Sky Paradox: Battle of Gangst...

By pen_and_ink

278K 5.5K 1.2K

(Tagalog) Sky Paradox. Isang amateur band na unti unting nakikilala sa mundo ng musika dahil sa kanilang mahu... More

Sky Paradox
Sky Paradox Band
Red Scorpion Gang/ Section Fire
Minor Characters
Prolouge
Chapter 1: Babae po ako...
Chapter 2: Section Fire
Chapter 3: Sakuragi, ang boy basted
Chapter 4: Deal or No Deal
Chapter 5: It's a Cloud-y Day
Chapter 6: Kinidnap si Kambal
Chapter 7: Black Mask Gang
Chapter 8: "Ex"-Mas Light
Chapter 9: Tour Guide
Chapter 10: Ang Muling Pagbuhos ng "Ulan"
Chapter 11: Makulimlim ang "Langit"
Chapter 12: Ang "Piyansi" ni Blue
Chapter 13: The Warning
Chapter 14: B1 vs B2
Chapter 15: Black Letter
Chapter 16: Ang Katapat ni Grey
Chapter 17: Dilemma of a Womanizer
Chapter 18: Ang Pagbabalik
Author's Note
Chapter 19: Red Strikes Again
Chapter 20: The Clash of Thunder and Lightning
Chapter 21: Teamwork
Chapter 23: Sudden Outburst
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Revelations
Chapter 26: Teardrops
Chapter 27: A Glimpse of the Past
Chapter 28: Friend or Foe
Chapter 29: Unmasked?
Chapter 30: Ang Nawalang mga Alaala
Chapter 31: Friends
Chapter 32: Intramurals
Chapter 33: Ang Pag-Art-e ni Sky

Chapter 22: Teamwork: The Perfect and the Failure

6.4K 171 63
By pen_and_ink

Hello guys! this is probably my last update until i dont know when. bukod kasi sa busy ako sa work ay nasira pa ang laptop ko kaya wala akong gagamitin para magtype during free time. alam kong malaki na atraso ko sainyo pero wala akong magagawa ngayon dahil wala pa akong pambili ng bagong laptop. don't worry, i won't abandon this story. marami pa akong balak sa story na to at ayaw ko namang masayang ang mga ideyang yun. just be patient and wait for Sky. 

anyway enjoy this update na lang. more on humor ito ngayon but just want to remind you to take note of some details. baka makatulong sa inyo. hehe...

VOTE and COMMENT pa rin if you like. ^_^

CHAPTER 22 – Teamwork: The Perfect and The Failure

Natahimik ang buong gym, then…

Whoohoooo panalo tayo!

Nagtatalon sa tuwa ang Red Scorpion team sa pagkaka-shoot ng huling tira ni Rain. Lumapit na rin sakanila ang ibang team member at nakisali sa pagsasaya nila. Binuhat nina B1 at B2 si Rain na tuwang tuwang kumakaway din sa mga fans niyang nanood ng laban.

Pero habang nagsasaya ang lahat ay hindi maipinta ang mukha ni Tol na nanatiling nakatayo sa puwesto nito kanina. Tumingin siya sa direksiyon papuntang locker pero wala na ang taong tinitignan kanina. Napayuko na lang siya at napakuyom ng kamao.

Nang binaba nila B1 at B2 si Rain ay sinamantala ito ni Tol para komprontahin. “Bakit mo ginawa yun!

 

Napatingin sakanila ang ibang team mate nila at natigilan sa pagsasaya.

Nawala ang ngiti ni Rain at bumulong sakanya. Alam ko kung anong balak mong gawin kanina.

Nanlaki ang mata niya sa narinig. “A-anong-

Pero bago pa niya matapos ang sasabihin ay lalo siyang naguluhan nang mag-puppy eyes bigla ang kausap. “Sorry na! Na-excite lang ako masyado. Akala ko ipinasa mo sa akin eh.

Hindi pa rin siya nakakaimik nang linapitan na sila ng iba. Tinapik siya sa balikat ni B2. “Hayaan mo na Arwin. Naipasok naman niya ang bola eh.

Oo nga naman. Konti lang kasi ang nagawa niyang points kanina kasi puro siya assist kaya okay lang yan.” Dagdag ni B1.

Tss.” Masama ang mukhang nag-walk out na lang si Tol.

~~~

Hanggang sa locker room ay hindi pa rin napapawi ang kasiyahan ng team sa pagkapanalo nila. Tama nga si Sky. Mas masarap nga sa pakiramdam ang pagkapanalo nila ngayon dahil pinaghirapan ng buong team ito. Hindi naman sa ayaw nila sa paraan ng paglalaro ni Red pero mas naramdaman kasi nila ang pagiging varsity nila ngayon na they were able to give their all in a game. Of course they still want and need their captain to win but they also hope that he would give them a chance to help and prove their worth as part of the team. They want to build a more sturdy teamwork with him if given a chance. That’s how they gave importance to their captain and leader, Red. Speaking of which ay hindi na nagpakita matapos ang locker incident. Not that they expected him to congratulate them but his mere presence would be highly appreciated.

However, eventhough their captain is not here hindi pa rin maaalis sakanila ang excitement at kasiyahan.

Akala ko talaga hindi na tayo mananalo kanina.”Sabi ni B1 habang pinapatuyo ang buhok ng tuwalya.

Oo nga. Buti na lang nakahabol pa kayo nung huli.”Sangayon ni Chickboy.

Siyempre ang galing kaya ng combinations namin nila Rain.” Pagmamayabang naman ni B2.

Tumingin yung third year sa nakahiga at nakapikit na si Rain. “Si Rain talaga ang malaki ang naitulong. Ang galing niyang umagaw ng bola sa kalaban. Parang sa tingin ko pa nga ay pinapasa nila intentionally sakanya ang bola.

Napatingin ang isang 4th year na taga section Earth sakanya. “Napansin mo din pala yun. Akala ko kasi namamalik-mata lang ako kanina eh.

Baka naman nababakla na sila dito kay Rain dahil mukha siyang babae lalo na mahaba ang buhok niya at naka-ponytail pa kanina. Hahaha…” Ani Chickboy na natatawa pa.

Hmp hindi ako bakla no?” Naka-pout na reklamo ni Rain na nakalugay na ang buhok.

Hahaha Rain gising ka pa pala. Hindi naman ikaw ang tinutukoy kong bakla kundi sila. Haha…

Nakanguso pa rin si Rain kaya ginulo ni Sky ang buhok niya saka kinausap ang team. Saan niyo nga pala gustong mag-celebrate?

Yan naman ang hinihintay ko eh. Libre mo kami Coach?”Tuwang tuwang wika ni B2.

KKB tayo.” Nawala ang excitement nila kaya natawa siya. “Haha joke lang. siyempre iti-treat ko kayo. Ito ang unang game namin ni Rain sa team at panalo tayo kaya dapat nating i-celebrate yan.

Yun yun eh. Hahaha I love you Sky! Pakiss nga…

Op op op…” Ani Rain na napabangon pa at hinarangan si B2 sa balak na gawin kaya nagkatawanan na naman sila.

Congrats guys! Ang galing niyo kanina. Matutuwa ang school niyan.” Bungad na sabi ni Cloud pagkapasok ng locker room.

Thanks Pres. Sama ka sa amin sa victory party.”Alok ni Chickboy.

Sige ba. Sinong manlilibre?

Lumapit si Sky sakanya. “Ikaw daw eh.” Nanlaki ang singkit niyang mata. “Hahaha joke lang. Treat ko na. Dun tayo sa resto ni Kuya Tabs.

Game! O ano pang hinihintay niyo? Tara na!” Cloud exclaimed excitedly.

Nagsipagtayuan naman na ang lahat. Binigay na lang ni Sky ang address ng resto at dun na lang sila magkita-kita dahil hiwa-hiwalay sila ng sasakyan.

Sina Sky ang huling lumabas. “Asan nga pala sina Iya?

Napatingin sakanya si Cloud habang isinasakay sa likod niya ang tinatamad maglakad na si Rain. “May pupuntahan daw sila ng mga kaibigan niya eh. May bodyguard naman yung si Hanna kaya pinayagan ko na.

 

Tumango na lang siya at naglakad na sila. Nang dadaan na sila sa court ay muntikan na silang tamaan ng lumilipad na bola. Pagtingin nila sa pinanggalingan nito ay nakita ni Sky yung mga nagdala sakanya sa gym kanina.

Si Cloud ang unang nagsalita. “Anong kailangan niyo?

 

Lumapit sa kanila yung matangkad at tumigil sa harap ni Sky. Tinapon nito sa ere ang bola saka sinalo. “Maglaban tayo.” Anito na nakatingin ng diretso kay Sky.

Nakatingin lang si Sky dito nang nagtataka kaya si Cloud ulit ang nagsalita. “Hindi kami interesado. May pupuntahan pa kami.

 

Napangisi ito at muling nagsalita pero kay Sky pa rin nakatingin. “Bakit? Natatakot kayo sa amin? Baka naman for display ka lang na coach dahil wala si Red at hindi mo talaga alam maglaro.

Siguro.” Nakangiting sagot ni Sky na ikinabigla nito.

Yan lang ba ang kaya mong gawin para makumbinsi kami? Kung oo ay nagsasayang ka lang ng oras. Aalis na kami.” Seryosong sabi ni Cloud.

Natauhan naman ito at ngumisi ulit. “Bakit? Ganun ba kayo kahina? Hmm… Sabagay ano pa bang aasahan ko sa isang pandak… malabo ang mata… at isang bakla.” Inisa-isa niyang tinignan sina Sky habang sinasabi ito.

Napaangat ng mukha si Rain at tumingin ng masama dito. Ayaw niya sa lahat ay tinatawag siyang bakla. Call him childish, just don’t call him gay.

Napangisi lang ang matangkad. “Oh mukhang alam mo na agad kung sinong tinutukoy kong bakla ah. Guilty? Hahaha…

Sky kaya ko pang lumaban.” Ani Rain.

Sigurado ka?” Tanong ni Sky na tinanguan lang niya. “Okay!

Tsk. Papayag din pala andami pang paligoy-ligoy.

Nagpunta na sila sa court.

Anong mechanics ng laban?” Tanong ni Cloud.

Yung kalbo ang sumagot. “Race to 21. No Rules.

No Rules?” Ulit niya.

Ibig sabihin walang foul.” Sabi ni tangkad. “Ano natatakot na ba kayo?

Sinong para sa jumpball niyo?” Tanong ni Sky at binalewala ang patutsada ni tangkad.

Naasar naman ito. “Ako! At sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang nangyari kanina.

Napatingin si Cloud at Rain kay Sky ng may pagtataka dahil sa hindi nila alam kung anong tinutukoy nito.

Siyempre hindi na talaga mangyayari yun dahil si Rain ang magja-jump ball para sa amin.” Nakangiting sabi ni Sky.

Huh? Bakit? Natatakot ka na sa akin?

Siguro.” Maikling turan ni Sky nang nakangiti pa kaya lalong nagsalubong ang kilay ni tangkad at hindi na lang nagsalita.

Sino pa lang magsisilbing referee at scorer?” Pahabol na tanong ni Cloud.

Tumingin sa paligid ang singkit at nakita ang janitor na galing sa locker area kaya tinawag niya ito at inutusang maging referee. May nakita din itong dumaang estudyante kaya sinabihan niya itong maging scorer.

Is this some kind of a joke?” Nakakunot noong bulalas ni Cloud.

Bakit? Di ba sabi ko walang rules kaya wala ding silbi ang referee. Ang tanging gagawin niya lang ay ihagis ang bola kapag jump ball. Sa score naman, isigaw niyo lang ang score niyo at yun na ang ilalagay nila. Easy di ba?” Sabi ng kalbo.

Hindi na umimik si Cloud kaya nag-umpisa na sila. Ang kalaban ang nakakuha ng bola kaya nagyabang pa ang matangkad pero dinedma lang nila siya. Umpisa pa lang ay agresibo na ang kalaban kaya nagkasunod ang score nila. Naka-5 points agad sila.

Nang magti-3 points ang kalbo ay nagawa ni Rain na maagaw ang bola pero hindi pa siya nakakalayo ay binunggo siya ng matangkad kaya nabitawan niya ang bola at napunta sa kalaban. Dahil nga walang rules ang laban ay ginagawa ng kalaban ang lahat para mapasakanila lagi ang bola and that includes intentionally hurting their opponent.

Nai-shoot nila ulit ang bola at ngayon ay 7 points na sila. Ito ang naabutan ni Sakuragi at Kambal na nagpasyang balikan sina Sky.

Anong ginagawa nila?” Nagtatakang tanong ni Sakuragi.

Malamang naglalaro.” Sagot ni Kambal.

Inismiran niya ito. “I mean bakit sila nakikipaglaban at mukhang agrabyado sila.

Aba malay ko. Kasama mo akong dumating diba?

Aissst!

Napatigil ang mga naglalaro at napatingin sakanila kaya sinamantala ito ni Sakuragi para magtanong. “Ano yan? Bakit kayo…?

HUWAG KAYONG MAKIALAM DITO! MANOOD NA LANG KAYO KUNG GUSTO NIYO!” Asik ng matangkad.

Hayaan mo na lang sila Jiro. Magtiwala ka na lang kina Sky. Alam nila ginagawa nila.” Ani Kambal kaya tumahimik na lang ito.

Okay. Oras na para magseryoso. Kailangan na nating bilisan dahil baka mainip na ang iba at dumami ang audience natin.” Ani Sky na hawak hawak na ang bola at wala nang ngiti sa labi.

Napatingin si Cloud sakanya. “Ibig sabihin…

Oo. Tanggalin mo na ang salamin mo at Rain umayos ka na din.

Huh? Anong pakulo yan? Sa tingin niyo masisindak kami dahil lang nagseryoso kayo? Hahaha nagpapatawa ata kayo eh. Dapat kanina niyo pa naisip yan.” Kantyaw ng matangkad.

Wala kaming sinisindak. Gusto lang naming matapos na ang kalokohang ito.

Aba’t…” Susugurin sana nito si Sky pero pinigilan siya ni Singkit.

Sinunod naman ni Cloud at Rain si Sky. Tinanggal ng una ang salamin at nilagay sa may bag nila na nakalagay sa gilid.

Napakunot-noo si Sakuragi sa nakitang pagtanggal ni Cloud ng salamin. Hindi nila masyadong narinig ang sinabi ni Sky kanina kaya nagtataka sila. “T-teka paano makakapaglaro ng maayos si Pres kung hindi siya nakasalamin? Malabo ba talaga ang mata niya?

Nagkibit balikat na lang si Kambal at napangisi sa naisip. “Mukhang hindi lang si Sky ang weird.

Nag-ponytail na si Rain samantalang tinanggal na ni Sky ang varsity jacket niya. Pumuwesto na ulit sila pero bago mag-resume ang game ay nagsalita pa ulit siya.

Bago ko pala makalimutan.” Curious na tumingin sakanya ang tatlong kalaban. “7 points lang ang hinahayaan kong maging points ng kalaban ko.

Yan din ang eksaktong sinabi niya sa akin noong naglaban kami.” Nagulat sina Sakuragi nang may bigla na lang magsalita sa likod nila.

O Daniel ikaw pala. Bakit ka bumalik?” Tanong ni Kambal.

May naiwan ako sa locker. Kukunin ko sana pero may maganda palang palabas dito. Buti na lang nag-uumpisa pa lang...

Huh? Kanina pa kaya sila nag-umpisa.” Sabi ni Sakuragi.

…ang tunay na laban.

Napakunot sandali ang noo ng dalawa at nagkatinginan pero nakuha din nila ang ibig niyang sabihin.

Dahil sa galit ng matangkad sa sinabi ni Sky ay sinugod niya ito pero nakaiwas ito at nag-slam dunk gamit ang likod ni Rain para makatalon ng mataas. 7-2 na ang score.

A-anong? Hindi pwede…” Reklamo sana ng kalbo na pinutol ni Cloud.

No rules.

You just declared war!” Sigaw ng matangkad at tumakbo sa ring side nila. Hindi pa siya masyadong nakakalayo nang marinig niya ang team mate niya na ipasa niya dito ang bola kaya ginawa niya nga ito pero laking gulat na lang niya nang si Rain ang napasahan niya kaya nakagawa na naman ang mga ito ng puntos.

Nagpatuloy ang laro na pawang boses lang ng kalaban ang naririnig. Galit at frustrated na sila lalo na ang matangkad dahil hindi na nga gumalaw ang score nila samantalang sina Sky ay may 14 points na.

Napapansin niyo rin ba?” Tanong bigla ni VC sa mga kasama.

Tumaas ang kilay ni Sakuragi. “Alin? Yung hindi na paggalaw ng score ng kalaban?

Hindi…

Sina Sky ba?” Pangungumpirma ni Kambal.

Tumango si VC. “Oo. Hindi sila nag-iimikan pero kung titignan mo parang nag-uusap pa rin sila dahil magkakatugma ang galaw ng bawat isa sakanila. At base sa obserbasyon ko ay si Pres ang pointguard nila. Gamit lang ang palihim na senyas at pagtingin sakanila ay nagagawa niyang mapakilos sina Sky para makaiskor.

Oo nga no. Mukhang matagal na silang naglalaro nang magkakasama kaya kabisado na nila ang galaw ng bawat isa. At saka si Pres, hindi ko akalaing ganyan siya kagaling.” Sangayon ni Kambal.

Pero wala pa nga siyang basket di ba?” Nagkakamot sa ulong apela ni Sakuragi.

Wala nga pero nang dahil sakanya kaya naipapasok nila Rain ang bola sa basket.” Sagot ni Kambal

Tama. Saka nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Sky kanina? Team muna bago ang sarili.” Paalala ni VC.

Oo nga. Teamwork dapat ang pairalin.

Nagpout na lang si Sakuragi. “Huh? Oo alam ko-

Sila ang perfect example ng efficient teamwork.” Ani VC.

Perfect teamwork.” Tumatangong sang-ayon ni Kambal.

7-18 na ang score at kakabitaw lang ni Rain ng 3-point shot.

Aaarrrgggghhh!!!!” Nagdadabog na nag-walk out ang matangkad.

Humihingal ang dalawang naiwan na kalaban at maya-maya pa ay lumapit na sila kina Sky.

Grabe! Pahiya kami dun ah haha. Hindi ko akalaing marunong pala kayo ng street basketball.” Nakangiting sabi ng kalbo.

Hindi lang marunong kundi magaling pa kamo.” Ani singkit sa kasama saka bumaling kina Sky. “Congrats! Saka pasensiya na kayo kung nasaktan namin kayo kanina ah. Pagpasensiyahan niyo na rin ang inasal ni Vince. Ma-pride lang talaga kasi yung taong yun.” Tukoy niya sa matangkad.

Wala yun. Kahit papano nag-enjoy naman kaming makalaro kayo. Saka utang na loob ko din naman sa inyong nahanap ko itong gym eh. hehe...” Ani Sky nang nakangiti.

Napangiti na lang ang dalawa at nagsalita ulit si singkit. “Wala yun. Sige pala, mukhang may pupuntahan pa ata kayo eh. Hinihintay na kayo ng mga kasama niyo. Sorry ulit sa abala.

At nagpunta na sila sa kanya kanyang destinasyon.

~~~

O Sky anong nangyari sa inyo at mukha kayong nalugi diyan?” Tanong ni Cloud nang madatnan ang ibang kasama sa table at si Sky na matamlay.

Huhu Cloud itatakwil na ako ng pamilya ko...” Atungal ni Sky.

Pinat siya sa balikat ni Rain. “Ano ka ba Sky! Hindi pa naman tapos ang exam eh. Makakabawi ka pa sa ibang subject.

Periodical exam week kasi nila ngayon kaya maraming estudyante ang gloomy at parang nauubusan ng lakas, including Sky.

Ah yun bang exam pinoproblema niyo? Okay lang naman siya ah. Saka 1st quarter pa lang naman kaya don’t worry too much.” Ani Cloud na nag-umpisa na ding kumain.

Nag-pout lalo si Sky sa sinabi niya. “Hmf nasasabi niyo lang yan kasi yakang yaka niyo exam. Eh ako? Waley!

Oo nga. Nakakadugo ng utak. Umaasa na nga lang ako sa instinct ko.” Sang-ayon naman ni Kilay.

Anakangnanaymo oh umi-instinct lang ang gago. At saan mo naman nahuhugot yang insitnct mo? Sa makapal mong kilay? Wahahaha...” Wagas makatawang kantyaw ni Chickboy.

Lul wag ka nga!” Binato siya nito ng gulay na naiwasan naman niya.

Si Kulot naman ang nang-asar sa nanahimik na si Sakuragi. “Eto kasing si Jiro lakas makahawa ng kaengotan kaya tuloy nangangamote din kami.

Umalma naman agad ang binanggit at tinuro pa si Kulot. “Oy oy ako na naman nakita niyo. Nanahimik ang tao eh. Yang buhok mong kulot ang sisihin mo.” Ganting kantyaw ni Sakuragi na ikinatawa ng lahat.

Natatawa ding kumakain si Cloud nang may nagtext sakanya. “Ei guys una na ako. Kailangan ako sa SSC office eh.” Aniya na sinabayan ng pagtayo.

Huh? Hindi ka pa tapos kumain ah.” Sita ni Sky sakanya.

Bili na lang ako ng burger. Kailangan na talaga ako.” Sabi niya na mukha talagang nagmamadali.

O sige.” Yun na lang ang nasabi ni Sky kaya umalis na siya.

Patuloy lang sa pag-aasaran ang iba at ang iba naman ay sinasamantala ang pag-rereview. Yeah that’s right. Kahit na gangster ang mga taga section fire ay may mangilan ngilan pa ring grade conscious sakanila. Mas madami nga lang ang walang pakialam na nadadaan ang pagpasa sa swerte at ang iba naman ay... well alam na.

Hindi rin nagtagal ay si Rain naman ang kailangang umalis dahil sa natanggap na message. “Sky, alis lang ako saglit. Balik din ako bago mag-umpisa ulit ang exam.” Paalam nito at pinakita ang message kaya tumango na lang si Sky at umalis na ito.

Pagkaalis nito ay bumalik na sa pagluluksa si Sky mula sa tinamong hirap sa exam.

Ang hirap pati maghanap ng tiyempo makakopya. Lahat na ata ng pagpapasimple eh nagawa ko na pero hindi man lang ako makakopya!” Himutok ni Batch na punong puno pa ang bibig at may tumatalsik pang kanin.

Tinignan siya ni Art nang may pandidiri sa mukha. “Yuck! Ano ka ba Carl. That’s so gross!

Nilunok naman ni Batch ang kinakain bago nagsalita. “Gross gross ka diyan! Kalalaking tao ang arte.

Sinamaan lang siya nito ng tingin at lumipat sa mesa ng mga serious citizen saka bumalik na sa pagre-review. Obviously, he’s one of the GCs.

Teamwork.” Wala sa hulog na sabi ni Sky kaya napatingin sila sakanya.

Huh? Anong sabi mo Sky? Teamwork? Basketball pa din ba ang nasa isip mo?” Takang tanong ni B1.

Umiling iling naman si B2. “Naku masama na yan. Baka mamaya yun na lang ang maisagot mo sa exam. Buti sana kung P.E. yun kaso Science ang susunod eh.

Aha!” Napatayong sigaw bigla ni Kulot kaya nakuha niya ang atensiyon ng lahat.

Tama!” Sabi naman ni Kilay kahit wala pang sinasabi yung isa. Mukha kasing na-gets din niya yung ideyang pumasok sa utak ng kaibigan na dumaan pa sa masalimuot, makapal at kulot kulot nitong buhok.

Aba aba! Mukhang gusto niyo na ding maging si B1 at B2 ah. Hoy hindi pwede kasi kami ang nauna sa titulong yun. Di ba Sky?” React agad ni B2 na tinanguan na lang ni Sky kahit hindi niya gaanong nagets ang pinagsasabi nito.

Heh! Sayong sayo na yang titulo niyo.” Ani Kulot at binatukan si B2. “Teka nga huwag niyo nga akong i-wala. May naisip na nga akong solusyon eh.

Eh tungkol ba saan yan?” Curious na tanong ni Chickboy. Bihira kasing magkaroon ng ideya si Kulot na may sense at mas lalong bihirang magtugma ang iniisip nila ni Kilay.

It’s all about teamwork.” Sabat na ni Kilay na pinagtaasan lang ng kilay ng mga kasama. “Psh sige na, hindi na ako sasabat. Tuloy mo na nga kulot.

Tsk. Ganito yun...” Aniya at tumingin sa taas saka nag-pause ng matagal. Ilang minuto din ang lumipas. “Oh ngayon alam niyo na?

Nakatanga naman ang mga kausap at nang makabawi sila ay nakakuha siya ng malutong na batok at mura.

Taena! Anong akala mo nasa tv ka na may magpa-pop out na lang sa ulo mong eksena at malalaman na namin kung ano iniisip mo?” Asar na sabi ng bumatok sakanyang si Buzz.

Lul umayos ka nga kulot kung ayaw mong tumuwid ng wala sa oras yang buhok mo.” Ani Sakuragi.

Oh so scary...” Kantyaw ng nakangising si Chickboy kaya sinamaan lang niya ito ng tingin.

Umawat naman si Grey sakanila at lumipat na sa table nila. Hindi na ata siya makahinga sa pagka-serious sa pagrere-view ng mga kasama sa table. Wala din naman kasi dun si Blue at Red kaya okay lang na lumipat siya ng table. “Oy tama na yan. Ano ba kasi talaga sasabihin mo?

Eto na nga, sasabihin na boss. Di ba nga laging effective ang teamwork para manalo sa soccer, basketball o kahit na saan pang team sports.” Matamang nakikinig sakanya ang lahat at tumango pa si B2. “Naisip ko lang, na parang naisip na din ni Jolo, na bakit hindi natin gamitin ang teamwork sa exam.” Nakatanga pa rin ang mga nakikinig sakanya at hindi nagsalita. “Let’s use teamwork para makapagkopyahan mamaya sa exam.

Ilang sandaling walang umiimik. Yung mga GC na nagre-review ay napailing na lang sa naisip nilang kalokohan.

Waaahhhh... Genius! Isa kang henyo Kulot!” Alam na kung sino ang nagsabi. Si Sky na biglang nabuhayan at bumalik sa pagka-hyper.

Napangiti ng malapad si Kulot at nakipag-appear pa kay Sky.

Eh S-sky? H-hindi ka tutol sa ideya ng kulot na ‘to?” Hindi makapaniwalang tanong ni Grey.

Huh? Bakit ako tututol? Magandang ideya kaya yun. Sige na try lang natin.” Nag-puppy eyes pa si Sky kaya namula na naman si Grey at iniwas na lang ang tingin.

Napansin ito ng mga kasama kaya nag-fake cough sila.

Ehem oh sige na. planuhin na natin ang gagawin natin mamaya bago pa dumanak ang dugo- ehem...” Ani Kulot na binigyan ng makahulugang tingin ang nakasimangot na si Sakuragi saka sumulyap sa namumula pa ring si Grey na pinapakalma pa ata ang sarili at hindi naririnig ang paligid.

Dugo? Bakit magkakaroon ng dugo?” Inosenteng tanong ni Sky na tinawanan lang nila at sinabing ekspresyon lang yun.

Plinano na nga nila kung paano sila makakapag-kopyahan mamaya. Kapag may hindi alam ay ita-type ang number sa calculator nila at itataas ng eye level para makita ng iba. Magfe-fake cough or gagawa ng sound ang nakakaalam para siya ang magsabi ng sagot. Magkakamot sa ulo kapag letter ‘a’, hahawakan ang tenga kapag letter ‘b’, hahawakan ang batok kapag letter ‘c’, at titingala kapag letter ‘d’.

Pagpasok nila sa classroom ay mukhang excited pa ang mga may maiitim na balak. Kasunod lang nilang pumasok sina Blue at Red na mukhang relax na relax lang at hindi pinoproblema ang exam.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Ms. Enriquez at kasunod lang nito si Rain na parang humihingal pa. Ngumiti lang siya kay Sky at nag-thumbs up.

Okay. Are you ready class? I hope you studied your lesson well.” Hindi sila sumagot. “Don’t be nervous guys. I only gave few computations so I think you’ll ace the exam.” Hindi pa rin sila sumasagot. “Hmm okay. Shall we begin?” This time tumango naman na sila kaya pinasa na niya ang mga exam paper.

Nakangiting nagbabantay si Ms. Enriquez dahil mukhang magiging maayos naman ang exam. Tahimik lang silang nag-eexam maliban sa ilang umuubo o kaya umuungol dahil siguro nahihirapan sa exam. Meron namang kung makapag-solve ay tutok na tutok at nasa eye level pa talaga tignan ang calculator, may mga nagkakamot din ng ulo, ng batok, ng tenga at tumitingala. Pero tingin naman niya ay normal lang ito sa mga estudyanteng nahihirapan sa exam.

Sa kabilang banda ay mukhang effective ang ginagawa ng mga magkakakuntsaba dahil hindi pa sila nahuhuli o nahahalata. Nasa kalagitnaan na ang exam nang gumawa na naman ng kapalpakan ang hari ng sablay.

Hindi alam ni Sakuragi ang sagot sa number 48 kaya tinayp niya ito sa calculator saka tinaas sa eye level. Nakarinig siya ng ubo kaya napalingon siya dito. Hindi naman masasabing mangongopya siya dahil hindi naman siya tumitingin sa test paper nila kaya iisipin lang ng makakakita na curious siya sa umubo. Nakita niyang nagkamot ito ng ulo kaya inisip niyang letter ‘a’ ang sagot. Isusulat na sana niya ang sagot nang makarinig siya ng ungol kaya napatingin siya dito at nakitang humawak ito sa batok so ibig sabihin letter ‘c’ ang sagot. Napakunot noo siya at naguluhan. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawa.

Ano ba talaga ang sagot? ‘a’ or ‘c’? Ito ang paulit ulit na tumatakbo sa isip niya habang palipat lipat pa rin ang tingin sa dalawa.

Ano ba talaga ang sagot? ‘a’ or ‘c’?” Hindi niya namalayang nasabi na niya ang laman ng isipan. At lalong hindi niya namalayan ang paglapit ng guro.

May problema ba?” Nakangiti pang tanong nito na hindi mo alam kung naaasar o natatawa sa itsura ni Sakuragi.

Eh kasi yung isa nagkamot ng ulo so ibig sabihin letter ‘a’ ang sagot. Pero yung isa naman hinawakan niya batok niya kaya letter ‘c’ daw ang sagot.” Wala pa rin sa sariling sagot ni Sakuragi.

Nakataas na ang kilay ni Ms. Enriquez samantalang hindi na maipinta ang mukha ng mga kasabwat niya sa kopyahan.

Paano naman kung letter ‘b’ ang sagot?” Tanong ng teacher.

Siyempre dapat yung tenga ang hinawakan niya pero hindi eh kaya hindi yun ang sagot.

At kapag letter d?

Ano ka ba naman. Eh di sana tumingala siya pero-” Natigilan si Sakuragi at parang ngayon lang nag-sink in sakanya ang nangyayari. Dahan dahan siyang lumingon sa nagsalita and to his horror it’s his teacher. What on earth happened? Nasabi ba niya ng malakas ang akala niya nasa isip niya lang kanina? “K-ka... I-ikaw pala M-mam... Uhh kanina pa p-po ba ka-kayo?” Namumutlang tanong ni Sakuragi.

Seryoso na si Ms. Enriquez bagaman natatawa siya sa itsura ng estudyante sa loob loob niya. “So ang kanina ko pa pala napapansing pag-ubo, pagkakamot ng ulo at kung anu-ano pa ay paraan niyo para makakopya?

Patay kang bata ka! May pa-teamwork teamwork pang nalalaman. Ano nang gagawin nila ngayong huli na sila sa akto. Kung bakit ba naman kasi umandar na naman ang kaengotan ng boy basted na ‘to.

Epic fail talaga ang nangyari! Ito ang tinatawag na failed teamwork.

Continue Reading

You'll Also Like

16.7M 722K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...