666 Delivery

Od abdiel_25

40.8K 3.6K 5.4K

Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order no... Více

♱ 666 DELIVERY ♱
♱ TRAILER ♱
CHAT 1
CHAT 2
CHAT 3
CHAT 4
CHAT 5
CHAT 6
CHAT 7
CHAT 8
CHAT 9
CHAT 10
CHAT 11
CHAT 12
CHAT 13
CHAT 14
CHAT 15
CHAT 16
CHAT 17
CHAT 18
CHAT 19
CHAT 20
CHAT 21
CHAT 22
CHAT 23
BONNIE [1]
CHAT 24
CHAT 25
CHAT 26
EROS [1]
CHAT 27
CHAT 28
CHAT 29
CHAT 30
CHAT 31
CHAT 32
LOUISE [1]
CHAT 33
CHAT 34
CHAT 35
CHAT 36
SITRI [1]
CHAT 37
CHAT 38
LOUISE [2]
BONNIE [3]
CHAT 39
CHAT 40
CHAT 41
CHAT 42
EROS [2]
CHAT 43
CHAT 44
CHAT 45
BONNIE [4]
CHAT 46
CHAT 47
EROS [3]
EROS [4]
ANDREA [1]
ANDREA [2]
CHAT 48
CHAT 49
EROS [5]
CHAT 50
♱ QUIS FIDUCIA ♱
♱ AUTHOR'S NOTE ♱
♱ FAQs ♱

BONNIE [2]

480 44 93
Od abdiel_25

BONNIE'S POINT OF VIEW.

Ilang beses kong tinawagan ang cellphone ni Louise, pero ilang beses lang din itong nag-ring. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi sa akin no'ng Sitri na 'yon. Hindi ko alam kung kasama talaga niya si Louise. Pero gusto kong makasigurado. Gusto kong malaman kay Louise mismo na hindi 'yon totoo.

Baka tulog na si Louise ngayon kaya hindi siya sumasagot sa tawag?

O kaya baka naka-silent ang telepono niya kaya hindi niya naririnig?

Grounded siguro si Louise kaya wala sa kaniya ang cellphone niya?

Maraming rason para hindi siya sumagot, pero hindi ko magawang kumalma. Kinakabahan ako. Sa ngayon, ang pagtawag lang ang alam kong magagawa ko. Bukod do'n, wala na akong ibang naiisip.

Ang kailangan ko nalang gawin ay maghintay na mag-umaga. Hahanapin ko si Louise sa school. Kapag wala siya sa school, pupuntahan ko siya sa bahay nila. Basta gagawin ko ang lahat para masigurong ligtas siya. Para masigurong niloloko lang ako ng Sitri na 'yon.

Binitawan ko ang cellphone.

Napapikit na lamang ako dahil sa stress na nararanasan ko.

Hindi pa rin ako nakaka-move on sa pagkamatay ni Dorrine. Sa pagkamatay ni Rhea at Dalton. Isama na rin si Daniella. Lahat sila may common denominator.

Lahat sila nasa gc, kung nasaan si Sitri.

Hindi ko maiwasang matakot dahil nasa gc din ako kung nasaan si Sitri. Paano kung itulad niya ako kay Dorrine at Rhea? Paano kung itali rin niya ang leeg ko sa rooftop ng school namin tulad ng ginawa niya kay Dalton? What if painumin din niya ako ng muriatic acid tulad no'ng ginawa niya sa masibang babae sa gc namin?

Hindi naman siguro ako mamamatay 'di ba?

Hindi naman ako um-order 'di ba? Aksidente 'yon at hindi ko naman talaga intensyong um-order. Isang malaking pagkakamali ang kainin---

Fuck that scenario. Nasusuka tuloy ulit ako.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit na makatulog. Masiyado na akong maraming iniisip. Nakaka-stress. Dapat talaga tulog pa ako kung hindi lang tahol nang tahol ang aso ng kapit bahay.

I need to rest my mind, at least for now.

***

"Nakita niyo ba si Louise?" tanong ko sa dalawang kaklase ni Louise na nakasalubong ko lang sa daan papuntang canteen. Kanina ko pa hinahanap si Louise, at hanggang ngayon walang nakakapagsabi sa akin kung nasa'n siya. O kung pumasok ba siya.

"Hindi namin siya nakita ngayon sa first at second subject. Hindi yata siya pumasok," sabi ng babaeng naka-pony tail ang buhok.

"Tingin ko magkasama sila ni Eros. Si Eros kasi kahapon pa hindi pumapasok," sabi ng isa pang babae.

"Absent din si Eros ngayon?" tanong ko sa kanila. Sabay silang tumango. "S-sige. Salamat," tangi kong saad bago nila ako lagpasan.

Ang sabi sa akin ni Louise kagabi bago siya mag-offline, naka-uwi na raw si Reydel. Eh ang huli kong naaalala, magkasama si Reydel at Eros sa paghahanap kay Dorrine. Posible kayang si Reydel lang ang umuwi? May iba kayang nilakad si Eros?

O baka hanggang ngayon hindi pa rin alam ng dalawang 'yon na nahanap na si Dorrine? Hindi pa rin sila nag-oonline hanggang ngayon. Ano na kayang nangyari sa dalawang lalaki na 'yon?

Dumiretso na ako sa canteen.

Lunch namin ngayon. Since nalaman kong wala naman pala si Louise sa school ngayon, pupunta nalang ako sa bahay nila mamaya pagkatapos ng klase. Baka nilagnat o kaya may importanteng lakad kaya hindi siya nakapasok ngayong araw.

I should think positive. Baka mabaliw ako kung magpapaka-nega ako.

Um-order ako ng pagkain sa canteen. Pagkatapos humanap ako ng p'westo kung saan walang masiyadong estudyante. Gusto kong kumain ng tahimik. Gusto kong mapag-isa dahil gusto kong makapag-isip ng malaya.

Nang maka-upo ako sa may bandang dulo ng canteen, sinimulan ko na ang pagkain ko. Tamang-tama ang p'westo dahil walang gaanong estudyante. May mga nerd at loner na narito sa dulo. Ayos na rin para sa akin dahil tumahimik ang nagugulo kong isip.

"Bonnie."

Agad na napa-angat ang tingin ko sa tumawag sa pangalan ko. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon.

"Himala yata at ikaw ang lumapit sa akin?" saad ko bago uminom ng tubig.

"Kailangan ko ng tulong mo Bonnie," aniya.

"Sus Gemma. No'ng kailangan ko ng tulong mo, layo ka nang layo. Ngayong kailangan mo ng tulong ko, ako naman ang lalayo," sabi ko bago tumayo.

Akma na sana akong maglalakad palayo nang magsalita siya. "Handa na akong sabihin sa'yo lahat ng nalalaman ko," aniya sa seryosong tono.

Otomatikong napalingon ako sa kaniya. Tiningnan kong mabuti ang mga mata niya. Ang ekspresyon niya. At alam kong nagsasabi siya ng totoo.

"Mabuti naman at nagbago ang isip mo. Nahipan ka yata ng mabuting hangin," ani ko bago muling umupo. "Upo ka," aya ko sa kaniya.

Dahan-dahang umupo si Gemma. Bahagyang nakatingin sa ibaba ang mga mata niya. Nakapatong sa lamesa ang dalawang kamay niya, at parehas itong nanginginig.

Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa pagdating niya. Pero ayos na rin 'to.

Kung totoo ngang sasabihin na niya sa akin ang lahat ng nalalaman niya, wala na akong paki kung magutom ako. Mamayang uwian nalang ako kakain.

"Kailan mo balak magsimula?" inip kong tanong kay Gemma.

Napa-angat ang tingin niya sa akin. Pinagdikit niya ang dalawang palad niya bago magsalita. "Si Sitri... hindi siya ordinaryo. Hindi siya tao," aniya.

"Alam ko. Halata naman," kaswal kong saad. "P'wede bang magsabi ka ng mga hindi ko pa alam? Tulad ng, saan galing 'yung Sitri na 'yon? Kung ano bang trip niya sa buhay at bakit siya pumapatay?" irita kong tanong.

"Hindi ko alam kung saan talaga galing si Sitri, dahil may nag-add lang sa kaniya sa gc namin. No'ng una, masaya dahil order lang kami ng order. Ang dami kong na-order na kung anu-ano sa kaniya noon. Tuwang-tuwa ako dahil libre kong nakukuha ang mga 'yon," sabi ni Gemma habang nakatingin sa akin ng diretso. "'Yun ang akala ko. Tatlong araw matapos um-order ni Cheska, 'yung kasama namin sa gc na 'yon na unang um-order kay Sitri, namatay siya."

Hindi na ako masiyadong nabigla sa k'wento niya dahil ito rin naman ang nangyari kay Dorrine. Sa gc namin, siya ang unang um-order. Kaya siguro siya rin ang unang namatay?

"Unti-unting nalagas ang mga members ng gc na 'yon. Maraming members ang namatay. Lahat sila um-order kay Sitri. Kaya sobra akong natakot para sa kaligtasan ko. Ako lang ang nakapansin na lahat ng umo-order kay Sitri, namamatay. Ayaw maniwala sa akin ng mga kaibigan ko sa loob ng gc na 'yon, hanggang sa mamatay na ang halos lahat," pagkuk'wento ni Gemma. Bumuhos na ang luha niya, kasabay ng tuloy-tuloy niyang panginginig.

"Pagkatapos, anong nangyari?" malumanay kong tanong.

"Ang sabi ni Sitri, bago umalis sa gc, kailangang magdagdag ng tatlong buhay. No'ng una, hindi namin maintindihan ang ibig niyang sabihin. Hanggang sa isa sa amin ang nag-add ng tatlong tao sa gc. Pagkatapos, hinayaan na siya ni Sitri mag-leave," saad ni Gemma habang pinipigilan ang paggaralgal ng boses niya. "Akala ko 'yun na ang paraan para maka-alis ako sa mala-impyernong gc na 'yon. Pero hindi. Hindi ko kinayang umalis do'n. Dahil sa nalaman na ng lahat kung paano makaka-alis sa gc, dumami lalo ang members. Kada may magle-leave na isa, may tatlong papasok na bago. O-order ang tatlong bagong members, pagkatapos malalaman nilang buhay pala ang kabayaran. Para hindi sila mamatay, mag-a-add din sila ng tatlo bawat isa. Kaya dumadami ang members. 'Yun iba, namamatay na rin ng hindi namin namamalayan."

Binalot ako ng kaba at kilabot. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdaanan ni Gemma. Kaya siguro iwas na iwas siya sa amin na konektado ngayon kay Sitri. Kahit sino, magkakaro'n ng trauma dahil sa nangyari.

"Hindi ko na kayang may mamatay pang tao dahil kay Sitri. Kaya I took the risk. Ang sabi niya, magdagdag ng tatlong buhay kapalit ng kaligtasan mo. Pero ang ginawa ko, nilipat ko siya sa ibang gc, bilang kabayaran sa buhay naming lahat." Pagkatapos no'n, umiyak nang umiyak si Gemma.

"Ka-kami ang pinambayad m-mo p-para..."

Hindi ko itinuloy ang mga salitang gusto kong sabihin kay Gemma. May galit ako sa kaniya, oo. Pero hindi ko rin maalis sa kaniya ang kagustuhan niyang mabuhay. Alam kong gusto niyang mabuhay kaya niya ginawa 'yon.

Pero bakit sa gc pa namin?!

"Ki-kilala mo ba si Sitri?" tanong ko.

"Sinubukan ko siyang kilalanin. Kaunting impormasyon lang ang nakuha ko," ani Gemma bago punasan ang mga luha niya. Buti talaga at nasa dulo kami ng canteen. Wala gaanong makakapansin at makakarinig sa pinag-uusapan namin. "Hindi nag-iisa si Sitri," monotonous na saad ni Gemma.

"'Yun din ang hinala ko. Ang sabi kasi sa akin ni Eulla, tagakuha lang ng order si Sitri. Ibig yata niyang sabihin, hindi nag-iisa si Sitri," ani ko.

"Sino si Eulla?"

"Nasa gc rin nila si Sitri," maigsi kong tugon.

"Tama siya sa puntong hindi nag-iisa si Sitri. Pero mali siya sa puntong tagakuha lang ng order si Sitri." Agad kumunot ang noo ko sa sinabi ni Gemma.

"Ha? Naguguluhan ako."

"Si Sitri ay hindi lang isang tao. Kung tama ang obserbasyon ko noon. Tatlong tao si Sitri. Tatlong tao ang gumagamit sa facebook account niya," ani Gemma. "'Yung unang tao, siya 'yung namimilit sa atin na um-order. Kung sino man siya, siya 'yung tagakuha ng order."

Bigla kong naalala noon 'yung pangungulit sa akin ni Sitri na um-order.

"Pangalawang tao naman 'yung nagse-send ng message na 'delivered'. Siya marahil ang taga-deliver ng in-order mo mula sa unang Sitri. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ang feminine niya."

Naalala ko naman 'yung araw na may magdoor bell sa bahay namin. Nakatanggap ako ng message no'n na 'delivered'.

"'Yung pangatlong tao naman sa likod ni Sitri, ay masiyadong brutal. Siya minsan 'yung nagse-send ng mga nakakatakot na GIF at pictures. Kaya para sa akin, siya ang capable na kumuha ng bayad. Ang kumitil ng buhay," ani Gemma.

"Ibig mo ba talagang sabihin, iba-ibang Sitri ang nakakachat namin?" tanong ko. Tumango naman si Gemma. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang mga 'to?"

"Dahil nang umalis ako sa kahit anong gc kung nasa'n si Sitri, pinagbawalan na akong magsalita. Bawal na akong magsabi ng nalalaman ko kung hindi, mawawala ako sa listahan ng mga safe," aniya.

"Pero... sinabi mo sa akin ngayon ang mga nalalaman mo. Ibig sabihin? Hindi ka na safe?"

"Bonnie, never akong naging safe."

"H-ha?"

"Kung sino man ang nasa likod ni Sitri, tuso siya. Akala ko nang ilipat ko na ng gc si Sitri, bayad na ako sa lahat ng in-order ko. Pero hindi pa pala," saad ni Gemma. "Recently, ginugulo pa rin ako ni Sitri. Gusto niyang pumatay ako ng isang member ng gc na hindi pa nagbabayad sa kaniya. Kapag nagawa ko raw 'yon, totally safe na ako."

"Ginawa m-mo naman ba?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi ko kayang pumatay Bonnie. Tsaka hihingi ba ako ng tulong sa'yo ngayon, kung ginawa ko ang gusto niya?"

Napalunok na lamang ako ng laway. "Anong tulong ba ang kailangan mo?"

"Kailangan kong mapanatiling buhay ang sarili ko Bonnie. Help me protect my life. And I'll help all of you to protect yours."

---

An : Stop bashing Gemma na, haha. Malaki ang ambag niya sa part na 'to. Thank you sa pagbabasa!

Btw, who do you think is the owner of Someone's point of view in the last chapter?

A. Gemma, kasi alam niya na kailangang pumatay para maging safe.

B. Eros, kasi hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi.

C. Bonnie, kasi masyado siyang lumandi kay Sitri. Baka nauna niyang nalaman kay Sitri na kapag pumatay ka, safe ka na.

D. None of the Above. Baka may bagong character. O nabanggit na ang name ng character pero hindi siya masiyadong exposed.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

113K 4.8K 18
Every school has its own creepy tales...
934K 36.5K 99
"I prefer to be alone and to be left alone. I like reading books, I can cook, I can't swim, I don't play any sports, I can't play any instruments, I...
473K 29.4K 104
100 short horror stories. Best time to read? Bedtime...
232K 7.7K 27
(Battle of Manila 1945 / Liberation of Manila) Kakayanin mo kayang mabuhay sa panahong walang kalayaan, puno ng hinagpis at kawalan ng pag-asa? Tung...