The Unexpected 19th Century J...

By salem_ven

197K 5.8K 2.1K

Catherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang ta... More

-Tauhan, Caracteres, Characters, キャラクター-
Prólogo
Kabanata 1 - El principio de todo
Kabanata 2 - Indio at Prinsesa
Kabanata 3 - Doña Anastacia
Kabanata 4 - Memorya ng Ina
Kabanata 5 - Simbahan ng Polo Santa Clara De Asis
Kabanata 6 - Conoce a la familia Montecillo
Kabanata 7 - Celebración Hacienda Santibañez
Kabanata 8 - Si Diego at Isabella
Kabanata 9 - Debajos de las Estrellas
Kabanata 10 - Cellphone / Selpon
Kabanata 11 - Ikatlong araw ng Nobenaryo
Kabanata 12 - Cueva del Amor
Kabanata 13 - Paraan
Kabanata 14 - Plano at Paano
Kabanata 15 - Pista ng Bayan
Kabanata 16 - Kamatayan
Kabanata 17 - Higanteng Alakdan
Kabanata 18 - Bessy
Kabanata 19 - Masayang Anunsyo
Kabanata 20 - Ang Masamang Balakin
Kabanata 21 - Cris at Cathy
Kabanata 22 - Gobernador Felipe Santiago
Kabanata 23 - Colegio De Santa Maria Magdalena
Kabanata 24 - Inang Madre Adoracion De Avila
Kabanata 25 - Ang Intramuros
Kabanata 26 - Malinaw na sa akin ang lahat
Kabanata 27 - Indio
Kabanata 28 - Kaibigan
Kabanata 29 - Bagong Gobernador ng Bayan
Kabanata 30 - Pagmamalabis sa mga Haciendero
Kabanata 31 - Mga Liham
Kabanata 32 - Ang Pagiinspeksyon
Kabanata 33 - Panauhin
Kabanata 34 - Limang Daang piraso na Balita
Kabanata 35 - Andre, Sian at Alexander
Kabanata 36 - Sinungaling na Gobernador
Kabanata 37 - Limangpung Parusa
Kabanata 38 - Ako ay Sayo at ikaw ay Akin
Kabanata 39 - Pagsubok kay Catherina
Kabanata 40 - Catherine, Catherina at Huwad
Kabanata 41 - Tunay na Catherina?
Kabanata 42 - Bangungot ni Catherina
Kabanata 43 - Ngayon mo Sabihin sa akin
Kabanata 44 - Simula ng Pag-aaklas
Kabanata 45 - Ley Marcial
Kabanata 46 - Ang Pagbagsak
Kabanata 47 - Pamilya Montecillo
Kabanata 48 - Donya Peregrina Mogas y Foncuberta
Kabanata 49 - Donya Hilaria Mondragon
Kabanata 50 - Hindi waring Pangyayari
Kabanata 51 - Louisa Montecillo
Kabanata 52 - Magkahiwalay na Landas
Kabanata 53 - Avellanada mula sa Inglatera
Kabanata 54 - Restaurante Español
Kabanata 55 -Sa Kampo ni Heneral Castellano
Kabanata 56 - Donya Catalina at Luciana
Kabanata 57 - Labanan sa Hacienda Santibanez
Kabanata 58 - Kasulatan
Kabanata 59 - Nasaan ang Mahiwagang Orasan?
Kabanata 60 - Bunyag
Kabanata 61 - Kahihinatnan ni Catherine
Kabanata 62 - Kapalaran ng Nakatakda
Kabanata 64 - Para sa Bayan
Kabanata 65 - Epilogo

Kabanata 63 - Padre Velasco

750 27 26
By salem_ven

(Don't forget to Vote and Comment)

Kabanata 63 – Padre Velasco

1891

Ciudad de Santa Clara de Asis

-----------------

Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako sa mga ipinakita sa akin ni Donya Anastacia na mga pangyayari kapag nawasak ang mahiwagang orasan.

"Ngayon Catherine alam mo na lahat ng mga susunod na pangyayari sa oras na hindi inagatan ang mahiwagang orasan?" sambit sa akin ni Donya Anastacia at at itinigil na niya sa pagpapanood sa akin lahat ng mga posibleng mangyari sa oras na magalusan ng sira ang mahiwagang oarasan.

"Naiintindihan ko po Donya Aanstacia at aking iingatan upang hindi mangyari lahat ng mga ipinakita niyo sa akin" sagot ko at kinikilabutan ako sa mga pinanood sa akin ni Donya Anastacia, walang daan upang pigilan ang digmaan sa oras na masira ang mahiwagang orasan.

Lahat ng mga nangyari ay pawang pangitain lang ng Donya na siyang ipinakita sa akin bago ako tuluyang magtungo sa hacienda Montecillo upang magkaroon ako ng ideya at dobleng pagiingat upang hindi mangyari ang lahat ng iyon, hindi maalis sa dibdib ko ang kaba na baka mamatay ako sa mga susunod na pangyayari.

"Pakiusap ko sa iyo Catherine na huwag na huwag mong hayaan na masira ang mahiwagang orasan sapagkat isang malaking gulo o digmaan ang kapalit nito na hindi na natin mapipigilan kung ganoon" bilin pa niya s aain at napahawak pa siya sa kamay ko, kita ko sa mga mata niya ang labis na panghihina at kawalan ng kapangyarihan sa hindi ko mawaring dahilan.

"Opo susundin ko po lahat ng iyong sinabi at magiigihan ko ang pagiingat upang masunod lahat ng naayon sa akin misyon kahit na masakit ay aking gagawin" wika ko at bigla kong naalala iyong panghuling misyon na kailanga kong gawin.

Sa kada naaalala ko ang bagay na iyon ayayw ko na lang isipin gusto kong maging mag isa at magmukmok na lamang sa isnag sulok, masakit ngunit kinakailangan kong tuparin upang masunod lahat ng naayon sa tadhana ng misyon ko.

Nawa'y magawa ko iyon ng bukal sa puso sa pagdating ng oras na kailangan ko na talagang bitawan.

"Catherine ?" hindi ko namalayan na kinakaiusap ako dahil nakatulala ako sa kawalan at malalim ang iniisip.

"Catherine ija nakikinig ka ba sa akin at kung saan na naman napapadpad ang iyong isipan?" nabalik ako sa katinuan ng sermunan na niya ako.

"Paumanhin Donya Anastacia, may naiisip lang po talaga ako na sadyang mabigat sa aking kalooban na ang hirap gawin ngunit kinakailangan" malungkot kong tugon at napabuntong hininga siya at hindi na niya sinagot iyon at nag iba ng usapan.

"May kailangan tayong gawin upang ang lahat ay maayon sa iyong misyon" sabi ng donya at siya'y tumayo at ipanakita muli ang kasulatan na nagsasaad ng lahat ng mga misyon na kailangan niyang gawin at pinabasa ang isa sa kanyang misyon "Iyong basahin ang pangalawangmisyn at unawain" sabi ng donya at kanyang hinawakan ang kasulatan.

"Mapanatiling lihim ang misyon at wala ng ibang makaalam hanggang sa ito ay matapos" pagkabasa ko no'n at kaagad niyang kinuha sa akin ang kasulatan at biglang naglaho sa kanyang kamay na parang bula.

"Naintindihan mo?" tanong niya sa akin at hindi ko amunawaan ang gusto niyang sabihin.

"Ano po ba't bakit niyo pinabasa sa akin iyon?" naguguluhan kong tanong.

"Halika't malalaman mo, sumunod ka sa akin" wika ng donya at kinuha niya ang pamaypay niya't naglakad palabas ng kwarto, inalalayan ko naman siya at wala akong idya kung ano bang ibig sabihin niya.

"Ang misyon mo'y kailangan magawa ng naayon sa kasulatan na ito, lahat ng dito ay maaring masunod at walang kahit ano ang hindi dapat sundin" sabi ng donya at nalungkot na naman ako ng dahil sa kanyang sinabi, labag sa aking kalooban ang ian sa mga misyon ko ngunit kailangan.

Nagmamadaling maglakad si Donya Anastacia na para bang may kailangan siyang habulin.

Nakarating kami sa kusina at doon naabutan namin si Veronica na nagluluto, kaaga naman siyang napatingin sa amin at lumapit.

"Donya Anastacia at Senyorita Catherina kayo pop ala, ano pong ipaguutos niyo?" tanog ni Veronica sa amin at napahinga ng malalim ang donya.

"Paumanhin Veronica ngunit kailangan naming gawin ito" sabi ni Donya Anastacia.

"Ano p—" hindi na pinatapos ni Donya Anastacia si Veronica sa pagsasalita at kanya itong tinapik sa noo gamit ang abaniko na hawak niya at bigla itong nawalan ng malay na ikinagulat ko.

"Donya Anastacia ano pong ginawa niyo sa kanya?" at nilapitan ko si Veronica para magising ngunit wala talaga itong malay "bakit hindi po siya gumigising ano pong nnagyari?" tanong ko uli sa donya at tinatapik ko si Veromca pero wala talaga.

"Mawawalan ng malay sa susunod na limang oras si Veronica at sa kanyang paggsiing ay wala na siyang nalalaman patungkol sa kung sino ka ba talaga at sa kung ano ang pakay mo sa mundong ito" paliwanag ni Donya Anastacia at napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Bakit naman po? Mapagkakatiwalaan naman po si Veronica at hindi siya isang taksil" paliwanag ko kay Donya Anastacia.

"Isipin mo ang ikalawang misyon mo na nakasaad sa kasulatan?" utos niya sa akin at napaisip ako bigla ng dahil dito.

"Mapanatiling lihim ang misyon at wala ng iba pang makaalam hanggang sa ito ay matapos" banggit ko sa aking isipan at napagtanto ko na kahit pala siya'y hindi maaring malaman kaya ngayon nauunawaan ko na, upang maayon lahat sa kasulatan.

"Nauunawan mo na ba ng nais kong iparating Catherine?" sabi ng donya "Paumanhin ngunit kailangan, intiendes?" sabi pa niya at nakaramdam na naman ako ng lungkot ng dahil dito.

"Si, donya Anastacia" sagot ko.

"Ngayon bago ka magpatuloyt sa paghanap sa mahiwagang orasan ay dadalhin natin siya sa kampo nila Crisostomo upang doon ay siya'y maalagaan at sumapi pa sa rebolusyon na gagawin pa natin" ani ni Donya Anastacia at inakay ko na si Veronica para isakay sa karwahe at dadalhin naming siya sa bundok kung saan nagtatago sila Crisostomo.

Nang kami ay makarating sa kabundukan at kaagad kaming nagtungo sa lihim na kuta ng mga rebolusyonaryo at amin na lang iniwan si Veronica malapit sa kanila at kaagad kaming umalis, may nakakita naman kagad kay Veronica at laking gulat ko na si Lucas ito at napahinga naman ako ng maayos dahil alam kong magiging mas maayos ang kalagayan niya sa kanila kaysa sa amin.

"Handa ka na ba sa iyong gagawin Catherine?" tanong ng Donya at kahit kinakabahan ako ay kailangan kong gawin ito para mahanap ang mahiwagan orasan.

"Kinakabahan man ay aking gagawin, opo handa na po" palubog na ang araw ng kami ay makarating malapit sa hacienda Montecillo, ibinaba na ako ng karwahe ni Donya Anastacia at may hinabilin siya sa akin.

"Mag-ingat ka Catherine" paalala ng donya at tumango na lang ako bilang tugon.

--------------

Sa likod ako ng hacienda ibinaba ng karwahe dahil dito lang walang masyadong bantay at dahil nakasoot ako ng damit ni Victoria ay hindi ako paghihinalaan ng mga guardia sibil at ng kung sino pa man, pero maingat pa rin ako sa aking mga kilos at kung maaari ay hindi ako magpapakita sa mga guardia sibil.

Naglakad na ako papunta sa harapan ng tarangkahan ng hacienda upang kunwari ay may pauusapan kami ni Gobernador Facundo, kaagad kong kinausap ang isang guardia sibil para papasukin ako.

"Buenas noches mga ginoo, ako si Binibining Victoria anak ni Donya Crecensia Avellanada, pinapunta ako ng aking Ina upang makipag usap kay Gobernador Facundo na balita ko'y nandito siya kung hindi ako nagkakamali?" wika ko sa guardia sibil.

"May pasabi po ba kayo sa gobernador na may pagpupulong kayong dalawa?" tanong ng guardia sibil sa akin at mukhang sususngitan pa ako.

"Oo kaya nga nandito ako dahil may paguusapan kami hindi ba?" sagot ko sa kanya at napakamot ulo na lang siya.

"Sige na ika'y pumasok na at siya'y nasa kanyang opisina" wika niya at sinamahan ako ng dalawang guardia sibil papasok sa loob, maggagabi na ngunit ang trabaho dito sa loob ng hacienda ay buhay na buhay pa na akala mo'y hindi ipinasara, nagkalat din ang mga bantay na guardia sibil at kadalimang metro y may nakatayong mga guardia sibil.

Nakasisiguro ako na napupunta lang sa bulsa ng mag asawang Mondragon ang mg kinikita nito at kunwari sa pamahalaan napupunta.

Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng dati naming mansyon ay biglang pumasok sa isopan ko lahat ng hirap na dinanas ng pamilya naming, simula sa panggigipit nila, sa pagkamkam nila sa mga lupa naming, hanggang sa mapalayas at patayin nila kami, naikuyom ko na lang ang kamay ko sa inis at hindi nagpadala sa aking damdamin.

Tandaan mo Catherine na ikaw si Victoria ngayon, huwag kang magpapahalata upang hindi ka mahuli ng kalaban.

"Nasa loob na ng opisina ang gobernador at hinihintay ka Senyorita Victoria" wika ng isang guardia sibil at pinapasok nila ako.

"Salamat" tugon ko ng papasukin na nila ako sa loob at ang isang guardia sibil at hinatid ako papunta sa opisina.

Sakto ang pagpunta ko sa opisina dahil nakita ko sa pangitain ni Donya Anastacia na nandito ang mahiwagang orasan ngunit nasa kamay ni Donya Hilaria, ngunit kaya lamang napunta sa kamay ni Donya Hilaria ang mahiwagang orasan dahil natunugan niya na ito ang hinahanap ko kaya kinuha niyaagad ito dito at nakatitiyak ako na nandito lang iyon dahil hindi naman alam ni Donya Hilaria na nandito ako.

Kumatok ang guardia sibil sa pinto at binuksan naman ito ng dalawang guardia sibil na bantay.

"Gobernador Facundo, nandito na po si Senyorita Victoria" sabi ng guardia sibil.

"Papasukin mo siya" tugon ng gobernador at pinapasok na ako, kaagad namang nagtama ang tama naming dalawa ng gobernador at napaiwas naman ako sabay simangot, baka magwala ako ditong dahil sag alit ko sa kanya.

"Buenas Noches Senyorita Victoria ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" panimula ng gobernador "Ika'y maupo upang masimulan na natin ang dapat talakayin" ani pa ng gobernador.

"Buenas Noches din Gobernador Facundo, una sa lahat paumanhin kung hindi makadadalo ang akin ina sa inyo sapagkat siya'y may sakit at masakit ang kanyang tuhod at likuran dulot narin na nagkakaedad na siya, kaya ipinadala niya ako dito bilang pamalit niya para makausap ka gobernador " tugon ko sa gobernador at ipinakita ko sa kanya ang mga kunwaring papel na paguusap naming at kanya itong kinuha at kaagad na tinignan.

Kanya itong binasa at ako naman ay sinuri ang paligid gamit ang mata ko sa kung saan pwede nilang inilagay ang mahiwagang orasan.

"Maganda ang mungkahi ng iyong ina na si Donya Crecensia, maganda ito upang mapalago pa ang mga negosyo sa ating bayan" sambit niya at napatingin ako s kanya ng nakangisi baka magduda siya bakit panay ang sipat ko sa paligid at isipin pa niya na may balak akong mali.

"Nais sana ni Ina na ito'y iyong aprubahan upang maging daan sa lalong pagpasok ng maraming salapi at maaaring maging mayaman an gating bayan sa pagdating ng panahon" sagot ko at hindi ko talaga alam kung ano itong sinasabi kobasta gumawa lang ako ng kwento para may mapagusapan kami.

"Aking ipaliliwanag ito sa mga prayle, tiyak ako na mapapayag natin sila bago ko ito aprubahan at kani--" napahinto si Gobernador Facundo sa kanyang pagsasalita ng makarinig siya ng ingay sa labas.

"Sandali lang Senyorita" sabi niya sa akin at napatayo siya para sumilip sa bintana kung san niya narinig ang kaguluhan.

Maya maya ay may pumasok na guardia sibil sa opisina at ito'y hingal na hingal.

"Anong nangyari sa iyo at tila may humahabol sa iyo?" tanong ng gobernador.

"Gobernador paumanhin sa aking paggambala sa inyong pagpupulong ngunit kailangan niyo po itong makita!" sabi ng guardia sibil at napakunot noo naman ang gobernador dahil dito.

"Bakit ano ang nangyari?" tanong ng gobernador.

"May natagpuan po kaming anim na bangkay ng mga guardia sibil sa may kanlurang bahagi ng hacienda at hindi naming alam kung ano ang nangyari sa kanila, kahindik hindik ang kanilang sinapit" sambit ng guardia sibil at lumabas na agad si Gobernador Facundo ngunit kaagad siyang bumalik at nagpaalam sa akin.

"Saglit lamang Senyorita Victoria aking lamang aasikasuhin ang problema na ito kung iyong ibig ay maari kang uminom ng serbesa at kumain diyan ng meryenda, sandali lamang ako" bilin ng gobernador at tumango ako, napangiti naman ako dahil pagkakataon ko na ito upang maghalungkat sa loob ng opisina.

Isinara nila ang pinto at nagpalipas ako ng ilang segundo bago ako kumilos, tumayo ako at nagsimula ng maghalungkat sa mga drawer ng desk ng opisina.

"Tama nga ako ng hinala na ikaw si Catherine ha Victoria?"

"Madre de dios!" napahawak ako sa dibdib ko ng biglang may magsalita sa likuran ko "Por dios santo Catherina huwag mo nga akong ginugulat ng ganoon aatakin ako sa puso ng dahil sa 'yo" sabi ko sa kanya at napatawa pa si Catherina dito.

"Pasensya na Catherine, sadyang tama lang ang aking hinala sa 'yo" wika pa niya at nagpatuloy na ako sa paghahanap.

"Alam mo kaysa pagtawanan mo ako, tulungan mo na lang ako sa paghahanap ng mahiwagang orasan dahil ayon ang pakay ko kaya ako nandito" sabi ko sakanya at siya'y nagsimula ng maghalungkat ng mga bagay bagay.

"Saan mo ba iniwan ang bagay na iyo at hindi moa lam kung saan mo ito nailagay?" tanong niya sa akin a nakailang drawer na ako ay wala akong nakita mahiwagang orasan.

"Hindi ko na alan kung saan koi yon nailagay basta nagkaro ako ng ideya nab aka dito nila iyon itinago" sabi ko sa kanya at maski sa mga papeles ay hinaungkat ko na at nagbabakasakali ako.

"Sa aking pagkakatanda ay hinalughog nla itong buong mansyon at nakkaita sila ng ilan samga alahas na naiwan nila ama at ina at may natagpuan din silang mahiawagang orasan na nakatitiyak ako na ditto lang nila itinago dahil kanila itong ipagbibili sa paglaon ng panahon" sabi ni Catherina at napatigin ako sa kanya.

"Saan nila ito nilagay?" tanong ko sa kanya.

"Inilagay nila ito sa isang maliit na baul kung saan sama sama lahat ng mga singsing at ilang hikaw na kanilang nakuha maaring sa ibabaw ng apador o hindi kaya tukador nila ito inilagay" sabi niya at ikinalat ko ang tingin ko at baka mamaya'y may maligaw akong makitang kahon.

Sa aparador na malapit sa lamesa ng opisina ay may nakita akong kahon na nagtatago, akin itong kinuha at medyo maalikabok ito at hugis maliit na baul kaya naman agad kong binuksan at hindi nga ako nagkamali ng hinala.

"Catherina nandito nga ang mahiwagang orasan kasama ang ilan sa mga singsing at alahas ni Ama at Ina!" sabi ko at bigla nmang naglahona para bulan si Catherina at nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Gobernador Facundo at panigurado papasok na siya ditto sa loob ng opisina.

Agad kong binulsa ang maliit na baul at lumapit sa may serbesa upang kunwari ay kukuha ng maiinom, nahuli naman ako ng gobernador sa akto at dinaanan niya lang ako sabay upo sa kanyang upuan.

"Paumahin Senyorita kung ako'y medyo natalagan sa akin ginawa, kahindik hindik lamang ang aking nakita na hanggang ngayon ay ikinakikilabot ng aking pakiramdam" sabi niya at ininom niyaang isang basong alak na nasa gilid niya.

Nakahinga naman ako ng maayos ng dahil ditto at palihim akong napangiti dahil napagtagumpayan ko ang pakay ko ng hindi nils nahuhuli.

"Nasaan na nga ba tayo?" tanong niya

"Nandito po sa loob ng opisina"

"Ano 'yon?"

"este! Naudlot tayo sa sinabi niyong ipaliliwanag niyo sa mga prayle ang nais na imungkahi ni Ina"

Nagpatuloy kami sa walang saysay na pagpupulong hanggang sa kami ay inabot ng isang oras sa paguusap, nang matapos kami ay biglang pumasok sa isipan ko sila Ina at Luciana na alila dito sa hacienda Montecillo.

"Iligtas ko na kaya sila Ina at Luciana?" bulong ko at bigla namang nagsalita si Gobernador Facundo.

"Ano iyon?" tanong niya.

"W-wala po gobernador ang sabi ko ay ipaliliwanag ko na lang kay Ina lahat ng ating pinagusapan" sagot ko at napatango tango na lang siya, ano bay an ayaw pa ba niya akong pauwiin? Baka mamaya sumablay pa ako at magkaroon pa ng gulo.

"Kung ganoon Senyorita Victoria, maraming salamat sa iyo at pakikumusta na lang ako sa iyong ina, sa ngayon ayon lamang munang tinalakay natin ang pagtuunan natin ng pansin" sabi ng gobernador at tumayo na at pati na rin ako.

Sa pagtayo ko'y kinabahan ako dahil biglang kumalansin sa bulsa ko 'yong lalagyanang baul na maliit at napahinto si Gobernador Facundo ng marinig ito.

"Ano iyon?" at lalo akong kinabahan ng tumunog pa ito "Sa iyo ba 'yon Senyorita?" tanong niya at hindi ako kaagad nakasagot sa kanya.

"H-hindi po gobernador" medyo utal kong sabi at napatingin siya sa paanan niya at nakahinga ako ng maluwang.

"Nasanggi lang pala ng aking paa" sabi niya at patago kong hinawakan ang bulsa ko para hindi kumalansing ang ingay.

"Mauuna na ako Gobernador Facundo maraming salamat sa oras hanggang sa muli" sabi ko at nakipag kamay ako sa kanya at nag aabang ang isang guardia sibil sa likod ko para ihatid ako palabas.

"Guardia pakihatid si Senyorita Victoria sa labas ng mansyon" utos ng goberador at yumuko ito sa kanya bilang paggalang.

Lumabas na ako ng opisina at malapit na ako sa pinto ng may nakita akong babae na naglilinis ng lapag at sa nasa gilid niya ang sang maliit na balde na may tubig.

Nagkatinginan kaming dalawa ng babae at hindi ko maiwasan na malungkot dahil si Ina ito na siyang Donya at may ari ng hacienda na ito, na ngayon ay isa n alamang hamak na utusan ng mga Mondragon.

Gulat ako ng bigla niya akong ngitian at agad siyang umiwas sa akin baka mapagalitana siya kapag nakita siyang nakahinto sa trabaho, kailangan ko na talaga iligtas si Ina at Luciana hindi ko na maatim kapag nakikita ko silang naghihirap ditto, hindi sila karapatdapat maging alila.

Sumakay na ako ng karwahe at kilala ko ang kutsero kaya naman aking binulungan ito na may plano kaming gagawin at pumayag naman siya, umandar na palabas ang karwahe at habang palayo ako'y hindi inalis ang tigin ko kay Ina hanggang sa dumaan siya sa na paniguradong doon naman siya maglilinis.

----------------------------

Sa hindi kalayuan ng hacienda pinahinto ko sa isang punong Malaki ang kwarwahe at madilim ditto kaya hindi naman kami kapansin pansin, bumaba ako at may hinabilin pa ako sa kutsero.

"Hintayin mo lamang kami at kung may magtanong ano ang ginagawa mo dito, may hinihintay kang amo nauunawaan mob a?" sabi ko sa kanya

"Opo Senyorita Victoria" tugoin niya sa akin at nagmadali akong maglakad papunta sa liblib na bakod ng hacienda upang doon makapasok ng lihim.

Madilim na at nakasisiguro ako na mas marami pang guardia sibil na magkakalat bilang seguridad sa buong hacienda at titiyakin nila na walang rebeldeng makapapasok sa oob para bantaan ang gobernador.

Dahil kabisado ko ang bawat daan papasok sa hacienda ay sa lihim na lagusan ako pumasok at salamat naman wala bantay dito, nagtago muna ako ng ilang segundo at sinipat ang kapaligiran may nakita akong tulog na mga guardia sibil at ang ilan sa mga manggagawa ay patuloy ang trabaho kahit gabi na.

Nagtungo ako sa malapit sa bodega kung saan natutulog ang mga trabahador ng hacienda, palabas pa lamang ako ng tinataguan ko may biglang sumulpot na guardia sibil kaya naman napatago ako bigla at kinakabahn ng todo.

"Muntikan na 'yon" bulong ko sa sarili ko at ng wala ng rumorondang mga guardia ay lumabas na ako at patakbong pumunta sa tulugan ng mga trabahador.

Pagkarating ko, sakto walang mga guardia sibil dito kaya makakikilos ako ng maayos at bukas ang isang bintana kaya naman sumilip ako dito at nakita ko sa ina na nakaupo at nayayuko ang mukha sa lamesa, halatang halata sa itsura ang pagod sa trabaho maghapon, mag-isa lag siya ditto kaya naman tinawag ko ng mahina.

"Donya Catalina!" bulong ko na maririnig niya pero mukhang tulog yata siya at hindi ako maririnig.

"Donya Catalina gumising ka!" medyo malakas na sabi ko pero hindi pa rin siya nagising kaya naman nakkita ako ng palanggana at inabot ko ito para ibagsak at makalikha ng ingay.

"Ayaw mong gumising ah, tignan natin kung hindi ka pa magising dito" bulong ko at inabot ko ang palanggana sa abot ng makakaya ko at sinaggi koi to sabay laglag sa lapag.

"Por dios santo que barbaridad!" biglang nagising sa gulat si Ina at kaagad siyang napatingin sa palanggana "Paano ka namang nahulog?" nagtataka niyang tanong at tinawag ko na siya dito.

"Donya Catalina!" tawag ko sa kanya at napaharap naman siya sa kung saan niya ito narinig.

"Ikaw?" sabi niya at nilapitan niya ako agad at pinigilan ko na hindi maiyak dahil nasa harap ko na uli ang tinuring kong nanay sa panahon na ito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin at nakakngiti siya ng makita ako

"Donya Catalina, itatakas ko na po kayo ngayon din kaya sumama na kayo ni Luciana sa akin" sabi ko sa kanya at napahawak naman siya sa kanya dibdib at mukhang tatanggi pa siya sa gusto ko.

"Hindi maari, natatakot ako baka tayo'y mahuli ng mga guardia sibil" sabi niya sa akin.

"Donya, huwag po kayong matakot ako ang bahala sa inyo hindi ko kayo pababayaan, hindi ko masikmura na kayo ang dating may ari nitong hacienda pagkatapos isa na rin kayo sa mga alila? Hindi po makatarungan iyon kaya sumama na po kayo sa akin nakikiusap ako" pagkumbinsi ko sa kanya at napahinga pa siya ng malalim.

"Hindi kita kilala Binibini ngunit napakabuti ng iyong kalooban at nais ngunit kung ako'y tatakas ngayon maiiwan ang aking anak na si Luciana na ngayon ay nasa simbahan dahil doon siya naninilbihan kay Padre Velasco" sabi niya at nanlaki ang mata ko.

"Ano!?" gulat kong sabi "Hindi siya ligtas sa prayle na 'yon nakatitiyak akong pinagmamalupitan lamang siya kaya Donya Catalina sumama na kayo sa akin at ating susunduin si Luciana" sabi ko sa kanya at hinawakan ko na ang kamay niya para sumampa siya dito sa bintana.

"Sige na pumapayag na ako, kukunin ko lamang ang mga gamit ko kaya bigyan mo ako ng ilang sandali" sabi ni Ina at nagmadali siyang ligpitin ang mga gamit niya at isinilid sa isang bayong "Handa na ako" sabi niya at iniabot niya sa akin ang gamit niya at tinulungan ko siyang makatawid dito sa bintana.

Nnag ayos na ang lahat, dumaan kami sa lihim na lagusan na pinasukan ko kanina at kaagad kaming sumakay ng karwahe.

"Uuwi na po ba tayo Senyorita?" tanong ng kutsero.

"Hindi pa, nais kong dumaan muna tayo sa simbahan ng santa clara ngayo din at magmadali ka" uto sko sa kutsero.

"Masusunod po" sabi nito at kaagad namang umandar ang karwahe, nakahinga naman ako ng mluwang ng dahil dito salamat at ligtas na si Ina sa mga kamay ng Mondragon.

"Victoria pala ang iyong pangalan?" salita ni Ina at hindi niya talaga ako makilala dahil sa soot ko at nakamaskara ako "Saang lugar ka nanggaling at naiiba ang iyong kasuotan?" tanong niya.

"Voctpria Avellanada ang aking pangalan anak ni Donya Crecensia Avellanada, buhat an gaming pamilya galing sa eurpoa sa bansang inglatera at karamihan sa mga dilag doon sa amin ay ganito ang pananamit kaya nasanay na ang aking katawan na ganito ang kasuotan" sagot ko sa kanya.

"Ganoon ba, maraming salamat nga pala sa iyong pagligtas isang malaking utang na loob ko sa iyo ito at nakatataba lamang ng puso dahil hindi mo ako kilala ngunit nafgawa mo akong iligtas sa kamay ng mga mapang abusing kamay ng mga Mondragon" sabi pa niya at napansin ko na para ba siyang maiiyak kaya naman kaagad ko siyang niyakap, hindi niya ito inasahan kaya naman napayakap na rin sa akin si Ina.

"Ayaw ko lamang na may nakikitang pinahihirapan ng walang sapat na dahilan kaya ko iyon ginawa, dahil sa amin sa inglatera ay hindi ganito ang trato sa mga tao tinatrato sila ng makatao at hindi hayop" sabi ko kay Ina at dahil dito ay palihim akong naluha at hindi naman niya ito mapapansin dahil nakamaskara ako.

Napabitaw ako ng yakap sa kanya at umiwas ng tingin, matagal akong nangulila kay Ina at ngayon nayakap ko na uli siya'y hindi ko mapigilan ang saya na aking nadarama.

------------------------

Sa hindi kalayuan sa likod ng simbahan ay doon kami huminto at bumaba ako para hanapin si Luciana na paniguradong pinagbubuhatan na ng kamay ni Padre Velasco.

"Magiingat ka Victoria" sabi ni Ina sa akin at tumango na lamang ako, dala dala ang isnag pistol sa akin tagiliran at maliit na kutsilyo de tiklop at nagmadali akong maglakad papasok ng simbahan, kapag sinuswerte ako dahil nakaawang ang pinto papasok dito kaya naman agad kong pinasok ito at pagpasok ko sa loob ay lalong madilim na nakakikilabot ang presensya.

Hindi ako nagpadaig dito at nagpatuloy lang ako sa pagpasok sa loob, dahan dahan upang hindi ako mahuli ng kung sino man, nandito na ako sa loob ng kusina ng kumbento hindi ko kabisado kung ano ang lugar dito sa loob ngunit mag iingat na lang ako at sana walang makahuli sa akin.

"Nasaan na ba si Luciana?" bulong ko at hindi ako makilos ng maayos dahil baka mamaya may masalubong akong taga rito at magtaka kung sino ako at bigla na lang magtawag ng guardia sibil.

"Padre huwag po!" rinig kong sigaw ng isang babae sa hindi kalayuan, napakunot noo ako at nakilala kung sino ito.

"Luciana!?" sabi ko at agad kong sinundan kung saan ko nariig ang sigaw na iyon.

"Padre Velasco huwag po, ayaw ko na po nasasaktan na ako" rinig ko pa at sinundan ito ng isang malakas na sigaw.

"Luciana nasaan ka!?" sigaw ko at dinala ako ng mga paa ko sa ikaapat napalapag ng kumbento ng simbahan at binuksan ang ilan sa mga pinto ngunit wala, pero may isang pinto na nakaawang at may liwanag mula dito.

"Tama na po Padre sobrang sakit na apo ng ginagawa niyo sa akin" rinig ko pa at sigurado akong si Luciana ito. "Tulungan niyo ak—" at narinig ko na napatigil ito sa pag sigaw si Luciana at ng silipin ko ang pinto nanlaki ang mata ng masaksihan kong ginagaha ni Padre Velasco si Luciana.

"Demonyo!" sigaw ko at sinipa ko ang pinto, agad naman napatingin sa akin si Padre velasco at nakataas ang kanyang abito habang may ginagawa siyang karumaldumal kay Luciana.

Napabitaw naman si Padre Velasco kay Luciana at si Luciana naman ay nakatuwad habang nakababa ang kanyang saya at kita ko na ang kanyang pagkababae at pwetan na bahagi, nakatali ang kanyang kamay sa higaan at ang bibig niyang napapiring kaya hindi na siya makapagsalita, halata sa mukha ni Luciana ang kanyang hirap na pinagdaraanan ndito kahit hindi siya magsalita.

"Demonyo kang pari ka lumayo ka sa kanya!" pagbabanta ko sa kanya at tinutuka ko siya ng pistolang kabubunot ko lamang sa aking tagiliran.

"Por dios santo que barbaridad!" gulantang niyang salita at inayos niya ang kanyang sarili at binaba ang kanyang abito na kanina'y nakataas dahil may ginagawa siya kababuyan kay Luciana.

"Napakawalang hiya mo Padre Velasco, paano mo naatim na pagsamantalahan ang isang inosenteng kagaya ni Luciana, napakababoy mo!" galit na galit kong sabi sa kanya at gustong gutso ko na siyang barilin at patayin ng dahil sa nasaksihan ko.

Hindi ko napigilan na hinid maging emosyonal ng dahil sa nakikita ko kay Luciana.

"Babae kung sino ka man, ibaba mo iyang hawak mong baril matakot ka sa diyos huwag mong dungisan ang iyong kamay!" sabi niya sa akin at lalo kong itinutok sa kanya 'yong baril tinakpan naman ng kanyang kamay ang mukha niya sa takot.

"Palagi niyo na lang kaming sinasaktan at inaapi, minamaliit at pinaglulugmukan sa ibaba, hindi na kayo naawa puro na lang sariling interes ang inyng pinaiiral, kaya dapat pagbayaran mo lahat ng iyong ginawang kasalanan!"

"Madre de dios!" at inambahan ko uli siya na babarilin ngunit huwag muna kailangan ko muna siya sampalin ng katotohanan.

"Ako ang iyong kura paroko, kura paroko ng bayan na ito gumagabay sa mga mamayan para ang tuwid na daana ng kanilang tahakin sa buhay, matakot ka babae sa iyong gagawin isang malaking kasalanan iyan hindi lang sa batas kundi sa mata ng diyos" babala niya sa akin pero hindi ko ito pinansin at kinasa ang baril "Matakot ka sa diyos! Respetuhin moa ng kanyang alagad!" ani pa niya

"Manahimik ka! Nanampalataya ako sa Diyos ngunit hindi ko hahayaan na habang buhay mong gagamitin ang kanyang pangalan niya sa iyong mga katiwalian" gigil kong wika sa kanya "Lalaki, babae, bata, matanda, maski katawan at kaluluwa ay inyong kinakamkam wala kayong pinipili basta't inyong sasagasaan at pagmalupitan ay ganoon na lamang, kaya ngayon hindi ko na palalagpasin ang kahayupang nasaksihan ko, patawarin ako ng diyos ngunit sagad na sagad na dugo ko sa mga katulad mong pinapamukha na kami ay mahina, dahil hangga't kami ay mahina ay patuloy niyong yuyurakan an gamin pagkatao kaya tama na at kailangan ng tuldukan ang iyong pagmamalupit sa iyong kapwa!" napasigaw ako s ahuli kong salita at bago ko maiputok ang baril ay nakahawak sya ng isang librong Malaki at kanya itong ibinato sa akin.

"Hijo de puta! " sabi niyang maibato niya sa akin ang libro, tumama ito sa mukha ko kaya naman nabitawan ko ang pistoling hawak ko at nagawa niyang tumakbo palabas ng kwarto.

"Bumalik ka ditong demonyo ka!" sigaw ko sa kanya at napahaak ako sa aking pisngo dahil para ang sinuntok sa lakas ng magkakabato ng libro sa akin, pinulot ko 'yong baril at sinundan ko palabas ng kwarto si Padrte Velasco.

"Dios mio, por pavor layuan mo ako demonio!" sigaw pa ni Padre Velasco at hinawakan ko ang palda ko para makatakbo ng mabilis at kaagad ko siyang inabutan at hinila ang kanyang hood kaya naman napatumba siya.

"Mierda!" sabi niya at nakipag-agawan siya sa akin ng baril.

"Sumapin ka ng diyos babae sapagkat sa iyong gagawin masususnog sa dagat na apoy ng impyerno ang iyong kaluluwa!" singhal niya sa akin at pilit niya pa rin na inaagaw sa akin ang baril na hawak ko at ngayon pumaibabaw na siya sa akin at nakaramdam ako ng kaba ng maitutok niya sa akin ito.

"Ikaw ang sumpain ng diyos, masahol ka pa sa hayop!" at pakiramdam ko isa na akong tigre ng dahil sa galit na nararamdam ko sa kanya.

Naitulak ko siya ng malakas at hawak ko pa rin ang baril babarilin ko na sana siya kaso nahawakan na anman niya ang kamay ko at nag agawan kami a brail, hanggang sa dalhin kami ng mga paa naming sa bintana at npatingin ako sa labas at nalula ako sa taas.

Dahil lalaki si Padre Velasco at nagawa niya diinan ang kamay ko at sinadya siya ihampa sa bintana ng ilang beses kaya naman nabitawan ko ang baril at nalaglag sa labas ng bintana.

"Herehe!" galit niyang sabi at sinampal niya ako ng malakas at dahil dito'y tumilapon ang maskarang soot ko at nanlaki ang mata niya ng makita niya ang mukha ko.

"Catherina Montecillo!?" sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ako nga Padre Velasco" sabi niya at sinugod niya ako at sinakal niya ako sa leeg.

"Tama ang aking kutob na buhay ka pa, bakit hindi ka pa namatay!?" sabi niya at diniinan pa niya ang sakal niya sa leeg ko, halos hindi na ako makahinga ng dahil sa ginagawa niya kaya naman hindi na ako nagdalaang isip sa susunod kong ginawa.

"P-patawarin nawa ako ng poong maykapal sa aking gagawin!" nahihirapan kong sabi at kaagad ko siyang sinaksak sa kanyan tagiliran gamit ang maliit na kutsilyong de tiklop na binunot ko sa akin tagiliran.

Hindi niya inasahan iyon kaya naman napabitaw siya sa akin, agad akong dumistansya sa kanya at napatingin sa kamay at kutsilyo kong may bahid ng dugo niya, napahawak naman siya sa kanyang tagiliran ngunit malakas lakas pa siya kaya naman sinugod pa niya ako.

Muntikan na niya akong sugurin uli ngunit dahil nakaiwas ako ay nagulantang ako ng mahulog siya sa bintana sa labas at bumagsak siya sa batuhan, ilang segundo akong napatitig sa kanya at napabuntong hininga dahil napatay ko ang isang padre na siyang kura paroko ng bayan na ito.

Kaagad namang may nakakita kay Padre Velasco at sumigaw ng tulong.

"Tulong si Padre Velasco! Mga guardia sibil tulong!" sigaw ng isang lalaki at dahil dito ay nagkatinginan kami ng lalaki at panigurado akong hindi naman niya ako mamumukhaan dahil madilim.

Nakaramdam na ako ng takot kaya naman kaagad kong pinulot ang maskara ko at binalikan si Luciana sa kwarto para siya'y kalagan at makaalis na kami bago pa man may makakita sa amin.

"Kailangan na natin umalis dito!" sabi ko kay Luciana at inalis ko ang tali sa bibig niya at nakita kong may mga pasa siya sa balikat at sugat sa mukha, bakas na labia ng pagmamaltrato na kanyang natamo kay Padre Velasco.

Inayos ko ang kanyang saying at kahit na hinang hina siya'y tinulungan niya ang kanyang sarili, kinalagan ko na nag kamay niya at inalis ang tali.

"Kilala kitra kung sino ka man ay nagpapasalamat ako sa iyo" sabvi ni Luciana.

"Mamaya ka na magsalita Luciana kailangan na natin maka alis dito bago pa man nila tayo makita" nakarinig na kami ng ilang tao sa labas at paniguradong may mga guardia sibil nan a paakyat dito kaya naman lumabas na kami ng kwarto at pababa n asana kami ng hagdanan ng makrinig kami na parang may paakyat.

"Sa itaas baka nandoon pa bilisan niyo!" wika ng isang lalaki at napabalik kami dahil mahuhuli nila kami, rinig na rinig ko ang yabag ng kanilang mga paa paakyat kung saan kami.

"Dito tayo dumaan may lihim na hagdanan para makababa agad" sabi ni Luciana at hinawakan niya ang kamay ko at bumalik kami sa loob ng kwarto at bago niya ituro ang lihim na daan ay kinandado niya muna ang kwarto at doon sa loob ng aparador na malaki ay may lihim na hagdanan, masikip ito at limitado ang galaw.

Bago tuluyang masira ng mga guardia sibil ang pinto ng kwarto ay nakababa na kami, may ilan na maliliit na bintana dito at napasilip ako, nakita ko na pinagkakaguluhan na si Padre Velasco, ng makababa na kami ng tuluyan ay tagos nito sa may lugar kung saan nangungumpisal ang tao sa pari.

Madilim at nakita kong nakabukas ang isang binate kaya naman doon kami lumabas, nadapa pa si Luciana dahil nanghihihna siya pero nakatayo naman din siya agad.

Nakatitiyak ako na isang kagimbal gimbal na balita ang kakalat sa buong bayan ng Santa Clara bukas, ngunit sa ngayon kailangan ko munang iligtas sila Ina at Luciana.

-------------------------

Hanggang dito lang muna ang kabanata na ito at subaybayan nito dahil malapit ng matapos ito promise kaunting hinga na lang, tutuldukan ko na kung ano ang kahihinatnan nila Catherina at Crisostomo kaya stay tune lang aking mga Manlalakbay (Travellers).

Salamat sa mga nagbabasa at sumusuporta sana suportahan niyo din next story ko na ang title is "Margaret (Unable to Stay, Unwilling to Leave" about world war 2 siya kaso sa Londn United Kingdom which is kalaban mga german sila hitler kaya abang abang lang hahaha.

Mahal ko kayo 

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 27.3K 82
© 2012 by iammejlyn Isang katagang laging nasa isipan ni Clarence na naging second leader ng Ichisan dahil sa naranasan niyang panggagahasa ng dati n...
210K 12.3K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
8.4M 33.8K 8
This is my first story. Don't expect too much. Marami pong grammatical error at mga typo. Salamat. 😊 *** Highest ranking achieved: #1 in Fantasy By:...
40K 1.7K 50
Nabubuhay tayo sa kasalukuyan dahil ito ang ating dapat kalagyan. Gumawa man tayo ng paraan ay hindi natin mababago ang nakaraan. Ngunit nang dahil s...