Chapter 31.2♥ Cold eyes

49 2 0
                                    

Anise pov

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha galing sa bintanang salamin. Napakunot-noo ako. Paano naman ako nakarating dito ang naalala saka pumukit. Napamulat ako nang maalaala kung anong nangyari kagabi. Ng maisip ko yun mariin akong napapikit at kinapa ang katawan ko. Wala na naman akong naramdaman masakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. Iginalaw ko pa ito napangiwi pa ako nang maramdaman ko ang kirot sa paa ko. Shit ang sakit pag nagagalaw ko.

Pumikit ako para alalahin kong anong nangyari kagabi. Hinilot ko ang sentido. Muntikan na akong marape kagabi. Mabuti nalang may dumating pero sino ba yun? Nasaan ako? Nasa bahay nya?. Sumakit ata ang ulo ko sa mga tanong na hindi ko naman alam kong ano ang sagot.

Inaalala ko ang itsura nang dumating na nagligtas saakin. Mabuti nalang napadaan sya dun. Naalala ko si mama. Lagot ako nito tiyak nag aalala na yun. Sinubukan kong tumayo pero napamura ako sa sobrang sakit kaya napahiga ako ulit. Kailangan ko nang makauwi. Pero paano naman iiaapak ko palang ang paa ko ang hapdi na. Kahit may benda na ito buti nalang mukhang mabait ang nagligtas saakin. Iginala ko ang tingin sa buong paligid nangingibabaw dun ang puting kulay na nagpapaaliwalas sa mata.

Babae kaya ang namamay-ari nito. Pero imposible amoy panlalaki ang maamoy mo dito. Pilit kong inisip ang mukha ng taong nagligtas saakin. Dumilat ako nang maalaala ko ang kanyang titig na hindi ko maintindihan na kasing lamig ng yelo. A Cold eyes.

Pumikit ako paano naman kaya ako makakauwi saamin. Napatiim bagang ako nang maisip ko ang taong dahilan kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon i hate him. Really hate him.

Napamulat ako nang biglang bumukas ang pinto kaya napaupo ako. Tiningnan nya kumpara sa katulong nina Xian mukhang bata pa ito.

Pero mukhang masungit ito nakataas pa ang kilay nang tingnan ako. Ano naman ang problema nya?. "Okay ka na ba?. Baba kana kakain na" Nakataas ang kilay nitong saad saka tumalikod. Huh ang sungit nya hmmp wala naman akong ginagawang masama.

Napailing ako habang pinagmamasdan na lumabas ito sa kwarto. Kabaliktaran ito nang ugali ni manang nang maalala yun. Uminit ang dugo dahil sakanya halos di ko maigalaw ang mga paa ko ngayon paano ako nito papasok. Argh nakakainis talaga. Sinbukan kong itayo ang paa ko pero "Ouch" Daing ko saka napaupo sa semento.

Tiningnan ko ang paa ko na may benda bukod dun. Napatingin ako sa damit nang nagtataka kanino ito damit OMG sino ang nagbihis saakin. Nagulat pa ako nang muling bumukas ang pinto kaya napalingon ako dun.

Nanlaki ang mata ko sa taong nasa harapan ko saka unti unting nanliit. Sya ang tumulong saakin bulong ko pa saka tinapunan sya nang malamig tingin tinaasan nya pa ako ng kilay. Ngumiti ako para iparating ang pasasalamat kahit papaano naman ang laki ng utang na loob ko sa kanya. Sya ang taong nagligtas saakin mula sa mga kamay ng rapist.

Ng maalala ko yun tumindig ang bahibo ko nakaramdam ako ng kilabot ganito pala ang epekto ng nangyayari na ganun. Parang natrauma ako sa nangyari.

Pumikit ako para hamigin ang sarili ko. Nanginginig kasi ang mga braso ko. "What are you doing?". Matigas nitong saad kung kaya't napamulat ako ako at tiningnan sya. Tumingin ako sa kanya. Napatingin ako sa mata nyang walang mababakas na emosyon. Hmm anong klase ba syang tao kung wala syang emotion. Nagulat pa ako ng nagsalita ito ulit. "Titingnan mo na lang ba ako?". Tanong nito na bakas sa mukha ang pagkairita. Napailing ako talagang ngang magkaibigan sila halos pareho sila ng ugali tsk.

My Brokenhearted HeartWhere stories live. Discover now