala niya ay iba ang punta nito sa office niya.

"Yes, Lolo. I don't think I can live there anymore."

"You could've just give it to Lucien."

Mahina siyang napaingos. "Please, I don't want to hear that name." Isang linggo narin siyang naging ilag sa pamilya niya. Umaasa siya na hindi babanggitin ng mga ito ang pangalan ng lalaking iyon.

Sa loob ng isang linggo, dapat alam na ng mga ito na ayaw niyang marinig ang pangalan na iyon, o 'di kaya'y pag-usapan ito.

Ngunit ang kanyang Lolo ay masyadong manhid at hindi siya pinakikiramdaman. O sadya lang talaga na gusto nitong pag-usapan ang lalaki.

"It's not his fault your brother died, Roxanne."

"Lolo, ayoko siyang pag-usapan!"

Napabuntong hininga ang Lolo niya. Umupo ito sa visitor's chair at malamlam ang tingin sa kanya. "Roxanne, don't be too hard on yourself. I am mad at him for not telling the truth. But he was just a boy back then. Like you. Kids are bound to have lots of mistakes, no wonder they got bruises all the time."

Umingos siya. "Kung hindi ba naman siya tanga na mapapasama sa fatal shooting na 'yon, sana ay buhay pa si Sebastian!"

"Then, if that crazy gunman didn't fatally shot them, hindi rin sana mababaril si Lucien."

Natigilan siya sa lohikal na sagot ng kanyang Lolo. Kailan ba niya ito natalo sa mga diskusyon? Kung si Sera lang siya, malamang ay natalo na niya ito. Pero hindi siya si Sera. Hindi siya kasing talino ni Sera.

"You could've blame it to the gunman. Or you could've blame it to whatever the gunman is frustrated about." Saad nito.

"Come to think of it, bakit ngayon lang ba lumutang ang tungkol sa nangyari? We are rich back then, aren't we? Bakit hindi manlang natin nagawan ng aksyon iyon? As far as I know, you have a lot of connection."

"Because of your Mother."

Mapakla siyang natawa. "Mom wants justice too!"

"She was too traumatize back then. You were young so you don't know. We know who the driver is. Pero itinigil namin ang kaso sapagkat, lumalala ang Mommy mo."

"I don't understand.."

"Sa tuwing papasok siya sa korte at haharapin ang taong nakasagasa sa kapatid mo, lalo lang siyang natu-trauma. She doesn't have the courage. Your Mom is weak when it comes to confrontation. Specially when it's something that took her mentally and emotionally."

"Hindi ko alam 'yan."

"Because you were young back then. Your Mom put a smile everytime she sees you, but behind those smile, she is painfully crying." Napabuntong hininga ang kanyang Lolo. "We don't have a choice but to choose your Mother's well being. Despite wanting to get justice he deserve, we can't afford to lose one member of our family."

Hindi siya makapaniwala. Napamaang lang siya. Kahit pa malinaw sa kanya ang mga sinasabi nito at kahit alam niya kung bakit nito iyon ginawa. Hindi parin sapat para sa kanya na baliwalain nalang ang pagkamatay ng kapatid niya.

"Alam kong hindi iyon sapat na dahilan para palayain siya. Sebastian is my grandson. But he was just a parent who tried to save his son. He didn't mean to hit your brother, it was an accident."

"That they ran away from!" Galit na aniya.

"Your brother is already at peace, Roxanne." Kinuha nito ang isang lumang folder na nasa lapag ng mesa niya. Kaso iyon ng kapatid niya. "Huwag mo na siyang guluhin pa. Don't torture your Mom even more. Huwag mo ng hanapin ang bagay na ikawawala ng pagkatao mo. You are not like that, sweetheart."

Hindi niya napigilang mapaluha. Bumugso ang sakit sa puso niya. Para bang may pumipisil roon at pinong pino na ginigigit upang mas maramdaman niya ang sakit.

"Sure, we couldn't change the past. They're no point on regretting. Move forward and stop stressing over something you have no control over." Saad nito. "Do something about the future. Forgive and forget. Palayain mo ang puso mo."

Hindi siya nakapagsalita. Hinayaan lang niya ang sarili na umiyak sa harap ng Lolo niya. Tumayo ito at naglakad palapit sa kanya. Nang ilapat nito ang palad sa kanyang likuran ay napatayo siya at niyakap nalang ang Lolo.

Tinugon nito ang yakap niya. "You were never a disappointment to me. Sera is not my favorite grand-daughter too. All of you have the same and fair special place in my heart. Always remember that."

Tumango lang siya. Hindi niya magawang isatinig ang sasabihin dahil sa naninikip ang lalamunan niya. Nagbabadya ang pagpiyok.

"Can we visit your brother, then?"

"S-Sure." Para siyang bata na pinunasan ang mga luha at ilong. Humihikbi na animo'y nagsusumbong sa Lolo.

Sa mga oras na iyon. Nakaramdam ng kaginhawaan ang puso niya. Nawala ang ilan sa bigat na nararamdaman niya. Ang pag-aalala sa prisensya ng Lolo niya at pagkompetensya kay Sera. Lahat ng iyon ay nawala.

Walang sinuman ang makapagpagaan ng puso ng isang tao kundi ang sariling pamilya lamang. Walang sinuman ang magmamahal sa kanya ng totoo kundi ang kanyang pamilya lamang.

Walang sinuman ang kayang gamutin ang sugat na meron siya, kundi ang kanyang pamilya.

Families are the great compass that guides her. They are the inspiration to reach great heights, and a comfort when she occationally falter.

Ang mga ito ang kanyang suporta sa tuwing babagsak siya. Kahit pa hindi naging malinaw iyon sa kanya, alam niya sa puso niya na hindi siya pababayaan ng mga ito.

She was lost once. But not anymore.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...