PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon...

By Zaenixx

800K 22.4K 2.4K

A/N: This story doesn't have matured content (such as making love), I just think that it doesn't suit the cha... More

INTRODUCTION
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
PLEASE READ
CHAPTER 34
WAKAS

CHAPTER 20

18.2K 555 47
By Zaenixx

CHAPTER 20







ILANG araw ang lumipas na dito na naninirahan si Kris.







Naga-adjust pa siya sa bagong tinitirahan ngunit nakakasabay naman dahil kahit paminsan-minsan ay nakikita namin siyang ngumingiti.







"Gavin, Sev, what are you doing here?" Napalingon ako nang magsalita si Klaus.







Nandito kami sa hardin habang nagluluto siya ng barbeque malapit sa pool kung saan kami nakaupo ni Kris. Nakalusong ang aming paa sa tubig ngunit ang atensyon ni Kris ay nasa psp na hawak niya.







"Wait, what am I doing here?" Nakita ko ang isang batang lalaki na may kasamang isa pang batang lalaki na nagtatakang inilibot ang paningin sa buong paligid.







Napunta ang kanyang paningin kay Kris na walang malay na naglalaro ng video games.








"Tito Klaus, you're the one who adopted Byul?" Tila hindi makapaniwalang tanong ng bata kay Klaus.







Sakto namang napalingon si Kris nang marinig ang boses ng bata at naningkit ang kanyang bilugang mata.







"Anong ginagawa niyo dito?" Wala sa sariling tanong ni Kris sa kanya.







"You know each other?" Tanong ni Klaus sa kanilang dalawa.







Tumango ang batang lalaki, "Yes, she's my friend——"







"Kelan pa?" Nagtatakang tanong ni Kris sa kanya.







Umikot ang mata ng batang lalaki kay Kris nang marinig ang sinabi nito.







"We always go to the orphanages to play with her, that's why we asked sister Trisha to give us the address of the man who adopted her and I didn't know that it was you, tito Klaus." Paliwanag niya.







Umirap si Kris, "Hindi tayo naglalaro, ginugulo niyo lang ako." Tugon niya.







"That's not true, we're playing video games sometimes." Sagot naman ng isa pang bata.







"Does your fathers know about this?" Tanong ni Klaus sa batang lalaki.







Tumango ito bago tinuro si Kris, "Can we go here to play with her, tito?" Tanong niyang muli.







Tumingin si Klaus kay Kris at pinukol ng nagtatanong na tingin, tila kinukunsulta muna niya kay Kris kung payag ito.







"Kapag humindi ako hindi ba sila pwedeng pumunta dito?" Tanong ni Kris pabalik.







"Of course, baby. It's your choice." Sagot ni Klaus.







Sumenyas ng iling si Kris kay Klaus kaya napanguso ang dalawang batang lalaki.







"Sorry, my princess said no." Nakangising wika ni Klaus sa dalawang bata.







"What? We played before!" Wika ng isang batang lalaki na medyo mas maliit kaysa sa isa.







"We'll bring video games, every game that you want." Wika ng mas matangkad ng kaunti.







Akmang tatalikod si Kris ngunit nang marinig ang sinabi ng batang lalaki ay napatigil siya at parang naninigurado ng tingin.







"Lahat?" Paninigurado ni Kris.







'Di makapaniwala akong napatingin sa kanya, "Baby, I can buy you a thousand piece of that." Bulong ni Klaus kay Kris.







"I'll bring even the limited edition one," panlaban naman ng bata muli.







"Sige." Tipid na tugon ni Kris na ikinatuwa ng dalawang bata.







Napakurap-kurap ako dahil sa pagtataka, 'yon pala ang kahinaan niya.







Pagkatapos ay tumalikod na si Kris upang maupo muli sa gilid ng swimming pool at sabay lusong ng paa sa may tubig.







Nakita ko kung paano tignan ng masama ni Klaus ang dalawang bata kaya natawa, "Umamin kayo, sino sa inyong dalawa ang pumoporma sa anak ko?" Tanong ni Klaus.







Agad na tinaas ng mas maliit na bata ang dalawa niyang kamay na tila sumusuko, "Definitely not me, tito Klaus." Tugon niya.







Nakita ko kung paano mag-iwas ng tingin ang mas matangkad.







"Sevastian, are you?" Paninigurado ni Klaus sa seryosong tono.







"Kris, baby... Pinopormahan ka ba ng isang 'to?" Tanong naman niya kay Kris.







Lumingon si Kris ng may ngiwi sa labi.







"Iww," Tugon niya.








Pinigilan ko ang sarili kong matawa nang makita ang reaksyon nila, "It's fine, Sev. Marami pang iba 'dyan," Pang-aasar ni Gavin habang tumatawa pa.







Nakita ko kung paano bumuka ang bibig ni Sev ng walang tunog na inilibas, "Fuck off." Aniya.







Tumayo si Kris at pumunta sa kinatatayuan ko, tinignan niya ako kaya nagtataka akong tumingin pabalik.







"Mama," Tila kinurot ang puso ko sa saya nang marinig ang tinawag niya sa akin, nakangiti akong yumuko upang magpantay kami.







"Ano 'yon?" Tanong ko.







"Gutom na." Nahihiya niyang wika sabay turo ng kanyang tiyan.







Natawa ako at tinapunan ng tingin si Klaus, nang makita niya ang senyas ko ay dali-dali siyang pumunta muli sa lutuan ng barbeque at kumuha ng isa upang ibigay kay Kris.







"Here, eat this." Bahagya pa siyang nag-squat upang mapantayan ang si Kris sabay bahagyang gulo ng buhok ni nang nakangiti.







Pagkatapos ay binigyan din ako ni Klaus upang kainin ko rin, "Tito, we're going now. Babalik na lang kami kapag may dala na kaming video games." Paalam ni Sev sa amin.







"Ipapahatid ko na kayo," sagot ni Klaus.







Umiling ang dalawa, "No need, we have someone who drove us here." Sagot niya.







Tumango si Klaus, "Good, be safe."






NANG makaalis ang dalawa ay tumingin si Klaus ng seryoso kay Kris.







"Beware of him, his dad is asshole." Pagbibigay babala ni Klaus sa kanya.







"Hindi ko siya gusto." Tugon nito.






Bahagyang tumawa si Klaus bago ginulo muli ang kanyang buhok, "Good, that's my girl..." Aniya.







Napailing na lamang ako sa dalawa at naupo sa lamesa, may nakapatong na laptop.






Tumitingin ako sa online ng mga damit na pwede kong bilhin kay Kris.






Pakiramdam ko kase ay hindi niya gusto yung mga dress na pinagbibili ni Klaus sa kanya, noong unang beses kong sinubukang ipasuot sa kanya ang mga 'yon lalo na yung kulay pink ay halos nakasibangot at walang pagkagusto sa mukha.





"What are you doing?" Tanong ni Klaus nang mapansin ang pagtipa ko sa laptop.





Sinipat ko si Kris na nilalaro si Skippy. Ang pusa na kulay itim na binili ni Klaus para sa aming dalawa ni Kris. Makapal at talagang itim na itim ang balahibo ni Skippy katulad ng buhok ni Kris na itim na itim rin.





"Pakiramdam ko kase ay hindi gusto ni Kris yung mga binili mo na mga damit, gusto ko siyang bilhan ng hoodie kase doon siya kumportable." Paliwanag ko.





Napatango-tango siya at tumabi sa akin, tinignan niya ang mga napili kong mga designs.





"Tingin mo magugustuhan niya 'yan?" Tanong ko.





Puro mga plain 'yon na itim at may mga tatak ng sikat na brand kung saan ko napiling bumili.





"I think so, Kris is the type of little girl who only wants plain things. I think she'll love that." Wika niya.





"Should we put an arcade at the third floor?" Suwestyon niya naman kaya napakunot ang aking noo sa sinabi niya.





"Huh? Bakit?" Pag-uusisa ko.





"She likes video games, and since she doesn't like to socialize with other kids, why don't we just put an arcade here in our house where she's the only one who can play?" Paliwanag niyang muli.





Saglit akong nag-isip upang siyasatin ang sinabi niya, "Hindi ba mas maganda kung may makisalamuha siya sa ibang bata? Baka lumaki siyang mag-isa kapag nasana——"





"Then let's make a new baby so she can have a sibling who can play with her." Putol niya sa sasabihin ko.





Agad na uminit ang aking pisnge nang dahil sa sinabi niya, wala pa sa plano ko ang pagbubuntis hanggang wala pa akong naaalala na kahit ano.





Umiling ako sa kanya kaya napasimangot siya, "Hangga't wala akong naaalala na kahit ano, hindi muna." Suway ko.





Hinaltak niya ako kaya napaupo ako sa kanyang kandungan, "You want me to be sad?" Tanong niya ng nakasimangot.





Umiling ako at tinuro si Kris, "May anak tayo oh," Wika ko.





Napatango-tango siya at siniksik ang mukha sa aking leeg na parang sinisingot ito.





Bahagya pa akong nakikiliti kaya hindi ko maiwasang hampasin siya sa braso, "Tumigil ka nga, baka makita tayo ni Kris." Suway ko.





Tumawa siya, "Our baby is a smart kid, she definitely know this so why bother?" Nakangising wika niya.





Sinamaan ko lamang siya ng tingin kaya tumawa siya at nagtaas ng dalawang kamay, "Okay, fine... I'll behave." Wika niya.





Hindi namin namalayan na nakalapit na pala sa amin si Kris habang bitbit si Skippy.





"Papa, gutom." Tinuro niya ang tiyan niya sabay turo rin ng tiyan ni Skippy.




Natawa si Klaus bago inabot ang isang barbeque na nasa lamesa, "Baby, Skippy can't eat that. She have her own meal so eat that by yourself." Wika ni Klaus.





Pinakatitigan ko si Kris at may napansin akong isang bagay na nawawala sa kanya.





"Kris, nasaan yung psp mo?" Tanong ko.





Nag-iwas ito ng tingin na parang nahihiya, 'di kalauna'y tinuro niya ang swimming pool kaya napatayo ako at tinungo ang pool.





Nakita ko sa ilalim ang psp niya na paniguradong hindi na gumagana dahil napasukan ng tubig ang loob.





"Nadulas sa kamay ko," Paliwanag ni Kris habang nakatingin sa lupa.





Napangiti ako at kinurot ang kanyang pisnge, "It's okay, bibilan ka na lang ulit ni papa." Tugon ko.





Sabay kaming tumingin kay Klaus na nagkibit-balikat, "If that's what makes my baby happy, why not?" Tugon niya.





Maliit na ngiti lamang ang sinukli ni Kris sa kanya.





Nang bumalik ako sa pwesto namin ko kanina ay binulungan ako ni Klaus, "Mana sa'yo..." Aniya.





Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang paghahanap ng mga damit ni Kris.






A/N: If you know Kenma, he's my inspiration in making Kris' personality. :))

Continue Reading

You'll Also Like

406K 8.6K 33
Raveah ValeJandre Alarcon, the only child. Madaling makuha ang lahat ng bagay na gugustihin niya dahil sa yaman na meron ang pamilya niya. Makukuha n...
2.1M 43.5K 36
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Bachelor Series Read at your own risk. Isang gabi ng kapusukan. Isang gabi ng sakripisyo. Ang...
957K 14.3K 38
Familiá Altamirano Series #1 Kelsea Maurice Altamirano, the firstborn of the prominent and wealthy Altamirano family, is the epitome of kindness, ele...
1M 35.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.