Nakahiligan na ni Claire ang pagbabasa ng mga aklat tungkol sa kasaysayan o mga historical fiction. Lagi niyang hinihiling na sana ay naabutan niya ang sinaunang panahon kung saan laganap ang tunay na kulturang Pilipino. Mas ginugusto niyang magbasa ng mga nobela dahil kahit papaano ay nakakatakas siya sa reyalidad. Sa bawat kaarawan nito ay hindi mawawala sa kaniyang hiling na sana ay makabisita siya sa sinaunang panahon kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa mga aklat na kaniyang binabasa. Sa pagsapit ng kaniyang ikalabing-walong karaawan o 18th birthday, muli niyang binulong sa hangin ang kaniyang kahilingan simula pagkabata. At kasabay ng pag-ihip niya sa kandila ay ang biglaang pagdilim ng paligid. Muling nagkaroon ng munting liwanag ngunit nagmumula na ito sa isang gasera. Nilibot niya ang paningin at laking gulat nito nang mapagtantong natupad na ang palagi niyang hinihiling. Ang makabalik sa sinaunang panahon at matunghayan nang harapan ang mga pangyayari sa mga aklat na binabasa nito. Ngunit hindi niya alam na may malaking kabayaran ang kaniyang kahilingin dahil napadpad ito sa mundo ng isang nobela. Ang magulong mundo ng nobelang Pahimakas.