Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

42K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Stranger Danger (Parts 1-2)

110 7 0
By Sheree_Mi_Amour


Part 1

Hello, Spookify! Marahil ay may nakapagsabi na rin sa inyo na mas dapat nating katakutan ang mga buhay kaysa sa patay. Isa ako sa mga naniniwala sa kasabihang yan. I guess pati kayo ay nakalakihan rin ang mga bilin ng mga parents natin na wag tatanggap ng pagkain o sasama sa hindi kakilala, wag basta-basta magpapapasok sa bahay, etc. Hindi kasi natin hawak ang pag-iisip ng ibang tao. Hindi natin alam ang mga motibo nila. Minsan nga, kahit yung mga taong inaakala nating pwedeng pagkatiwalaan, gagawan rin tayo ng hindi maganda. Kwentuhan ko kayo ng mga experiences ko na I considered creepy, hindi dahil sa mga paranormal entities, kundi dahil sa mga taong na-encounter ko at sa kung ano ang mga kaya nilang gawin.

(Note: stories po ang mga sine-send ko dito sa page at hindi Twitter posts, so please expect na mahaba talaga sila. If you dislike lengthy stories, skip nyo na lang po at wag na sanang magreklamo.)

I. Kumare

Nangyari ito year 2015. 25th birthday ng bestfriend kong si Jen kaya nagyaya siyang mag-lunch kasama ng ibang friends namin. After naming kumain, nag-ikot muna kami sa mall. We lost track of time dahil naglaro pa yung mga kids nila at di namin namalayang pasado 4pm na pala. Nauna na kami ni Jen sa iba pa naming kasama dahil may pasok pa siya sa work ng 5pm. Napagkasunduan namin na bababa na si Jen sa workplace niya para di siya ma-late at pinakisuyo na lang na ihatid ko ang anak niya sa bahay nila. Two years old na ang baby ni Jen at kapareho niyang mestisahin. Apat na lang kaming pasaherong natira sa jeep dahil halos nagsibabaan na rin yung iba sa workplace ni Jen. Umusog ako malapit sa may estribo para di ako gawing taga abot ng bayad ng mga sumasakay. Ang pwesto ko nun ay sa right side ng jeep, malapit sa estribo pero hindi dulong-dulo dahil hawak ko si Baby. Solo ko yung side na yun. Sa kabilang side naman ng jeep ay may isang nursing student sa tabi ng estribo, isang may edad ng babae sa bandang gitna, at isang lalaki sa likuran ng driver.

Di pa kami nakakalayo sa binabaan ni Jen ay may sumakay na isang babae. Umupo siya sa may kaliwa ko. Bale siya ngayon ang nasa dulo at kaharapan nung nursing student. Pagkaandar na pagkaandar ng jeep, naramdaman kong uminit ang batok ko. Akala ko hangin lang o kaya exhaust na galing sa mga kasabay naming sasakyan. Nakakandong sa akin si Baby at kumakain ng wafer. Nung dumaan kami sa isang ginagawang mall, sumilip ako saglit sa bintana pero biglang umiyak si Baby kaya umayos ako sa pagkakaupo. Nung tingnan ko siya, itinuturo niya sakin yung babae na hawak-hawak yung wafer na kinakain ni Baby kanina. Nainis ako nun kasi hindi naman niya kami kakilala para gawin niya sa bata yun pero I didn't want to sound rude kaya di na lang ako kumibo. Inalo nung babae si Baby at isinusubo sa kanya yung wafer pero kinuha ko iyon at inilagay sa plastic. Nagpa-side ako sa pagkakaupo kaya medyo nakatalikod na ako dun sa babae.

Maya-maya naramdaman ko na sumisiksik siya sa akin kaya nilingon ko siya at tinanong nang "Bakit po?" Sabay naman niyang inabot yung bayad niya sa akin. Kinuha ko iyon at inabot dun sa matandang babae. Tapos bigla niya akong hinawakan sa balikat at sinabing, "Ay, kumare, ikaw pala yan! Di kita agad namukhaan." Nagulat naman ako kasi di ko siya kakilala. Lima lang ang mga inaanak ko at mga kaibigan ko lahat ang mga parents nila. Sabi ko, "Pasensya na po, hindi ko kayo kakilala. Baka po nagkamali lang kayo." Humawak naman siya ngayon sa braso ko at sinabing asawa raw siya ni "Romy" na ninong ni Baby.

Kung iisipin, posible talaga na pagkamalan kaming mag-ina ni Baby nung time na yun pero ang sinasabi kasi ng babae, inaanak daw ng asawa niya si Baby. Di ba, kakilala niya dapat ang mga parents ng bata? So, bakit niya ako pagkakamalan na nanay lalo na at hindi naman kami magkamukha ni Jen? Nagsimula siyang magkwento tungkol sa bagong tayo nilang business at inimbitahan ako na dumalaw sa kanila, na kung gusto ko raw ay dumaan muna kami sa bahay nila bago kami umuwi ni Baby. Oo lang ako ng oo sa mga sinasabi niya. Aware ako na isang total stranger yung babae at ayaw kong makipag-usap pero hindi ko alam kung bakit napapa-oo niya ako sa lahat ng nga sinasabi niya. Tinanong din niya kung saan na nagtatrabaho ngayon ang "asawa" ko kasi parang hindi na raw niya nakikita sa opisina sina Romy. Sa isip ko, talagang hindi niya makikita sa office ang asawa ko kasi wala naman akong asawa. Kung ang Daddy naman ni Baby ang tinutukoy niya, hindi rin niya makikita dahil nasa Saudi siya. Kaya ang sinagot ko na lang, "Wala po." Kada may itatanong siya, gusto kong tumanggi at wag nang sumagot pero parang kusang lumalabas yung mga salita mula sa bibig ko.

Then, nung huminto yung jeep namin dahil sa stoplight, tinanong niya ako kung pwede ba niyang kargahin si Baby. Naisip ko nun na baka kapag hawak na niya ang bata ay bigla siyang bumaba at tumakbo palayo pero umoo pa rin ako dun sa babae. Naiiyak na ako nun dahil sa sobrang takot kasi ayaw ng isip ko pero napapapayag niya pa rin ako. Nung akma na niyang kukunin si Baby, nanginginig yung mga daliri ko kaya iniyakap ko yung mga kamay ko sa magkabila kong braso. Bale nakakulong si Baby sa loob ng mga braso ko kaya hindi niya nakuha mula sa akin. Nung pilit pa rin siyang nakikipaglaro kay Baby, kinuha ko yung mga gamit ko at umusad papunta dun sa bandang gitna nung upuan. Sumunod naman yung babae at this time, nag-offer siya na hawakan yung mga gamit ko para raw hindi ako mahirapan. Inaabot niya yung shoulder bag ko pero itinulak ko yung kamay niya. Nagulat yung babae dahil hindi siguro niya in-expect na magre-resist ako sa gusto niya. Nakatitig siya sa akin kaya nilabanan ko yung titig niya. Ang bigat sa mata, para akong inaantok pero pinigilan ko na wag magbaba ng tingin. Sa loob ko nun ay nagdarasal ako na walang mangyaring masama sa amin ni Baby.

Hanggang sa nag-iwas na ng tingin yung babae at yung kamay ulit ni Baby ang hinawakan niya. Bumitaw yung babae dahil tinapik nung matanda na nasa harapan ko yung kamay niya. Tinanong ako nung matanda kung kakilala ko ba siya at sinabi kong hindi. Pinalipat niya ako sa tabi niya kahit umaandar yung jeep. Kinuha nung lalaki yung mga gamit ko at inalalayan kami ni Baby na makalipat sa side nila. Nung nakaupo na kami, sinabi nung matanda dun sa babae na wag kaming susundan. Pumara yung babae at mabilis na bumaba. Nilingon kami nung driver at tinanong kung anong problema. Sabi nung lalaki, muntik na raw akong mabudol-budol. Napaiyak na ako ng tuluyan nun at hinaplos nung matanda yung likuran ko. Akala raw niya kakilala ko talaga kasi nagkukwentuhan kami nung babae. Napansin lang daw niya nung pilit niyang kinukuha si Baby at yung gamit ko at ayaw kong ibigay. Nung pababa na ako, nagpasalamat ako sa matanda at dun sa lalaki.

Pagdating namin sa bahay nina Jen, sumakit ng sobra yung ulo ko na parang pinupukpok. Putlang-putla raw ako nun at nagsusuka. Hinilot ng bayaw ni Jen yung ulo ko at hinampas ako ng dahon ng guyabano dahil baka raw nausog ako. Nung medyo nahimasmasan na ako, kinuwento ko sa kanila yung nangyari sa jeep. Sabi ng biyenan ni Jen, may mga nambubudol daw na parang hini-hypnotize yung mga biktima nila para mapasunod sa gusto nilang mangyari. Mabuti na lang daw at mas malakas yung spirit ko. At kaya raw siguro sumakit yung ulo ko ay dahil nilabanan ng isip ko yung pagkontrol nung babae sa akin. Ang kaso lang, hindi ko maalala yung itsura nung babae. Sa pagkakatanda ko, presentable naman siyang tingnan at may hawak na cellphone pero yung detalye ng mukha niya, di ko maalala. Nung una, nandon pa rin yung idea na baka may memory problems yung babae at napagkamalan lang talaga ako. Pero sa pag-recall ko sa mga nangyari, it's too much to be just a mere coincidence. Nandon yung feeling na may plano talagang hindi maganda yung babaeng nakatabi ko sa jeep.

After a week, nabalitaan namin na yung nanay ng workmate kong si Alice ay nabudol din. Ang nanay kasi ni Alice, mahilig magsuot ng mga alahas. Kahit nga nasa bahay lang siya, talagang gumiginto yung katawan. Nasa palengke raw siya nun at bumibili ng mga gulay. May babaeng lumapit sa kanya at nagmano. Nagpakilala raw siya na kaklase ng anak niya. Tapos, nag-offer daw yung babae na sumabay na ang nanay ni Alice sa kanila dahil papunta rin naman daw sila sa same direction. Nung nahimasmasan daw ang nanay ni Alice, nasa may side na siya ng palengke at wala na lahat yung mga alahas niya pati yung dala niyang bag. Wala na rin yung babae na kasama niya. Bumalik yung nanay ni Alice dun sa nagbebenta ng gulay at dun nga niya na-confirm na sumama siya doon sa babae. Nagtaka pa nga raw yung nagtitinda nung sabihin niyang nanakawan siya kasi akala niya magkakilala talaga silang dalawa.

I don't know kung same person ba yung na-encounter naming babae pero naging talamak yung ganyang modus operandi dito sa amin that time. I-a-approach ka, kukwentuhan, and the next thing you knew, nanakawan ka na pala.

II. Road Runner

Ito naman ay way back 2010 pa, when I was still in the BPO industry. 2pm to 11pm ang shift ko nun pero di naman hassle ang pagbiyahe pauwi dahil meron kaming shuttle service na naghahatid hanggang sa terminal ng bus. Nung gabing iyon, magla-log out na lang sana ako kaso may pumasok pang call. Pinauna ko na yung mga kasabay kong umuwi dahil 11:15 ang alis ng shuttle. After ng call ko, kinailangan ko pang maghintay hanggang 12:15 dahil fixed yung oras ng biyahe ng mga service namin. Nung nasa terminal na, hindi na ako pumasok sa loob at dun na lang sa may Entrance/Exit sa tabi ng highway ako naghintay ng mga paalis na bus. Maliwanag naman doon, may mga guards at dispatchers, mga food stalls at may mga kasama rin akong nag-aabang. Maya-maya, may isang sports car na dumaan dun sa kabilang lane ng highway (galing sa bandang left ko). Di ako magaling sa mga sasakyan kaya di ko masabi kung anong klaseng sports car siya. Basta yung medyo mababa yung body ng kotse, tapos malakas yung ugong niya. Medyo mabagal lang yung takbo nito nung una. Tapos, biglang bibilisan yung pag-andar niya at babagalan ulit. Kahit nung nasa malayo pa yung kotse, naririnig ko na yung sound niya. Nung mas malapit na siya sa gawi namin, napaatras ako dun sa pwesto nung mga nagtitinda ng balut.

Bukas yung mga ilaw sa loob pati bintana ng kotse at nakalabas yung mga kamay hanggang sa braso nung mga sakay. I think lalaki silang lahat. Yung nasa passenger seat, meron siyang hawak na baril na pinangsesenyas niya sa mga kasunod nilang sasakyan para i-overtake sila. Yung nakaupo sa likuran nung lalaking may baril, nakadungaw lang sa bintana at naninigarilyo. Ang ikinatakot ko nun ay yung nakaupo sa likuran nung driver. Meron siyang kinakaladkad na babae sa labas ng kotse nila. Hawak niya yung babae sa buhok kaya medyo naka-bent sideways yung babae. Kapag bibilisan nung driver yung takbo ng kotse, sumisigaw sila at nagtatawanan dahil nakakaladkad yung babae dun sa sidewalk. Hindi naman sumisigaw yung babae o ano pero feeling ko, umiiyak siya at nasasaktan. Shookt kaming lahat dahil sa nakikita namin. Yung ibang mga babaeng nag-aabang rin, tumakbo sila papunta sa pwesto ko para magtago. Sinigawan ng isa sa mga dispatchers na naroon yung mga lalaki pero tinutukan siya ng baril nung isa. Akala ko nga tuluyan siyang babarilin pero mabuti na lang at umurong yung dispatcher kaya inalis ng lalaki yung pagkakatutok ng baril sa kanya. Nung medyo nakalampas na sila sa pwesto namin, mabagal yung takbo nila kaya nakita ko yung babae na parang paika-ika na. Nakasuot siya ng T-shirt at jeans. Yung isa niyang kamay, nakahawak dun sa braso ng lalaking nakasabunot sa kanya at yung isa naman may bitbit na bag yata o plastic.

Ayaw muna kaming palabasin nung mga nagtitinda kasi baka makita raw kami nung mga lalaki at bumalik sila. Takot na takot ako nun. Akala namin nung una, shooting ng isang movie yung nakikita namin, kaya nakatingin lang kami at nanonood. Buti na lang agad kong napansin yung baril kaya parang instinct na tumabi ako. Nung medyo malayo na yung kotse, nagkagulo yung mga dispatchers. Merong gustong tumawag ng pulis, kaya lang, ang pinagtataka ng iba ay may police station naman dun sa direksyon na pinaggalingan ng mga lalaki. Imposibleng hindi sila nakita ng mga pulis at wala ni isa sa mga nadaanan nila ang nagkusang mag-report. Sabi nung ibang nagtitinda, baka raw prosti yung babae at na-pick up nila. Pwede, pero malakas ang kutob ko na hindi. Karamihan kasi sa mga nadaraanan kong ganun, puro sexy ang suot eh. May mga naka-miniskirts, short shorts, etc. (not being judgmental here, dini-describe ko lang po yung mga nakikita ko dito sa amin). Yung babae, hindi naman ganun ang suot at may dala pa nga siyang gamit. At saka, bayaran man yung babae o hindi, considered torture na yung ginagawa nila. Sabi nung dispatcher na tinutukan ng baril, siguro raw ay nadaanan lang nila sa highway yung babae at napagtripan nilang paglaruan. Baka mga naka-high sila, kasi sino nga ba namang nasa matinong pag-iisip ang gagawa ng ganun?

Niyaya ko yung ibang mga pasahero na pumasok na kami sa terminal dahil baka bumalik pa yung mga naka-kotse. May mga pumunta rin sa police station para mag-report. Dahil siguro pare-pareho kaming naka-focus dun sa nangyayari, walang nakapansin sa amin sa plate number nung kotse. Pero kung agad na reresponde yung mga pulis, pwede pa nila itong maabutan. Nag-stay muna ako sa resto sa loob ng terminal hanggang sa medyo magliwanag na. Abot-abot ang panalangin ko nun na makauwi ako ng safe at sana makaligtas yung babae. Nung pumasok ako ulit sa work, kinuwento ko yun sa mga kasama ko at nagtanong-tanong kung may nabalitaan ba silang pinatay na babae o ano. Wala naman daw. Di ko rin alam kung nahuli ba yung mga lalaki o hindi. Wala pa kasing CCTV sa mga highway dito during that time (hanggang ngayon nga, wala pa rin) kaya kung nakatakas man sila, mahirap sigurong i-trace unless may may witness na magsumbong. Since that incident, hindi na ako ulit nag-abang sa tabi ng highway at pumapasok na ako palagi sa terminal.

Next time naman po yung iba pang mga kwento. Lagi po tayong mag-ingat at maging alerto sa paligid natin. Lalo na sa panahon ngayon, naglipana na yung mga masasamang loob. Salamat sa pagbabasa at salamat din, Admin Chai, sa pag-post.

Part 2

Hello, Spookify! It's been a while since my last story here. Medyo naging busy ako sa mga raket kaya wala akong time na makapag-send ng kwento. Pero lately ay marami na akong free time kaya eto ulit ang isa pang compilation ko ng mga Stranger Danger stories.

III. Close the door

Nakasanayan na namin na kapag dumilim na ay nagsasara na kami ng pinto lalo na kung nasa bahay na kaming lahat. Kapag kumakain, mapa-araw man o gabi, gusto ni Daddy na nakapwesto siya nang nakaharap sa front door. Even kapag sa labas kami kumakain o kaya ay nasa ibang bahay, he makes sure na ang pwesto niya ay nakatanaw sa pasukan o labasan ng lugar na iyon. Gusto kasi ni Dad na anuman o sinuman yung dumating, nakikita niya. At kung sakali mang may mangyaring emergency, he has a clear view ng exit na pwede naming labasan. Sa side kasi ni Mommy, minsan nang nagkaroon ng isang hindi magandang pangyayari dahil sa pintong hindi nakasara.

Kwento ito ng lolo ko sa tuhod na si Lolo Ely. Panganay siya sa anim na magkakapatid. Tatlo silang lalaki at tatlong babae. Binata na raw si Lolo noong mangyari ito, siguro ay around 15 or 16 years old siya. Nasa likod-bahay nun si Lolo at may inaayos na mga gamit. Ang nanay naman nila ay hindi pa nakakauwi galing sa paglalako niya ng paninda. Ang tatay nila at limang kapatid ni Lolo ay nasa loob at kumakain na ng hapunan. Biglang narinig ni Lolo yung mga kalabog at tunog ng mga nahulog na gamit. Inisip daw niya na baka naglilikot lang yung mga kapatid niya pero tumayo na rin siya mula sa ginagawa para sawayin ang mga ito. Napatakbo si Lolo nung nagsisigawan na ang mga kapatid niya sa loob ng bahay nila. Nagimbal si Lolo sa nakita niya. Nadatnan niya ang isang lalaking may hawak na itak na ginamit na pantaga sa tatay nila at mga kapatid niyang babae.

Hawak-hawak daw nung lalaki yung isa pa niyang kapatid na babae kaya dali-daling sumugod si Lolo para sagipin yung kapatid niya. Hindi ganoon katangkad si Lolo pero kilala siya sa kanila na malakas ang pangangatawan at matapang talaga. Na-pin down ni Lolo yung lalaki at nagsidatingan na rin yung ilang kapitbahay na nakarinig sa mga sigaw nila. Dead on the spot yung tatay nila at yung dalawang kapatid na babae ni Lolo. Yung isa pang babae nakaabot pa sa ospital pero namatay din. Bale yung dalawang malilit na lalaki at si Lolo lang ang nabuhay sa kanilang magkakapatid.

Yung mesa nina Lolo, nakadikit kasi sa pader na bahay nila. Kaya pag kumakain sila, yung isang side at magkabilang dulo ang ino-occupy nila. Yung tatay nila ay nakapwesto dun sa mahabang side ng table na nakatalikod sa pasukan ng bahay at katabi yung mga maliliit na bata para ipanghimay sila ng ulam. Kaya nung pumasok yung lalaking may dalang itak, hindi siya agad nakita ng tatay ni Lolo at siya yung unang tinaga. Nagtangka namang lumaban yung tatlong babae para iligtas yung tatay at mga kapatid nila pero hindi nila nakaya.

Sabi raw ng mga kamag-anak nung lalaki, normal naman daw ang maghapon nito. Hindi siya lasing o lango sa droga. Wala ring atraso sina Lolo sa kanya. Actually, ni hindi man nga nila ito kakilala. Bale trip lang nung lalaki na managa nung gabing iyon. Sa kasamaang palad, ang bahay nina Lolo ang napagdiskitahan niyang pasukin, siguro ay dahil natiyempuhan din niya na bukas ang front door nila. Nangyari po ito before pa ang World War II. (Maisingit lang, WW2 veteran si Lolo Ely at isa rin siya sa mga sumabak sa Death March.)

Kaya ngayon, we make sure na laging nakasara ang mga gates at pinto ng bahay lalo na kapag gabi. Kasi minsan kahit nasa loob na tayo ng bahay ay maaaring hindi pa rin tayo ligtas sa mga masasamang loob na naglipana sa paligid.

IV. Park

May isang park sa kabilang province na masarap tambayan kasi walking distance lang siya mula sa isang malaking mall. Malinis din dito kaya pwede kang humiga-higa sa damuhan, mag-picnic, etc. Kapag umaga, wala masyadong tao rito kasi konti lang yung place na may lilim pero pagsapit ng hapon, halos napupuno ito ng mga estudyante (malapit din kasi ito sa isang private university), mga magjowa, at magpapamilya. Meron ding mga naglalaro ng basketball at volleyball sa mga courts doon.

One time, nagpasama si Sheila sa amin ni Camille (sila din yung sa Haunted University pero naka-graduate na kami at the time of this story) para makipag-meet dun sa textmate niya. Saturday noon at off namin sa work kaya sinamahan naman namin siya. Sa mall kami hinintay nung guy at dun na rin kami kumain. Nung pa-hapon na, nagyaya kami na kumain ng fishball at tumambay dun sa park. Malapit din sa park yung terminal ng jeep kaya malapit na lang kami sa sakayan kapag gusto na naming umuwi.

Dahil weekends, maraming tao sa park. After naming bumili ng fishball, umupo kami dun sa damuhan. Magkatabi kami ni Camille at kaharapan naman namin sina Sheila at yung textmate niya. Then, may grupo ng mga binata na dumaan sa gilid ko at sinipa pa nung isa yung baso ng buko juice na nakalapag sa damuhan. Buti, kaunti na lang yung laman kaya hindi nabasa si Sheila. Lima yata sila o anim na katao. Galing sila sa may likuran ko kaya nung nakalampas na sila sa akin, dun ko lang sila nakita. Hindi ko na sila pinansin kaya lang, napatingin ako ulit nung binangga nila yung dalawang lalaking estudyanteng kasalubong nila. Parang pinaligiran pa nila yung dalawa tapos mga ilang segundo lang, nilampasan na nila ang mga ito at biglang kumaripas ng takbo. Nagulat yung ibang mga taong naroon dahil natumba yung isa sa mga estudyante at sinasalo yung duguan niyang tagiliran. Sinaksak pala siya nung isa sa mga lalaki. Tumawag sila ng pulis na nandun sa may entrance ng park. Malapit yung mga estudyante sa amin kaya kitang-kita namin kung gaano karaming dugo ang umagos sa damuhan. Akala namin hinoldap sila pero sabi nung isang estudyante, wala naman daw kinuha sa kanila. Ang sabi raw nung sumaksak, "Tetestingin ko lang itong laruan ko kung nagpapahasa na." Nakakapantig ng tenga. Laruan lang din ba ang tingin nila sa buhay ng ibang tao kaya kapag trip nilang manaksak ay gagawin nila?

Umuwi na kami nung dumating yung mga pulis. Naikwento ko yung nangyari sa amin pag-uwi ko at eksakto namang ka-eskwela ng isang pinsan ko yung mga biktima. Sabi nung pinsan ko nung Monday pag-uwi niya from school, nabuhay naman daw yung sinaksak pero yung mga suspect ay hindi nahuli. Hindi lang isang beses nangyari yung ganoong insidente sa loob ng park. Marami raw talagang mga gangs na tumatambay doon lalo na kapag weekends tapos ay nangti-trip sila ng mga tao. May mga pulis nga na nakalagay doon pero hanggang sa entrance lang naman sila at nakikipagkwentuhan sa mga nagtitinda. Dahil dumami yung mga nagrereklamo, mas hinigpitan ng local government yung security sa park. Sinara nila yung ibang mga entrance at nagdagdag ng mga pulis at tanod na ngayon ay rumoronda na sa loob. Nakakatakot lang dahil may mga taong walang pinipiling tao o lugar, makagawa lang sila ng hindi maganda.

V. First-timer

First time kong mag-commute mag-isa papuntang Manila noon at dahil hindi naman ako madalas na lumuluwas, hindi ko kabisado ang mga lugar doon. Ka-text ko yung kaibigan ko para i-guide nya ako kung saan ako sasakay at bababa. Sumakay ako ng bus at sinabi sa driver na ibaba ako sa Cubao. Pagbaba ko raw sa Cubao, need kong sumakay ng jeep papuntang Lawton kung saan kami magkikita ng kaibigan ko.

Nasa 3 to 4 hours ang biyahe ko sa bus dahil may stopover pa. Nung nasa Manila na, tumigil kami dun sa isang sakayan at sumigaw yung conductor na "Oh, Cubao! Cubao!" Nagsibabaan na halos lahat ng pasahero kaya bumaba na rin ako thinking na nasa Cubao na kami. Pagbaba ko, tinignan ko yung mga nakaparadang jeep kung saan yung may sign ng Lawton kaya lang ay wala akong nakita. Sa totoo lang, ayaw ko sanang magtanong-tanong dahil ayaw kong malaman ng iba na dayo ako sa lugar na yun at di ko kabisado ang lugar. Para kasing it puts you on a vulnerable state na pwedeng samantalahin ng iba because they have the upper hand against you since dayo ka nga sa lugar nila. Pero no choice naman ako kundi magtanong dahil di ko alam kung nasaan na ako. So, in-approach ko yung isang dispatcher at sabi nya, malayo pa daw yung Lawton. I found out na sa may SM North pa lang pala yun at hindi pa sa Cubao. Itinuro niya kung ano yung mga dapat kong sakyan na jeep kaso natakot ako na baka maligaw kaya I opted to ride taxi instead. Nagpara ng taxi si Manong para sakin at nung nakasakay na ako, parang ang init sa loob. Tapos, kumatok si Manong sa window ko. Sinabihan ako ng driver ng taxi na bigyan yung dispatcher kahit limang piso lang. Kaya pala hindi pa siya umaalis ay meron siyang hinihintay. I mean, don't get me wrong, willing akong magbigay pero nawala kasi sa isip ko dahil naka-focus ako sa biyahe ko that time. So, binaba ko yung window at inabot yung barya kay Manong habang nagso-sorry pero hindi pa man ako tapos sa sinasabi ko ay hinablot na niya yung barya mula sa kamay ko at inambahan ako ng suntok. Grabeng gulat at takot ko nun kasi akala ko ay susuntukin niya talaga ako. Tinext ko yung kaibigan ko at sinabi niyang relax lang daw ako at pina-send niya yung body number ng taxi.

Nung nasa Pasig na kami (according sa driver), halos walang kagalaw-galaw yung traffic ng mga sasakyan dahil yata sa stoplight o ano. Sinabihan ako nung driver na i-lock ang pinto. Eto yung taxi na pinipindot pa yung parang maliit na poste sa may ibaba ng window para mag-lock yung pinto. Tapos yung bintana ay yung may manual na crank handle pa. Pagka-lock na pagka-lock ng pinto sa may right side ko, may mga batang lalaki na di ko alam kung saan nagmula na nagsiakyatan sa mga sasakyan at puwersahang binubuksan yung mga pinto. Etong mga batang ito, siguro ay nasa 10 to 15 years old lang, iisipin mo na typical na batang kalye dahil sa itsura nila. Medyo nakadikit ako sa pinto dahil nakatukod sa may bintana yung siko ko kaya nagulat ako nung may biglang sumulpot sa side ko at pinipilit na buksan yung pinto. Mapi-feel mo talaga yung pagpwersa niya kasi gumagalaw yung pinto kada hihilahin ng bata yung handle ng door sa labas. Nung hindi niya mabuksan, kumatok na lang siya sa bintana saka inilahad ang kamay. Hindi tinted yung bintana kaya kitang-kita niya ako. Sabi nung driver ay wag ko daw bibigyan at wag kong ibaba yung bintana. Nilingon ko yung bata saka ako umiling pero napansin ko na may iba siyang tinitingnan sa may likuran ko. Bigla siyang tumakbo sa may likuran ng taxi at dun ko rin biglang na-realized na hindi ko pala napindot yung lock ng kabilang pinto. Buti na lang, bago pa niya nahawakan yung handle ay na-i-lock ko na yung pinto.

Nagsimula na ulit umusad yung traffic and after a while, nahalata ko naman na parang ang tagal ng biyahe namin. Dumaan pa kami sa mga residential areas kaya ang naisip ko ay baka inikot-ikot ng driver yung taxi para tumaas ang metro since alam niyang dayo ako at di ko alam yung dinaraanan namin. Hinayaan ko na lang dahil baka mali rin naman yung iniisip ko at napa-paranoid lang ako. Nung sa wakas ay nakarating na kami sa may Lawton, pinapababa na ako nung driver. Tanaw ko mula sa taxi yung Manila City Hall pero yung 7-Eleven kung saan ako nagpapahatid ay wala. Sabi nung driver, nasa kabilang kanto daw yun at short walk lang siya kung saan ako bababa (which is a bluff dahil ang layo pa ng nilakad ko). Itinuro na lang niya kung saan ako dapat dumaan kasi hindi na raw pwedeng ipasok yung taxi doon. So, nagbayad na ako and nasa 240 something yung fare pero sinabihan ako nung driver na (non-verbatim), "Dagdagan mo naman, Miss. Ang layo ng pinaghatiran ko sayo eh." Di na ako kumibo at binigyan siya ng additional 50 pesos at nagmamadaling bumaba na ako sa taxi.

That was the first and last time na nag-commute akong mag-isa papuntang Manila.

VI. Divi

One time, may event kami sa work at kailangan naming mamili ng mga toys sa Divisoria. Tatlo kami nina Sheila at Raven na lumuwas. Hindi na kami nagdala ng sasakyan dahil sabi ni Raven, mahirap daw yung parking doon.

Sumakay na kami ng jeep pa-Divi. Napapagitnaan ako nina Sheila at Raven. Napansin ko na parang naluluha si Sheila kaya inisip ko na baka inaantok siya. Sinabihan ko siya na humilig sa balikat ko. Pero umiling lang siya at di na kumibo. Pagbaba namin sa jeep, biglang tumalungko si Sheila sa kalsada at isinubsob ang mukha sa mga tuhod niya. Akala ko ay nahilo siya o ano kaya lumapit ako at inangat yung mukha niya. Dun na nagsimulang umiyak ng malakas si Sheila. Pinakita niya sa amin yung bandang left side niya. Punit yung shirt at may galos yung tagiliran niya. Tinutukan pala siya ng patalim habang nasa jeep kami. Naramdaman daw ni Sheila na may tumutusok sa gilid niya kaya nilingon niya yung katabi niya. Pero bago pa siya makapagsalita, binulungan na raw siya nung lalaki ng, "Cellphone lang ang kailangan ko." Binigay naman daw iyon ni Sheila pero hindi pa rin inaalis ng lalaki yung pagkakatutok ng patalim. Medyo papreno-preno rin yung jeep kaya nakuhang mapunit ng shirt ni Sheila at gumalos yung patalim sa balat niya.

Nagpunta kami sa police station para magpa-blotter sana kaso muntik nang mapaaway si Raven kaya umalis na lang kami. Yung isang pulis kasi, nung kinukuhanan ng statement si Sheila, nagsa-side comment siya na kesyo ang tanga raw namin eh pwede namang sumigaw si Sheila. Ang dami raw tao sa jeep kaya kung humingi kami ng tulong e di sana raw ay nahuli yung holdaper. Uminit ang ulo ni Raven at sinabi niya sa pulis na kung sumigaw si Sheila ay baka hindi na hold up case ang nire-report namin ngayon. Tumawa lang ang pulis kaya lalong nainis si Raven. Inawat na lang namin siya ni Sheila at umalis na lang kami.

After a few minutes na rest, nag-subside na yung adrenaline rush ng bawat isa sa amin kaya kumalma na kami. Nag-suggest si Raven na umuwi na lang muna kami pero kumontra si Sheila kasi nandun na kami at sayang naman yung time at pera kung di pa kami tutuloy. So, naging extra careful na lang kami the whole time na namimili kami at sa kabutihang palad ay wala ng ibang aberya na nangyari hanggang sa kami ay makauwi na.

May isa pang kwentong Divi na na-experience naman ng workmate naming si Anna. Kinuwento niya ito sa amin nang mabalitaan nila yung nangyari kay Sheila. So, nagpunta din sila ng asawa niyang si Larry doon at medyo malayo pa yata yung nababaan nila kaya kinailangan nilang sumakay ng pedicab. Nung bumaba na sila, sinisingil daw sila ng 500 kaya nagalit si Anna. Sinenyasan siya ni Larry na ibigay na yung 500. Pagkaalis ng pedicab, sinabi ni Larry kay Anna na may balisong daw kasi yung driver at mino-motion sa kanila kaya natakot si Larry para sa safety nilang dalawa.

Same na magpapasko noong nangyari ang dalawang kwento na yan.

VII. Tricycle

Hindi ko ito personal na experience pero nangyari ito dito lang sa amin. May isang dalaga na nag-apply sa isang factory sa bayan. Galing pa siya sa ibang province kaya hindi niya kabisado yung lugar namin. Yung factory na pupuntahan sana niya ay along the highway lang pero lumampas yung babae at nakababa siya malapit na sa may palengke. Nagtanong daw siya sa mga tricycle drivers doon at nagpahatid sa factory. After a few days, may mga kamag-anak yung babae na dumating sa munisipyo at humihingi ng tulong na hanapin yung babae dahil hindi pa raw ito nakakauwi. For interview pa lang siya sa factory at dapat sana ay uuwi rin the same day. Galing na rin sa factory yung mga magulang ng babae pero ang sabi raw sa office ay hindi siya sumipot sa araw ng interview niya. Nag-utos si Mayor ng investigation para mahanap yung babae. Kinabukasan lang, may natagpuan silang bangkay ng babae sa isang talahiban malapit sa amin. Sakto, merong mga linemen na nag-aayos ng kable ng kuryente doon at sila yung nakakita (or nakaamoy yata) sa bangkay.

Mayroon kasing dalawang way mula palengke papuntang factory. V-shaped yung road at yung nasa left ay yung highway (main road) wherein sa harap mismo ng factory ka ibababa. Dito rin dumaan yung babae nung galing siya sa kanila kaya lang ay lumampas siya. Yung sa right side naman ay papasok sa mga barangay. Pwede ring dumaan dito kung gustong umiwas sa mga malalaking sasakyan sa highway. Paglampas sa mga bahayan ay medyo rough road na yung daraanan at may mahabang talahiban doon na malayo sa mga bahay. Doon sa talahibang iyon natagpuan ang bangkay ng babae. Ayon sa result ng autopsy, positive na pinagsamantalahan yung babae. Ang ikinamatay niya ay severe trauma in the head dahil sa pagpukpok sa kanya ng isang matigas na bagay. Sabi ng mga pulis, malaking bato raw ang ginamit at hindi lang isang beses itong ipinukpok sa babae dahil may iba't ibang part daw yung skull na may damage. Speculation din nila na sinadyang doon sa shortcut idinaan ang babae para gawan ng masama. Mataas talaga yung mga talahib kaya kahit meron mang dumaan doon, wala silang makikita. Ang masaklap pa, tanghaling tapat daw ginawa ang krimen na yun.

Tinuloy ang investigation at may nagtimbre sa mga pulis kung sino yung tricycle driver na sinakyan ng babae para magpahatid sa factory. Nahuli naman yung itinuturong suspect. Nung una ay itinatanggi niya ito pero bandang huli ay umamin rin siya. Ang reason niya kung bakit niya nagawa iyon? Maganda raw kasi yung babae at maputi.

***
Totoong napakadelikado na ng panahon natin ngayon. We'll never know kung saan at kailan tayo makaka-encounter ng mga incidents na pwede nating ikapahamak. Yung ganyang mga incidents ang dahilan kaya minsan nasasabi nila na every stranger we meet is a potential danger kasi hindi natin sukat ang iniisip at nilalayon ng puso ng iba. Danger can come to unsuspecting people at the most unlikely times.

But then again at some point, we cannot go around thinking that everyone is a bad person, unless may ginagawa talaga siya na something unnerving. Kung iisipin natin na lahat ng makakasakay natin sa jeep o bus ay holdaper o mambubudol, paano pa tayo bibiyahe, di ba? How about yung mga nakakasalubong natin sa palengke, sa mall and other public places? Kung lahat na lang ay pag-iisipan natin ng masama, malamang ay hindi na tayo makakalabas ng bahay. I mean, kasi di ba once in a while, hindi naman natin maiiwasang makipag-interact sa ibang tao. Siguro, dapat ay maging alert na lang tayo every time at humingi ng protection kay God para mailayo tayo sa mga taong may maiitim na kalooban. Naniniwala ako na mas marami pa ring mga normal na tao na naghahanapbuhay ng disente, mga normal na tao na normal ding namumuhay at mga tao na may mabubuting kalooban at handang tumulong sa kapwa nila kapag kinakailangan. Well, opinion ko lang naman po iyan and I respect if yours is different.

So far, yan na po lahat ang mga Stranger Danger stories ko and I pray na hindi na madagdagan pa. Salamat po sa pagbabasa, and salamat din, Admin Chai, sa pag-post.

Marga Vermilion, 2019

Continue Reading

You'll Also Like

243K 11.3K 54
Alamin ang buong kwento tungkol sa madilim na nakaraan ni Patient 95. --- Please don't buy, sell, or copy then revise my story, chingus. Don't pl...
13.2K 830 23
Dahil sa pagkamatay ng lola ni Gwen, kinailangan nilang umuwi ng probinsya. Sa pag-uwi nilang ito maraming kababalaghan at sikreto ng kanilang pamily...
4.3K 253 15
Short stories. Love. Sufferings. Pain. Life changing.
9.4M 396K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...