Deceive me, Love (Buenavista...

By Eishstories

151K 1.9K 1.2K

First book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Ma... More

Deceive me, Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 15

2.9K 41 20
By Eishstories

Chapter 15
Call


Imbis na sumabog sa galit ay minabuti kong tumayo para puntahan si Nanay Leticia na abala sa iniihaw na isda. Mabuti naman at hinayaan ako ni Range na kumawala sa kanya. Laking pasalamat niya pa siguro lalo't matitigil ako sa wakas kakaintriga sa kanya.

"Puwedeng tumulong sa inyo, Nay?" tanong ko pagkatabi ko kay Nanay.

Gulat niya akong nilingon. Nabitin sa ere ang pagpapaypay niya ng apoy. She nodded eventually.

Binaliktad ko ang sariwang isda. Lumalakap pa ako ng lakas ng loob para tanungin si Nanay patungkol kay Claudia. Sana nama'y sagutin niya ako kagaya kahapon na walang kapreno-preno.

"Ito ang dala ng dalawa nang maka-uwi kanina, Saint. Sariwa, hindi ba?" aniya sa mga isdang binabaliktad ko.

Patuloy lang sa pagpaypay si Nanay. Tumikhim ako kalaunan. Now or never, Saint. Just go and fucking ask her already!

"Uh, Nay. Kilala niyo rin po ba si Claudia?" I asked in almost a strained voice.

"Oo naman," simpleng sagot niya.

Marahan kong pinakawalan ang paghinga na halatang pinigilan ko kakaantay ng sagot niya pabalik. Salamat naman at hindi niya pa ako nahuhuli sa totoong motibo ko sa pagtanong kong iyon.

Peke akong tumango na para bang wala lang sa akin ang naging sagot niya. I should probably act like I personally know Claudia, right? Mas madali kung iyan ang gagawin ko.

"Sikat talaga ang angkan nila sa syudad. Hindi ko po inaakalang pati rito ay aabot ang impluwensiya nila,"

Pasimple kong tinignan si Range na babad na sa kaiinom na para bang limot nang kasama pa ako rito. Bumibilis ang kabig ng dibdib ko nang ibinalik ang tingin kay Nanay.

"Nasabi nga ni Range na nag-away kayo buong umaga dahil takot kang mahuli at mapagalitan sa mansyon nila. Walang problema sa pagpunta niyo roon, hija." Nanay flipped the tuna this time.

Tumango ulit ako.

"Maarte ang batang iyon at halatang hindi sanay sa payak na pamumuhay. Nang makapunta rito nang nakaraan sa amin ay punto nang reklamo ang bibig," she simply added.

Sa sobrang bilis ng kabig ng dibdib ko ngayon ay para akong hihimatayin. Pilit kong kinakalma ang sarili lalo't takot akong matunugan ni Nanay na wala akong kaalam-alam tungkol kay Claudia o kung ano man ang ugnayan nila ni Range.

"Madalas ho ba iyong bumibisita rito sa inyo o hindi naman po, Nay?"

Umiling siya bilang sagot sabay binaliktad naman ng bangus. "Hmm. Mga iilang beses lang naman. Mabilisang bisita, pagkatapos ay balik kaagad sa syudad."

Umayos ako nang tayo at biglang naurungan. Base sa mga sinasabi ni Nanay ay mukhang bumibisita nga iyon dito. But Range prevented her from visiting this time around, and that raise questions into my head immediately. Ibig sabihin lang noon ay ayaw niyang magkasalubong kami ng 'kaibigan' niya rito.

At anong dahilan kung ba't takot siya?

"Nagdududa ka ba kay Range, Saint?" mariin niya akong tinignan nang hindi ako nakasagot agad.

Unang beses niyang inalis ang tingin sa niluluto papunta sa akin. Nagtataka siguro kung ba't bigla akong natahimik na para bang kay lalim nang iniisip.

"Ang sabi ni Range ay kaibigan niya iyon, Nay, kaya wala naman po akong pagdududa." another white lie came out of my mouth.

Nanay lightly squeezed my arm, dismissing the topic already. Binigyan niya ako nang matabang na ngiti bago binitbit ang mga inihaw naming isda.

Hindi ko maiwasang tignan din si Range na malapad na rin ang ngiti ngayon.

Maybe, I am just overthinking this whole fiasco? Na para bang bawat kibot niya na lang ay pagdududahan ko at bibigyan ko nang kakaibang kahulugan. Pero karapatan ko namang magduda, hindi ba? Malakas kasi talaga ang kutob kong may mali rito. Malakas ang kutob kong hindi niya kaibigan lang si Claudia.

"Nanay likes you.." he whispered when I sat beside him again.

Yes, she does. I am actually capitalising it against him. Ni hindi niya man lang namamalayan. Inusog ko ang upuan papalayo sa kanya dahil ang lapit-lapit namin sa isa't-isa.

"And I like her too," tinignan ko ang mapupula niyang pisngi. "Lasing ka na?"

Umiling siya pero halatang lasing naman talaga.

Nagpresinta ako para maghugas nang mga pinagkainan namin. Pagkatapos ng hapunan ay nagsiuwian din sina Marcus. Naiwan tuloy akong mag-isa kasama si Range na kanina ko pa hindi kinikibo.

Pumisik ako sa biglang paghalik niya ng leeg ko. Umatras ako sa kanya kaya umalingawngaw ang halakhak niya sa buong bahay.

"Ano ba, Range?" pagtulak ko nang balikat niya papalayo.

Patalikod siyang sumandal sa countertop saka humalukipkip. He cocked his head to the side.

"What's running in that pretty mind of yours, Sainthia? Was it our errand earlier?"

Binaba ko ang pinggang hawak bago siya tinignang muli. Umiling ako at ginaya ang posisyon niyang nakasandal sa countertop.

"Isa-isa nang pumapasok ang grades last sem kaya iyon ang iniisip ko," peke akong natawa. "Bakit ko naman iisipin kung saan kayo pumunta ni Marcus, Range? Bakit, saan nga ba?"

Range pursed his lips into a thin line, almost stifling a laugh. "Nanay told me you asked her quite a few questions while we were out. So I was thinking probably that's what you're thinking now,"

"Ang bilin mo kanina bago kayo umalis ay samahan sila sa barnhouse. I did that, and rather than sitting there doing absolutely nothing. Tinanong ko sila."

Range chuckled. "Alright. If you say so,"

Buong gabi na naman akong binabagabag ng mga naiisip. Nakatulog lang ng husto nang napagdesisyunan kong huwag magpadalos-dalos sa desisyon patungkol dito. Lalo't malaki pa rin ang porsiyentong mali na naman ako ng inaakala. At ayaw ko rin namang bumase lang sa sarili kong konklusyon.

Pagalit ko siyang tinignan.

"Then why don't you just help me up?" reklamo ko sa huli nang hindi niya ako tinutulungang maka-akyat dito sa puno ng mangga.

Iritado siyang suminghal. "You are very stubborn, Saint. Kanina ko pa sinabing hindi."

Sa huli'y pinaakyat niya rin ako sa sanga ng puno nguni't ibinaba rin kalaunan. Magkahawak kamay naming sinusuyod ang Oro Verde ngayon. Mabuti nga at naabutan naming walang mga trabahante ngayon, hindi gaya nang una naming pagbisita. Libre kaming nakakalibot nang walang iniisip.

Huminto ako bigla nang makita ang lumang pick-up sa dulo. Kumunot ang noo ko lalo't pamilyar sa akin iyon. Bumitaw ako sa pagkakahawak namin ng kamay at saka pinasadahan ng tingin ang lugar.

"What is it?" he whispered sensually to my left ear.

Agresibo kong tinuro ang pick-up kaya roon na nabaling ang tingin niya.

"Tignan mo, Range. Pamilyar ba sa'yo 'yan?"

Natigilan din siya. "Of course, it is. This is my place so why wouldn't it be familiar to me?"

Tumakbo ako papalapit sa pick-up para mas mabusisi pa ito nang husto hindi alintana ang panagsasabi ni Range sa likod ko. Pinilig ko ang ulo pagilid saka siya nilingon.

Range then narrowed his eyes to me.

"Parang nakapunta na ako rito eh?"

Humalakhak siya. "Then by what? A dream perhaps?"

Ngumuso ako lalo't baka nga sa panaginip. It's one of those rare dejavu feeling I got, you know. Nakakamangha lalo't hindi naman namin nalibot ang parteng ito ng Oro Verde sa una beses naming na pagbisita pero bakit pamilyar sa akin?

Pinahinga ko ang hintuturo sa baba na tila nag-iisip nang malalim. "Yeah. Probably in a dream or something,"

Sa pag-init ng pisngi ko sa biglang naalala ay agad kong hinila si Range paupo sa pick-up. Nabalot kami nang tawanan nang agresibo akong sumampa sa hita niya. His hands immediately went to my back as an additional support. Pinagsalikop ko ang kamay sa leeg niya.

"Saint," he chuckled. "What are you doing exactly?"

I cupped his cheeks then brought his lips to mine. Ako na ang umatake sa kanya nang halik pero siya kaagad ang umakay sa halik para mas lumalim pa. Umakyat ang kaliwa niyang kamay sa leeg ko para mas laliman pa ang halik.

I was panting heavily when I pulled away from that intense kiss. Natawa siyang muli nang kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa dibdib ko. Sigurado ba akong panaginip iyong nangyari o may chance na totoo? This feels exactly like it was in my dream eh!

Kagat-kagat niya ang ibabang labi saka napailing.

"Ano ba ang gusto mong mangyari rito?" he chuckled again. "Care to share what's your plan here? 'Wag mong isinasarili,"

"Just caress it, Range. That's the plan,"

With my bra on, he did what I wanted whilst chuckling still. Napapikit ako sa paraan ng pagmamasahe niya ng dibdib ko. Ngunit bago pa lumalim ang ginagawa namin ay bumaba na ako sa pagkakasampa sa kanya. Iritado niya akong hinigit sa palapulsuhan nang akmang lalayo ako sa pick-up.

"Wala namang tao, Saint.." gamit niya ang malanding tono na awtomatikong nagpaikot sa mga mata ko.

"May gusto lang akong kumpirmahin kaya natin iyon ginawa. Hindi ko sinabing itutuloy natin dito at isa pa nakakahiya-"

A ghost of smile escaped from him. Natigilan ako nang bigla niyang tinuko ang palad patalikod. Bumaba ang tingin ko sa gitna nang pantalon niya kaya. Pinamulhan ako ng pisngi.

"Uh-huh? Then did you confirm it thoroughly or you want to try that again?"

I pouted. "Nah. It was enough already."

Range frustratedly groaned.

Gaya nang una kong pagsampa sa kabayo, pumikit ako sa bilis niyang magpatakbo pabalik ng bahay na animo'y may importanteng hinahabol. Umiinit ang pisngi ko lalo't ramdam ko pa ang kabuuan siya sa likod ko ngayon. Ayaw ko na nga'ng isipin na nagmamadali kami dahil...

Pinakalma ko ang sarili sa pag-inom ng tubig. Tumalikod kaagad ako nang maaninag siyang papalapit ulit ng kusina. Kanina pa kasi niya ako iniinis.

"Sa sobrang dami ng binili mong condom ay dapat nating gamitin nang gamitin," pag-aasar niya ulit.

Nasamid ako sa tubig kaya naubo ako. Binagsak ko ang baso sa tabi niya saka siya malutong na inirapan.

"Hindi nga akin iyon. It was Willow's bag. Pinahawakan sa akin at nalimutan lang kunin," dipensa ko sa sarili na wala rin namang kuwenta dahil pinagtatawanan pa rin ako.

Inakyat ko ang sarili sa counter para naman maglebel ang tingin namin. Agad niya akong kinulong sa bisig nang kumportable na sa posisyon.

He scrunched down to whisper. "I will only believe you if you call her now."

"Oo na at tatawagan ko para matigil ka na sa ilusyon mong bibilhan kita ng condoms. I'm not that thirsty for you, Range. 'Wag kang feeling." mabilisan kong pinindot ang pangalan ni Willow para matawagan na.

It rang. Umamba akong ilalagay sa tainga ang telepono pero naunahan niya akong ng utos.

"Loudspeaker, please.." mariin at seryoso niyang utos.

Ni loudspeaker ko ang tawag. Bumaba ang tingin naming dalawa sa telepong nag-ri-ring lang. At ngayon pa talaga napagdesisyunan ni Willow na huwag akong sagutin kung kailan dignidad ko na ang nakataya rito. Salamat naman at sinagot niya!

"O, ba't ka biglang napatawag? Kumusta ka r'yan?" Willow said on the other line.

I cleared my throat. "I'm okay, Willow. Ikaw ba? But uh.. by the way, what are those you've given me before I left for Buenavista? Iyong maliit na paperbag?"

Nagkatinginan kami ni Range nang ilang segundong tahimik ang kabilang linya. He's stifling a laugh now which made me even more embarrassed of myself. Parang alam ko na yata ang kahihinatnan nang tawag na 'to.

"Anong paper bag ba ang ibig mong sabihin? Wala akong nabibigay sa'yo, Saint." Willow straight up denied it just like what I expected she'd do.

Tumaas ang dugo ko sa mukha.

"Stop lying, Willow. Please..."

"Ano ka ba, Saint. Wala nga?" medyo sumilaw ang iritasyon sa boses niya.

Mumurahin ko pa sana ang kaibigan pero bigla niyang inagaw ang cellphone ko at saka pinatayan ng tawag si Willow. Itinago ko ang mukha sa dalawang palad sa hiya. Kinalas ni Range ang pagtabon ko ng mukha. Ibinababa niya ang kamay ko sa gilid ko.

"Aren't thirsty for me, huh? Aminin mo na lang na nagagalingan ka nga talaga sa akin kaya marami kang biniling reserba." nakangisi niyang saad.

Ginamit ko ang hintuturo para ilayo ang noo sa akin. Natatawa siya.

"Kung naniniwala kang ako nga ang bumili ng mga iyon. Puwes ba't naman sobrang dami? You see, Willow was just taking the piss-"

Marahan niya akong hinalikan sa gilid ng labi ko kaya bigla akong natigilan sa gitna nang sinasabi.

Damn him. He's smooth.

"I know, Saint. Gusto ko lang na naiinis ka dahil gumaganda ka lalo,"

Mahabang halinghing ang kumawala sa akin nang ibinagsak ko ang katawan sa kama. Parehas kaming naghahabol ng paghinga. Mas lalo nga lang ako.

"Saint.." he tried to woke me up from a long and tiring nap.

Bumaba ang tingin ko sa maluwang kong damit. Halatang kaniya ito at pinasuot lang siguro sa akin nang makatulog.

"Maliligo muna ako bago magluto ng hapunan. Gigisingin kita kapag tapos ko na," rinig kong bulong niya dahil bumalik ako sa pagpikit ng mata.

Sa pagod ay nahihila ako ng antok kahit paman ang ingay ng tagaktak ng tubig na galing sa banyo sa pagligo niya. Matinis nga lang din ang pandinig ko sa telepono ni Range. Dalawang beses tumunog ang telepono niya sa tawag. At doon ko na hindi napigilan ang sariling umahon mula sa pagkakahiga.

Nanginginig kong inabot ang telepono niya mula sa bedside table. May apat na missed calls at dalawang text doon na galing kay Claudia.

Claudia:
Range, answer my calls.

Ranger?

Hindi ko nga lang mabuksan at mabasa nang husto dahil sa password niya. Even if I can open it, I don't think I have the strength to read their conversation from one end to another without completely breaking down. Iyon pa nga lang, naninikip na ang dibdib ko. Ano pa kung may mabasa akong mas masakit?

Biglang humina ang tagaktak ng tubig mula sa banyo kaya mabilis akong bumalik sa pagtulog. Tinabunan ko ang sarili ng comforter lalo't bumagsak na naman ang traidor kong mga luha.

At nang naramdaman kong wala na siya sa kuwarto ay minadali ko ang pagligo para makababa at kumprontahin siya kahit pa man sobrang mahirap iyon sa akin. Isang hakhang pababa'y umalingawngaw sa bahay ang boses ni Range.

"No, Claudia. I already told you not to come here." mahina niyang sabi.

Sumungaw ako bahagya sa mula sa hagdanan papunta sa kusina at nakita ko ang paghihilot ng sentido ni Range. Makikita ang paglabas ng ugat niya sa ulo dahil sa inis.

"What? Pretend to not know you? Just please..." he paused. "Stay where you are because I am coming back soon. Babalik ako r'yan,"

Ano pa ba ang dapat kong marinig? Dapat ba mas masakit pa para matauhan ako nang husto? Ganoon ba? Frankly speaking, Claudia isn't just his friend, she is obviously more than a friend to him. Tama nga talaga siguro ako rito na piniperahan niya iyang si Claudia.

Bumalik ako sa itaas at pinatapos ang pag-uusap niya kay Claudia. Nang masiguro kong natapos na siya'y saka na ako bumaba. Nahuli ko siyang napabuntonghininga nang kay lalim. Umayos siya nang tayo saka binigyan ako nang malapad na ngiti.

Binalik ko rin ang pekeng ngiti sa kanya. "Tatawagin na sana kitang bumaba. Are you hungry now?"

Pasimple akong umupo sa hapag, pilit na tinitipid ang galaw kahit na nanginginig ako sa galit sa loob-loob ko.

Binabaliw niya ba ako? Hindi ko maintindihan ang role ko kung sakali nga'ng may Claudia siya. Paniguradong ako ang kabit sa relasyon nila gayong ang tagal na nila kung tutuusin. Even Nanay told me she visits her often. Kaya...

"May tumawag ba sa'yo kanina, Range? Ba't parang may kausap ka kanina?"

Range remained excrutiatingly silent. It took a couple more seconds for him to sigh. Yumuko siya bago inangat ang tingin sa akin.

Oh, cut the crap, Range.

"It was a classmate again, Saint. Project ulit iyong... tawag." namamaos niyang pagsagot.

What a fucking disappointment you really are, Ranger. Nahuli na pero magsisinungaling pa rin? Nahuli na sa akto pero i-d-deny pa rin?

Continue Reading

You'll Also Like

7.7K 254 48
Not your typical rich girl from Manila, Soleia Anniston Enriquez almost has it all. From riches, an heiress of their family's company, party-goer and...
23.9K 661 43
Anastasia Eilish Serrano is the youngest daughter of the mayor of Calabanga. She's prim, proper and responsible. Masasabi na ganoon siya kumilos dahi...
339K 18.1K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...