"18"

1.8K 93 13
                                    

Bumalik ako sa parking lot dahil naiwan ko sa loob ng kotse yung unicorn stufftoy na napanalunan ko kasama ng teddy bear na binigay ko kay laney.





Agad rin akong bumalik  at siniguradong wala ng naiwan.
Nataranta ako ng tumambad sakin si Coleen na umiiyak nanaman  habang mahigpit na yakap ang  tuhod niya.






"Coleen! Anong nangyare?"
Niyakap ko ito ng mahigpit dahil sa sobrang pag aalala. Chineck ko ang braso at katawan niya kung nasugatan ba.






"May masakit ba? sabihin mo kung saan gagamutin ko." Inangat niya ang ulo niya at hinarap ako. Namumula nanaman ang mata at ilong nito ng dahil nga sa pagiyak.






"I-ikaw...iniwan mo nanaman ako." pilit niyang pagsasalita.







"Hindi, kinuha ko lang 'to oh."
Tumigil ang paghikbi nito nung nakita niya yung unicorn na stufftoy. Maraan kong Hinawakan ang dalawang pisngi nito. "Sorry na, okay?" Malambing na sambit ko.







"Bati na tayo?"Binigyan ko ng halik ang namumula nitong ilong pero sinamaan lang niya ko ng tingin.








"Hinde." Dali dali itong tumakbo sa kama at hinarangan niya nanaman yung natitirang espasyo para hindi ako makahiga.






Ayaw niya na talaga ako makatabi Huhuhu.








"Sa sofa na nga lang ako." Nakangusong sabi ko.

Chineck ko muna ulit siya at mahimbing na itong natutulog habang yakap yakap yung unicorn na yun.







"Tsk! Dapat pala di ko na binigay."
Walang gana kong binagsak ang katawan ko sa sofa. Sa sobrang pagod at dala ng antok kusa nang sumara ang aking mga mata.







Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng mabigat na nakadagan sa harapan ko. May mahimbing na baby na natutulog sa ibabaw ko habang yakap yakap yung stufftoy niya. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mala anghel niyang mukha.

Mas mahimbing ang tulog niya ngayon kaysa kanina dahil naririnig ko ang mahinang paghilik nito.

"Hayop ka Gabrierrhhh." Mahinang sambit nito, nanaginip ata.









"Pati ba naman sa panaginip nagaaway tayo?" 









Umayos ako ng higa dahil konting kembot na lang mahuhulog na kami sa maliit na sofa na to. At ng makaayos niyakap ko ulit ito ng mahigpit habang dinadama ang lamig ng paligid dahil sa aircon.







Nagising na lang ako dahil sa ingay ng ringtone ng phone ko.
"Coco, wake up na."





"Mmm, ayoko pa." Pagtangi nito at yumakap  na para bang isang akong unan.






"Dalii na, sasagutin ko pa yung call oh."








"Edi sagutin mo! Bakit mo ba ko kinakausap? Bati naba tayo?" Pikit na sabi niya at mas hinigpitan ang yakap.








"Nakayakap ka kaya?" Bigla itong dumilat at tinulak ako ng malakas kaya naging dahilan ng pagkahulog ko.







"Araww!" Sinamaan ko siya ng tingin pero bumalik lang ulit ito sa pagtulog niya.










Agad naman akong tumayo para sagutin yung tawag.

"Hello?"





"Gabb! Gabb si Sela to."






"Stay with me" Where stories live. Discover now