The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 28

116K 3.5K 703
By Maria_CarCat

Sigurista












Ilang minuto akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. What the fuck was that! May nalalaman pang pahalik halik sa pisngi anv tarantado! Ang kapal ng mukha.


Nakakuyom ang kamao ko ng maglakad ako pabalik sa table namin nila Abby. Hindi ko man gusto ay wala akong nagawa kundi ang tumungin sa table nila Kenzo. I want to give him a death glare like Tangina ka, I'm not easy to get at hindi ko nagustuhan yung ginawa mong hayop ka.


Nagulat pa ako ng makita kong wala siya duon. Nanatili duon ang mga kasama niya, napairap pa si Fidez ng magtama ang tingin naming dalawa. Inirapan ko din siya pabalik. Kala naman niya papatalo ako sa kanya.

Halos maubos ang dugo sa mukha ko ng makita kong nakaupo na ngayon si Kenzo sa katabing upuan ko. Nakangiti itong nakikipagtawanan kina Abby na para bang kasama namin siya duon kahit hindi naman. Tinatagan ko ang loob ko at dumiretso pa din duon kahit kumukulo na talaga ang dugo ko.


"Sera" ngiting asong tawag sa akin ni Abby. Hindi niya din alam kung ngingiti ba siya o ano. Nasa akin ang tingin nilang tatlo, hayop mas lalo tuloy akong naconscious.

Tahimik akong umupo sa upuan ko kanina. Katabi ko na ngayon ang damuhong si Kenzo. Aba! Hindi ako ang magaadjust para sa kanya.


"Dumiretso ka kaagad sa akin" sabi ni Kenzo kay Apollo. Hindi ko sila pinansin, tahimik akong sumimsim sa wine ko hanggang sa matigilan ako at nanlaki ang aking mga mata ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking hita.


Bumaba ang mata ko duon, Tangina. Ang kamay nga ng hayop! Nilingon ko siya, hindi man lang niya ako tiningnan parang wala lang sa kanya iyon. Bastos ang gago! Patuloy siyang nakikipagusap kina Abby at Apollo na parang wala lang.


Sinunukan kong tampalin ang kamay niya pero hindi siya natinag, bagkus ay bahagya pa niyang pinisil iyon. Puta.


"Sera, ayos ka lang?" tanong ni Abby sa akin ng mapansin niya siguro ang pagiginv uneasy ko.


Bayolente akong napalunok. Maging ang nakangising si Kenzo ay nilingon na din ako ngayon. Akala mo walang kasalanan ang gago! Tipid na lamang akong tumango kay Abby at kaagad na nagiwas ng tingin. Ano bang problema ng siraulong to?


Nakahinga lamang ako nang maluwag ng nagpaalam na si Kenzo sa amin na babalik na siya sa kanilang lamesa. Ni hindi ko nga siya nagawang tingnan kahit ramdam ko ang paglingon niya sa akin bago siya tumayo.


"Hindi ba't matagal mo ng gustong makapasok duon?" nakangiting tanong ni Abby kay Apollo. Napanguso ako, mukhang alam ko na kung ano ang pinagusapan nila ni Kenzo. Hindi ko din naman masisisi si Apollo, isa ang hospital niya sa pinaka advance ang technology. Nakakasabay ito sa mga matagal ng sikat at naglalakihang hospital sa metro, knowing na halos bago pa lamang ito.


Nakiga ko ang pagtango ni Apollo. Pagkatapos ay sabay silang tumingin sa akin. Pinanlakihan ko sila ng mata, "Oh, anong tinitingin tingin niyo diyan?" tanong ko sa kanilang dalawa. Napanguso si Abby.


"Invited siya sa kasal, ok lang ba? Hindi ba awkward? Sorry Sera" sabi ni Apollo na kaagad ko din namang pinutol.


"Ano ba kayo, matagal na kaming tapos ni Kenzo. Marami ng nagbago sa loob ng walong taon. Wala na iyon sa akin" sabi ko pa sa kanilang dalawa. Napatango tango na lang si Apollo pero si Abby ay nakatitig pa din sa akin. Hindi ko sinagot ang tingin niya. May laman kasi iyon at hindi ko gustong mabasa niya ako sa pamamagitan nuon. Not anymore!


Matapos ang dinner na iyon ay umuwi na din kami. Hindi ko na nagawa pang lingonin ang table nila Kenzo dahil ayoko na siyang makita pa. Nakakairita!


Maagang nagsimula ang araw ko kinaumagahan. Nakatanggap ako ng message mula sa secretary ni Mr. Alvarado na gusto ako nitong makausap. Kabadong kabado ako, hindi na sila kagaya ng dati na considerate sa amin lalo at hindi natuloy ang pagpapakasal ko kay Augustine. Hindi din naging maganda nuon ang nangyari sa Guam dahil sinubukan namin silang lokohin kahit pa hindi naman ako kasama sa nagplano nuon. Wala akong kawala dahil pamilya kami.


"Hindi ko alam kung para saan ito, gust" kinakabahang kwento ko kay Augustine ng tawagan niya ako.

Saktong palabas ako ng kanyang condo unit nuon. Nakasakay ako sa elevator habang kausap siya sa kabilang linya.

"I can help you, uuwi ako diyan" sabi niya na ikinagulat ko.


"Ayaw mo ng umuwi, hindi ba?" balik na tanong ko sa kanya kaya naman napatawa siya sa kabilang linya. Napasimangot ako, siraulo din ang isang ito.


"Pagod na akong magtravel, gusto ko ng bumalik sa pilipinas at magpahinga" reklamo niya sa akin.


Natahimik ako. Ayoko siyang ijudge, nakita ko din naman ang lahat ng paghihirap niya nung mga panahong nagkabukingan na. Mabuting tao si Augustine kaya naman kahit hindi natuloy ang kasal namin ay naging mabuting magkaibigan naman kami.


"Kung ganuon. Umuwi ka na...miss na kita" malambing na sabi ko sa kanya.


Napabuntong hininga ako ng ibaba ko ang tawag. Napatitig ako sa repleksyon ko sa may pintuan ng elevator. Nakakapagod, nakakapagod ang lahat ng ito.


Sakay ng taxi ay nagpahitid ako sa pharmaceutical company na pagmamayari ng pamilya nila Augustine. In line din ang kanilang negosyo sa mga herrer dahil nagiimport at export sila sa ibang bansa. Ngayon naintindihan ko na kung bakit kilala ni Augustine sina Cairo at Piero Herrer. Si Piero Herrer ang CEO ng Cargo and Steel sila ang eexport ng mga gamot patungo sa ibang bansa.


"Good morning po, Tito" bati ko kay Mr. Alvarado.


Tipid lamang siyang tumango sa akin. Sa klase ng pinakawalan niyang pagtikhim ay naramdaman ko na kaagad na hindi ko ito magugustuhan. This is a fucking bad bews for sure.


"Matagal na kaming magkaibigan ng Daddy mo. Halos magkababata na nga kami nuon sa bulacan..." paguumpisa niya. Crap, ito na iyon. Ganito yung mga speech ng may bibitawang bad news.


"Mr. Alavarado, please kaunting panahon pa po" pakiusap ko sa kanya. Ayoko ng marinig ang kwento niya.


Mariin siyang napapikit at napailing. "Hindi asesst ang manufacturing niyo sa pharmaceutical ko. Kailangan sa inyo, malaking hospital na ang maghandle, more on kayo sa medical equipments. Ilan lang ang drug products niyo na medyo kalaban pa ng mga gamot ko. Kailangan ko ang pera duon, I need my money back" paliwanag niya sa akin kaya naman bayolente akong napalunok.


"Hindi ko pa ito sinasabi sa Daddy mo. Alam kong ikaw ang inaasahan niya dito, Seraphine. Hindi na pwede, kailangan ko ng ibenta"


Hindi ko naiwasang hindi mapaluha. "Bibilhin ko naman po eh, kailangan ko lang po talaga ng isang malaking endorsement, pagkatapos yung perang makukuha ko duon. Iyon ang ibabayad ko sa inyo" paliwanag ko sa kanya pero nakatitig ba lamang siya sa akin. Alam kong wala ng magagawa.


"Bussiness is bussiness, Hija. Alam ko kung gaano kahalaga ito sa pamilya niyo pero anong magagaw ako, inalok ako ng triple ng presyo" sabi niya na ikinagulat ko.


"Triple po?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tangina, kung sino man ang gustong bumili nuon mukhang ayaw na talagang pakawalan. Sa pagalok niya ng tripleng presyo ay paniguradong hindi makakahindi si Mr. Alvarado.


Mariin siyang tumango. "Mamayang hapon ang pirmahan, kaya naman maaga kitang kinausap ngayon" paliwanag niya na ikinalaglag ng panga ko.


"So wala na po pala talaga akong magagawa?" tanong ko sa kanya, ramdam na ramdam ko ang pait sa aking boses. Ayoko siyang bastusin pero pakiramdam ko ay parang pinagkaisahan niya kami. Ngayon niya lamang ito sasabihin sa akin gayong mamayang hapon na pala ang bentahan.


At anong tripleng presyo? Ni hindi ko nga kayang bilhin iyon sa original price tapos ngayon tripleng presyo pa?


Nagkibit balikat ito. "If you can produce a cash at mapapantayan mo ang offer bakit hindi? Hanggang mamayang hapon" sabi niya sa akin. Muling nalaglag ang panga ko. Seriously?


Ang gusto ba niya ay magmilagro ako dito ng pera, bago ang meeting niya mamayang hapon? Nagpapatawa ba siya? Sa huli. Wala akong nagawa kundi ang mabilis na kumilos. Alas tres ang sinasabing meeting ni Mr. Alvarado, may ilang oras na lamang ako para makahanap ng putanginang pera pambayad.


Napahilamos ako sa aking mukha pagkasakay ko sa taxi. Wala na akong ibang choice, sa isang iglap hinahabol na ako ng oras ngayon. Tangina. Padinner dinner pa ako kagabi, tapos ganito pala ang mangyayari kinaumagahan.


"Ms. Serrano" gulat na salubong sa akin ng secretary ni Kenzo.


"Kakausapin ko si Kenzo" diretsahang sabi ko sa kanya. Wala na akong pakialam.


Napangiwi siya. "Marami pong pasyente si Doc ngayon" sabi niya sa akin sabay turo ng ilang tao na nakaupo sa waiting area nito. Mariin akong napapikit.


Desperada na talaga ako ngayon. "Sabihin mo sa kanya, Magpapakasal na ako, kailangan ko lang talaga siyang makausap ngayon" seryosong sabi ko sa kanya. Kita ko ang paglaglag ng panga nito.


Sa sobrang kaba ay hinampas ko na ang lamesa sa harapan niya. "Itanong mo kung gusto ba niya akong maging asawa o hindi?" inis na sabi ko. Tangina, para na talaga akong hinahabol ng kung ano. Ang bilis din ng pagtatambol ng dibdib ko. Para akong nasa life and death situation.


Mabilis na pumasok yung secretary niya sa clinic. Ilang bayolenteng pagbuga ng hininga ang pinakawalan ko habang naghihintay. Napaayos ako ng tayo ng muling lumabas ito. "Maghintay daw po muna kayo..." sabi niya na ikinainit ng ulo ko.


"Tanginang paghihintay naman yan..." galit na utas ko.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko, mabilis akong nagtungo sa harapan ng pintuan ng clinic niya. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga pasyenteng naghihintay ng check up, o kahit sa pasyenteng nasa loob nuon. Bago ko pa man mabuksan ang pinto ay nagulat na ako sa pagsulpot ni Kenzo.


Napasinghap ako, para akong nakakita ng liwanag at pagasa. "Kenzo..." tanginang tawga yun, Sera. Parang nagmamakaawa.


Nanatili ang pagiging seryoso niya. "May pasyente pa ako" tipid na sabi niya sa akin. Halos bumagsak ang magkabilang balikat ko. Wala na, tapos na. Mawawala na talaga sa amin ang manufacturing. Tangina.


Pipihit na sana ako patalikod ng kaagad akong magulat ng hawakan niya ang aking palapulsuhan. Hinila niya ako sa papasok sa kanyang clinic. Hindi na ako umangal, nakita ko duon ang pasyenteng kausap niya ngayon. Nagulat pa ito sandali bago ngumiti sa amin.


"Mrs. Naevaez...I hope you don't mind if i'll let my Fiance stay here" magalang na sabi ni Kenzo sa matandang babae. Anong Fiace amputa!


Pinaupo niya ako sa may sofa. "Tatapusin ko lang ito" seryosong sabi niya sa akin bago ako pagod na umupo duon. Mariin akong napapikit, oo nga pala't ipinalandakan ko sa labas kanina na magpapakasal na ako sa kanya dahil kailangan ko ng pera niya. Kailangan ko ng tulong niya. That's the answer for the fiance thingy, the fuck!

Hindi ko napigilang mapaiyak. Sa sobrang hiya ay ikinulong ko ang mukha ko gamit ang magkabilang palad ko. Ang liit liit ng pakiramdam ko para sa sarili ko ngayon, matapos ang ilang pagmamatigas at pagtanggi sa alok niyang kasal sa akin ay heto ako at halos itapon na ang sarili sa kanya para lang makahingi ng tulong.


Pwede ko naman hayaang mawala na ang manufacturing pero paano ang pamilya ko? Sila na nga lang ang meron ako tapos bibiguin ko pa sila. Tahimik akong umiyak, tangina bahala na kung nakikita ako ni Kenzo ngayon o nung pasyente niya. Basta gusto kong umiyak!


Wala na akong pinagkaiba sa mga bayarang babae. Parang ipinagbili ko sa kanya ang sarili ko kapalit ng manufacturing. Ikakasal kami? Magigi g asawa ko siya, matatali ako sa kanya? Kaya ko ba? Kaya ko ba ulit sumugal kay Kenzo?


Narinig ko ang pagsara at pagbukas ng pintuan ng clinic. Hindi ko na alam kunv anong nangyayari hanggang sa maramdaman ko si Kenzo sa aking harapan. Lumuhod siya para napantayan ako.


"Anong nakakaiyak?" seryosong tanong niya. Dahan dahan kong ibinaba ang kamag ko na nakatakip sa aking mukha. Nakita kong wala ng ibang tao sa loob ng clinic niya kundi kaming dalawa na lamang.


Nanatili ang titig ni Kenzo sa akin. "Sinabi ni Lindi na may nagwawala daw sa labas, gusto daw magpakasal sa akin" sabi niya kaya naman uminit ang pisngi ko.


"Tangina ka, ikaw kaya itong gustong magpakasal sa akin" laban ko sa kanga. Gusto pa akong baliktarin ng hayop.


Mariin siyang napapikit. "So tinatanggap mo na ang proposal ko sayo?" tanong niya sa akin na kaagad kong tinanguan.


"Ibebenta ni Mr. Alavarado ang manufacturing mamayang alas tres, triple ng original price" umiiyak ba kwento ko sa kanya. Nanatili lamang siyang titig sa akin. Malayong malayo sa pagkataranta ko.


Bayolente akong napalunok. "Kaya mo ba iyon Kenzo? May ganuon ka ba kalaking pera?" nahihiyang tanong ko sa kanya. Aba! Malay ko ba kung gaano kayaman ang damuhong ito ngayon.


Tumikhim siya at dahan dahang tumayo. "Relax, Sera. Ako na ang bahala" sabi niya bago siya naglakad palayo sa akin. May pinindot siya sa kanyang cellphone bago siya may kinausap sa kabilang linya. Nanatili ang tingin ko sa kanya.


Hindi ko maiwasang purihin si Kenzo sa kanyang ayos ngayon. Halata ang pagiging professional at may kaya. Ang kayang suot na puting button down ay bagay na bagay sa ganda ng hubog ng kanyang katawan. Nanatiling nakasabi sa likod ng kanyang swivel chair ang kanyang white coat.



Nakatanaw siya sa malaking salamin sa likod ng kangang office table, ang isang kamay niya ay nakahawak sa kanyang bewang. Bayolente akong napalunok habang iniisip na magpapakasal talaga ako kay Kenzo. Muling bumalik sa akin yung alaala na matapos kong makagraduate ay gusto niyang magpakasal na kami, para lang makuha ako sa poder ng pamilya ko dahil ayaw niyang sinadaktan ako nito.



Halos araw araw ipinamukha sa akin nuon ng buhay kung gaano kalaki ang nawala sa akin dahil sa pagiwan ko kay Kenzo. Iniwan ko lang naman yung nagiisang lalaking minahal, tinanggap at inalagaan ako, sa kabila ng lahat ng ginawa niya para sa akin. Sinaktan ko siya.



"Wag mo ng alalahanin iyon. Ako na ang bahala, tatapusin ko lang ang trabaho ko. Paguusapan natin ang kasal natin" tuloy tuloy na sabi niya. Hindi na ako nakaimik pa, halos manuyo ang lalamunan ko dahil duon. Wala talagang halong biro, seryoso talaga siya!



Tahimik akong nakaupo duon sa may sofa sa loob ng kanyang clinic. Sa tuwing may papasok na pasyente ay pinapakilala niya ako. Wala naman akong magawa kundi ang ngumiti, tangina. Para akong gago, ngiting ngiti ako kahit pa namumugto ang aking mga mata.



Naging busy din ako para magpadala ng message kina Daddy. Pinalam ko sa kanila na mabibigyan ko na siya ng sagot bago matapos ang araw na ito.



Napaangat ako ng tingin ng makita kong tumayo si Kenzo para ihatid ang pasyente niya palabas ng kanyang clinic. Sinundan ko lamang siya ng tingin. "Linda, anong menu sa canteen?" rinig kong tanong niya dito.



Matapos ang ilang sandali ay muli siyang pumasok sa clinic niya para lapitan ako. "Dito ba muna tayo mag lunch, may tatlong pasyente pa ako. Anong gusto mo?" tanong niya sa akin sabay pakita ng menu na ipinigay sa kanya ni Linda. Napailing ako.



"Ayokong kumain" sabi ko. Wala talaga akong ganang kumain.



"Kakain tayo, Sera" matigas na sabi niya sa akin. Sa huli, siya na ang umorder para sa aming dalawa. Sandaling kain lang ang gagawin ni Kenzo dahil may pasyente pa siya. Kaya naman nung dumating yung pagkain galing sa canteen ay hindi na ako naginarte pa.



Napatigil ako ng makita ko kung paano niya lagyan ng pagkain ang pinggan ko. "Kain ng kain. Marami tayong paguusapan mamaya" sabi niya sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin. Tahimik kaming kumain ng tanghalian, magkatabi kaming nakaupo sa may mahabang sofa, sa harap namin ay ang center table niya.



"Hindi na ba natin kailangang makipagkita kay Mr. alvarado?" tanong ko sa kanya. Hindi ko iyon maiwaksi sa aking isipan. Hindi ako mapakali.



Umiling siya habang ang kanyang mga mata ay nanatili sa kanyang pagkain. "May tinawagan na ako para gumaea nuon" seryosong sagot niya sa akin.



Tipid na lamang akong napatango. Ibig sabihin, kayang kaya nga talaga ni Kenzo na maglabas ng ganuon kalaking pera. Lumabas tuloy na mukhang pera ako.



"Babayaran ko sayo iyon..." sabi ko sa kanya kaya naman bumaling siya sa akin, nakakunot ang noo.



"Magiging asawa kita, Sera. Sa tingin mo ba pagbabayarin pa kita nuon?" seryosong sabi niya sa akin.



"Pero hanggang kailan ba? Hanggang kailan mo ako gustong maging asawa? Paano pag may nagustuhan kang iba? Paano kung may magustuhan akong..."



"Hanggang sa gusto ko. At kung may magustuhan kang iba habang kasal ka sa akin, magtiis ka" pagalit na sabi niya sa akin. Nagulat ako, mukhang nainis ko ata siya. Eh nagtatanong lang naman ako, para naman sa aming dalawa iyon. Kagaya nga ng sabi niya. Papakasalan niya ako for bussiness and convinience. Walang pagmamahal duon, ibig sabihin hindi din magtatagal ang kasal na ito.



Natahimik na lamang ako pagkatapos nuon. Hindi na ako nangahas na magsalita pa. Nang matapos ni Kenzo ang trabaho niya sa araw na iyon ay naging busy naman siya sa ilang tawag, hindi ko alam kung sino sino ang tinagawagan niya pero malakas ang kutob ko na tungkol iyon sa magiging kasal namin. So it's a civil wedding? Sabagay, hindi naman niya ako mahal, ang laki na din ng nagastos niya para sa manufacturing namin. Hindi ako ganuon kahalaga para paggastusan pa niya ulit.


"Maguusap tayo sa dinner. Maiwan na muna kita dito, may pupuntahan lang akong ibang doctor" mabilis na paalam niya sa akin bago siya lumabas ng clinic.



Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Sa oras ba ikasal kami ni Kenzo magiging sunod sunuran na ako sa kanya sa lahat ng gustuhin niya para sa amin. Pero kung sakaling may hindi ako magustuhan, hindi ako magdadalawang isip na magreklamo sa kanya.



Sa isang hotel restaurant niya ako dinala para sa dinner. Napanguso ako ng makita kong masyadong romantic ang lugar na iyon para sa isang simplenh dinner o i might say, bussiness dinner.



"Civil wedding ang mangyayari bukas..."



Halos maibuga ko yung tubig na iniinom ko. "Bukas kaagad!?" hindi makapaniwalang tanong ko.



Nanatili ang seryosong tingin ni Kenzo sa ako. "Bakit pa natin, papatagalin?" seryosong tanong niya sa akin.



"Paano yung susuotin ko? Yung..." hindi nanaman ako pinatapos ng gago.



"Handa na ang lahat, Sera. Ang kailangan mo na lang gawin ay magpakita bukas at magpakasal sa akin. Pagkatapos nito, hahanap tayo ng susuotin mo" sabi niya sa akin sabay iwas ng tingin.



Hindi ako nakaimik. Grabe talaga ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Instant amputa!



"Sino ang mga iimbitahin mo?" tanong niya sa akin.



"si Abby at Apollo lang..." malungkot na sagot ko sa kanya. Ni hindi nga alam ng pamilya ko sa Guam na ibineta ko ang sarili ko para lang maibalik sa kanila ang manufacturing.



Nagtaas siya ng kilay. "Ang pamilya mo?" tanong niya sa akin.



"Nasa Guam pa sila..."


"Wala kang balak ipaalam?" mapanghamong tanong niya sa akin.



Napailing ako. "Wala..."



Kita ko ang pagtiim bagang ni Kenzo, inisang lagok lamang niya ang wine sa baso niya bago nagsalin ulit. "Ang pamilya mo?" tanong ko.



"Ang mga kapatid ko lang, nasa Spain ang parents ko" sagot niya sa akin kaya naman napatango ako.



Matapos ang dinner ay humabol kami sa mall. Pumasok si Kenzo sa ilang kilalang brand para makahanap kami ng pwede kong masuot na white dress. Tahimik lamang ako habang tumitingin, hindi pa din ako makapaniwala na ikakasal na kami bukas. Nagawa niya ang preparation sa loob ng ilang oras lang. Iba talaga pag may pera ka, napapagalaw mo ang lahat.



Sandaling humiwalay sa akin si Kenzo ng tumunog ang kanyang cellphone. Nagpatuloy na lamang ako sa paghahanap ng magugustuhan kong white dress.



"Nasa attorney ko na ang titulo ng lupa at ng deed of sale ng manufacturing. Sa iyo na ulit iyon Sera" seryosong sabi niya sa akin. Hindi ko napigilang mapangiti.



"Salamat..." sambit ko. Tipid lamang siyang tumango at tumulong na maghanap.



Nang wala akong makitang nagustuhan ko ay lumapit ako kay Kenzo. "Sure na ba talagang bukas? Wala ng atrasan?" giit ko.



Nagtaas siya ng kilay sa akin. Alam ko na ang sagot. At wala na talagang atrasan!



Napairap ako. "Atat na atat ka talagang ikasal tayo? Sigurista talaga?" asik ko sa kanya.



Napangisi siya. "Kung tunay ngang sigurista ako, hindi ka sana nawala sa akin 8 years ago, Sera." seryosong sabi niya sa akin. Lilingonin ko sana siya, ngunit naglakad na siya palayo sa akin.


























(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

95.6K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7M 227K 65
His Punishments can kill you
708K 25.1K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
167K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.