Kristine 16 - Hasta La Proxim...

By MarthaCecilia_PHR

952K 31.8K 3.6K

Dana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-ang... More

CAST
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
58

57

18.5K 624 181
By MarthaCecilia_PHR


"HI," nakangiting bati ni Lenny nang pagbuksan siya ni Dana ng pinto. Mahigit tatlong linggo silang hindi nagkita. At nasa mukha nito ang pag-asam... at pananabik.

"Hi yourself," ganti ng dalaga. Alanganing ngumiti, pinipigil ang sariling yakapin ang binata. May pananabik na hinagod ito ng tingin. "C-come on in..."

Humakbang ang binata papasok. Inikot ang tingin sa buong kabahayan upang alisin ang tensiyon sa katawan. He had never been this tensed all his life. So unsure of what would happen next.

"So this is your grandmother's house..." wika nito kasabay ng pag-alis ng bara ng lalamunan. Nadaanan ng tingin ang portrait ni Doña Isabel sa may dingding. Matagal na natuon doon ang paningin.

"T-that's Lola Isabel..."Bumaba ang tingin ni Lenny sa pangalang nakasulat sa ibaba ng kuwadro. Humakbang ito palapit. "Leon..."

"Yes," she said breathlessly. "Don Leon painted that portrait in 1928..." Humakbang si Dana patungo sa entrada ng veranda.

Sumunod si Lenny. Ang mga mata'y hindi humihiwalay sa mukha ng dalaga. He felt a warmth spread through his body. A warmth that had nothing to do with the hot morning sun na kumakalat sa veranda. It had something to do with Dana. That last three weeks was like a death sentence. Now that he had seen her again, it was as if she breathed life into him again, revived and rejuvenated him in a way he would have thought impossible.

"Dito... dito sa verandang ito ipininta ni Leon si Lola Isabel, Lenny," she said excitedly. Tila binubuhay sa isip ang nangyari may pitumpung taon na ang nakararaan. "There," itinuro niya ang bahagi ng barandilya na nalililiman ng punong kaimito. "Diyan nakaupo si Lola Isabel nang ipinta siya ni Le—ng lolo mo..."

"Come here, sweetheart," he urged huskily.

Dana stopped bubbling. Nawala ang excitement sa mukha. Nahalinhan ng ibang emosyon. Ng pananabik... ng pag-ibig. She walked towards him as if she was walking on air.

Lenny encircled her in his arms. Held her tightly for a long while. Then placed a finger on her chin and raised her face.

"I can paint better than my grandfather, mi alma," he murmured. "I have painted you in my heart... in my dream... etched every line of you in my mind. Hindi iyon mapaglalabo ng panahon tulad ng portrait ni Doña Isabel. Hindi iyon mawawalan ng kulay sa loob ng puso ko..."

"Oh, I love you so..." She sobbed.

"Just as I love you..." May dinukot sa bulsa ng pantalon si Lenny. Isang nakalukot na tissue paper at ibinigay sa kanya. "Para sa iyo, wala akong panahong bumili ng jeweller's box. Gusto kong makarating kaagad dito nang mabilis."

She smiled at him. "Wedding ring?"

Umiling ang binata. "Gagamitin mo ang singsing pangkasal na ginamit ni Doña Esmeralda nang magpakasal sila ni Don Leon. Iyan ang engagement ring mo. Dapat ay ibinigay ko sa iyo iyan noong gabing ianunsiyo ko ang engagement natin..."

She delicately fingered the tissue paper at inilabas ang nakabalot doong singsing upang manlaki ang mga mata at mamangha lamang.

"Oh, god!"

Lenny mistook her amazement as appreciation. "Nakita ko iyan sa heirloom box ni Don Leon, Dana. May naka-engrave na 'Isabel.' That must have been intended for your grandmother. And you are Dana Isabella. Pinadugtungan ko ng 'l' at 'a' ang dulo."

Kinuha nito ang singsing sa kamay niya at isinuot sa daliri niya. "I had this feeling na iyan ang dapat kong ibigay sa iyo mula sa mga naroong alahas. Do you mind?"

"M-mind?" ulit ni Dana na tila natutulala pa rin. "W-why should I when this ring belongs to me, Lenny." Tumingala siya sa binata. Her eyes misty. Your grandfather gave me this ring... ibinalik mo lang sa akin.

"May karapat-dapat pagbigyan ng singsing na iyan, Leon... Hindi ako... hindi sa panahong ito..."

She sobbed and whispered: "This ring is rightfully mine..."

"Of course, darling... of course." Lenny bent and kissed her. The kiss was different. It was gentle and achingly tender. Nakapaloob doon ang maraming damdaming hindi kayang sabihin ng mga salita.

Isang tikhim ang nagpahiwalay sa dalawa. Si Diana.It was another deja vu in Dana's mind. She could almost picture Consuelo standing on the same spot, the veranda's entrance.

"Joshua couldn't stop you two, could he?"

"Yes, ma'am, no one and nothing can stop us." naunang sumagot si Lenny bago pa makapagsalita si Dana. Possessively holding her tightly. "I love your daughter and she will be my wife. I am asking your permission now... I am taking Dana back to Paso de Blas. We will be married there in two weeks time."

"Mom, please..." si Dana nang matagal bago sumagot si Diana.

"How your father and I have lost you so soon, my darling..." Diana said somewhat sadly.

"No, ma'am." si Lenny uli. "You didn't lost your daughter yet you've gain a son."

Diana had to smile at that.

HINDI kayang ipaliwanag ni Diana ang emosyon sa mukha ng asawa nang sabihin niyang sumama si Dana kay Lenny pabalik ng Paso de Blas.

"Ikaw mismo ang nagpahintulot na isama ng lalaking iyon ang anak mo?" On his face was anger, shock, fear, and the urgency to get Dana back. "Oh, god! Habulin natin sila bago pa mahuli ang lahat."

"What is it with you, Joshua? Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pag-ayaw mo kay Lenny?" kasama ng pagtataka'y naroon na ang galit sa tinig ni Diana.

"You must be out of your mind, Diana! Papaano mo napayagang magpakasal ang dalawang iyon? Nakalimutan mo na bang anak mo kay Bernard si Dana?"

Nanlaki ang mga mata ni Diana sa matinding pagkabigla. "What?"

"Huwag mo akong titigan nang ganyan na tila ba nagka-amnesia ka sa mahabang panahon!" he shouted at her angrily. "Magkapatid sa ama ang dalawang iyon!"

"W-where did you get that idea, Josh?" Diana asked softly... confused.

"You were pregnant with Bernard's child when I married you, you told me so!"Diana was shocked and stunned for a moment. Tinitigan ang asawa na sa tingin niya'y nagkaroon ng maraming gatla sa noo. Pagkatapos ay biglang tumawa nang malakas.

"Oh, dear me!" aniya, still laughing to Joshua's consternation.

"What is going on, Diana? Have you really gone mad?"Pumormal si Diana bagaman nasa mga mata pa rin ang amusement. Ikinawit ang mga braso sa leeg ng asawa.

"Dana's your daughter, darling. Our daughter. You idiot, hindi ka ba marunong bumilang ng buwan? You're a doctor, Josh!" she was still smiling.

"I am a neuro-psychiatrist, Diana, not an OB-GYN," depensa ni Joshua na bagaman naguguluhan pa rin ay unti-unti nang nakadama ng matinding relief. "I guess a twenty-one-year old explanation is in order," matabang nitong sabi. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Inakay ni Diana ang asawa sa gilid ng kama at umupo sila roon. "Of course, Dana's your daughter. Your own flesh and blood, ano ka ba? How could you have thought otherwise?"

"Nang ialok ko sa iyo ang pangalan ko ay sinabi mo sa aking hindi mo gustong magpakasal sa akin dahil nagdadalang-tao ka," ani Josh. Ang mga mata'y nang-uuri sa pagkakatingin sa asawa.

"Matagal na iyon, Josh, but I'll rephrase what I said, kung tama ang pagkaalala ko dahil nakalimutan ko na iyon. I said I might be... might be pregnant with Bernard's child. I only said that to ward you off dahil gusto mo akong pakasalan kaagad. Hindi ko gustong mag-asawang muli noon pagkatapos ng annulment namin ni Bernard. But my statement made you more persistent to marry me. Dahil sabi mo'y mas dapat na pakasalan mo ako..."

"Diana—"

"Josh, darling." she cupped his husband's confused face. "Bago pa man ang annulment, Bernard and I haven't shared bed for almost a year."

"Oh, god," nanlulupaypay na usal ni Joshua. "At heto ako, natatakot na baka malaman ni Dana na hindi ako ang kanyang ama. Na baka mawala sa akin ang anak ko sa sandaling malaman niyang si Bernard ang tunay niyang ama. I could kill you for this, Diana!"

Muling tumawa si Diana. "I am sorry, honey. Akalain ko bang nasa isip mo iyon sa napakahabang panahon..."

"I never bothered to count the months," nagbubuntong-hiningang wika nito. "Nang nasa clinic ka'y hindi ko sinasadyang maulinigan ang sinabi ng doktor mo na dapat ay fifteen days earlier ka pa dapat nanganak..."

"Caesarian ako, Josh. Hindi ko kailangang hintayin ang talagang aktuwal na paghilab ng tiyan ko. Besides, first babies usually ay lalabas ng fifteen days earlier or later..."

Ibinagsak ni Joshua ang katawan sa kama. Relief flooded through him.

"Alam mo ba ang anxieties na naramdaman ko sa nakalipas na mga linggo, huh, honey?"

She smiled teasingly. Unbuckled her husband's belt. "And I guess you want me to pay for it, huh?"

"I only wish you could get pregnant again..."

Nanlaki ang mga mata ni Diana. "Josh! I'm over forty!"



********Good night mga beshie, easy lang sa pagbabasa, huwag masyadong magpupuyat, masama sa health yan. Enjoy reading guys and sweet dreams sa inyo. Bukas na lang yung ending para makapagpahinga pa kayo. Take care and God bless mga beshie. - Admin A **********

Continue Reading

You'll Also Like

340K 10.9K 21
Anim na taon na ang nakalipas, si Ivan at ang dalawang kasama niya-all of them international agents of high caliber-ay iniligtas si Nayumi Navarro mu...
1.5M 38.5K 50
When Lance Navarro whispered "I do..." Erika Rose saw hatred and contempt in his eyes. Pero hindi doon natapos ang galit ng bunsong lalaki ni Franco...
1.4M 35.2K 17
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy...
1.1M 29.4K 30
Elleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and rais...