We Were (We Series #1)

By baeretta

13.1K 3.5K 2.4K

[ EDITING ] Maria Aileen Ayala was just living her life as she wishes it to be. She was clear with her ambiti... More

We Were
Prologue
01
02
03
04
05
07
08
09
10

06

543 290 154
By baeretta


"Hi, Kuya!" Bati ko agad pagkasagot sa nag-vi-video call sa tablet ko. "Kailan ka uuwi? Miss you na," paglalambing ko pa sa kanya.


"Luh! Pasweet ka? Kulang allowance mo?" Imbis na batiin niya rin ako, nambara lang siya. Ngumuso na lang ako at hindi siya sinagot. Tumawa naman siya sa kabilang linya. "De joke lang! Syempre miss na kita, tumawag nga ako 'di ba?" Sabi niya at tinaas-baba pa ang kilay niya. Ngumiti naman ako.


"Dapat samakalawa na 'ko uuwi but something really important came up eh. Baka madelay," pagpapaliwanag niya sa'kin kaya tumango-tango lang rin ako.


"Kumusta ka naman d'yan? How's school? Kamusta ka r'yan sa condo?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya kaya sunod-sunod din ang pagsagot ko sa kanya. Nakikinig lang din siya sa 'kin.


"Hindi mo ba kukumustahin sila Daddy?" Tanong ko. Nawala naman ang ngiti ni Kuya at parang nag-iba agad ang mood niya. 


"Maria, alam mo namang I don't like your father," seryosong sagot niya, ngumisi pa siya. Nalungkot naman ako roon kahit naiintindihan ko kung bakit siya ganyan.



"Anong my father eh tatay nating dalawa 'yon! Our father!" Pagsita ko kay Kuya, i-deny ba naman ang Daddy!


"Oh edi our father, ama natin. Sumasalangit siya." Kahit pabulong niyang sinabi ang panghuli ay narinig ko pa rin 'yon. Hindi ko alam kung matatawa ba 'ko o hindi. Parang 50/50 na 'ko sa langit dahil kay Kuya.


"Kuya!" Pagsita ko ulit sa kanya pero inirapan niya lang ako. "Oh siya siya, may gagawin pa 'ko. Ingat ka r'yan! Ikumusta mo nalang ako kay Mommy," aniya.


"You too! Love you!" Pagpapaalam ko sa kanya. Nag--flying kiss pa 'ko sa screen pero nag-make face lang siya na parang nasusuka. Tumawa pa siya bago binaba ang tawag. Attitude! Parang si Iver lang.


That's my brother, Orville. 


Oh, wait... 


Half-brother. Magkapatid lang kami sa nanay. 


Yes, hindi niya totoong ama ang Daddy pero tatay niya pa rin 'yon kasi doon naman siya kanila Mommy at Daddy lumaki. Kahit noong wala pa ako, si Kuya talaga ang tinuring na first born ng pamilya kahit hindi siya totoong anak ni Daddy. Ayala ang dinadalang apilyedo ni Kuya kaya walang ibang nakakaalam na hindi siya totoong anak ng tatay ko.


He hates our father, though. He hates him so much simula pagkabata. Our father doesn't like him, as well. Kahit pinalaki niya si Kuya, naging malupit siya rito. He controlled my brother's life. Pinag-aral niya nga si Kuya pero pinilit niya 'to sa kursong kinuha para makapagtrabaho sa kumpanya.


My brother didn't have any choice. Kahit si Mommy, walang magawa. Malupit kasi si Daddy, maliban nalang siguro sa'kin.


Parang buong buhay ni Kuya ay kontrolado ni Daddy. 'Di ko alam pero parang pinaparanas ni Daddy 'yung mga naranasan niya noon. Tulad ng nangyari sa kanila ni Mommy, pinakasal niya si Kuya sa babaeng hindi niya mahal. Oo, ewan, 21st century na pero may arranged marriage pa rin. Again, in the name of business.


Kaya ayon, naiintidihan ko si Kuya kung bakit ayaw niya kay Daddy. Pero kahit papaano, umaasa pa rin ako na isang araw ay magiging maayos din ang pakikitungo nila sa isa't-isa.


Sunday ngayon at wala akong magawa at wala rin naman akong gagawing requirements sa school kasi katatapos lang ng exam.


Kaya rin siguro wala pa masyadong pinapagawa ang teachers namin kasi InterLasalle na next week. Sports event 'yon na puro Lasallians lang din ang magkakalaban. Ibig sabihin, pupunta dito ang athletes from other La Salle schools next week kasi dito sa campus namin gaganapin ang event. 


OMG! Makahanap nga ng gwapong taga Taft. Char! Hahaha. May klase pa rin kaming mga hindi athlete 'no!


Nakatunganga lang ako rito sa sala kaya pinaandar ko na lang ang TV para at least may background noise dito. Ang tahimik kasi!


Pagkabukas ko ng TV, bumungad agad 'yung trailer ng movie na pinanood namin ni Iver. Naalala ko naman siya. Kumusta na kaya 'yon? Wala akong narinig tungkol sa kanya o mula sa kanya after that night.


Kinuha ko ang phone ko at inopen ang Instagram. Madaming notifications pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Speaking of the devil.


not.oliver followed you.


Napangisi ako nang mabasa ko 'yon. Finollow back ko naman siya pero hindi ko tiningnan ang posts niya. Instead, minessage ko siya.


a.ayala: mabuti naman at finollow mo na rin ako after mo akong istory


Pinaalala ko pa sa kanya 'yung pagstory niya sa'kin noong birthday niya. Ilang minuto lang ay nagreply siya kaagad.


not.oliver: hello ma'am wala po kaming binebentang kambing


Pinagsasabi nito? Kumunot ang noo ko pero nawala rin agad nang mapagpasyahang sabayan na lang ang pang-aasar niya.


a.ayala: ah, pero may binebenta kayong gago?

not.oliver: sinong gago ma'am? wala na po kaming gago rito. out of stock po eh.


Napairap na lang ako sa kawalan.


a.ayala: ay ganun ba, bilhin ko sana eh


not.oliver: ay ako pala ma'am gago pala ako, available!!! COD ma'am!!!


a.ayala: HAHAHAHAHAHAHA


'Di ko mapigilan ang tawa ko kaya tumatawa rin ako habang nag-ta-type. Parang tanga talaga kausap si Iver.


not.oliver: yieee nag chat. miss mo ko no?


a.ayala: HA


not.oliver: HAMBORGIR WITH CHEESE AND ITLOG WITH EGG


Oh 'di ba? Wala talagang kwenta kausap eh.


Hindi na ako nag-reply at nanuod na lang ng TV. Hindi nagtagal ay nag-vibrate ulit ang phone ko. Kinuha ko naman 'to at tiningnan kung anong nakalagay doon.


not.oliver mentioned you in a story.


Tiningnan ko naman 'yon at nagplay ang isang clip sa IG story na. May background music at steady lang ang camera, nakatutok lang sa binti nya, nasa kama yata siya tapos kita sa background ang cabinet. 'Yung username ko naman na nakamention, nasa tabi lang ng binti niya, may malaking space doon.


Umuwi ka na baby, hindi na ako sanay ng wala ka...


Hanggang doon lang ang video kaya napakunot ang noo ko. Aba! Parang ganito din 'yung story niya noong birthday niya ah. Ang difference lang ay wala ang binti ko r'yan at may background music.


Nagreply ako sa story niya.


a.ayala: ???


oliver: balik kana dito


So alam niyang wala ako roon sa condo?


a.ayala: bat mo alam na wala ako jan? ang creepy mo


not.oliver: wow makajudge? kita ko lang sa story mo duhhh


May emoji pa 'yan na 'yung naka look up na parang nag-ro-roll eyes. Bukod sa naririnig ko ang boses niya, na-i-imagine ko ang mukha niya ngayon!


Oo nga pala. Nagstory pala ako kanina, may gif pang nakalagay na 'home.'


a.ayala: bat may pamention ka jan?


not.oliver: kasi miss ko na


Hindi agad ako nagreply kasi typing pa siya pero na-curious ako sa huling reply niya. Anong miss? Ako?


not.oliver: miss ko na damit ko. baka naman gusto mong ibalik? gagamitin ko yun sa presentation bukas


Ay hindi pala ako. Napasinghap naman ako nang maalala ang dress shirt niya. Hindi ko pa pala nasasauli 'yon!


Hindi na 'ko nag-reply sa kanya. Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nagligpit. Hindi ko na hihintaying makauwi sina Mommy at baka gabihin pa 'yon. Babalik na lang ako sa condo.


Pagkatapos kong magligpit ay pinaalam ko sa mga kasambahay na aalis na 'ko.


"Here it is," sabi ko pagkakita sa dress shirt ni Iver na nakatupi sa closet. Kinuha ko rin ang handkerchief niya. Isasauli ko na rin 'to.


Inamoy ko pa. Mabango naman, amoy fabric conditioner pero hindi ako nakuntento sa bango kaya kinuha ko ang perfume ko at nag-spray sa dress shirt at panyo niya. Ayan! Amoy vanilla na!


Naglakad na 'ko papunta sa elevator at pinindot agad ang button papuntang 28th floor. Hindi ko maalala kung ano ang unit number niya kaya nag-message ako sa kanya sa IG.


a.ayala: unit number?


not.oliver: ay hala ma'am akala ko po COD, bakit may pa pick up


Napairap na lang ako nang maintindihan ang tinutukoy niya. Hindi naman ako nag-order ng gago ah.


not.oliver: char 2815


'Di na ako nag-reply at hinintay na lang na magbukas ang elevator. Nang makaabot na sa 28th floor ay hinanap ko agad ang unit niya. Nag-doorbell ako at hindi ko inexpect na bubukas agad ang pinto. Bumungad naman si Iver na ngingiti-ngiti. Naka-white fitted shirt siya at pastel pink na sweatshorts.


"Hi! Special delivery!" Sabi ko sabay bigay ng gamit niya sa kanya. I can't help but sound happy. Ewan ko ba pero parang gumaan ang mood ko nang makita ko si Iver.


Tumawa naman siya at tinanggap ang mga 'yon. Inamoy niya pa 'to at niyakap. Para siyang batang binigyan ng teddy bear.


"Hmmm, na-miss kita!" Sabi pa niya sa dress shirt niya pero nakatingin siya sa'kin pagkasambit niya sa huling salita. Nakatingin lang din ako sa kanya.


Napansin niyang nakapatong pala ang panyo sa damit niya. Binigay niya 'to ulit sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"Bukas ko pa kailangan 'yan kaya bukas mo na ibalik hehe," sabi niya, napahawak pa sa batok.


Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka. Ba't naman? Andito na 'ko eh!


"Why?" Tanong ko sa kanya. "Why not?" Tanong niya pabalik.


Wala namang patutunguhan 'tong usapang 'to kaya tumango na lang ako at tinanggap ulit ang panyo niya.


Nagpaalam na rin ako para makaalis na.


"Huwag kang umabsent bukas ah! Kailangan ko 'yan!" Tukoy niya sa panyo niya habang naglalakad ako paalis.




"Wassup! Game namin mamaya, nood kayo ah!" Ani Liam nang mapadaan siya sa classroom. Naka-jersey siya kasi athlete at hindi siya kabilang sa klase ngayon. Monday ngayon at nagsimula na ang InterLasalle pero kaming hindi athletes, may class pa rin.


"Oo, ayusin niyo!" Sabi ni Cherry at nakipag-apir kami kay Liam bago 'to umalis.


Nandito kami ngayon sa classroom at naghihintay sa CI namin. May 3-hour class pa kami sa isang major bago kami maging free for today.


Dumating na ang CI namin at nagsimula nang mag-lecture. Nasa likod kami ni Cherry kasi hindi kami naka-alphabetical order sa class na 'to. Kitang-kita ko mula rito 'yung mga classmates kong nag-ce-cellphone. Mayroon ding patagong kumakain. Mayroon ding natutulog. 


Nakakatawa nga minsan kasi sa sobrang tahimik namin dito, ang maririnig lang ay ang boses ng CI namin at ang mga ballpen na naglalaglagan kasi nabibitawan ng mga classmates kong inaantok. Hindi ko naman sila masisisi kasi nakakaantok talaga ang subject na 'to, puro concepts at theories kasi ang dinidiscuss.


Nag-te-take down notes naman ako sa mga important points ng lesson. Actually, hindi nga kailangan eh kasi binibigay naman sa amin 'yung copy ng file na dinidiscuss ngayon sa screen pero nakasanayan ko na talagang mag jot down.


Ilang oras pa ay natapos din ang klase namin. Inaya agad ako ni Cherry na mag-CR at mag-ayos. Pagkatapos naming mag-freshen up ay nag-aya naman siyang pumunta sa may Coliseum dahil maraming stalls ng pagkain doon ngayon kasi may event.


Pagkadating namin doon ay halos malito kami ni Cherry kung anong kakainin namin sa dami ng pagpipilian. Either taga Taft ba or taga Benilde. Char!


Bumili ng shawarma wrap si Cherry at fries naman sa akin. Syempre, bumili rin kami ng milktea.


Nang maubos na namin ang shawarma at fries namin ay nag-aya na si Cherry na pumunta sa sports complex para manood ng game nila ni Liam. Football player 'yon kaya maraming nagkakandarapa roon.


Binitbit ko na lang ang milktea sa kamay ko habang naglalakad. Ganoon din naman si Cherry. Nang makarating kami sa oval ay puno ang grandstand! Paniguradong wala kaming mauupuan doon.


Naghihiyawan na ang mga tao kaya napatingin ako sa mga naglalaro. Nakikita ko roon si Liam na nagdedepensa kasi nasa kabilang team ang bola. De La Salle Zobel ang kalaban nila ngayon na naka-green jersey habang sila Liam naman ay naka puti.


Nag-attempt ang striker ng kabilang team na maka-goal pero nasalo iyon ng goal keeper nila Liam.


Napasinghap naman ako nang makilala ko ang keeper nila.


OMG! Si Iver? 


Football player si Iver?!


Pinoproseso ko pa sa sarili kong football player pala si Iver nang marinig ko ang buzzer at ang hiyawan ng mga tao. Tapos na. Kanina pa pala 'to nagsimula at 'yon lang ang naabutan namin.


Nagsialisan na ang mga tao at narinig ko pang 1-1 pala ang score. Tabla. Talo sana ang team ng school namin kung hindi na save ni Iver 'yung huling bola.


Pumunta kami kay Liam para i-congratulate siya. Nakipag-apir siya sa'min at sinubukan pang yumakap. Ngumuso siya nang lumayo ako at tumakbo naman si Cherry. Pawis na pawis kasi siya!


Napatingin naman ako sa gilid nang may tumawag sa'kin. Naghiyawan naman ang team mates nila.


"Yieeee, sana all!"


"Wow wow wow, ano 'yan? Jowa 'yan? Wala ako nyan ih."


"Coach oh, si Oli nagjojowa!"


Kahit naiilang ako ay natawa pa rin ako sa mga pinagsasasabi nila. 


Lumapit ako kay Iver at ngumiti naman siya sa'kin. Long sleeves ang jersey niya at black, iba sa team mates niya. Syempre, goal keeper siya. Hawak niya rin sa kaliwang kamay ang kanyang gloves.


"Oli," natatawang sabi ko. Ngumuso naman siya dahil doon. I gave him a small smile in return. 


"Nice save," sabi ko. Ngumiti na rin siya sa'kin at humawak pa sa batok niya na para bang nahihiya. Tumutulo pa ang pawis niya sa mukha.


"Dala mo panyo ko?" Tanong niya. Tumango-tango naman ako. Kinuha ko 'yon sa bag ko at binigay sa kanya. Tiningnan niya lang 'to.


"Masakit kasi kamay ko eh. Aray! Masakit!" Umarte pa siyang nasasaktan habang ginagalaw-galaw kuno ang kamay niya. Tinaasan ko siya ng kilay pero nagpatuloy lang siya sa pag-arte at pagpapaawa.


Bumuntong hininga na lang ako at pinunasan ang mukha niya gamit ang panyo. Ngumiti naman siya dahil doon kay diniinan ko ang pagpunas sa mukha niya na para bang nagpupunas sa mesa.


"Aray naman! Dahan-dahan naman!" Reklamo niya pa kaya napangisi ako at pinunasan na siya nang maayos. Naghiyawan na naman ang mga team mates niya.


"Liam, pawis din ako eh papunas din," rinig kong sabi ng isa.


"Ay halika dito anak, asan ba 'yung bimpo mo," tarantadong sagot ni Liam kaya nagtawanan silang lahat.


"Sabi mo may presentation ka ngayon? Eh 'di ba excused kayo whole week?" Sabi ko. Tumingin naman siya sakin.


"Oo nga," aniya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Eh bakit mo pinahatid sa'kin 'yung damit eh wala ka naman palang presentation? Pinabalik mo pa 'ko sa condo agad!" Sumbat ko kaya napatawa siya. Mariin niya akong tiningnan sa mata bago siya magsalita ulit.


"I just needed to see you yesterday. Pang-good luck."

______________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...