Collide with the storm (Song...

By ashaeau

656 205 19

End is measured by our mind. We never know when it will ensue.But the end doesn't always define certainty, wh... More

A/N
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9

Chapter 8

32 10 2
By ashaeau




"Wala pang hagdanan," Tiningnan ko ang sketch na ipinakita sa akin ng mga naggagawa. "Dito pa lang mapapansin mo na, na hindi kasya ang traditional staircase na gustong ipagawa ng client." Problemado akong napakamot sa ulo.

"Ito ho ang ibinigay sa amin ni architect," agad niyang sagot.

I talked to Jim, the architect for this project but he said everything was fine. Wews."That's my question, bakit hindi ito nakita ng contractor while building it?" Natameme naman sila sa sinabi ko. Bumuntong hininga nalang ako at ibinalik ang papel na tinitingnan ko kanina. I'm too stress to keep meddling at their job because they're not doing it seriously.  Although the task is already given you should always recheck it first before or while doing it. Para lang nilang sinabi na kahit ano gagawin nila basta iyon ang binigay na interior ng architect. This isn't trial and error anymore.

The space of the back porch at the house is too small for a traditional stairway yet they still insisted that it was possible. The slope of the staircase would be so steep. Now they have to lessen the balcony on the second floor for the stairs to fit. Good thing they consulted it to me first... or else they would have to do more work for nothing.

As time passed by my parents stopped putting their noses up my work. Projects slowly opened up to me and I couldn't be more happy. I get to pay my bills without the help of Kaye. And I could repay her back already. Meanwhile me and Sienna have been opening up to each other. Although she's a little bit busy with school and me, with work. On our free days we get to spend time with it other and I'm contented with it.

Pero hindi pa niya ako sinasagot. Well that's okay, I promised I won't rush things. But I never said I won't seduce her to say yes though.

I'm smiling as I drive to my next project. Before, I'm always at Sienna's guest house because I have nothing to do, now I have a lot on my plate and spend my time mostly in my office. The weather is not nice since we are nearing ber months. As an engineer it's not a good news for me but as a normal person, it is. I love rainy days 'cause it can add up to my reasons for being lazy.

Bumaba na ako ng sasakyan at binati ang mga gumagawa sa restaurant. Months have passed and the design for the restaurant is already done. Now it's up to me to do the structural. "Good afternoon engineer!" bati sa akin ng mga nadaanan ko.

Nginitian ko sila. "Kamusta na? Mukhang seryoso kayo lahat ngayon ah. Napagalitan ba?" natatawa kong sabi. Para kasi silang mga tuod. Akala mo naman totoong mga tahimik.

"Naku hinde naman engineer! Dumating kasi ngayon yung mga buhangin, mukhang masama ang panahon bukas kaya tatapusin na namin ito ngayon. Bakante na naman." tugon ni Mark. Isa siya sa mga masipag dito. He's still young, we once talked and he said he looks up to me. Napaismid nalang ako doon dahil sa noong ganyang edad ay hindi pa ako ganoong kabuting tao. YOLO pa ang motto ko n'yan kaya halos isumpa na ako ng mga magulang ko.

"Nako oo nga, gusto niyo ba na hindi umulan bukas?"

"Syempre naman," agad na sagot nila.

Ngumisi ako. "Sun dance kayo bukas ng umaga," tugon ko at itinaas ang isang paa ko at tumalon-talon habang kunwaring may winiwisik na ulan. Tumawa naman ang karamihan sa kanila at ang iba ay napailing na lang.

Nagpaalam na ako at dumiretso sa mga kailangan kong gawin. Hindi na ako nagtagal doon, wala na naman akong gagawin doon at alam kong madadaldal ko lang sila kung mananatili pa ako. Pabalik na ako ng opisina nang makatanggap ako ng tawag galling kay Sienna. Minsan lang siya tumawag sa akin dahil ako madalas ang tumatawag kaya tuwing ganito ay natutuwa ako.

"Hiven spa, hilu mam ser  magpapamasahe po ba sila?" pigil tawa kong sabi sa medyo matinis na tono. Hindi ko na napigilan ang tawa ko dahil natahimik siya sa kabilang linya.

[Alex naman, akala ko kung sino na eh.] inis na sabi niya. [Puwede k-ka ba pumunta dito sa bahay ngayon? Nakauwi na si Laila, gusto ka raw niyang makilala.]

Laila is Sienna's bestfriend. Nasabi niya sa akin na uuwi ito noong nakaraang lingo pero nawala sa isip ko dahil sa trabaho. I promised her that I will be there that's why instead of going to the office I drove the other way. "Sure babe, I'll be there in ten."

Napapansin ko ang pagbabago sa mga gawi ko simula ng mapagdesisyunan kong ligawan si Sienna. Ang linggo-linggo kong pag-iinom noon ay nawala, pati na rin ang pag-eentertain ko ng mga babae. Madalas ko nang tanggihan si Hunter tuwing mag-aaya siya. Kaya noong hindi ko na mapigilan ang inis ko dahil sa pagiging mapilit niya sinabi ko nang may seryoso akong nililigawan. Gulat ang rumehistro sa mukha niya noon pero namangha siya dahil tumama raw ang hula niya noon na may pagtingin ako sa apo tagapagmana ng mga Villamor. Binatukan ko siya noon at sinabing nagustuhan ko si Sie sa ibang rason at hindi dahil apo siya ng isang mayamang tao.

"How have you been?" I hugged Sienna when I saw her. Agad naming tumikhim sa akin ng babaeng nakaupo sa sofa nila na nasisigurado kong si Laila.

"Ayos lang...Lai this is Alex, Alex si Lai bestfriend ko."

Ngumiti ako at inilahad ang kamay ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay at nakapamewang na tumayo. Sa kilos niya pa lang alam kong hindi siya natutuwa na andito ako.  "You're Alex Azur, from Jockeis?"

Nawala ang ngiti ko nang sinabi niya 'yon. Jockeis is the bar I used to go to before aside from Marti. "Ilang buwan na rin akong hindi napunta roon," nakangiwi kong sagot ayoko naman na isipin ni Sienna na nagbabar ako, lalo na ngayon at nililigawan ko siya hindi naman sa ayaw kong sabihin sa kanya pero nauunahan ako ng takot.

"Sie, kakausapin ko lang itong manliligaw mo. Dito ka lang muna." Nilagyan pa talaga niya ng diin ang manliligaw ah. Tumango naman si Sienna na walang malay sa sama ng tingin sa akin ng kaibigan niya. Naglakad siya patungo sa kusina kaya sumunod na ako pagkatapos kong halikan sa noo si Sienna. Umupo siya sa high chair at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Tangina. Akala ko naman wala ng problema pagdating sa side ni Sienna ang taray pala nitong bestfriend niya.

"Ano, ba't ganiyan ka makatingin?" seryoso kong tanong.

"You bang almost all the bar girls in the city! What do you want me to do, be happy that you are courting my friend?" Pabulong pero galit niyang saad.

Napa-tiim bagang ako "That was before, ilang buwan na akong hindi pumupunta sa Jockeis. I love Sienna and I can prove that to anyone," medyo lumakas ang boses ko.

Tumayo siya at pagalit na lumapit sa akin. Medyo matangkad siya kumpara kay Sienna, dumagdag pa ang suot niyang heels. Pero hanggang baba ko lang siya. "Kapag lang naman sinaktan mo si Sie hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. I know you since college and the rumors spreading now? I'm not liking it." Sabi niya at padabog na umalis.

What rumors? The fuck.

I face palmed. I was hoping to atleast let Sienna know about my past when we are officially together but it would not work now, especially because her bestfriend knew me. She mentioned that she knew me when since I was in college so I suppose she is my age or a year younger than me. She doesn't look that young.

Napaisip tuloy ako kung paano sila naging magkaibigan ni Sienna, ang tapang no'n samantalang si Sienna ay sobrang bait.  Lumabas ako sa kusina at nakita ko silang nag-uusap. Nang nakita ako ni Laila ay bumulong siya kay Sienna at nagpaalam na aalis na.

Lumapit ako kay Sie at umupo sa tabi niya. "I'm sorry I should've told you this earlie-"

"Akala ko ba naniniwala ka sa kasabihang Your past does not define you?" putol niya sa sinabi ko.

I looked at her, guilt visible all over my face. She must know that first thing but I'm just letting her be in the dark. "Being a good guy is not really my forte before I met you Sienna." Yes, there are moments where it crossed my mind to keep my bad side a secret from her, it's impossible but me being a dick thought I could just get away with it so I don't have to be scared when she'll say she doesn't want a man like that.

"People have their shitty past Alex, I'm not this affectionate before I met you, how 'bout that?"

This girl really is out of my league. How can a person be so understanding? "Alam mo... ang swerte ko sayo," nakangiting tugon ko. "Pero alam mo kung ano ang mas swerte?"

"Ano naman?" tanong niya.

"Kung sasagutin mo na ako."

"Akala ko ba hindi mo ako pipilitin."

"Olats na naman ako," madamdamin kong sabi. Lumapit naman siya sa'kin at pinitik ang noo ko. Bahagya akong napaatras dahil hindi ko inaasahang gagawin niya 'yon pero hindi naman masakit. "Ano binulong sayo ng kaibigan mo kanina?"

"Alam kong madaldal ka pero ngayon ko lang nalaman na chismoso ka rin pala sabi niya mag-iingat daw ako sayo. She's scared I'll be a mess again if I continue to entertain you. But I feel like the opposite, I-I like you around," saad niya.

Masaya ako sa sinabi niyang gusto niya akong nandito pero, "Teka bakit may again, akala ko ba ako ang unang manliligaw mo?"

"Oo ikaw nga. Different kind of pain Alex, different mess."

"Well do you want to talk about it?" seryoso kong tanong dahil kita ko ang lungkot sa mukha niya.

"Wag na muna ngayon, tara sa kuwarto may bago akong mic duet tayo," Nagpatianod na ako sa kanya papunta sa kuwarto niya.

Eventhough my voice is not good I'm willing to sing my heart out until she's satisfied. Which means two to five songs. If my friends would hear me singing some Disney shit they would probably pee their  pants. In our months of courtship I can say that I know her, the thing is, I only have a vivid knowledge about her past. That's what keeping the line between us intact.

There's something from her past that she doesn't want me to know about.

I don't really care that much though, it's just that... I wanna know it because she's her. She's my Sienna. On the other hand sir Ronio allowed me to go in her room after  one month of courting her, he said he trusts me not to do something she doesn't want to. Pagkatapos kasing magkasakit ni Sienna ay hindi na ako makaapak sa second floor ng bahay nila.

"Ang kalat naman kumain ng bibi ko," sabi ko at tinanggal ang sauce sa gilid ng labi niya gamit ang daliri ko.

Kita ko ang pamumula ng tenga niya at pag-iwas ng katawan niya na kaharap ko lang para hindi ko Makita ang reaksyon niya. Nahihiya na naman.

Gusto niya na kaya ako?

"Ang manly mo tapos bibi tawag mo sa'kin," nakangiting sabi niya. Napaisip naman ako, oo nga medyo girly pakinggan.

"Dahil mahilig ka naman sa mga candies at chocolates... sweet nalang. Tutal magiging sweet ka rin naman sa'kin in the future," tugon ko.

Pagkatapos noon ay lumabas kami upang pumunta sa restaurant nila. Hindi naman siya natatakot na pumunta roon dahil kilala siya ng mga trabahador nila. Pero sa mga public place ay ilang pa siya masyado lalo na sa mall, ayaw niyang pumunta noong niyaya ko siya isang beses. Kapag naiilang siya ay hindi niya binibitawan ang kamay ko.

Ako naman 'tong si gago na pasimple pang kinikilig.

Ang sarap sa pakiramdam dahil hindi ko na kailangang mangamba kung magiging masaya ba ang araw ko kasi nandyan na siya. Hindi ko na kailangang matakot na baka malungkot na naman ang bukas ko dahil wala akong kasama.

________________________
Feedbacks are highly appreciated! <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...