Unbreak My Heart

By BhebeCheekay

41.8K 990 130

SYNOPSIS Bata pa lang si Scarlett ay pinagkaitan na siya ng pagmamahal ng tadhana. Walang sinuman ang gustong... More

S Y N O P S I S
E X C E R P T
A N O T H E R E X C E R P T
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Epilogue
😅PROMOTION😅

Chapter Twenty Five

946 24 0
By BhebeCheekay

Dedicated to MamaChamie

Made Up Lies

Kasalukuyan nang nasa harap ng hapag-kainan si Andres kasama ang pamilya Sandoval. Sa mahigit isang taon nilang relasyon ni Penelope ay ngayon niya lang nakasama ng pormal ang mga magulang ng nobya na kapwa abala sa pag-aasikaso ng negosyo ng mga ito. Hindi pa man nagtatagal ang kanilang pagkukwentuhan nang dumating na ang hinihintay nila; ang adoptive daughter ng pamilya Sandoval.

"Oh, there she is!" Nakangiting sabi ni Penelope habang ang mukha ay nakagawi sa entrada ng komedor.

At hindi makapaniwala si Andres nang makilala kung sino ang hinihintay nila --- si Scarlett! Agad na pumormal ang mukha niya nang magtama ang kanilang paningin.

Biglang naglaho ang maganda niyang impresyon para sa babae. Papaano ay madalas na ikwento sa kanya ni Penelope ang tungkol sa ampon ng mga ito na madalas nitong kainisan.

"I really really hate that girl!" Inis na sabi ni Penelope kay Andres pagdating sa condo niya. Basta na lang nitong ibinagsak ang bag sa sofa saka padabog na naupo. Pinagkrus pa nito ang mga braso sa dibdib.

"Sino na naman?" Natatamad na tanong ni Andres habang nagsasalin ng alak sa dalawang baso.

"Sino pa? Eh, 'di 'yong babaeng sampid sa pamilya namin!" Naiinis na bulyaw nito.

Inabot ni Andres ang baso na may lamang alak sa nobya na tinanggap naman nito.

"I hate her guts!" Patuloy ni Penelope saka lumagok ng alak. "I can truly sense it that she is seducing dad." Akusa nito. "Her actions speak for herself." Dagdag nito.

Andres got curious. Madalas na sa kanya inilalabas ni Penelope ang sama ng loob nito sa ampon umano ng ama nito. Sa tuwina ay pupuntahan siya nito na mainit ang ulo na ang sanhi ay ang babae nga na sampid sa pamilya nito. Her name sounds like Carla or Carly or Carlotte, which he doesn't even throw a little attention. Hindi naman niya talagang pinakikinggan ang nobya sa mga hinaing nito. Daig pa kasi nito ang bata kung umakto. Na animo'y parang lagi itong inaagawan ng laruan o kendi.

"Sagad na sa buto ang kalandian ng babaeng iyon!" Pagsasalita ulit ni Penelope. "Dad's secretary told me that that bitch is seducing Dad. Huh! Napakalandi!" Himutok nito. "Noong una, ang COO, si Mr. Layug. A filthy rich old man. Then there's the CFO, Mr. Raval. May mga balita pang nilalandi din ng babaeng 'yon ang mga shareholders. How pathetic, right? She was more than willing to offer her body for the sake of the company. Syempre, nagpapaimpress siya kay Dad. At syempre nga naman, 'di hamak na mas matabang isda si Dad kaysa sa mga iyon. They are totally nothing compared to Dad. Kaya ultimong si Daddy, hindi niya pinapaligtas." Nanggigigil na saad nito.

And that's what caught Andres attention even more. Noong una kasi pulos wala naman kwenta ang mga sinasabi nito tungkol sa babae. Ngunit ngayon, may mas malalim na itong pinanghuhugutan.

"Honey, com' on!" He cooly said. "I'm sure that those were just rumors." Aniya.

"No, of course not!" Giit nito. "I went to the company this morning and found Dad on that bitch's office. I saw how mad Dad was at nagpapaawa ang mukha ng malanding babaeng iyon. She looked rejected." Kwento nito. "Trying to look at the bigger picture, siguradong sinubukan niyang tuksuhin ang Daddy sa sariling opisina dahil kung nandoon nga naman niya gagawin, malaya niyang magagawa ang lahat ng gusto niya. Kasabwat pa ang sekretarya niya." She hissed. "At isipin ko pa lang kung ilang beses niya ng ginagawa 'yon ay hindi ko na maatim, hindi ko masikmura! Imagine, pinalamon na nga siya't binihisan, ito pa ang igaganti niya! How dare her betray my mother like that!" Inis na inis na sabi nito.

Ginagap niya ang kamay ng nobya saka iyon marahang pinisil.

"Breath, hon and relax. You don't have to ruin your day just because of that girl." Mahinahon niyang saad.

Bumuntong hininga si Penelope saka muling lumagok ng alak.

"I'll gather evidences. Ilalabas ko ang baho ng babaeng iyon. At hindi ko mahahayaang sirain niya ang pamilya ko!" Gigil na himutok nito.

Nakatingin siya sa magandang mukha ng nobya. Hinahanap ang mga katangiang nagustuhan niya sa Penelope na nakilala niya. Isang modelo na hinahangaan ng marami. Kinaiingitan ng maraming kababaihan at ninanais ng maraming kalalakihan. Ang Penelope na sa kabila ng katanyagan ay nanatiling nakatapak ang mga paa sa lupa.

Ngunit sa mga oras na ito ay hindi niya makita ang mga katangiang iyon. Bagkus, nakikita niya ang isang mababaw na uri ng babae na may makitid na pag-iisip at pananaw sa buhay. Na sa maliliit na bagay ay wala ng pasensyang ibinibigay.

Marahil ay kasalanan din niya, masyado niya itong pinaluguran. Sa maraming bagay ay sinasang-ayunan niya ito. Ni minsan man ay hindi niya ito kinontra. Their relationship is smooth-sailing but not these recent days where she used to nag at him. Nawawalan na raw siya ng oras dito. Well, he must admit it. Why, he was so damn tired with tons of works but Penelope failed to notice his needs. Dinadagdagan lang nito lalo ang mga isipin niya kaya mas ninanais niyang lumayo rito when he wanted to breath. It's not as if he neglects her but he was just giving himself a break from negativities.

Gayunman, hindi rin mawaglit sa isip niya ang tungkol sa ikinukwento nito. Na mayroon isang babae na handang ipagkaloob ang sarili sa kung sinuman para lamang sa panandaliang yaman. Of course, he was very much aware by those dirty works inside a company and he despise acts like those. Ngunit ang ikinukwento nito ay hindi niya mapaniwalaan. How could a person actually do things without any gratitude? Pinakain mo na, binihisan mo pa, pagkatapos ay gagawan ka pa ng hindi maganda?

Ngayon ay nasa harap na niya ang babaeng madalas na ikuwento sa kanya ng nobyang si Penelope. Palihim niya itong pinagmamasdan habang kumakain. Sa pasimpleng paraan ay kinikilatis niya ito at pinag-aaralan ang kilos nito.

She acts gracefully. From the way she used the utensils to the way she chew her food. Kahit ang paghawak nito ng baso ay may class. Halatang aral na aral. Kunsabagay nga naman ay bigating mga tao ang kinakaharap at pinakikisamahan nito kaya marapat lamang na kumilos ito ng pino.

Ngunit bakit ito umiiyak sa parke? Kaya ba ito umiiyak noong unang beses na makita niya ito ay dahil tinanggihan ito ng kung sinumang lalaki? Does it really hurt that much to her? Oh, woman's pride and ego when it comes to men.

At paano nito nagagawang humarap sa pamilya Sandoval sa kabila ng mga pinaggagagawa nito sa trabaho? Wala na ba talaga itong kahihiyan?

"Honey, hey!" Narinig niyang untag ni Penelope sa tabi niya.

Doon siya napakurap-kurap at muling bumalik sa realidad. Hindi na niya namalayang malayo na pala ang ginawa niyang pag-aanalisa kay Scarlett.

"Oh, sorry!" Paumanhin niya. "What was it?" Aniya.

"I already told them about our wedding plan." Nakangiti ngunit may bahid ng pagkairita ang boses nito. Pinasadahan pa nito ng tingin si Scarlett.

"Oh!" Aniya saka napakunot ang noo. Pilit na inaalala sa isipan kung kailan nila napag-usapan ang tungkol sa kasal.

"Let's have a celebration about your engagement then, hijo. Mas maaga, mas maganda." Deklara ni Paloma, ina ni Penelope.

Tinimbang ni Andres ang damdamin tungkol sa kasalang magaganap. Sa katunayan, ilang beses nang dumaan sa isipan niya ang ideya ng pagpapakasal. Nasa tamang edad na siya para sa bagay na iyon. Sa ganda ng disposisyon niya sa buhay, pag-aasawa na lang talaga ang kulang.

Iyon nga lang, hindi si Penelope ang nakikita niyang mapapangasawa. Lalo na at ang laki ng ipinagbago ng ugali nito. Habang tumatagal ay nawawala na ang mga katangiang una niyang nagustuhan dito.

Ngunit kung susumahin ay wala na siyang hahanapin pa kay Penelope. Bukod sa kagandahang taglay nito ay malaking pakinabang din sa kompanya nila ang kompanya ng mga ito. Hindi na masama para sa isang negosyanteng tulad niya.

"Of course, Scarlett, I still want you to be my maid of honor." Narinig niyang sabi ni Penelope kay Scarlett.

Sandali niyang sinulyapan ang nobya bago bumaling kay Scarlett na noong mga sandaling iyon ay nakatingin din sa kanya. Tingin na hindi niya maintindihan kung ano ang pakahulugan. But he knew better; marahil ay gusto rin siyang biktimahin ng babaeng ito. Ipinakita niya ang disgusto sa mukha niya habang nakatingin dito na agad ding yumuko. Tahimik nitong tinapos ang pagkain.

=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷=÷÷÷

Sa mga naguguluhan po, I made this part as the POV of Andres. Let's give him the benefit of the doubt. Hindi ko po intensyon na lituhan kayo o kung anupaman. Mas maiintindihan po ang kwento kung may ganito... ✌️✌️✌️

Continue Reading

You'll Also Like

177K 3.6K 44
Short Story. [As of June, 2020; This story is under revision. If you'll notice a part that may be cut or unorganized, please bare with it.] DS: April...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
928K 31.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
34.7K 804 43
Provincial Series 1: Pampanga Aikatherine Villafuerte, she is the loving daughter of Mayor Santiago Luis Villafuerte, the Mayor of Magalang Pampanga...