"Stay with me"

By LaysaChaan

72.9K 3.2K 856

For worse or for better, Would you stay with me forever? "FANFICTION." Ps: please excuse the grammatical erro... More

"Under"
2
3
"4"
"5"
6
7
8
Gabo!
"9"
"10"
"11"
"12"
"
"how does it feel?"
"14"
"15"
"16"
"17"
"18"
"19"
"8th day of the month"
"20"
"21"
"22"
"23"
"24"
"25 -"
27
"28"
29
30
31.

"26 -"

1.8K 87 56
By LaysaChaan

THIRD POV.


Basang basa itong pumasok sa loob.
Hindi niya na narinig ang pagtawag nila sa kaniyang pangalan at derederetsong naglakad.



Bawat hakbang ay hinihiling niya na sana hindi totoo ang lahat ng nakikita sa harapan.







Puyat, gutom, uhaw, at matinding pagod ang pisikal na bumabalot sa katawan ngunit hindi niya na ito maramdaman.







Bago makatungtong sa harap ng kabao. Tila ba nang manhid ang buong katawan nito dahil sa sobrang sakit ng kaniyang nasilayan.







Sinubukan niya ulit pumikit . At humihiling na sana panaginip lang ang lahat ng ito.









Ngunit sa kaniyang pagdilat walang nagbago. nasa harapan niya ang kaniyang pinakamamahal na lola na mahimbing ng natutulog sa kwadradong bagay na ito.







"L-lolaa." Tanging salitang lumabas sa kaniyang bibig.






ECKA's POV

Napakabilis ng lahat ng pangyayari. Mismo kami hindi namin matangap.





Pilit kong pinunasan ang mga luha sa mata ko at naglakad papalapit kay Gabb.






Walang buhay ang mga mata nitong nakatitig sa kabao.

"Gabrielle, Kumain ka muna, Hindi ka pa kumakain simula ng dumating ka dito."








"Hindi ako pumunta dito para kumain."mahinang sambit nito.

Basang basa ang damit nito dahil sa ulan pero parang wala lang sa kaniya.







"Magpalit ka muna ng dami-"






"Iwan niyo na lang ako." Dahan dahan itong lumingon sakin at tumitig sa aking mata.






"Gusto ko munang mapagisa."










Flashback.

"Mami lolaa!" Dali dali itong yumakap sa beywang ng kaniyang lola.





"Kamusta school?"








Inangat niya ang ulo niya ng may nakaukit na napakalawak na ngiti sa kaniyang labi.

"Okay naman po, alam niyo po ba nag try ako sumali sa soccer team." bakas sa boses nito ang pagkasabik.







"Oh bakit hindi ka pa sumali?"







Umupo ito para mapantayan ang tayo ng kaniyang maliit na apo.

"Sabi kasi nila daddy, bawal ako mag sports."





Dahan dahan niyang inangat ang kaniyang kamay papunta sa mukha nito para hawiin ang  buhok na nakaharang sa mukha ng batang babae.

"Hayaan mo sila, sundin mo lang ang gusto mo. Gawin mo lang yung mga bagay nakakapagpasaya sayo."








"Kahit basketball?"







"Oo naman, kahit anong sport pa yan."








"Eh pano po pag nagalit sila daddy?"





"Ako ng bahala."





.....



"I like nile!" Ngiting sambit nito.

"No, I love her." Dagdag pa nito.




Natawa na lang ang kaniyang lola dahil sa kainosentehan ng batang babae.

"Hay nakong bata ka."




"You think I can marry her?"
Kumikintab ang mga mata nito at sabik na sabik na marinig ang sagot sa kaniyang tanong.





"Ofcourse."





"Even we're both girls?"






"Syempre naman!"

Mas lalong lumawak ang ngiti nito at sinalubong ng yakap ang kaniyang pinakamamahal na lola.

....



"Oh bat parang ang dami mo atang dala apo?"








"Lumayas ako sa bahay ma." Walang ganang sambit nito at binagsak na lang ang katawan sa malambot na sofa.









"Bakit? Nag away nanaman kayo? Inaway ka nanaman ba ni primo." Agad itong lumapit sa dalaga.








"Nalaman nila yung sa soccer team." Malungkot na sagot nito.





"Pano nila nalaman?"






"Nanalo po kami." Walang ganang sagot nito.





"Nanalo pala kayo bat ganyan reaksiyon mo!?  Dapat diyan cinecelebrate!"

Unti unti gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi ng malaman niyang may isang tao pa palang sumusuporta sa kaniya.

....


Biglang dumating ang tatay ni Gabb.
"Ma, nasan si Gabb!" Tanong nito.




"Oh bakit mainit nanaman yang ulo mo?" Tanong ng matanda.






"Ilang araw ng hindi umuuwi yang batang yan."







"L-lola."kinakabahang sambit ni gabb habang nagtatago sa likuran ng kaniyang lola.







napansin ito ng ama pero' bago makalapit agad itong pinigilan ng matanda. "Ikaw bata ka!"







"Wag mong sasaktan ang apo ko!"






"Umalis ka dito!"






"Kaya naging suwail yan! Dahil kinukunsite niyo."







"Umalis ka na dito!"


Tuluyan nang umalis si primo, naiwan naman ang takot kay Gabb.

"Tahan na, umalis na si papa mo." Pagpapatahan ng kaniyang lola.






"Wag kang matakot nandito ang lola."







"T-thankyou po." Pautal utal na sagot nito.







End of the flashbackhuhuhu.







Kusa na lang bumagsak ang mga luha sa magagandang  nitong mata habang inaalala ang lahat ng ala alang kasama niya ang kaniyang lola.





Nagaalala na sila belle at Ecka dahil sa sitwasyon ng kaibigan.

Dahil madalang na lang itong kumain.
Hindi halos ito makahawak sa kaniyang kutsara. Bagsak na rin ang mga mata nito dahil sa pagiyak at sa kakulangan sa tulog.











Araw ng libing.

Ang bawat bisita ay iisa lamang ang kulay ng suot. Iisa lang rin ang kanilang nararamdam kundi ang panghihinayang at lungkot.






Dahan dahan ng ibinababa ang kabao sa malalim na hukay. Tila nakakabingi ang kanilang sabay sabay na paghagulgol at pagiyak.

"N-nasan si Gabb?" Tanong ni Ecka sa kasama.




"Umalis siya."






Hindi pa sinisimulan ang dasal tumakbo na palayo si Gabb palabas sa ng sementeryo dahil hindi niya kayang masilayan ang paglibing sa kaniyang lola.









Nakaupo ito sa isang malaking bato habang pinagmamasdan ang bawat pag patak ng ulan.










Basang basa na rin ang kaniyang damit pero hindi niya lang ito binigyan ng pansin, Kahit ang nadadamang lamig.









"Bakit nandito ka?"

Napalingon ito sa pamilyar na boses.
Walang lumabas na salita sa bibig niya at nanatili lang ang kaniyang tingin sa dalaga.









"Pati ba naman sa huling araw ni lola, wala ka?" Dugtong nito at naupo sa tabi niya.









Agad niyang iniwas ang tingin. "Hindi ko kayang makita siyang nakahiga sa loob ng bagay na yon." mahinang sambit niya at napayuko na lamang.







"Alam ko."






"Sobrang sakit rin para sakin. Dahil tinuring ko na rin siyang magulang ko."

"Hindi ko na rin alam kung pano ako iiyak dahil pagod na yung mga mata ko."

"Kung makikita niya lang tayong ganto, yung mga mukha natin. Papagalitan tayo nun, lalo ka na." Dagdag ni Nile.







"Kahit na pagalitan niya pa ko ng ilang beses okay lang. Basta bumalik na siya." Pilit na bulong ni Gabb.






"Let's play a game."
Napatingin na lang ito sa dalaga na nakangiti nasa kaniya.





"Dapat....walang iiyak sa harap ni lola."
Dali daling hinatak ni Nile ang braso ni Gabb patungo sa loob ng sementeryo.









Mabilis nilang tinakbo ang basa at maputik na daan.








Wala ng ibang tao at tanging silang dalawa na lang ang nandun.
Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa lapida.










Nakatulala lang ito sa kaniyang harapan at hinahaplos ang bawat letrang nakasulat sa lapida.

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi at tumingala para mapigilan ang pagluha.






Bigla itong nakarinig ng mahinang hikbi sa kasama kaya agad niyang nilingon ito.

Unti unting humikbi si Nile na nasa tabi niya.At patagal ng patagal mas lalong lumakas ang hagulgol nito.



"A-ang akala ko ba w-walang iiyak?"

Pinantakip niya ang likod ng kaniyang palad sa kaniyang bibig at sinubukan niyang Pinigilan ang pagiyak pero kusa na ring tumulo ang likido sa kaniyang mata.







Napaupo na lang ito sa harap ng lapida .

Parehas na silang basang basa ng ulan at  sarili nilang luha.






"Looolaa."sigaw na nile.







"B-Bakit ka kasi nandyan ma?"

"Sabi mo hindi ka muna hihiga diyan hangat hindi mo pa nakikita girlfriend ko."






"Sobrang napapagod na po ako." Gabb.
"Kaylangan ko po ng yakap niyo."

"Kaylangan ko po kayo."





....

"Coleen, kamusta ka na?" mahinhin na tanong ni josh




Saglit lang siya nitong nilingon at agad rin binalik ang tingin sa hardin na tanging salamin lang ang harang.

"Bakit nandito ka?" Tanong ni Coleen.









"Siya yung kinuha ng daddy mo para maging personal doctor mo." Pagpaliwanag ni abby.






Bahagya naman itong natawa.

"Personal doctor? Anong akala niyo may malubha akong sakit?"

"Hindi pa ba sapat yang mga bantay na pinadala niyo sakin?"








"Nandito si josh para mas lalo kang maalagaan." Sagot ni abby.





"Hindi ko siya kaylangan."







Pilit na ngumiti si josh sa kaniyang mga narinig.

"Josh, pabayaan mo muna siya." Bulong ni abby.







Tumango lang ito sa sinabi ni abby.
Tatlong oras na ang nakakalipas pero hindi parin tumatayo si Coleen sa kaniyang upuan habang pinagmamasdan ang ulan.







Kaya naisipan niyang dalhan ulit ito ng bagong luto na pagkain.
"Coleen,Kumain ka muna."








"Ialis mo yan sa harapan ko."







"Coleen kaylangan mong kumain." Mahinhin pa rin ang boses nito.






"Ilabas mo ako dito."







"Pero Colee-"







"Kakainin ko yan pagpinangako mong ilalabas mo ko dito."









Napayuko na lamang ito at ng muli niyang iangat ang kaniyang ulo nakabaling na ang tingin sa kaniya ni Coleen.


"Bakit josh? Hindi mo kaya?"









GABB's POV.

"Ako na mismo kakausap sayo dahil masyadong mainitin ang ulo ng asawa ko." Tumango lang ako sa sinabi nito.








"Balak na naming ipakasal si Coleen."
Ngiting sambit nito.







Parang biglang nang manhid ang nasa loob ng dibdib ko.

"P-pero Maam."






"Si Josh. Graduated siya sa med school. At sigurado ng  Secured yung future ni Coleen sa kaniya."  sambit nito habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.






Hindi ako makapagsalita. Para bang nabulol ang sarili kong dila.

"Dahil bilang magulang hindi namin hahayaang ang anak namin-"






Bumaba ang tingin nito sa akin at agad na bumalik sa aking mata.

"Mapunta kung kani kanino."








Binaling nito ang tingin sa hawak niyang bag at may dinukot itong sobre
Dahan dahan niyang inilapag sa harapan ko.








Kusang yumukom ang mga kamao ko dahil sa nadaramang galit.

"Hindi ko kaylangan ng pera niyo."










COLEEN's POV

"Hindi ako tatakas. Iinom lang ako kasama nila Cole kaya hindi mo na kaylangan sumama." Pagpapaliwanag ko kay josh dahil nagpupumilit itong sumama.





"Pero-"







"Wala ka bang tiwala?" Tinitigan ko ito sa mata at napabuntong hininga na lamang siya.







"Basta tawagan mo lang ako pag kaylangan mo ng tulong." Sabi nito.








Tinanguan ko lang siya at agad ng pumasok sa loob ng bar.
Ito lang yung naisip kong paraan para makatakas sa kanila.








"Coleen!" Sigaw ni Cole at kumaway kaya agad ko itong nahanap.






Agad akong lumapit papalapit sa pwesto niya.

Pinagmasdan ko ang buong bar. May mga lalaking nakaitim na damit na ramdam kong binabantayan ako.









At alam kong mga tauhan yun ng magaling kong ama.

"Pati ba naman dito nakasunod sila." Bulong ko sa sarili.










Napahawak na lang ako sa aking ulo.
"Hindi na talaga ako makakawala."








Agad kong kinuha ang bote ng alak na nasaharap ko at tinunga ito.

"Hoy! Coco hinay hinay lang." Pagpipigil ni Cole na halatang medyo lasing na.





"Wooooh!" Napasigaw na lang ako dahil sa pait ng alak.







"Huy! Dahan dahan lang. Baka bumalik ka na naman sa hospital."







"Baket ba?"

Muli kong inangat ang bote at wala sa sariling nilagok ito.







"Inom pa tayoo!"




THIRD POV.

"Iba talaga yung sarap ng alak pag nakakaputangina na yung buhay!"

Napayuko na lamang ito sa mesa dahil nakaramdan na ito ng kaunting hilo.







"Ano kaya mo pa?" Tanong ni Cole.
Dahan dahan niyang inangat ang ulo at binigyan ito ng ngiti.







"Oo."

Binaling nito ang tingin sa harap kung saan may babaeng kumakanta sa entablado.







"Sino ba yan? Tanginang boses yan. Parang kakabunot lang ng ipin." Lasing na saad nito.






"Shhhh wag ka maingay." Cole.








"Pake ko! Maganda pa boses ko diyan e. Bumababa ka na nga diyan!"







"Hoy! Putekk Coleen! Baka mapaaway tayo dito." Cole.







"Ano naman? Alam mo bang kalahati ng tao sa loob ng bar na to bodyguard ko."






"Lasing ka na."







"Ikaw na lang kaya kumanta."ani Coleen at tinulak si Cole sa harap ng entablado.








"Colee kantaa na!" Sigaw ni Coleen.

Isinantabi niya muna ang hiya dahil sa kagustuhan ng kaibigan.







Nung magsimula na ang kanta agad niyang tinangap ang mikropono at tumingin sa mga mata ni Coleen.





"Umiiyak ka na naman~"





"Wooooh!" Sigaw ni Coleen.




"Langya talaga wala ka bang ibang alam~"







Nakatutok lang kaniyang tingin kay Coleen habang sinasambit ang bawat liriko ng kanta.

"Namumugtong mga mata~
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa~"






"Sa problema na iyong pinapasan~





"Hatid sayo ng girlfriend mong hindi mo maintindihan~"






"May pinanghuhugutan to ahh!" Sigaw ng lalaki habang nakatingin kay Cole.







"Hindi mo ba alam na walang pupuntahan~"






"ang pagtyaga mo diyan sa girlfriend mong tanga!" Pagdiin niya habang dinuduro si Coleen.





"Na wala ng ginawa kundi ang
paluhain ka~






"Sa libu libong pagkakataon! Na tayo'y magkasama~





"Iilang ulit palang kitang nakitang masaya!"






"Naiinis akong isipin na ginaganyan
ka niya~"





"Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong tunay na halaga~"











Tumunga muna si Coleen ng isang baso ng alak at  Pagewang gewang  naglakad pataas ng entablado at inagaw ang mikropono kay Cole.

"Minsan hindi ko maintindihan~"




"Coleen huyy-" cole.





"Parang ang buhay natin ay napagti-tripan~






Pumipiyok piyok pa ito habang nakapikit na kumakanta.

"Medyo Malabo yata ang mundo~








"Lasing ka na-" napatigil si Cole ng makita niyang may luha ng bumabagsak  mula sa mata ni Coleen.






"Binabasura ng iba~

"ang siyang pinapangarap ko."





"Coleen bumalik na tayo dun." Cole.





"Sa libo libong pagkakataon! Na tayoy magkasama~!"





Inagaw na niya ang mikropono at agad na inalalayan si Coleen pabalik sa kanilang pwesto.

"Mygod! Lasing ka na talaga." Cole.




"Ihh gusto ko pa kumantaaa." Coleen.








Dali daling niyang inupo si Coleen. yumuko na lang ito sa mesa.





"Cole, I miss her."
Dahan dahan niyang inangat ang kaniyang ulo at tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha sa mata nito.



"U-Umuwi na tayo Coleen." Cole.






"I miss her voice."




"Coleen."





"I miss her smile."





"I miss her hugs"





"I miss her kisses"





"I miss her."





"Coleen, Wala na si Gabb." Cole.






"Help me Cole, I want to see her Kahit yung boses na lang niya please." Coleen.






"Kalimutan mo na siya hindi siya deserving sa pagmamahal na
binibigay mo." Cole.







Natawa na lang ito sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
"Wala kang alam."






" I know she's not the best. But she always tried her best everyday."








"Bakit hindi niyo ba makita yung lahat ng paghihirap niya!"

"Bakit ganon na lang kadali para sa inyong magbitaw ng salita?"








Napahawak na lang ito sa kaniyang ulo at muling tinignan si Cole.

"Please Cole, I want to talk to her." Sambit nito at bumagsak na lang ang ulo ni Coleen sa mesa dahil sa sobrang kalasingan.









Agad nitong kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa at dinial ang number ni Gabb.







Kahit labag sa loob niya. Gagawin niya pa rin dahil sa kagustuhan ni Coleen.

"H-hello?"








"Sino to?"






"Pumunta ka dito sa bar-"

Agad niyang ibinababa ang tawag ng biglang may lumapit na lalake sa kanilang pwesto.







"Anong nangyare? Coleen!?" Tarantang tanong ng lalake.







"S-sino ka?"






"I'm josh,  Coleen's fiancee."

Continue Reading

You'll Also Like

Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
6.7K 284 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
7.9K 451 26
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
203K 8.5K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...