The Curse

By sweet_aria

328K 13K 3.1K

[AGREZOR SERIES #2] More

The Curse
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

Chapter 4

9K 382 70
By sweet_aria

Chapter 4

Hindi ako nakakain nang maayos ng agahan dahil kay Rogue at sa sama ng pakiramdam ko. Whenever there was a chance to look at him, I always caught him staring and it made me feel really awkward.

Nanunuod kami ng parada ng musiko, iba't-ibang organisyon, schools, barangay officials, at iba pa na kasali sa kaganapang mayroon dito sa bayan ng Tanay. Gustuhin ko mang umuwi na pero alam kong hindi papayag si Phoebe. Isa pa ay sure ako na walang tao sa bahay, dahil sa plaza nanunuod ang parents ko. Nakasanayan na nila iyong mag-asawa. Iikot din kasi ang parada roon.

"Jax, 'yang mga mata mo! Parang gusto mo nang hubaran ang mga majorette!" pang-aalaska ni Mikhail kay Jax.

"Tanga, ako nga ang hinuhubaran nila." Ngumisi si Jax. "Gusto ko 'yon oh! Expert gumiling! Ayon, ayon!" sabay turo ni Jax sa majorette na sumasayaw sa harapan namin.

"Mga gago."

Muntik na akong mapatalon dahil sa nagsalita sa likuran ko. Kanina ay alam kong wala siya roon. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong siya ito.

"Ragna..." tawag niya sa akin.

"What?" Mabuti na lang ay wala na sa tabi ko si Phoebe. Kinukuhanan na nito ng video ang bandang tumutugtog.

"Let's go inside. Let's talk," he almost whispered.

I turned and faced him. I started thinking of the best way to refuse but he suddenly grabbed my arm and hauled me inside the house. Hindi na ako nakapagprotesta pa. Walang nakahalata sa amin dahil busy sila sa exhibition na ginagawa ng leader ng majorettes sa gitna ng daan.

Kinabahan ako. Ayoko na siyang makausap at lalong ayokong mapag-isa kaming dalawa. Sa tuwing nangyayari kasi iyon ay nakakagawa ako ng kasalanan.

Sa kitchen niya ako dinala at binitawan ako. Sumandal siya sa table. He leaned his hands on the table and I averted my eyes from his prominent veins. Siguro ay nagwo-work out siya kaya ganoon. Akala ko ay pangit tingnan ang mauugat na braso at kamay pero hindi pala. Ang hot sa kanya sa totoo lang.

Nailang ako dahil sa lantad na paninitig niya sa akin. Gusto ko nang tumakbo palabas pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. The image of us naked and having sex suddenly flashed through my mind. Hindi ko siya matingnan nang diretso, nag-iinit ang pisngi ko.

Why did he seem cool about it? Wala man lang ba siyang nararamdaman na katiting na awkwardness?

He cleared his throat and held my chin. Pinatingin niya ako sa kanya at hindi ko ito naiwasan.

"Masakit pa?" tanong niya.

Kumuyom ang mga palad ko at pinigilan ang sarili na sapakin siya. What the hell? Was he really this straightforward?

"Rogue, let go of me," I sighed.

Nanatili siyang nakatitig sa akin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. He brought his face close and brushed his lips against mine. Nanlaki ang mga mata ko. Nang humiwalay siya ay tipid siyang ngumiti.

His smile was so handsome. Kahit hindi pa iyon todo ay sobra na ang epekto nito sa makakakita.

Magsasalita sana ako ngunit muli niyang sinugod ang mga labi ko at hinaklit ang bewang ko para ilapit pa sa katawan niya. I held onto his arm to get more support. He could really make my knees weak whenever he kissed me.

When he stopped, we stared at each other before making me sit on a chair. Itinuon niya ang dalawang kamay sa hita ko at pinantayan ang mukha ko. Ipinasada niya ang dila sa mga labi niya na para bang nasarapan siya sa mga labi ko.

"This coming weekend, I'll be back here," he said, looking straight into my eyes.

Kumurap siya. Iniwas ko muli ang tingin dahil hindi ko matagalang makipagtitigan. Hindi ko na nga naiwasan ang halik niya at pakiramdam ko ay nagkasala na naman ako.

It was a sin of course, Ragna! Hindi mo siya boyfriend, malandi ka!

"Liligawan kita," malalim ang boses niyang sabi.

Doon ako muling napatingin sa kanya. His eyes were so serious.

Tumikhim ako at marahang inalis ang mga kamay niyang nakatuon sa kandungan ko. My heart beat abnormally fast inside my chest.

Kung siguro walang nangyari sa amin kagabi ay baka kinilig na ako. Pero hindi e. He was a dangerously handsome and hot guy that could make any girl fall for his charm, but the situation now was different. Sigurado ako sa dahilan kung bakit bigla na lang niya iyon nasabi.

"Manliligaw ka? Bakit? Do you feel obligated because we had sex?" I forced a smile, trying to calm myself from what just happened and from the reaction of my chest. "Rogue, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na manligaw. Don't worry, I don't lay the blame on you."

His eyes became more serious. He was looking at me as if what I said was completely nonsensical. Bigla niyang inikot ang upuan paharap sa kanya ng walang kahirap-hirap. Nakatuon ang mga kamay niya sa pagitan ng mga ulo ko at kinunotan ako ng noo. 

"I didn't ask for permission, Ragna. That's a declaration. I will court you."

"Before you court someone, you know that you should ask the girl first," I pointed out. "At hindi ako pumapayag."

"Why?" Muling nalukot ang noo niya at bumakas sa mga mata ang pagkalito.

"Dalawang araw pa lang tayong magkakilala—"

"I had ex-girlfriends but I didn't court them," he cut me off.

So anong gusto niyang palabasin? Na swerte pa ako at gusto niya akong ligawan?

Pinagdikit ko ang mga labi bago muling nagsalita. "Ibahin mo ako."

"Yes, you're different," he said. "That's why I'm telling you that I'll court you." Inalis niya ang mga kamay sa ulunan ng upuan at muling sumandal sa table.

"Paano nagiging kayo? Pagkatapos na may mangyari? 'Pag nahalikan mo na, ibig-sabihin kayo na?"

Pansin ko ang pagkuyom ng kamay niya pero nanatiling kalmado ang itsura. I wondered how he could act like this. Samantalang ako ay hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko. Lalo na at kasalanan ko rin ang katangahang nangyari kagabi.

Tumayo na ako at iniwan siya. Bumalik ako sa labas at pilit na iwinaksi sa isip ang pinag-usapan namin. Hindi ako magpapaligaw sa kanya kahit anong mangyari.

It was 4 PM when I decided to go home. Habang pababa ng hagdan ay hinanap ng mga mata ko si Phoebe.

Hindi ko siya nakita kaya sumigaw na ako. "Phoebe? Saan ka?"

"Kitchen! Para kang nawawalan ng nanay! Dedede ka?" sigaw niya pabalik.

"Ay meron ka no'n?" natatawa kong tugon.

Pumasok ako sa kusina at nandoon ang Mommy niya at si Rogue. Biglang nag-init ang pisngi ko. Nagtatawanan ang mag-ina samantalang ang lalaki ay nakaupo sa dining table.

"Pinapabalutan ni Mommy ng desserts si Kuya Rogue para sa Mama at Papa niya. Uuwi ka na ba?" Nilingon niya ako.

"Oo," sagot ko.

Ipinasok niya ang iba't-ibang matamis sa paper bag. Tita Mona smiled at me and then looked at her daughter again.

Ang taray ng kuya mo, may balot pa mula kila Tita. Wala siyang pinagkaiba sa ibang pumupunta sa handaan.

"Tita, no need for takeouts—"

"Give these to your parents, Rogue."

Mas mataray tumanggi. Englishero. Pero gusto rin naman. He was just probably shy. Ganyan ako kapag nakiki-birthday tapos binabalutan ako ng pagkain. Sa una tatanggi pero pag-uwi may dala pa rin. Syempre para hindi ako pagalitan nila Mama.

Natapos si Phoebe at inilapit kay Rogue ang paper bag. "Dinamihan ko 'yong ube. Ibigay mo kay Aegeus 'yong isa, Kuya Rogue."

Tumikhim ako at naagaw ko ang atensyon ni Phoebe. "Alis na ako. 'Wag mo na akong ihatid ha? Matulog ka."

She didn't have enough sleep for two consecutive nights. Sa dami ng inasikaso nilang bisita noong isang araw pa ay kailangan niyang makabawi ng tulog.

"Sure ka?" Nilapitan niya ako at inakbayan. Humarap kami sa Mommy niya. "Mommy, uuwi na raw si Phoebe."

Tumango si Tita. "Mag-ingat ka, hija."

"May pasok na bukas, Ragna. Next week na naman tayo magkikita," pagbaling sa akin ni Phoebe.

Inandaran na naman siya ng pagka-clingy. Pinigil ko ang matawa, pero si Tita Mona ay hindi nakapagpigil. Para na rin kasi kaming kambal ni Phoebe, ayaw na naghihiwalay.

"Dito ako matutulog sa weekend," huli na nang napagtanto ko ang sinabi.

I suddenly remembered what he said here earlier. Babalik daw siya rito.

"Sabi mo 'yan ah? 'Lika na, hatid na kita sa labas."

Doon ko lang nilingon si Rogue at tama ako na nakatingin siya sa akin. Wala akong kahit anong sinabi at lumabas na kami ni Phoebe.

"Sinong kasama ni Rogue pauwi?" Curious lang ako. Wala naman sigurong masama na magtanong ako tungkol dito.

"Siya lang. Ilang bayan lang naman ang pagitan natin sa kanila." Bigla niya akong siniko. "Bakit? Gusto mo bang ihatid natin?"

"Gaga!" Tiningnan ko siya. "I thought he's from Manila."

"May properties sila roon pero rito sila ipinanganak sa Rizal. They have lots of businesses here and also houses." Humikab siya at nilingon ako. "Kaya nga maraming gustong makipagkilala kay Rogue kahapon. Kaso ang kuya mo, sobrang sungit. Pinakilala namin ni Kuya sa mga taga rito sa atin pero dedma," kwento niya at natawa.

I was aware of him being snobbish. Nakita ko iyon unang gabi pa lang, pero ang pinagtatakhan ko ay ang pakikipag-usap niya sa akin at ang pagtingin-tingin niya. Bumalik sa isip ko iyong pagdating namin ni Phoebe rito at ang hindi ko maalis na tingin sa kanya. Unfortunately, it led to something I didn't expect would happen to me.

Ano, girl? Na-virgin-an ka tuloy! Napakakire mo kasi!

"Bye! See you next week!" paalam ko kay Phoebe at lumayo na pagkalabas namin ng gate.

"Bye! I'll call you na lang!" ganti niya.

Tumango ako. While walking home, I recalled everything that happened between us. Bumagsak ang tingin ko sa pagitan ng mga hita ko. Akala ko nga kanina pagkagising ay hindi ako makakalakad.

Sakit keps ba, Ragna?

Nakarating ako sa bahay na wala pa sina Mama at Papa. Mabuti na lang at lagi kong dala ang duplicate key kaya nakapasok ako. Ibinagsak ko ang katawan sa kama at tumitig sa kisame.

Isang beses lang iyon. Virginity wasn't a big deal anymore.

Pero kahit na. Hindi ko pa rin mapigilang sisihin ang sarili. Bakit ba ako nagpadala sa mga halik niya?

I kicked my legs in the air and massaged my temples. Sumakit ata ang ulo ko pag-iisip. Hanggang sa gumabi at matapos na ang dinner ay hindi pa rin ako nilulubayan ng nangyari sa amin.

The next morning, I went to school early. Mayroon kasi kaming 7 AM class. Antok na antok pa ako pero wala namang choice. Ayoko rin namang ma-late dahil istrikto ang professor namin sa first subject.

"Ragna!" tawag sa akin habang naglalakad ako sa corridor.

Tumigil ako at hinanap si Kalina. Tumatakbo siyang lumapit sa akin.

She clung to my arm and we resumed walking. "Ayos ka lang ba?"

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "Of course. Bakit mo natanong?"

"Iba 'yong lakad mo. Ang bagal. May masakit sa 'yo?"

Pinigil kong magpakita ng kahit anong emosyon. Isang beses lang iyon pero bakit ganito pa rin kasakit?

"Masakit lang paa ko. Pagod sa fiesta."

She shot me a malicious smile. "Alam mo kung may jowa ka lang, iisipin ko na nagpatira ka na. Ganyan ako noong first time ko."

Pilit akong ngumiti. Pinigil ko ang sarili na kurutin siya sa tagiliran. Napatingin pa sa amin ang nakasalubong naming professor.

"Utak mo!"

"Bakit? Nagpapakatotoo lang ako. Ang sarap kaya kapag nasa loob mo 'yong boyfriend mo. Lalo na kapag magaling." Tinusok-tusok niya ang balikat ko. "Tangina, para kang dinadala sa langit. Lalo na kapag binabayo ka na—"

"Stop it, Kalina!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Humagalpak siya ng tawa at tumigil sa pagsundot sa akin. "I-try mo kasing mag-boyfriend na. Maranasan mo namang madiligan. Ako, halos araw-araw may dilig. Kaya healthy at happy ang pechay."

Hindi pa rin talaga siya tumigil. Binilisan ko na ang paglalakad at hinabol niya ako, tatawa-tawa pa rin. Naiiling akong pumasok sa room at tinigilan niya lang ako pagdating ng professor.

Vacant hour nang tumunog ang cell phone ko. Dinukot ko ito sa bulsa at nakitang tumatawag si Phoebe.

"Hello, Phoebe?"

"Hi, Ragna," sagot ng baritonong boses. Napatigil ako sa paglakad.

Si Rogue.

Continue Reading

You'll Also Like

27.3M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
466K 22.7K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
4.9M 99.9K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1.9M 48.9K 164
Frankie (Epistolary with narration)