Arrange Marriage

By rowrrr_

6.3K 297 44

A KarJack Fanfiction!! Enjoy Reading! 🤍 More

DISCLAIMER
I
II
III
IV
V
VI
VII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
Last Chapter.

VIII

322 17 0
By rowrrr_

sorry for misspelled words or grammatical errors.

"Kakayanin ko kaya? Pero hindi kasi siya ganon kadali eh, alam ko sa sarili ko na kakayanin ko. Kahit masakit."

*Kinabukasan

Kahit mugtong mugto tong mga mata ko, papasok at papasok padin ako ng office. Maaga ding umuwi si kiara kasi madami dami din siyang gagawin. Nakakahiya naman na hindi ko padin siya pauwiin.

Bumaba na agad ako at uminom nalang ng kape, ayoko kasing malate sa office kaya hindi ako nakakapag almusal. Paalis na sana ako ng bahay, pero tinawag ako ni mama

"nak, pwede ba kitang makausap? Kahit saglit lang, wag kang mag alala hindi ka naman gaanong malalate sa office." tugon nito

"yes po?" tanong ko agad

"anong nangyare sayo? Bakit mugtong mugto yang mga mata mo? May problema ba?" tanong agad nito

Shet, akala ko hindi mahahalata ni mama. Nag iisip nalang ako ng mapapalusot kong sagot sakanya.

"a-ano po, nanood po kasi ako ng movie. Natimingan po na drama pa yung napanood ko kaya ganto po yung mata ko" palusot kong tugon

"hindi ako naniniwala."

"ma, totoo naman po. Alam nyo naman po na emotional person ako at madali akong maiyak sa mga ganon. Parang di ako anak."

"alam ko naman, pero may ibang rason pa yang pag iyak mo. Hindi ganyan ka oa ang mata mo kapag naiyak ka. Wag ako nak, iba ang nilulusutan mo" ani nito at hindi ko nadin napigilan na hindi masabi kay mama yung rason nang pag iyak ko

"ok po, umamin napo ako kay john. Kaya din sya nandito kahapon. Kaya din po siya pumunta dito kasi para itanong kung saan kayo nagpunta kasama yung parents niya. Tapos don ko na din inamin tong nararamdaman ko kasi magulo. Sobrang gulo napo."

"nang dahil po sa deal nayan, nasaktan ko papo yung tao. Ma, yung nararamdaman niya. Yung pag ka amin niya sakin. Totoong totoo, hindi pang laro laro, totoong mahal niya ako ma. Pero, yung pagmamahal na nararamdaman niya. Hindi ko nararamdaman. Kaya, kung ako po sainyo wag nyo napong ituloy yang deal nayan. Dahil, ako po mismo ang may ayaw at walang kahit anong nararamdaman. I'm sorry ma." dugtong ko pa na saad

"nak, pero–"

"ma, ano po uulitin ko papo ba? Sabi kopo kalimutan nyo napo yon. Wala napo akong pakealam don. I'm sorry po talaga, aalis napo ako." paalam ko at agad na akong umalis ng bahay

Nang nakasakay na ako ng kotse bigla nalang akong naiyak. Apaka gulo na nang lahat, lord. Bakit nangyayare sakin tong gantong problema. Halo halo napo sa totoo lang. Gusto ko nalang sumuko na walang nakakaalam. Gusto ko nang mawala tong mga problemang to.

Umalis na ako ng bahay at papunta na din ako ng office. Dinadaan ko nalang sa drive at sad songs tong kalungkutan ko. Yon lang din naman yung magagawa ko, hindi naman basta basta mawawala to. Grabe, ako pa yung nasasaktan ng sobra. Parang ang sama kong tao sa ginawa ko sakanya. Shet, kla.

*A few Hours Later

Natapos din ang isang araw na puro trabaho. Actually, nakakagaan din siya sa pakiramdam. Nakakalimutan ko din yung ibang problema ko, lahat. Parang ang gaan sa pakiramdam.

Pauwi na sana ako kaso parang nakita ko si janna sa may coffee shop malapit sa dito sa office.

"janna!" tawag ko sakanya at nilapitan ko na siya agad

"oy girl, anong ginagawa mo dito?" tanong nito

"wala, gusto ko lang mag coffee mag isa."

"ok kalang ba? May problema ba?"

"hindi ko alam, sa totoo lang. Simula nung na buntis ako, sobrang iba na yung pakiramdam ko." tugon nito at napatulala ako bigla

"ano!? Buntis ka!?" gulat na tanong ko sakanya

"ay sorry girl. Matagal ko na sanang gusto sabihin sayo to. Kaso nahihiya ako. Hindi ko alam kung bakit."

"bakit ka nahihiya na sabihin sakin yan? Parang wala tayong pinagsamahan, parang hindi moko bestfriend. Sinong nakabuntis sayo?!" galit na tanong ko sakanya at pinaupo nalang niya ako

Janna's

"bakit ka nahihiya na sabihin sakin yan? Parang wala tayong pinagsamahan, parang hindi moko bestfriend. Sinong nakabuntis sayo?!"

"kasi ano.... Yung ex ni....."

"ex ni? Sino!?" tanong nito

"ex mo!!" sigaw kong sagot sakanya at bigla nalang siyang napatulala

"s-si.. Si Marco!?" tanong niya ulit

"oo. Siya. Hindi ko naman alam na ganto yung mangyayari tapos–"

"paano ka niya nabuntis!? Paano kayo nagkita!? Saan kayo nagkita!?" dugtong pa na tanong nito

"nagkita kami sa.... Sa bar kagabi, sobrang kalasingan niya. Tapos nakita ko siya sa may labas ng bar, kaya sinamahan ko siyang umuwi sa apartment niya. Tapos.... Tapos bigla niya akong hinalikan. G-girl, hi-hindi ko expect to. I'm sorry." naiiyak kong tugon sakanya

"kailan pa!?"

"2 months ago." tipid kong sagot at napayuko nalang ako dahil sa sobrang hiya ko sakanya

"i-i'm sorry, dahil sa ginawa ko masisira pa yung friendship natin. I'm sorry, girl. I'm sorry." naiiyak kong saad at niyakap ako ng mahigpit

"ok lang, atleast naamin mo sakin. Basta dapat panagutan niya yan. Alam kong mali din pero para sa ikabubuti ng anak nyo." seryosong tugon nito

Flashback

Na tripan kong pumunta ng bar para magrelax lang, kapag pupunta ako sa mga gantong lugar lagi kong kasama sina Kla. Pero, parang ngayon lang ako pupunta nang hindi sila kasama. Hindi naman sa first time, pero pag kasi nakakapanibago din na mag isa akong pumupunta dito.

*A few Hours Later

Hindi naman ako masyadong uminom ng madami kasi nakakatakot ding umuwi ng lasing. Nakalabas na ako ng bar at parang may nakita akong lalaki na nakahiga sa may parking ng bar. Agad ko syang nilapitan at namukaan ko siya agad, teka.. Ex to ni kla ah.

"marco?" takang tawag ko sakanya

"oh, ja-janna. Anong ginagawa mo dito!?" tanong nito at nasuka siya bigla

"yak! Apaka baboy mo naman! Bakit kaba kasi uminom ng madami ha!?"

"si... Si kla!? Kasama mo ba!?" tanong nito

"hindi, at bakit mo naman siya hinahanap?"

"w-wala." tipid na sagot nito

"tara na nga. Ihahatid na kita pauwi sainyo. Alangan naman maggrab kapa ng lasing diba." paalam ko sakanya at inakbayan ko ito papasok ng kotse

Makalipas ng ilang oras na byahe, nakarating na kami ng apartment niya at dineresto ko siya sa kama niya.

"oh, pano ba yan. Uuwi na ako. May gagawin pa kasi ako." paalam ko sakanya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko

"pwede bang wag mo nalang akong iwan kahit isang gabi lang."

"ma-marco–"

"please. Kapag ok na ako don kanalang umuwi. Please, janna." paawa nitong tugon

"pe-pero–" putol kong sinasabi sakanya at bigla niyang hinalikan ang labi ko

"b-bakit mo ginawa?"

"please, ngayong gabi lang janna." tugon nito at tinuloy tuloy nito ang paghalik sa akin

*THE REST OF HISTORY

After that night, hindi ako mapakali. Ex yon ng bestfriend ko. Biglaang may nangyare samin. Hindi ko alam bakit ako bumigay sakanya. May halong pag sisisi din yung nangyare samin. Apaka laking gago ko kasi bumigay ako sakanya, pati yung pagkababae ko nawala na sakanya.

End of Flashback

"girl, wag nalang natin sabihin sakanya na na buntis ako. Ayokong dumagdag sa problema niya."

"bakit ayaw mong sabihin? Janna, anak nyo yan! Ginawa nyo yan! Dapat panagutan niya yan."

"wag na, ok lang. Kaya kotong buhayin ng mag isa lang ako. Wag na girl. Ok lang" tugon ko sakanya

"ikaw bahala. Basta, if may need ka nandito lang ako ha. Kami ni kiara." seryoso niyang tugon

"salamat kla, sorry talaga. Apaka tanga ko para mangyari samin yon!"

"ok lang, naiintindihan kita. Sige, uuwi na ako. Ingat ka ha." paalam nito at niyakap ako

"ingat ka din pauwi. Salamat girl!" paalam ko din sakanya at lumabas na ito ng coffee shop

Hindi ako nagkamali ng kinaibigan. Apaka sarap sa pakiramdam na magkaroon ng katulad nila. Kahit sobrang mali nitong nangyare sa akin, naintindihan niya pa rin ako.

--------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 115K 64
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
905K 41.4K 175
𝒊𝒏 𝒘𝒉𝒊𝒄𝒉 the boy who lived falls for the girl who had no one
112K 5.7K 54
(y/n) (l/n) a girl who was born in the modern world who somewhat ends up in the taisho era of demon slayer. Her sassiness and eccentric attitude capt...
429K 17.5K 61
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐝 𝐫𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐨𝐭 𝐥𝐨𝐬𝐞 𝐦𝐲 𝐜𝐨𝐟𝐟𝐞𝐞 𝐭𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐚𝐬 𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐮𝐥𝐭 𝐨𝐟 𝐲𝐨𝐮 𝐩𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟𝐟 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐢𝐦𝐞-𝐛...