The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.2M 248K 56.7K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 31

124K 3.6K 521
By Maria_CarCat

It's painful







Naramdaman ko kaagad ang bigat ni Kenzo ng dumagan siya sa akin. Patuloy siya sa paghalik, halos mapaawang ang labi ko dahil sa sensasyong dala nuon. Sa bawat pagtama ng labi niya sa balat ko. Alam kong nagiinit din ako.

"Ugh!" hindi napigilang daing ko ng marahan niyang pisilin ang kanang dibdib ko. Kahit pa halos akayin na ako ng sarili kong wisyo sa kung saan ay hindi pa din matigil ang pagtulo ng luha ko. Lalo na't alam kong kaya lang namin gagawin ito dahil galit siya sa akin o talagang may pangangailangan lang siya.

"Shit!" daing niya katapos niyang hampasin ng malakas ang kama.

Para akong nabalik sa wisyo. Mabilis na umalis sa pagkakadagan sa akin si Kenzo. Umupo siya sa paanan ng kama. Bayolente akong napalunok ng makita ko ang bayolenteng hugot niya ng hinnga.

"I didn't..." nahihirapang sabi niya at muling napamura. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at dumiretso sa banyo. Nanghihina akong umayos ng upo mula sa pagkakahiga. Duon lang lumabas ang tinatago kong hikbi. Wala sa sarili akong napayakap sa aking katawan. Muntik na.

Matapos ang pangyayaring iyon ay naging malamig na ulit ang turing sa akin ni Kenzo. Hindi ko tuloy alam kung nandidiri ba siya sa akin o talagang ganun lang talaga siya pagdating sa akin. Minsan sumasagi sa isip kong baka naguilty siya sa ginawa niya. Tangina niya.

"Parang mas hindi ka ok, kesa sa akin" puna ni Abby ng magkita kami kinabukasan kagaya ng pangako ko sa kanyang sa kanya ang buong maghapon ko.

Napanguso ako sabay simsim sa frappe sa harapan ko. "Gusto ko siyang kausapin, pero mainit pa eh..." paliwanag niya sa akin tungkol sa problema nila ni Apollo. Parang kahapon lang si Apollo ang kausap ko. Ngayon si Abby naman, sana pala ay nagmarriage council na lang ako.

"Mahal ka nun, syempre nasasaktan" paalala ko kay Abby. Nakita ko din kasi kung paano umiyak si Apollo kahapon sa akin at napayakap pa ako. Tanginang kenzo yun, minasama pa ang pagiging concern ko sa kaibigan ko.

Narinig ko ang malalim na paghugot ni Abby ng hininga. Minsan natatakot ako, baka may sabihin siyang hindi ko magustuhan. Marupok kasi talaga ang isang ito. "Mahal ko din naman si Apollo" sabi pa niya kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. Ayokong umabot pa sila sa hiwalayan gayong kasal na lang ang kulang sa kanila.

"Kaya tigil tigilan mo na muna ang pagcocoffee shop at baka kung sino pa ang makita mo duon" pangaral ko sa kanya kaya naman napangisi siya.

Hindi naman talaga kailangan ni Abby ng advice ko. Ang kailangan niya lang ay makaausap at makakasama. Nakakabaliw nga naman na nagooverthinking ka tapos ikaw lang magisa. Sobrang bigat sa dibdib nuon na para bang gusto mong sumigaw dahil para kang kakapusin ng hininga.

Naranasan ko na iyon. Palagi ko iyong nararanasan nung nasa guam kami. Kaya nga hindi ko alam kung bakit nandito pa ako ngayon. Buong akala ko, duon na ako mamamatay. At mamamatay ako sa lungkot.

"Samahan mo na muna ako mag mall. Pupuntahan ko mamaya si Apollo sa condo niya...maguusap kami" sabi nito, mukhang desidido na.

Tumango ako at ngumisi sa kanya. "Make up sex" pangaasar ko sa kanya. Napahalakhak ako ng makita ko ang pagpula ng kanyang pisngi.

"Ikaw talaga Sera!" nahihiyang suway niya sa akin kaya naman mas lalo akong napatawa.

Minsan hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pagdating sa ibang tao masyado akong concern. Nagagawa ko pang makipagtawanan. Pero pagdating sa akin, magmumokmok lang ako at iiyak. Hayaang kawawain ang sarili ko.

Kinuha ko na ding ang pagkakataon na nasa mall kami para magpapalit ng iba kong cards. Kasal na nga pala ako ngayon at hindi na Serrano ang apelyido ko.

"Suno ka duon?" tanong ni Abby sa akin sabay turo sa botique na may mga lingerie. Kaagad ko siyang binigyan ng makahulugang tingin. Napahalakhak nanaman ako ng makita ko ang pagkailang niya. Tangina netong si Apollo, ano kayang ginagawa sa kaibigan ko?

"Mrs. Herrer"

Sa sandaling paghihiwalay namin ni Abby ay muli ko nanamang naramdaman ang kalungkutan na magisa lang ako. Parang ano mang oras ay gusto ko na lamang tumakbo sa kanya at sumama, nahihirapan ako sa pakiramdam na magisa lang ako. Para akong tatakasan ng bait.

"Mrs. Seraphine Herrer" tawag sa counter. Mas malakas.

Nabalik ako sa wisyo. Kita ko ang tingin ng mga tao sa akin na para bang iritado sila sa akin. Bakit? Kanina pa ba ako tinawag? Shit.

"Sorry" sambit ko sa may counter. Mabuti na lamang at nginitian niya din ako pabalik.

"Ok lang po. Mukhang naninibago pa kayo sa bagong apelyido niyo ma'm" pangaasar sa akin ni ate pero nag ngiting aso lamang ako. Fuck surnames.

Nang makuha ko na ang ilang sa mga bagong cards ko na may bagong kong apelyido ay hinanap ko na si Abby. Halos mapasapo ako sa aking noo ng nakita ko siya at hindi lamang siya nagiisa! Damn it.

"Abegaile!" matigas na tawag ko sa kanyang buong pangalan.

Kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Hindi naman nagbago ang ekspresyon nung wilson. Tangiba. Tigas ng mukha.

Mabilis kong hinawakan si Abby sa braso ng makalapit ako sa kanila. "Halika na't naghihintay na ang asawa mo" pagpaparinig ko.

Nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Wilson na para bang nanunuya siya sa akin. "Ms. Seraphine Serrano right?" tanong niya sa akin. Hindi nagbago ang matalim na tingin ko sa kanya, bagkus ay mas lalo pa akong nagtaas ng kilay.

"Yeah" tamad kong sabi at nagtataray pa din.

"Sera, nagkita lang kami hindi naman sinasadya..." paliwanag ni Abby sa akin. Halos hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Nanliit ang aking mga mata. Ang kaninang tingin ko ay nalipat kay Wilson.

"Can I talk to you?" mataray kong tanong sa kanya. Kita ko ang gulat sa mukha ni Abby dahil sa aking request. Chill dude, para sa iyo ito.

"Sera wala nama siyang..." hindi ko na pinatapos si Abby. Nanatili ang tingin ko kay Wilson.

"Wilson...alone?" mataray na tanong ko pa din sa kanya. Kung tama ang konklusyon ko sa mga nangyayaring ito ay kailagan niya ng tumigil dahil kung hindi, ipapabugbog ko siya kay Apollo.

Tumango siya sa akin. Kita ko ang pagaalinlangan ni Abby. Lumayo kami sa kanya, hindi naman ganuon kalayuan. Napatingin ako sa kaibigan kong nahihiyang umiwas ng tingin sa akin.

"You are doing this on purpose. Hindi coincidence ang pagkikita niyo" asik ko sa kanya kahit pilit kong maging mahinahon. Buong akala ko ay magdedeny pa siya, napatigil ako ng makita kong mas lalo siyang ngumisi.

"Ang talino naman, miss serrano" mapanuyang sabi niya sa akin. Naikuyom ko ang aking kamao. Tangina.

"Mrs. Herrer" matigas na sambit ko sa kanya. Mas lalo kong nakita ang amusement sa kanyang mukha.

"Wow, nabingwit mo talaga si Doc Kenzo huh? Magaling ka siguro sa kama..." hindi ko na siya pinatapos. Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya.

Dinuro ko siya. "Tangina ka, isang lapit mo pa sa kaibigan ko" pagbabanta ko sa kanya.

Ininda niya ang sakit ng pagkakasampal ko. Medyo nakuha namin ang atensyon ng ibang namimili. Wala akong pakialam.

Hinila ako ng nagaalalang si Abby palayo duon. Mabuti na lang at baka magasawang sampal pa ang naibigay ko sa hayop na iyon. Buonh akala ko ay librarian lang siya nuon sa school. Chismoso din pala ang gago.

Inis kong binawi ang kamay ko kay Abby. I'm tired of this bullshits.

"Nasaan si Apollo ngayon at ihahatid kita" sabi ko sa kanya. Kita ko ang pagnguso ng gaga. Nakakainis lang at medyo uto uto itong kaibigan ko kaya naman hindi niya binibigyan ng meaning ang ilang beses nilang pagkikita ni Wilson. Hindi niya naisip na sadya ang lahat ng iyon at ginugulo ng walanghiyang lalaking iyon ang utak niya.

"Sa hospital niyo. Duon na siya ngayon..." sagot niya sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.

"Anong hospital niyo? Kailan pa ako nagkaroon ng hospital?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Nagulat ako ng irapan niya ako. "Isa ka rin palang mahina ang utak eh..." nakangising sabi niya na ikinalaglag ng panga ko. Para bang narinig niya ang lahat ng sinasabi ng utak ko kanina tungkol sa pagiging uto uto niya.

"Asawa mo si Doc Kenzo. Sa iyo na din ang hospital na iyon" sabi niya sa akin na ikinairap ko.

"No thanks. Saksak niya sa baga niya" inis na sambit ko.

Bumyahe kami ni Abby patungo sa hospital. Medyo uneasy pa ako. Sigurado kasing magkikita kami dito ni Kenzo. Anong ieexpext ko? Sa kanya iyon kaya naman hindi pwedeng wala siya duon.

Para lang akong pumasok sa normal na hospital. There's nothing special here bukod sa ilang beses kong pagpunta dito nuon para makuha ang endorsement niya at tanginang kasal ang nakuha ko imbes na iyon.

Sa second floor ang punta namin. Nanduon daw ang ilang clinics at ang doctors lounge. Buti pa si Abby, alam ang pasikot sikot sa buong hospital samantalang ako ay ang clinic lang ni Kenzo ang alam.

"Nahihiya ako" sabi niya pagkahinto namin sa double door. May nakalagay na doctors lounge sa taas nuon. Napanguso ako, lungga ng mga doctor na pinamumunuan ng isang tangina doctor na si Kenzo.

Hindi ko maiwasang mapangiti sa iniisip ko. Sa pagmumura ko sa kanya sa isip ko kahit papaano nakakabawi na din ako sa inis at galit ko sa kanya.

"Papapalitan ko iyan" turo ko sa nakalagay sa itaas ng pintuan. Nilingon din iyon ni Abby.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay napatawa na siya. Mukhang alam na niya ang gusto kong sabihin.

"Siraulo ka" asik niya sa akin kaya naman napatawa na lamang ako.

May nakakilala sa kanyang isang doctor na lumabas mula duon. Kaagad silang nagusap ni Abby. Napanguso ako ng makita ko ang ilang beses na pagsulyap niya sa akin kahit pa si Abby ang nasa harapan niya. Oh c'mon ayoko niya.

Pumihit ako patalikod para sumilip sa may bintana. Kita ko ang malawak na parking sa baba. Nagkalat din ang iba't ibang klase ng sasakyan. Sa gilid na bahagi ay nakapark ang tatlong ambulansya. Base sa parking space na nakalaan dito ay kasya ang lima.

Tsaka lamang ako lumingon ng marinig ko na ang paglabas ni Apollo. Matigas kaagad ang mukha ng gago. Sus! Kunwari pa. Paiyak iyak pa sa akin kahapon tapos ngayon magiinarte.

"Magrorounds pa ako. Can you wait for me?" rinig kong paguusap nila ni Abbg. Napahalukipkip ako at napahilig sa pader. Ok lang lumiban sa trabaho ang mahalaga ay makapagusap itong dalawang ito.

Napatakip ako sa aking bibig ng mapahikab ako. Nagunat unat din ako ng leeg dahil sa nararamdamang antok. Mula sa ginagawa ko ay dumapo ang mata ko sa kabilang dulo ng hallway kung saan nakita ko kaagad ang mga mata ni Kenzo.

May kausap siyang doctor. Kagaya ng iba ay nakawhite coat na din siya. Napairap na lamang ako sa kawalan at nagiwas ng tingin. Hindi ikaw ang pinunta ko dito, Gago!

"Sa canteen na muna kami ni Sera. Medyo nauuhaw ako" rinig kong paalam ni Abby. Nagtaas ako ng kilay sa kanilang dalawa ng makita ko kung paano hawakan ni Apollo ang siko ng aking kaibigan para ilapit sa kanya. Hinalikan niya ito sa ulo, ang gagang Abby ay kaagad na namula.

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko ng may pumasok sa aking isipan. Ganyang ganya din nuon si Kenzo sa akin. Kung paano niya ako hawakan, kung paano niya ako halikan at alagaan. Ang bigat sa dibdib.

"Doc Kenzo" rinig kong tawag ni Apollo dito. Nagangat kaagad ako ng tingin sa kanya. Diretso ang titig niya sa akin, hindi ako kaagad nakagalaw ng humakbang siya papalapit sa akin. Parang may kung anong gumalaw sa tiyan ko ng halikan niya ako sa labi, isang tanim lamang iyon pero bumuhay ng ilang boltaheng elestrisidad sa buong katawan ko.

"Anong meron" tanong niya. Hindi ko alam para kanino.

"Lumabas kami ni Sera. Sinamahan niya ako" nakangiting sagot ni Abby.

Nanatiling nakatayo si Kenzo sa aking tabi, amoy na amoy ko ang kayang bango.

"Humingi kami ng tulong kay Sera. Medyo nagkaproblema..." sabat naman ni Apollo. Napanguso ako ng maramdaman ko ang paglingon ni Kenzo a akin. Hindi ko sinuklian. Baka masumbatan ko lang siya pagnagkataon. Like fuck you ayan na ang sagot!

"Sa canteen na muna kami magstay, may rounds pa si Apollo" sabi ni Abby kaya naman umayos na din ako ng tayo. Hindi pa din tinitingnan si Kenzo.

"You can stay in ny office. Magpapadala na lang tayo ng pagkain duon" suwestyon  niya. Napatingin si Abby sa akin para humingi ng sagot, umiling lamang ako.

"Sa canteen na lang kami..." sabi ko at tsaka siya matapang na hinarap. Nakipagtitigan din siya sa akin bago siya tumango.

"Aryt. Samahan ko kayo" seryosong sabi niya bago niya kinuha ang kamay ko para pagsiklupin ang mga daliri namin. Fuck.

Wala na akong nagawa kundi ang magpatinaog sa kanya. Panay din ang bati niya sa kung sino at binabati din siya ng mga nurse at ibang empleyado. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang mga makahulugang tingin ng iba sa magkahawak naming mga kamay.

Ilang beses kaming napahinto ng may kumausap sa kanyang matatandang doctor.

"Ang ganda duon oh" turo ni Abby sa akin sa may garden na tanaw namin mula sa glass wall. Napatango na lamang ako, mukhang naging hands On si Kenzo dito. Ang galing.

Hindi kagaya ng ibang hospital ay mas malaki ang canteen nila. Malinis at madaming upuan. Parang canteen ng isang pribadong university. Parang hindi pang hospital. May ilang doctor din sa kabilang lamesa na bumati sa kanya. Akala ko ay iiwan kami ni Kenzo para lumapit sa mga iyon pero hindi.

"Drinks lang sa akin, Sera. Nauuhaw talaga ako" sabi sa akin ni Abby na nagawa ng umupo. Tumango na lamang ako sa kanya.


"Let's go" yaya ni Kenzo sa akin. Hinawakan niya ang siko ko, hanggang sa pababain niya iyon patungo sa aking kamay at muling pinagsiklop. Halos tumayo ang balahibo sa katawan ko dahil duon.


Nagpatinaog ako sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa mahabang counter ng canteen. "Doc Kenzo, ano pong atin?" nakangiting tanong sa kanya ng isang babae.

"Ate Vivien. Asawa ko, si Sera" pagpapakilala niya sa akin na ikinagulat ko. Tangina. Nabigla ako duon.


Hilaw tuloy na ngiti ang naibigay ko duon sa babaeng tinawag niyang Vivien. Nanlaki ang mga mata nito.


"Walang nagbalitang ikinasal kana" sabi nito gulag pa din. Napatawa ang gagong si Kenzo.

"Invited po kayo sa church wedding. Civil pa lang, baka makawala pa eh..." nakangiting kwento ni Kenzo dito na para bang totoong totoo. Kung makapagsalita siya ay parang inlove na inlove pa din siya sa akin at talagang pinlano niyang madaliin ang kasal para wala na akong wala. Tanginang pagiiip yan Sera! Eag assuming!


Mas lalong tumamis ang ngiti ni Ate Vivien. "Totoo pala ang kwento ni Doc Andrew sa akin na may hinihintay ka lang...akal ko talaga kayo ni Doc Fidez" sabi nito kaya naman napanguso ako. Ok she said it. Fidez will be always etched after his name. I need to be immuned by that.


Hindi na nagsalita pa si Kenzo. Umorder na lamang siya ng makakain para sa amin kahit sinabi kong inumin na lang dahil nakakain naman na kami sa labas ni Abbg kanina. Ang kulit amputa!

Kanina pa halos maginit ang pisngi ko. Lalo na at panay din ang ngisi ni Abby sa akin. Tatlo kaming nakaupo sa lamesa pero halos lahat ng atensyon ay nasa amin, kasama lang naman namin ang may ari ng buong hospital at katabi ko pa.


"Doc Villaruiz. This is my wife..." pakilala niya ulit sa may edad ng doctor.


Ilang doctor ang nakamayan ko dahil sa pagpapakilala niya sa akin. Medyo nailang pa ako dahil hindi naman ako sanay. Wala naman akong balak na ipalandakan sa buong hospital na ito at sa mga empleyado na ako ang asawa ni Kenzo. Tha fuck.


"Ang sweet. Love na love ka pa din talaga niya..." kinikilig na sabi ni Abby sa akin ng sandali kaming maiwan na dalawa ng tumayo si Kenzo para bumili ng mineral water.


"Hindi ganuon, Abby" pagod na suway ko sa kanya. Dumapo ang tingin ko sa nakatalikod ba si Kenzo. Nakikipagtawana ulit siya kay Ate Vivien. Ang galing ng pagpapalakad niya sa buong hospital hindi mo aakalain na sa kanya ang lahat ng ito dahil parang kaisa siya sa lahat, walang barrier.


Nagpaalam si Abby sa akin ng dumating si Apollo. Kita ko kaagad ang pamumula ng pisngi niya. "Galingan mo" sabi ko sa kanya kaya naman nanlaki anh kanyang mga mata.


"Saan?" inosenteng tanong niya sa akin.


"Make up sex" bulong ko sa kanya sabay tawa. Halos takpan niya ang mukha niya gamit ang kayang dalawang kamay. Tawa ako ng tawa sa tabi niya.


"Bakit?" tanong ni Apollo ng lumapit siya sa amin. Nanatili akong nakangisi sa nahihiya ko pa ding kaibigan.


"Wala. Pinaguusapan lang namin ni Abby yung regalo niya sayo" sabi ko sabay tawa ulit. Tumaas ang isang sulok nh labi ni Apollo.


"May regalo ka sa akin?" tanong ni Apollo sa akin. Halos maginit din ang pisngi ko dahil sa kakatawa. Hiyang hiya ang gaga.


"Iuwi mo na iyan at nangmakuha mo na...ang regalo" sabi ko ulit sabay hagalpak ng tawa. Kita ko ang pagngisi ni Apollo. Kinikilig pa ang gago. Ang sarap paguntugin ng mga bwiset.


Nang umalis ang dalawa ay naiwan nanaman kami ni Kenzo. Naabutan ko siyang tahimik na nakatitig sa akin kaya naman mabilis akong nagiwas ng tingin.


"Uuwi na ako. Magtaxi na lang" paalam ko sa kanya. Umiling siya at hinawakan ang kamay ko.


"Uuwi na din ako. May kukuhanin lang sa clinic" sabi niya sa akin tsaa niya ako hinila paalis sa canteen.

Tahimik akong naglakad kasama siya. Ayos ba din iyon. Parang ayoko din namang umuwi magisa sa condo, masyadong malungkot duon. Nakakabaliw.

"Doc Kenzo, ito na po ang usb niyo. Marami yang bagong korean drama" salubong sa amin ni Linda. Napatawa si Kenzo. What's with korean drama?

"Good afternoon, Mrs. Herrer" bati ni Linda sa akin.

Ramdam ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi. Mas dumoble iyon ng lumingon si Kenzo sa akin, para bang gusto niyang panuorin ang magiging reaksyon ko.

Pumasok kami sa kanyang clinic. Sandali niyang binitawan ang kamay ko para maayos niya na ang kanyang mga gamit. Napabuntong hininga ako ng muli kong inilibot ang buong paningin ko sa kanyang office. I'm so proud of him, sa walong taong hindi kami magkasam, I'm so proud of him.


Napakagat ako sa aking pangibabang labi ng lumapit siya sa akin. Hindi ko namalayan kaya naman medyo nabigla pa ako dahil sa biglaan naming pagiging malapit.


"I'm sorry about yesterday" paos na sabi niya sa akin. Napatango na lamang ako.

"Ayos lang..." labas sa ilong na sabi ko. Hindi ayos iyon, masakit pa din iyon para sa akin lalo na ang mga akusa niya.

Halos manigas ang buong katawan ko ng halikan niya ang aking noo. Paulit ulit na para bang nagiingat siya. Hindi naiwasang uminit ang gilid ng aking mga mata para sa nagbabadyang mga luha.


"Kamusta ka sa nagdaang walong taon?" tanong niya, medyo pumiyok pa.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Parang pinipiga ang puso ko. Kung makapagtanong siya ay parang ito ang una naming pagkikita matapos ang walong taon.


Hindi ako nakasagot. Baka pagikinwento ko sa kanya ang lahat ay hindi niya din kayanin. Muntik ko ng hindi kinaya.


"Kenzo..." tawag ko sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit ko siya tinawag. Wala din kasi akong masabi.


Hinapit niya ako sa bewang ko at inilapit sa katawan niya. "Selos na selos lang ako..." sabi niya kaya naman napaawang ang labi ko.


"8 years without you is not easy. Is it easy for you?" tanong niya sa akin. Ramdam ko ang sakit at lungkot sa kanyang boses.

"It's painful..." maiksing sabi ko.

Napatango tango siya. Naramdaman ko ulit ang halik niya sa ulo ko.

"Yeah, it's painful. At galit ako sayo..." sabi niya sa akin. Mariin akong napapikit, hindi mo pa alam ang totoo Kenzo. Baka mas lalo kang magalit sa akin, or worst kamuhian mo ako.



















(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

87.4K 1.7K 45
"Oh, my heart hurts so good I love you, babe, so bad, so bad"
913K 29.7K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
6M 234K 64
A battle between love and service.