"PRES!!"
'RECENTLY DELETED'
Yan ang dahilan kung ba't meron siya ulit ng picture ko. Nakakabwisit! Hindi ko naisip na meron siyang ganun. Pano na n'yan? Huhu..
"MY BABY CHLOE?! Anong nangyari? Bat ka sumisigaw? " tanong ni Mama ng nakapasok siya sa kwarto at nay hawak pang sandok sa kaliwang kamay. Gusto kong matawa pero pinigilan ko.
"Huh? Anong sinsabi mo Ma? Sumigaw ba ako? Hindi ah! Buntong-hininga yun pang pawala ng stress. Stress kasi ako ngayong araw Ma e." Oo stress talaga ako sa letseng kaibigan ko at ngayon, Eto! Ang sira-ulong President ng School namin. Hmp.
"Ah ganun ba baby? Kawawa naman ang baby girl namin. Stress na stress na sa school" Literal na stress ako. Hindi lang sa school works pati sa mga tao sa school. Lumapit pa si Mama sakin at hinawakan niya ang pisngi ko. "Bibilisan ko na magluto para makakain na ang prinsesa namin, huh?"
Tumango nalang ako at ngumiti. Lumabas na sa Mama kaya binalikan ko yung message sakin no Pres at nireplyan.
Chloe Mae Santos
'Try to post it or I'll break your neck."
Theodore Madrigal
'For who is that theat? Ms. Santos? Mine?'
Chloe Mae Santos
'Don't talk to me. You're so annoying! Remember this famous line 'LINTIK LANG WALANG GANTI' Yeah? And you are the lintik. Tsk. '
Theodore Madrigal
'Yeah, yeah. Whatever! Keep thinking what will you do to have a revenge with me. While ME? Hmm.. Maybe thinking a memes fitted for your photos. Haha! Goodluck!'
Naiinis ko pinatay ang phone ko at hindi siya nireplyan. Bumaba na ako at magsisimula na kaming kumain.
Pagtapos naming kumain, umakyat ako kaagad gusto ko matulog ng maaga. Nagshower muna ako bago humiga sa kama.
Hinihintay na dalawin ng antok, habang iniisip pano ako makakaganti sa walang-hiyang Pres namin. Hanggang sa lamunin na ako ng antok.
-----------------------
*Kring*Kring
Ugh! Inaantok pako e.
*Kring*Kring
Ahh! Bwisit naman!
*Kring *Kring
Kinuha ko ang phone at pinatay ang alarm. Nang tignan ko ang oras, its 5:30 in the morning..
So early!
Ten minutes. Promise! 10 minutes lang talaga. Nakaidlip naman agad ako.
*Forty-five minutes later*
*Kokorokok*Kokorokok
Ah! Letseng manok yan! Ang aga-aga! Dinilat ko ang mata ko at nagulat ako kasi maliwanag na ang labas. Kaya nagtatakang tinignan ko ang oras sa phone ko.
Napabalikwas ako ng makita ko ang oras. It's 6:45 AM! What am i gonna do? What am I gonna do?!
Sabi ko ten minutes lang tiba? Hala! Hello detention room nanaman ba ulit? Bumangon ako at patakbong pumunta sa CR.
Pag tapos ng five minutes ay lumabas na ako ng CR. Hindi ko alam anong klase ng ligo ang ginawa ko sa loob ng five minutes. Nag-bihis ako ng P.E uniform dahil Friday ngayon. Pagtapos ko magbihis ay kaagad akong bumababa at nakita kong inaayos na ni Mama ang necktie ni Papa na papasok na 'ata sa trabaho.
"Baby~ Late ka nanaman? Sumabay ka na sa Papa mo." Si Mama.
"Opo!" Sabi ko habang tumakbo sa lamesa para kumuha ng tinapay at bacon. Nag lagay pa'ko sa loob ng bibig ko.Tapos patakbo akong lumabas ng bahay para sumakay sa kotse ni Papa.
"Bye baby." Tapos hinalikan ako ni Mama sa pisngi.
"Boy Momo" ( Bye Mama) Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil puno ang bibig ko.
"Hmm.. Dont speak when your mouth is full" paalala sakin ni Mama.
Nagpeace sign nalang ako. Alangan namang magsorry ako e puno pa yung bibig ko. Habang nasa byahe inayos ko na lahat. Dito na din ako nagsuklay. Napatawa nalang si Papa sa pagmamadali na ginawa ko para lang maayos ang itsura ko.
"Ano ba kasing ginawa mo late ka nananaman nagising anak" natatawang tanong ni Papa.
Hindi ko nasagot si Papa kasi busy ako sa pagkain ng tinapay ko. Hanggang sa makarating kami sa school hindi ko siya nakausap.
"Bye Pa. Ingat ka sa work!" At kiniss ko siya sa pisngi.
"Bye Anak. Mag-aral ng mabuti."
"OPO!" at lumabas na ako sa kotse.
Tumakbo ako papuntang gate.
"55....56.....57!"
Hala! Naka-balik na pala si Sir Dragon.
"58... 59!"
Naku! Naku! Ayoko ma-Detention ulit!
"60!! Sarado na yan!"
"Ugh!" Tumama kasi ang mukha ko sa grills ng gate. Isisingit ko na dapat ang katawan ko e kaso mas pina-bilisan pa ni Sir Dragon ang pagsasara ng Gate para masiguro niyang hindi talaga ako makakapasok.
"Ms. Santos! Late ka nanaman! Ano nanamang gagawin mo? Tatakas ka nanaman?" Napakamot nalang ako sa batok ko.
"Ahm Sir. Sorry ah! Hindi ko naman po gustong high blood-in kayo. May quiz lang po talaga ako no'ng isang araw. Kaya napatakas ako ng wala sa oras."
"Hayaan mo na yun. Ano kaba! Naka-bayad ka na ng kasalanan mo sakin." Nanlalaking mata dahil sa gulat ang naibigay ko sakanya.
"Po? Talaga?!"
"Oo naman!" Biglang tumaas ang kilay niya at ngumiti siya na parang siya ang nagtagumpay. "Twenty rounds in the field Ms. Santos. I'm watching you"
Twenty rounds?! Sa field! SA FIELD!?! Taena. Mamatay ako no'n!
"What are you waiting for Ms. Santos? Move! Now!"
Napaayos ako ng tayo at agad tumakbo papunta sa field. Iikutin ko talaga to ng twenty rounds?! Buti nalang naka-P.E ako ngayon. Hays.
Twenty rounds in the field, one hour detention and another one hour detention. Oo! Two hours. TWO HOURS NA NAMAN! One hour kasi late ako at another one hour dahil siguradong hindi na ako makaka-pasok sa first subject ko. And considered ditching na 'yon. Mapapa-mura ka nalang talaga!
Nakaka-five rounds palang ako pero sobrang pagod na ako. Huminto muna ako at tinignan ang paligid. Napakalawak nitong field tas tatakbuhin ko ito ng twenty na beses!! Napatingin ako sa isang tao na hindi kalayuan at naka-ngisi sakin. Si Sir Dragon yun! Bwisit! Sana pala hindi nalang ako nagsorry sakanya. Argh! Tatakbo na sana ako ng may maramdaman akong presensya na tumatakbo sa likod ko kaya napalingon ako.
"Ah! Hindi ka pa din nagbabago madam. Late ka pa din. At lagi ka nalang napaparusahan ng Dragon na iyan."
"J-jacob? P-paano? Ka-kailan? B-bakit?"
"Haha! Ano ka ba madam! Ganun ba talaga nakaka-gulat ang kagwapuhan ko. Hays! Madam naman. Huwag mo nang---"
Hindi pa siya tapos magsalita, tinalikuran ko nalang siya at tumakbo ulit. Nagulat lang ako kasi, parang kahapon lang tunawag siya tapos ngayon nasa harap ko na siya. Kung ako lang masusunod kanina ko pa siya niyakap at piningot. Kasi sobra ko siyang namiss. Best friend ko siya e. Pero galit ako sakanya! Kaya hindi ko ginawa yun.
"MADAM! HOY MADAM! HINTAYIN MO AKO MADAM!"
Hindi ko siya pinansin at mas binilisan ko pa ang takbo ko. Pero sumusunod talaga siya sakin. Kaya naiinis ko siya hinarap.
"Ano ba! Ayaw nga kita kausap e! Wag mo nga akong sundan! Galit ako sayo!"
"Huy madam! Gumising ka nga! Ako? Hahabulin ka? Hindi no! Tumatakbo din ako dito sa field! Late kasi ako e. Hehe.." napakamot pa siya sa batok. "Dapat alam mo yun kasi parehas tayo lagi dati sabay tumakbo dito sa field kasi lagi tayong late at parehas lang tayong suki sa Detention kaya, wag ka na magtaka kung ba't ako tumatakbo ngayon dito."
Tinalikuran ko siya. Shit! Nakakahiya! Ang assuming ko! Ang feeling ko kasi na sinusundan niya ako e! Pero kung titignan kung sinong mukhang mahilig sumunod sa aming dalawa. Ako yun! Kasi sa sobrang gwapo nitong lalaking to! Ako ang nagmumukhang stalker.
"MADAM! UY! WAG KANA MAGALIT! LIBRE KITA NG BURGER. DI BA PABORITO MO YUN?" Napahinto ako at napaharap sakanya.
"Hindi ko na favorite ang burger." Sabi ko at tumakbo ulit.
'Totoo naman ah! Hindi ko na favorite ang burger. Because i love it!' Joke!
"HALA! BAKIT HIN---"
"Ano ba! Ayaw nga kita kausap e! Galit ako sayo! GALIT! AKO! SAYO!" pagsabi ko nun ay tumakbo na ulit ako. Akala ko hindi niya na ako susundan at kukulitin pero mali ako.
"Galit ka talaga madam? Sorry na! Babawi naman ako e. Ah ganito nalang! Susuyuin nalang kita!"
Napahinto ako at tinitigan siya. Ako? Susuyuin niya? Tsk. Suyuin niya pwet ko! Hindi nga marunong manligaw kasi puro babae daw ang nanliligaw sakanya! Suyo pa kaya!
"Bahala ka sa buhay mo"
At tumakbo na ako. Suyo. Suyo. Suyo. Kala mo talaga marunong!
----------------GimmieFries-----------------