XV

274 14 1
                                    

sorry for misspelled words or grammatical errors.

"ba-babe?" takang tanong ko

--------------------------

Kla's

"ta-tama ba yung narinig ko!? Bo-boyfriend–"

"oo, kla. Boyfriend ko si Marco. Ginusto naman namin to eh, pinagutan niya ako. Sinabi niya sakin na nagkausap kayo" ani nito at may biglang binigay sa akin na sulat

"a-ano to?" tanong ko agad

"basahin mo nalang. Sige na, aalis na kami. I'm sorry if matagal akong hindi nagpakita sainyo. Nagtago ako sainyo kasi sobrang hiya ko na. Pasensya na sa abala. Aalis na kami." paalam nito, pero pinigilan siya ni Marco

"bakit–"

"kausapin mo nang maayos sina kla, parang wala kayong pinag samahan." ani nito

"Marco, hindi kaba nahihiya. Bestfriend ko, pinatulan mo. Nag ka anak pa kayo." galit na ani ko

"gusto ko lang naman nang closure Marco. Alam kong matagal nang walang tayo. Pero, kahit yon lang." dugtong na tugon ko

"sige, lalabas muna kami nang anak natin. Mag usap muna kayo, marco. Sige." paalam ni janna at lumabas na sila

"teka, te. Lalabas din muna ako. Bibigyan namin kayo nang privacy ni Marco." singit na saad ni Kiara at lumabas na din siya

"anong sasabihin mo?" tanong agad ni Marco

"gusto ko lang sabihin na.."

"wag na wag mong papabayaan ang mag ina mo, nahihiya akong sabihin sayo to pero.. I miss you, Marco. Miss ko na yung dating ikaw, yung laging nanjan para sakin. Miss ko na yung dating tayo." tugon ko at hindi ko na mapigilang hindi maiyak sa harap niya

"k-kla, i'm sorry kung niloko kita. Hindi mo deserve ang katulad ko. Akala ko nung una, ikaw na yung makakasama ko habang buhay. Pero hindi, nakaramdam ako nang hindi maganda na alam ko na sobrang masasaktan ka. I'm really sorry, kla." ani niya at hinawakan niya ang mga kamay ko

"siguro, eto na yung last nating pag uusap. Kasi, masaya kana sa bestfriend ko. Masaya ako na nakilala kita, masaya ako na nagkaroon ako nang isang katulad mo. Hindi ko naman masisisi sarili mo eh, yon na yung naramdaman mo. Eto na din yung last word na sasabihin ko sayo. I.. Iloveyou." naiiyak kong saad at hinalikan ko ang labi niya

Habang ramdam ko ang mga halik niya sa labi ko, sobrang nagfaflashback lahat nang memories mamin. Sa masayang relationship na meron kami, sa lahat nang bagay na nagawa niya sakin. Kahit ginago niya ako non, hindi ko makakalimutan yung mga magagandang nagawa niya sakin non.

"Thank you, marco. And goodbye."

Ang salitang pinakakinakatakutan kong sabihin, sa lalaking unang minahal ko.

Nandito ako sa may coffee shop kung saan kami laging tumatambay nila Janna. Nakakamiss ding ka bonding si Janna dito, sobrang saya na lagi kaming magkakasama. Pero lahat nagbago.

Umuwi na din si Kiara, dahil nagkaroon siya nang emergency meeting sa office nila.

Eto ako, natulala lang. Sobrang dami ko nang iniisip, hindi ko na alam yung gagawin ko. Pagkalabas ko nang coffee shop, dumiretso na ako nang parking ko. May bibilhin pa sana ako pero, hindi na muna ngayon. Papasok na sana ako nang sasakyan ko nang may naramdaman ako na nakahawak sa isa kopang kamay

"hoy! Bakit–" sigaw na ani ko at pagkaharap ko sa may hawak nang kamay ko, si john pala to

"John!?" takang tawag ko sakanya

Arrange Marriage Where stories live. Discover now