Collide with the storm (Song...

By ashaeau

656 205 19

End is measured by our mind. We never know when it will ensue.But the end doesn't always define certainty, wh... More

A/N
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 9

41 10 1
By ashaeau

Binilisan ko ang pag-inom ng coke ko na nakalagay sa plastic. Hindi ko kinaya ang sunod-sunod na paglagok kaya nabilaukan ako, dahilan para tawanan ako ng mga kasama ko ngayon. Nandito ako sa fishballan malapit sa kanto namin. Hindi sana ako titigil pero  nakita ko sina JB na nakain, sila ang mga madalas kong nakikitang nagbebenta ng kung ano-ano rito sa lugar namin. Kilala rin nila ako dahil binigyan ko sila ng pangbaon noon para sa iskwela nang manlimos sila sa tapat ng building namin. Malapit ang loob ko sa kanila dahil may mga pagkakataon na nakikita ko ang sarili ko sa kanila.

"Talo ka na naman kuya," mayabang na sabi ni Buknoy na nag-aya sa akin na pabilisan kaming uminom ng coke. Ginulo ko ang buhok niya at binayaran ang tindera.

I smirked. "Sus, lagi naman akong talo sa inyo eh, nga pala JB, " baling ko sa kanya na tumatawa sa tabi ni Buknoy. "Ibigay mo na sa akin ang tinda niyong basahan bukas at dadalhin ko sa site panigurado marami ang bibili no'n."

Lumiwanag naman ang mukha nila. Gusto ko sa mga batang ito ay ang determinasyon nila sa buhay. Sa murang edad kahit agad silang nabigyan ng responsibilidad ay hinaharap nila ito at ginagawa ng marangal. Magpinsan si JB at Buknoy, parehas silang nasa limang baytang, wala na ang magulang ni JB kaya kinupkop na siya ng ina ni Buknoy na nag-iisa na lang din sa buhay. Para makapag-aral ang dalawa ay nagtatrabaho sila. Binibigyan ko sila ng grocery minsan para naman makatulong pero madalas ay sinasabihan ako ni aling nene na huwag na ako mag-abala at baka raw masanay ang dalawa na may laging tumutulong.

"Maraming Salamat kuya, da best ka talaga! Panigurado magugustuhan ka na ng iswit mo."

"Oo nga thank you kuya Alex."

Nambola pa. Natawa naman ako sa iswit ni Buknoy, sinabi ko kasi sa kanila na sweet na ang tawag ko kay Sienna kaya ginaya niya. Nakakatawa nga lang pakinggan kapag galing sa kanya. "Sana nga, kapag sinagot na ako dadalhin ko rito para makilala niyo."

Hindi ko alam ang maaring mangyari sa amin pagdating ng araw pero ngayon lang ako naging ganitong kaseryoso sa isang tao.  

"Kamusta ang pag-uusap niyo nung magpapagawa ng school pre?" Bungad sa akin ni Hunter na naabutan kong nakain sa condo ko. Grabe 'to parang dito na nakatira.  Siya pa talaga ang sumalubong sa pamamahay ko.

Umupo ako at kumuha ng kinakain niya. "Maayos lang naman."

He lowered down the sound of the TV before glancing at me. "Buti nalang tinantanan ka na ng mga magulang mo ano, kung ako talaga 'yan nako, malamang hindi na ako nakapagpigil."

I exhaled. "Hindi ko pa sigurado pre mahirap umasa na ganoon nalang kabilis nila akong lulubayan. Kaya nagtitipid na ako ngayon, ekis na muna ako sa pag-aaya mong magbar."

Halata ang dismaya sa mukha ni Hunter ng sinabi ko 'yon. Pero hindi lang naman ayon ang rason kung bakit ayaw ko nang pumunta ng bar. Ayoko lang na isipin ng ibang tao na hindi ako seryoso kay Sienna. Mabilis kumalat ang balitang nililigawan ko siya dahil sa mga kasama ko sa trabaho.

Natuloy ang pag-uusap namin ni Hunter. Siya ang madalas kong kasama sa mga kabalastugan ko sa buhay kaya nakilala na siya nina Raz at Noah pero hindi sila masyadong malapit dahil na rin sa kaibahan nila ng gawi at ugali. Kaya nila akong sabayan pero ayon sa kanila sapat na raw ako para sa mga kalokohang pumapasok sa buhay nila, hindi na nila kailangan ng isa pa.

"Well... how are you and Sienna Villamor?" he said smirking and raising his brows. "Balita ko you're doing well with the restaurant and your other projects but how about your love life?"

Umiwas ako ng tingin. "Ayos lang."

"Ayos lang? Ano hindi ka pa rin sinasagot?" Sa sobrang OA niya ay tumayo pa siya at nanlalaki ang mga matang tumitig sa akin.

I fixed my hair and sit straight. "Pare hindi porke babaero ako noon ay mapapasagot ko na siya agad. I trailed off. "Iba si Sienna sa mga babaeng nakakasama ko kaya tama lang na intayin ko ang matamis niyang oo. Hindi ko siya minamadali."

His reaction shows what he wants to say. One word, unbelievable. His lips are moving like he wants to say something but there's no words coming out of his mouth. I grinned at his reaction right now.

"Pre laway mo baka tumulo sa carpet ko."

Masama naman siyang tumingin sa akin pero agad na nawala iyon at tumikhim siya. "Masaya ako para sayo kahit hindi halata. Shit ka! Nagbago kana! Ipagpatuloy mo lang 'yan pre, alam ko namang dadating din ang araw na hindi mo na ako masasamahan sa pagbabar ko madalas."

Pigil ngiti akong nagpasalamat sa kaniya. Alam kong sa simpleng pasasalamat na iyon ay ramdam niya ang pagkaseryoso ko. Masaya ako tuwing andyan sila para sa akin. Masaya ako na may nakakasama akong gumawa ng mga trip ko sa buhay mabuti man o masama. Pero iba pa rin kapag may taong umaasa sayo, yung ikaw yung madalas na napagsasabihan niya.

That's what I saw on Sienna, I saw my purpose, not just a friend but a companion, a brother, partner and a lover. I grow up being a jolly and very sociable person but that's my only escape. Si Raz at Noah ang malapit sa aming tatlo at si Hunter naman ay marami nang kaibigan bago pa niya ako nakilala.

Madami akong kaibigan pero may mga pagkakataong pakiramdam ko ay nag-iisa ako, yung hindi laging pinipili.

Gumising ako kinabukasan dahil sa doorbell at maingay na alarm, napasarap ang tulog ko. Pinatay ko ang alarm ko at dali-daling pumunta sa pinto para tingnan kung sino ang pupunta rito ng ganito kaaga.

"What took you so long?" I stilled because of the person in front of me. What is he doing here? Agad siyang pumasok at iginala ang tingin sa loob ng condo ko.

"What are you doing here? Hindi ba sabi mo sa isang taon pa ang uwi niyo." I always get intimidated his aura before, but seeing him now... it's all gone. There's only mild changes in his physical appearance. My father. His wrinkles are quite visible now but his body built remain the same.

"We have something important to talk about. It will not take long since I have some meeting to attend to," umupo siya sa sofa at may kinuha sa bag niya. I sat down to the sofa in front of him. Of course he is here because of business, although I knew my father I still expected something more of him.

"Sinabi ko na naman sa inyo na hindi ako papayag na tumulong sa business niyo, masaya na ako sa trabaho ko dad wala na naman akong hinihingi sa inyo," agap ko agad dahil alam ko na kung saan patungo ang usapan namin kung hindi ko agad 'yon sasabihin.

Tumalim ang tingin niya sa akin. "Sumama ka lang sa akin bukas ng gabi at ipapakilala kita sa business partner ko. Siguraduhin mong makakapunta ka Ander. Regarding our business... I will let Kaye handle it. "

Hindi ko alam kung bakit parang buo na ang desisyon niya ngayon samantalang noong huling paguusap namin ay pinilit niya pa ako, ipinasawalang bahala ko iyon. I sighed. Boses palang niya alam kong wala na akong magagawa kundi sumunod. "Fine."

Inabot niya sa akin ang papel at tumayo na para umalis. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ulit ako sa loob ng dalawang taon pero ni hindi man lang siya nangamusta.

Actions like that makes me realize where his priorities were.

Binuklat ko ang papel at nakalagay dito ang restaurant na pupuntahan ko bukas at ang oras, nakalagay din sa ilalim ang pangalan ng isang store at nakalagay pa na kailangan kong puntahan ngayon dahil ayon ang susuotin ko bukas. What the fuck. Anong akala niya sa'kin hindi walang formal attire?

Pagkatapos kong kumain at mag-ayos ay dumiretso na ako sa opisina. Medyo gumaan ang loob ko sa mga katrabaho ko ngayon dahil tuluyan ko na silang nakilala. Alam kong masama ang naging tingin nila sa akin at maraming nag-aakalang hindi ako propesyonal pero ngayon ay nagbago na ang iniisip nila.

"Engineer, pasensya ka na sa nangyari roon sa project natin. I'm too occupied to notice the actual space at hindi ko itinatanggi iyon. Gusto ko lang humingi ng tawad sa aberya," bungad sa akin ni architect Louis na nasa tapat lamang ng opisina ko at nag-aabang.

Tinapik ko siya sa balikat. "Inaayos na iyon at nabago na ng bagong architect kaya wala ng problema," seryoso kong tugon. Alam kong kahihiyan din sa kanya ang nangyari lalo na at kilalang tao ang may-ari ng ginagawa namin.

Ngumiti siya sa akin at nagpaalam na. Ginugol ko lamang ang buong umaga ko sa trabaho at nang sumapit na ang tanghalian ay pumunta ako sa shop na binigay ni dad upang kunin ang damit na binili niya. I glanced at my phone while driving, I'm expecting a call from Sienna since she strictly told me not to bother her during school hours. It's supposed to be her lunch by now. I guess she's busy... again.

Minsan iniisip ko nga parang mas busy pa siya sa'kin, o sadyang gusto ko lang na lagi siyang kausap? I'm not clingy but I guess when it comes to her... I am.

"Ito na po sir, kung gusto niyo po isukat niyo muna para kung may ipapabago pa kayo ay mabago namin," inabot niya sa akin ang paper bag. "Dito po ang fitting room."

Pinuntahan ko ang tinuro niya at sinukat ang damit. It was a black coat with maroon long sleeves inside, there's even a stripes neck tie that complements the color of the coat. It's too formal. Sakto naman sa akin kaya nagpasalamat na ako at umalis. Napagpasyahan kong bisitahin si Sienna sa kanila ngayon dahil minsan na lang kami magkita ngayon sa dami ng ginagawa. 

When I arrived at their house I immediately saw her at their garden playing with Daisy. I didn't call her that's why when she heard my car engine she started to walk inside the house.

"Sweet, ako lang 'to!" Bumaba na ako at tumango kay kuya Wil, driver nila. Nakataas ang isa niyang kilay nang lumapit ako  kaya mapakla akong napatawa.

"Di ka man lang tumawag sa'kin," mahina niyang sabi, sapat lang para marinig ko. Agad namang tumalon sa akin si Daisy kaya yumuko ako at hinawakan siya.

"Namiss kasi kita imbis na tumawag pumunta nalang ako rito. Ayaw mo ba?" Nakanguso kong tanong. Umupo ulit siya sa bench nila at tinapik ang gilid niya para paupuin ako.

"Hindi naman, mabuti nalang at hindi ako sumama kay Lai kanina. Wala ka sanang maabutan dito"

"Luh astig ah, sign na 'yan na meant to be tayo."

She scoffed. "Parang sira 'to."

I moved next to her and rested my hand on top of hers. "I missed you," I replied. She move closer to me and rested her head on my shoulders.

I stilled because of what she did, she's sweet once in a while so I'll savor this moment. I guess that's her response to what I said. Cute. She started asking me some gift ideas for her granddad and I answered attentively. I didn't want her to notice that I'm really enjoying the empty space between us.

"So sa tingin mo mas maapreciate niya kung unique yung ibibigay ko?"

"Oo naman, madami ng pera ang lolo mo. Mas magugustuhan niya siyempre kung ikaw ang mag-iisip ng ibibigay mong regalo," tugon ko.

Inangat niya na ang ulo niya sa balikat ko at bumaling sa'kin. "Sige, sana magustuhan niya kamusta ang trabaho mo?"

"Ayos lang naman, yung architect na kinuwento ko sayo nung isang araw humingi ng tawad sa akin kanina. Buti nga good mood ako eh. Noong lunch naman bumili lang ako ng pagkain sa canteen dahil hindi ako nakapagluto nang marami-"

"But you're happy right? With your job." putol niya sa kuwento ko.

"Masaya ako. Alam mo naman na tinanggihan ko ang magulang ko noong sinabi nila na ako ang hahawak ng business namin dahil alam ko na gusto kong mag-engineer. Why did you ask?"

Kinuha niya si Daisy na nasa paanan namin at inupo sa kandungan niya. "I wanted to be an engineer before... but as you can see I'm blind. I decided to pursue singing because most people would tell me na I'm good at it and I should stick with it nalang."

Sarkastikong ngiti ang nakapaskil sa mukha niya. Nalungkot ako dahil sa sinabi niya. Kaya pala sobra siyang seryoso pagdating sa musika ito pala ang dahilan. Pressure. Hindi ko alam kung ano ang tamang sabihin sa kaniya kaya hinawakan ko nalang ang kamay niya.

The cold breeze of the air touches our face and for a moment, we can only hear the movement of the leaves. "Hindi ka dapat magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao. Do what you want and don't let them control your life Sie."

"It's okay. Natutunan ko rin namang mahalin ang pagkanta. Atleast I have an engineer suitor I'm fine with that," she replied laughing.

"Kaya nga buti nalang nililigawan ka ng gwapong katulad ko. At soon boyfriend na hehe," pinisil ko ang pisngi niya na naging dahilan ng pagkainis niya. Nag-usap pa kami hanggang niyaya ko na siyang pumasok dahil medyo mahamog na. We baked some cookies, she insisted that we should since she loves baking. Halos hindi nga namin natapos dahil pinahiran ko siya ng harina sa mukha at hindi na niya ako tinigilan.

We're at their door because I need to go. It's almost 8 and I have to drive to my condo so I bid my goodbye to her.

"Salamat sa pagpunta rito kahit busy ka sa trabaho."

"Hindi ako busy pagdating sayo. Kaya tumawag ka lang sa'kin kung namimiss mo ako." Hinawakan ko ang balikat niya at nilapit siya sa akin. I bent down so I can take a good look at her face. This girl had no idea how much happiness she brought to my life. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniya na naging dahilan ng pagpikit ng mga mata niya.

I smiled when our nose touched. I gently move my face side to side, our nose still touching, her face is so mesmerizing up close. The way her hot breath blows to my face makes me shiver. Her hand reaches my face and she gently roam her hands around every corners of it, memorizing every detail. I stay still and watch as she her opened her eyes.

I bid my last goodbye and reminded her to call me every time she wishes to and I'll do the same. That night, my clothes are stained with flour eggs and a little chocolate but I don't care. My heart is filled with so much joy that I didn't even mind the stares of the people as I walked towards my condo building.

---------------------------------

<3

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...