Pahimakas

eros_calypso által

645 74 14

Nakahiligan na ni Claire ang pagbabasa ng mga aklat tungkol sa kasaysayan o mga historical fiction. Lagi niya... Több

Panimula
Mensahe
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8

Kabanata 6

19 5 3
eros_calypso által

Dahan-dahan kong inihakbang ang aking mga paa sa damuhan upang marating ang lagusan. Hindi ako makapaglakad nang maayos dahil matataas damo at talahiban ang mga natatapakan ko. Paminsang-minsang humahampas ang mga halaman dahil kahit tanghaling tapat ay sariwa pa rin ang hangin. Sinilip ko ang loob ng maliit na lagusan ngunit hindi ko na sila nakita. May mahabang daan pa akong naaaninag at sa aking palagay ay may iba pa silang pinatunguhan nang makapasok sila sa lagusan na 'to.

May kakaiba akong pakiramdam sa kanila ngunit wala rin akong magawa dahil ko na alam kung paano sila susundan. Ngunit mayroon akong natandaan na nabanggit ni Nathaniel noong gabing nag-usap kami sa hardin. Mayroon siyang sinabing samahan na hindi pamilyar sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, sa aking pagkaka alala ay sandugo raw ang pangalan ng grupo na tinugis ng mga guardia-civil kaya't nagkakagulo sa bayan noong gabing makarating ako sa panahon na 'to.

Hindi kaya ang daang iyon ang patungo sa kuta ng sinasabi niyang samahan na sandugo? Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip. Bakit kaya may nalalaman si Nathaniel sa samahang tumutuligsa sa gobyerno? Sa aking nakikita ay parehong opisyal ang ama niyang si Don Federal at ang ama kong si Don Edgardo.

Noong araw na nagkukuwento sa akin si ina ay nabanggit nitong kaya taw madalas wala sa bahay si ama dahil palagi raw itong may inaasikaso sa Fort Santiago na mga papeles. Nakatitiyak akong opisyal silang dalawa sa pamahalaan dahil pamilyar din ang uniporme na palagi nilang suot. Kung naglilingkod sa pamahalaan ang kaniyang ama, tiyak na hindi maaaring sumali sa mga ganoong samahan si Nathaniel.

Napahinga na lang ako nang malalim at saglit na sumandal sa mahabang pader. Ang dami ko namang tanong simula nang mapunta ako dito. Ngunit hanggang ngayon, wala pa rin ako kahit kaunting sagot na nakukuha.

Muli na akong nag-ayos at lakad-takbo na akong bumalik dahil bigla kong naalala si Estela. Naiwan ko nga pala siya sa simbahan habang nagdadasal. Tiyak na hinahanap na niya ako ngayon. Ang daming pasikot-sikot dahilan para magkandaligaw-ligaw ako dahil hindi ko naman natandaan ang dinadaanan ni Nathaniel habang sinusundan ko siya.

Ilang minuto ang nakalipas at narating ko na rin ang simbahan. Ganoon pa rin ang dami ng mga tao. May mga nagbebenta pa rin sa paligid at marami rin ang mga mamimili. Masigla pa rin ang bayan at nagkalat ang iba't ibang paninda gaya ng mga kuwintas, singsing, agimat, mga laruang kahiy at samu't saring mga alahas. Mapapansin din ang mga nagbebenta ng mga pocket book habang nagkukuwento sa mga tao. Magsisimula lamang silang magkuwento kapag kumpulan na ang mga tao sa harap ng kanilang paninda at bibitinin ang mga nakikinig upang bilhin ang kinukuwento nito.

Mayroong ding mga Aleng naglalako ng kanilang mga abaniko at ang iba naman ay nag-aalok ng mga pansapin sa paa. Napakasimple ng ganitong pamumuhay at buhay na buhay ang tradisyong Pilipino. Ang daming mga bagay na magpapakilala sa Pilipinas at tatangkilik sa mga produkto nito.

Agad 'kong nakita ni Estela hindi kalayuan sa bilihan ng mga sampaguita. "Estela!" tawag ko at agad naman itong napalingon sa akin. "Binibini saan ka ba nagtungo? Kanina pa kita hinahanap," pambungad na tanong nito nang makita ako. Para tuloy siyang nawawalan ng anak dahil sa ekspresyon niya. Mabilis lang napagaan ni Estela ang loob ko habang kasama ko siya sa panahon na 'to. "Tumingin lamang ako ng mga bulaklak sa tabi-tabi," pagdadahilan ko ngunit napailing na lamang siya habang nangingiti. Tiyak na alam niyang nagdadahilan lang ako.

"May nais pa po ba kayong patunguhan?" tanong sa akin ni Estela. Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya. Lagi lang naman akong nasa kwarto kung uuwi na agad kami ngayon. Wala naman akong ginagawa doon dahil wala naman akong dalang cellphone.

Agad akong napangiti at mistulang may bumbilyang biglaang umilaw sa ulo ko. "Magpunta tayo sa bookstore!" excited kong sambit kay Estela ngunit napakunot lamang ang noo nito sa sinabi ko. "Bu-bukstor? Saang lupalop ng daigdig iyon Binibini?" tanong niya at napahinga nanaman ako nang malalim. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. "Ang ibig kong sabihin ay, magtungo tayo sa aklatan," paglilinaw ko sa kaniya at napatango naman ito bago muling mapaisip.

"Kailan pa kayo nahumaling sa mga aklat Binibini? Hindi ba't pagbuburda ng damit ang inyong libangan?" nagtatakang tanong sa akin ni Estela at napasinghap na lang ako sa hangin. Kaunti na lang talaga gagawan ko na ng talkshow 'tong si Estela. Dinaig niya pa ang Tonight with Boy Abunda sa dami ng tanong niya sa'kin kada-araw.

"Alam mo sis, tara na. Napapagod na 'kong mag-explain," saad ko sa kaniya at hinatak na siyang maglakad papalabas ng simbahan kahit pa gulong-gulo na siya sa mga sinasabi ko.

Nabanggit ni Estela na pansamantala raw nagsasara ang aklatan tuwing tanghalain kaya't naisipan naming kumain muna bago magtungo doon. Nagpunta muna kami sa plaza at dinala ko siya sa karinderya nila Aling Esteban. Katulad noong unang beses akong makarating dito ay sinalubong muli kami ni Aling Esteban ng malawak niyang ngiti. "Nakakatuwang isipan na nagbalik kayo, Señorita," bati nito sa akin.

Malaki ang karinderya nila Aling Esteban at gawa sa kahoy ang bawat haligi nito. Maging ang mesa at mga upuan ay mapapansing gawa rin sa kahoy na sa aking palagay ay gawa sa mga puno ng narra. Maraming mga kumakain sa kanila kahit pa may ibang mga karinderyang nakatayo sa paligid. Mas tinatangkilik nila ang karinderya nila Aling Esteban dahil na rin siguro sa sarap niyang magluto at kung paano niya ieentertain ang mga costumers na kumakain sa kanila.

"Nais ko lamang hong matikman ang iba niyo pang masasarap na putahe," saad ko kay Aling Esteban at nagtungo na kami sa gitnang mesa. "Binibini, wala akong dalang anumang salapi," bulong sa akin ni Estela at natawa na lang ako sa kaniya. "Huwag kang mag-alala, treat ko. Ako na ang bahalang magbayad," bulong ka sa kaniya pabalik bago kami umorder.

Umorder ako ng kalderetang baka at pansit bihon. Nilagang baboy naman ang kay Estela. Sobrang namimiss ko na ang ganitong klase ng mga ulam. Hindi kasi ako nakakakain nang marami dati.

Kasalukuyan kami ngayong naghihintay na maluto ang mga pagkain. Mahigit ilang minuto kaming nakaupo sa at nakasandal sa upuan. Nilibot ko muna ang aking paningin sa paligid at nakita kong wala rito sina Bernadette at Cuario. Tiyak na kasama nila si Nathaniel ngayon at tama nga ako na sila ang nakita ko kanina.

"Estela, may alam ka ba tungkol sa sandu-," hindi ko na natapos ang pagsasalita dahil biglaang dumating si Aling Esteban. "Narito na ang inyong pagkain naggagandahang mga Binibini," nakangiti saad ni Aling Esteban at inilapag na nito ang mga inorder namin sa mesa. "Maraming salamat po," saad namin ni Estela at napatingin ito sa akin. Umiling na lang ako sa kaniya dahil tiyak na tatanungin niya dapat kung anong sasabihin ko kanina na hindi ko natuloy.

Ilang minuto lamang kaming kumain at pinabaunan pa ako ni Aling Esteban ng minatamis na kamote para kay ina. Pasasalamat niya raw ito sa pagpunta namin sa munti nilang karinderya noong isang araw.

Sumakay na kami ng kalesa at si Estela ang nagtuturo sa kutsero kung saan ang daan patungong aklatan. "Marami kayang magagandang aklat doon?" tanong ko sa kaniya ngunit diretso lamang ang tingin ko sa daan. "Iba't ibang aklat ang naroroon. Tiyak na mahihirapan kang pumili sa sobrang dami," sambit ni Estela at pareho na kaming natahimik hanggang sa huminto ang kutsero sa isang gubat.

"Paumanhin ngunit hanggang dito na lamang ho ang sakop ng aming mga ruta," saad ng kutsero at napayuko pa ito sa amin. "Binibini, ayos lang ba sa inyong lakarin na lamang natin ang daan papuntang aklatan?" bulong sa akin ni Estela at agad naman akong tumango. Hindi rin naman talaga kakayanin ng kalesa na pumasok sa gubat dahil hindi na ito parte ng bayan. Naiintindihan ko naman ang kutsero dahil ginagawa lamang nito nang maayos ang kaniyang trabaho.

Nagbayad na kami ni Estela at muling humingi ng paumanhin ang kutsero ngunit napapailing na lamang ako at patuloy na tumatango. Naiintindihan ko naman kaya't hindi na niya kailangang magpaliwanag.

Bumaba na kami at tinahak ang masukal na daan ng gubat patungo sa sinasabi ni Estela. "Hindi ba't masyadong liblib ang aklatan na binabanggit mo?" tanong ko sa kaniya. Nahihilo ako sa dami ng mga matatayog na puno na nasa daan namin ngayon. Masyado ring malambot ang mga lupa kaya't nahihirapan kami ngayong maglakad nang maayos.

Maya-maya pa ay may natatanaw na akong isang lumang bahay na nakatayo sa gitna ng kagubatan. Tanghaling tapat ngayon ngunit mukhang nagbabadya ang ulan dahil makulimlim ang langit. "Iyon ang aklatan na sinasabi ko Binibini!" sigaw ni Estela habang tinuturo ang lumang bahay na malapit na naming marating.

Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ngayon ng aklatan. Nakaramdam ako ng kakaiba at para bang pamilyar ang lugar na 'to para sa'kin. Para bang napuntahan ko na ang lugar na 'to ngunit hindi ko lamang matandaan kung kailan. May maliit itong hagdan paakyat at gawa sa kahoy ang bawat haligi nito. Napupuno ng dayami ang bubongan at walang kahit anumang nakatayong bahay sa paligid bukod dito.

Dahan-dahan kaming umakyat ni Estela sa maliit na hagdan hanggang sa marating namin ang pinto. "Mang Teodor?" tawag nito at bigla akong nakaramdam ng kaba. Narinig ko na ang pangalang iyon ngunit hindi ko lamang matandaan kung kailan. Mas bumibilis ang pagkabog sa dibdib ko nang patuloy na tinatawag ni Estela ang pangalan. "Mang Teoder??" muli nitong tawag at dahan-dahang nagbukas ang pintuan na gawa rin sa malapad na kahoy.

Bumungad sa amin ang isang matandang lalaki na medyo payat at nakasuot ito ng kupas na kamiso. Mapapansin mong kulubot na ang balat nito ngunit matikas pa rin ang kaniyang dating na para bang wala siyang kahit anong iniinda. Nagtama ang mga mata namin at nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang may biglaang pumasok sa alaala ko.

Nandito rin daw ako noon at malakas ang ulan ng mga oras na 'yon. Kasama ko raw si Bea at hinarap na rin daw namin ang matandang lalaking na nasa harap namin ngayon. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ko ang saglit na pagkirot nito. "Binibini ayos ka lang?" tanong sa akin ni Estela at gumanti lamang ako sa kaniya ng ngiti bago tumango.

Pumasok na kami sa aklatan at bumungad sa amin ang samu't saring mga aklat na maayos ang pagkakahilera. Napangiti ako kay Estela at nakita ko rin ang galak sa kaniyang mga mata nang makita ang mga aklat. Dali-dali kaming nagtungo sa maraming mga libro at isa-isa ko itong sinuri. Nakakagaan ng loob dahil ibang-iba ang mga aklat sa panahon ngayon. Sobrang classic ng dating at para bang gusto ko silang bilhin lahat.

Nakita ko si Estela sa kabilang hilera at hindi rin nito maiwasang mapangiti habang hinihimas ang mga aklat. Wala akong masyadong napansin na mga nobela. Siguro ay mga anim lamang o pito dahil puro aklat tungkol sa pag-aaral na ang mga nandito.

Kumuha ako ng isang aklat na may pamagat na Ang Pagmamahal ng Buwan sa Haring Araw. Hindi ko alam ngunit napangiti ako sa pamagat ng libro. Ano kayang klaseng mga writer ang nasa panahon na 'to? Tiyak na magaganda ang pagkakahabi nila ng mga salita at purong tagalog ang nilalaman ng bawat nobela na sinusulat nila.

Nilibot ko po ang aklatan habang hawak-hawak ang unang libro na napili kong bilhin. Maya-maya pa ay napatigil naman ako sa tapat ng isang aklat at binasa ang pamagat nito. "Paalam, Sinta. Ang sakit naman," saad ko sarili at sinimulang kuhanin ang aklat. "Paniguradong hindi magkakatuluyan ang dalawang bida sa nobelang ito," muli kong sambit habang hinihimas ito ngunit nagulat ako nang may boses na nagsalita mula sa likod ko. "Hindi mo maaaring husgahan ang nobela base lamang sa kaniyang pamagat," saad ng boses ng isang lalaki.

Napahinga ako ng malalim at humarap sa kaniya "Obvious naman kasi-" naistatwa ako sa aking kinatatayuan nang saktong pagharap ko ay nakita ko si Nathaniel. Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong nakaramdam ng pagbagal sa takbo ng oras. Naririnig ko ngayon ang hindi normal na pagtibok sa dibdib ko.

Masikip lamang ang puwesto dito kaya't napakalapit namin ngayon sa isa't isa ngunit parang hindi ito nakaramdam ng gulat at ako lamang ang nawiwindang sa mga nangyayari. Diretso lamang siyang nakatingin sa akin na para bang pinapasok nito ang kaluluwa ko.

Napakalapit namin at kaunting galaw lamang ay magdidikit na ang aming mga katawan. Napalunok ako nang agad na itong umalis at nagtungo sa mesa kung saan dapat magbayad. Napahawak ako sa tapat ng puso ko at hindi ko ito magawang pakalmahin.

Huminga ako nang malalim at muling lumingon sa gawi niya. May atraso pa nga pala sa'kin ang lalaking 'yon. Mayroon din akong kailangan alamin mula sa kaniya noong nakita ko siya sa maliit na pamilyar na lagusan.

Papalabas na ito ng pinto kaya dali-dali akong nagtungo kay Estela upang iabot ang salapi at ang dalawa kong libro bago pa mawala si Nathaniel. "Hoy hoy hoy! Wait lang!" sigaw ko sa kaniya nang saktong makababa ito sa hagdan ng aklatan ngunit nagpapatuloy lamang ito sa paglalakad na para bang wala siyang naririnig.

Dali-dali na rin akong bumaba at hinabol siya ngunit napakabilis niyang maglakad at ang laki ng mga hakbang niya. Tumakbo na ako upang mahabol siya at hinatak ang pinakadulo ng suot niyang coat upang mapahinto ito ngunit ayaw pa rin niyang tumigil dahilan para sa kanang braso niya ako sapilitang mapahawak.

Napatigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. Napahawak na rin ako sa kaliwa niyang braso dahil sa sobrang hingal. Nang maging maayos na ang pakiramdam ko ay napatingin ako sa kamay ko na nakahawak ngayon sa kaniya at kitang-kita ko rin ang pagkagulat sa mukha niya nang makita ang posisyon namin ngayon.

Ngayon ko lang narealize na nakayuko pala ako sa kaniya habang hawak ang magkabila niyang braso. Katapat ko ngayon ang sinturon nito at ngayon ko lang naimagine ang hitsura ko kanina habang hinihingal sa ganitong posisyon.

Gusto ko na talagang lumubog ngayon. Bakit ba laging may kahihiyang nangyayari sa'kin kapag kaharap ko si Nathaniel? Binggo na 'ko sa kaniya at hindi ko na talaga alam kung paano malilinis ang paningin niya sa pagkatao ko.

Muli akong napahinga nang malalim at bumitaw sa kaniya bago magpaliwanag. "Sorry- ah! este paumanhin," saad ko sa kaniya ngunit napaiwas ito ng tingin sa'kin at napalunok. Nakita ko nanaman kung paano magtaas-baba ang adam's apple niya. Lagi niya 'yong ginagawa tuwing kinakabahan siya o hindi siya komportable.

Muli itong humarap sa akin na para bang hinihintay na magpaliwanag ako. Feeling niya siguro humohokage moves ako sa kaniya tuwing magkikita kami. Humugot ako ng lakas ng loob bago muling magsalita. "Wala akong ibang intensyon okay? May gusto lang talaga akong malaman," saad ko sa kaniya sa mahinahon na paraan.

Seryoso lamang itong nakatingin sa akin dahilan para kabahan ako lalo. Masyado naman kasing conservative 'to si Nathaniel. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi dahil iba ang panahong kinalakihan ko. Baka kapag hindi ako nagtino ay ipabilanggo na niya ako at pagbintangan sa kasong sexual harassment.

Napapikit na lang ako sa mga naiisip ko bago muling magsalita. Siya nga pala ang maraming utang sa akin kaya't siya ang dapat na kabahan. Muli akong tumingin sa kaniya bago siya tanungin. "May nabanggit ka sa akin noong gabing nag-usap tayo sa hardin tungkol sa sinasabi mong dahilan kung bakit nagkakagulo noon sa bayan. May nabanggit kang pangalan ng samahan na kung hindi ako nagkakamali ay sandugo?" saad ko sa kaniya ngunit nakatitig lamang ito nang seryoso sa akin.

"Kaninang umaga, nakita kita doon sa maliit na lagusan kung saan ako nakatayo noong gabing nagkakagulo sa bayan," pagpapatuloy ko at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. "Kung gayon, nangangahulugan itong sinundan mo ako kaninang umaga?" tanong niya sa'kin pabalik. Teka lang, bakit parang mauuwi pa ang usapan na 'to na ako ang may kasalanan.

Napahinga ako nang sobrang lalim at diretsong tumingin sa kaniya bago niya pa mabaligtad ang mga pangyayari. "Umamin ka nga. Bakit mo ako tinutukan ng patalim noong gabing 'yon?" tanong ko sa kaniya ngunit narinig ko ang boses ni Estela na tumatawag sa'kin. "Binibing Soledad!" napatingin ako sa likod upang huwag munang palapitin si Estela ngunit nabigla ako sa tanong nito. "Sino ang inyong kausap?" nagtataka nitong tanong at nagulat ako nang pagharap ko ay mabilis nang nakaalis si Nathaniel nang hindi ko namamalayan. Anak ng mokong talaga 'yung lalaking 'yon! Dinaig na niya talaga ang mga snatcher sa edsa. Nakakainis!

Umuwi na kami ni Estela bago pa magsimulang umulan. Madilim na ang paligid at malapit nang sumilip ang buwan. Dumiretso muna ako sa kwarto upang magpahinga dahil napagod din ako sa araw na 'to. Tinanong namin ang mga kasambahay kanina at sinabing mamaya pa raw makakauwi si ina kaya't hindi na ako nagpaluto ng hapunan at babawi na lang ako ng kain bukas.

Kasalukuyan akong nakasilip sa bintana habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan. Itinapat ko ang kamay ko dahilan para mabasa ito. Bata pa lamang ay lagi ko na itong ginagawa at hindi ko alam kung bakit sabik na sabik ako sa ulan at sa patak nito.

Napatigil ako nang may kumatok sa pintuan at iniluwa nito si Estela. "Binibini, may nagpadala ho sa inyo ng liham," saad niya na ipinagtaka ko. Liham? Sinong magpapadali sa'kin ng liham? "Kanino raw galing?" tanong ko sa kaniya ngunit maging siya ay wala ring alam dahil wala namang pangalan na nakasulat sa labas ng sobre.

Nagpasalamat na ako kay Estela at nagpaiwan na dito sa kwarto. Nagpunas ako ng kamay at maingat na binuksan ang liham. Ito ang unang liham na natanggap ko sa buong buhay ko. Dahan-dahan kong binuklat ang papel at nanlaki ang mata ko nang mabasa ang pangalan kung kanino ito galing.

Nathaniel Buenaventura

Olvasás folytatása

You'll Also Like

Babaylan Ann Lee által

Történelmi fikció

1.3M 79.5K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
57.6K 2.9K 59
Dagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wis...
269K 12.7K 35
With one bullet, the greatest assassin of the 21st century meets her end. As she tries to accept her end, she then open her eyes in a very familiar b...
758K 19.4K 6
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...