ANISE POV
Diba talaga sya magsasalita? kilitiin ko kaya? Wag na baka maglabas pa yan ng apoy nagmumukhang dragon pa naman yan pag nagagalit.
Tiningnan ko sya ulit seryoso parin sya,San ba talaga kami pupunta. "Do you like what you see?" Masungit nitong Tanong. Iniripan ko nga sya. "Akala mo naman ang yabang mo. Akin na nga yung phone ko" Sabi ko dito.
Tiningnan nya lang ako ulit saka nagpatuloy sa pagdadrive. Hay ewan ko di ko makausap ng matino ang isang ito. Di nya talaga ibibigay.
"OUCH Ano ba bakit mo ako pinalo?" Halos mabingi ata ako sa sigaw nito parang nasa magkabilang kalsada lang kami ah. Eh magkatabi nga lang kami sa sasakyan. Di kaya mabingi ako sa taong ito wala nang ginawa kundi sigawan ako.
Pinanlakihan ko sya ng mata "Ang phone ko ibalik mo sa AKIN" Pinakadiinan ko ang akin ang kapal ng mukha basta nalang kukunin ang phone ko ihh kausap ko pa naman si James.
"SHUT PWEDI BA ANG INGAY MO TUMAHIMIK KA NGA BAWAL DITO SA SASAKYAN KO ANG CELPHONE, IS THAT CLEAR?" Sigaw ulit nito. Ala sa akin pa galit ano naman masama kung gumamit ako ng phone, At kulang nalang makalabas ako sa bintana ng kotse nya kung makasigaw.
Inirapan ko nalang sya, Kahit man lang text hindi ko na magagawa, Kasi ang lalaking ito wala nang ginawa akala ko pa naman bumait na yun pala... Hay.
Tumingin nalang ako sa labas ng bintana, Napansin kung malayo na kami maraming mga building na ang madadaanan namin. San ba kami pupunta?. Ayoko nalang magtanong baka mamaya sumigaw na naman yan.
Naalala ko ang nangyari kanina wala na bang gagawin ang mga babaing yun kundi ang guluhin ako? haist kakainis. Di ko na namalayan na inaantok na ako.
Nagising ako nang may parang.... Humihila sa akin?, Kahit tulog ako napakunot-noo ako sino naman ang manghihila sa akin nang tulog. "Hoy gumising ka na nga "Dinig kung sigaw na kung sino, Sino ba yun?.
"HOY" Sabi pa nito sabay tapik sa akin. Antok na antok pa rin ako ni ayoko ngang imulat ang mata ko, Hayaan ko nalang muna sya dyan titigil din yan.
Zzzzzzzzzz
Nagising ako dahil sa ingay na likha nang pagsara ng pinto na sasakyan. Tuluyan na akong napadilat, luminga-linga ako nasaan ba ako?, ano ang ginagawa ko dito? tanong ko sa sarili ko. Naputol ang pag-iisip ko nang binuksan nya ulit ang pinto ng sasakyan.
"Ano ba titingnan mo nalang ba ako, Follow me tsk" Masungit nitong saad.
Napailing ako, oo nga pala kanina basta nya nalang ako isinakay sa kanyang kotse tapos nakatulog ako, Akala ko nga kanina nasa bahay ako ihh.Di ibig sabihin sya ang nanghihila sa akin kanina?.
Lumabas nalang ako. Di man lang ako pinagbuksan ng pinto napaka ungentleman talaga hmmp. "Ano ba bilisan mo nga" Sigaw pa nito saka naglakad na ulit. Tiningnan ko sya ng masama grabe makapag-utos.
Naglakad na ako papunta sa kanya may pagka abnormal ang lalaking ito ihh.
"Bilisan mo nga ang bagal bagal" Sigaw pa nito. Alam mo di na sya nakakatuwa ah kanina pa sya, Naiinis na sinundan ko sya. Teka nga condo nya ba ito? bakit dinala nya ako dito ? Bahala na nga Saka ako sumunod sa kanya.
"Ang bagal mo naman" Sabi nito saka ako kinaladkad, halos madapa-dapa na ako sa paghila nya wala talagang respeto sa katawan ang lalaking ito.
Nakarating na kami sa elavator basta nalang akong hinila papasok, Bastos na lalaki. Nakarating na kami sa Unit nya saka binuksan nya. Bumungad sa akin ang magulong sala madaming kalat, Ano ba ang lalaking ito hindi marunong maglinis, Tsk burara. Naiisip ko.
"Ano bang gaga-" Di ko natapos ang sasabihin ko nang biglang maghubad ito sa harap ko. Waaa My innocent eyes.Tinakpan ko ang mga mata ko. Narinig kong tumawa ito "Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko.
Nakapikit parin ang mga mata ko naramdaman ko na lumapit sya sa akin. "ANONG-"
"Ano ba sa tingin mo?" Bulong nito. Tumayo ata lahat ng balahibo ko sa katawan. Inalis ko ang kamay ko sa sa mukha saka ko sya tiningnan, Ang lapit na ng mukha nya sa akin. Napapikit ako uli ng akmang ilalapit nya pa ang mukha nya sa akin.
Hahalikan nya ba ako? Tanong ko sa sarili ko.
"Akala mo naman pagnanasahan kita tsk" Bulong nito sa tenga ko ang nakakakiliti ang hininga nya sa may tenga ko.Nanlaki ang mata ko saka ko rumehistro sa akin ang sinabi nya kaya naitulak ko sya. Ang kapal ng mukha para sabihin yun.
Kasi nag-assume ka naman" Sabi ng malandi kong isip. " Ang kapal ng mukha mahiya ka nga" Masungit kong sabi. Saka lumayo sa kanya nang kaunti.
Naupo ito sa sofa saka ipinikit ang mga mata, Pinapunta nya ba ako dito para tingnan sya matulog?. Habang nakapikit sya di ko maiwasan na titigan sya. Kahit saang anggolo tingnan ang gwapo nya parin. Ang mga labi- .
"Are you raping me, In your mind huh?" Nakangisi nitong saad. Saka bahagyang iminulat ang mata. Naroon ang nang-aasar na ngiti. Di ko alam kung namula ako sa sinabi nya. Nakakatitig kasi ako sa kanya.
"H-hindi ah, Hoy bakit naman kita titingnan masyado kang assuming" Singhal ko dito saka sya tinalikuran. Nakakahiya naman kasi yung nangyari kanina, Bakit ko ba sya tinititigan?, ipinilig ko ang ulo ko.
"Tatayo kana lang ba dyan" Nagulata ako ng magsalita ito.Hinarap ko sya "Bakit ba?" Tanong ko. "Ang taray mo bawasan mo nga yan, Tsk" Sabi nito.
Inirapan ko nalang sya kanina nangaasar tapos ngayon galit?. Ano lang ang peg nya bipolar?."Ano ba ksi ang gagawin ko dito?" Maktol ko sa kanya. "Since, I help you so kailangan mong suklian ang pagtulong ko sayo, Para man lang matuwa ako tsk naistorbo mo din kaya ako."
Napa pokerface ako akala ko pa naman may pagkagentleman syang itinatago sa katawan, Pero wala naman pala. "Eh ano ba ang gusto mo?" Tanong ko, ng Matapos na ito at ng makauwi na rin ako. Gabi na kaya baka hanapin na rin ako sa bahay.
Ngumiti naman ito, "Ano ang gusto ko?" Balik ttanong nito, Saka lumapit sa akin. Ano na naman ba ang ginagawa nya?, Palapit na palapit na sya sya akin. Napapikit nalang ako, Hinintay ko nalang baka kasi halikan na naman nya ako.
Narinig ko syang tumawa ng mahina. "Pffft" Tawa nya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Nakakaasar na ang lalaking ito kanina pa ito halata ko. Masyado ka kasing assuming kaya yan. Sumbat ng konsensya ko.
Niinis na talaga ako mabuti pa umalis nalang ako dito bahala sya dyan. Akmang aalis na ako nang bigla nyang hilahin ang kamay ko. " ANO BA " Sigaw ko. May bolta boltaheng kuryente ang dumaloy galing sa kamay ny apapunta sa akin.
"Ito naman, Ipagluto mo ako nagugutom ako" Sabi nito saka binitiwan ang kamay ko. Umupo ulit saka ipinikit ang mata. ANO IPAGLULUTO KO SYA?, Ano nya ako katulong. Tiningnan ko sya ng masama, Pero hayun ang walanghiya mukhang nakatulog na ata.Kakapikit palang nang mata nakatulog na agad?. Bwesit na lalaki ito.
Napailing ako saka pumunta sa kusina, Ano ba yan ang kalat naman dito. Diba sya naglilinis dito?. Lalaki nga naman. Binuksan ko ang ref buti nalang kahit papaano may laman naman, Ano ba dito ang lulutuin ko?.
Ah alam ko na Steak nalang, Di ko naman kasi alam kong ano ang gusto nyang ipaluto sa'kin basta nalang kasi natulog kanina hmmp.
Nakapagluto na ako naligpit ko narin ang kalat sa kusina. Mayaman talaga siguro sila ang laki nitong condo nya at maraming gamit, kaso nga lang ang gulo napakaburara naman nang lalaking ito. Hmmp napailing ako.
Pinuntahan ko sya sa sala. Hayun tulog parin, Mabuti pa pag tulog mukhang ang bait bait nya kabaliktaran nga lang paggising na. Nagiging lion na. Ang sarap ipatapon sa mars.Hays.
Di ko na sya gigisingin mukhang himbing na himbing ang tulog, May awa pa naman ako. Kahit naman ganyan yan.
Kumuha ako ng papel sa bag ko, Mag iiwan nalang ako nang note. Mabilis akong nagsulat at ipinatong sa mesa, Saka umalis na. Gabi na ihh hinahanap na rin ako ni mom for sure.
HANGGANG DITO NALANG