Deceive me, Love (Buenavista...

By Eishstories

151K 1.9K 1.2K

First book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Ma... More

Deceive me, Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 3

3.5K 62 21
By Eishstories

Chapter 3
Fancy


The crowd dissipated.

May ibang nanatili para makinig pa. Bigla akong nanlamig dahil siguro'y siya 'tong pinagtitilian last week sa tapat ng elementary. Iyong akala kong artista? Masasabi ko dahil sa masasakit na tingin na pinupukol ng iba sa akin ngayon.

Humiwalay ako sa pagkakahawak namin ng kamay.

"I found you," namamangha niyang sabi.

Umupo muna ako sa bench dahil nanghihina ang mga tuhod ko nangyari. Pilit kong kinakalma ang nagkukumahog na puso sa ideyang nahanap ko siya. And he said he found me?

That means...

His ashtonishment is clearly seen on his pretty face. Natatawa niyang binasa ang ibabang labi bago tumabi ng upo sa 'kin.

"Wow," I gave out a nervous laugh. "I found you as well?"

Hindi ko kayang tignan siya sa nang matagal dahil nakakalunod. Nakakalulala talaga ang mga mata niya.

"Hindi na kita nahanap pa pagkatapos ng gabing 'yon. Did you go after that night?" he asked.

So, tama naman pala ang hinanap niya ako pagkatapos ng gabing 'yon? I thought na nagdedeliryo lang ako at nag-i-imagine nang imposible. Sumilaw ang ngiti sa akin.

"Yes. Tapos na rin naman kami sa paglilibot kaya umuwi na rin." umayos ako ng upo.

"What do you take up here?" pag-iba niya sa topic.

"Ah, nursing." nanginginig masyado ang boses ko.

Natawa siya bahagya, siguro dahil tipid ang mga sagot ko sa kanya. "I thought I won't see you again,"

"Oo nga. I thought so too..."

Ang tipid akong magsalita kaya nakakapagtaka naman. Hindi ako ganito, I talk a lot but now I am freaking tongue-tied in front of him. Binaling ko sa langit ang tingin nang akmang may idadagdag siya. Mukhang uulan pa kaya tumayo na ako para umalis na lang.

"Pasensiya na pala paghablot ko kanina sa'yo. Desperado na kasi akong itaboy iyon paalis."

"And what else are you sorry for?" sumilaw ang ngiti sa labi niya.

Tumikhim ako at umusog ng upo lalo't ang lapit-lapit na pala namin sa isa't isa.

And what else I was sorry for? Shit... the kiss!

"A-And for the sudden kiss. I'm so sorry, I really had no choice. Hindi niya kasi ako titigilan kapag hindi ko ginawa ang halik kanina."

Range nodded. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nangingig na. Mabilis kong itinago ang kamay kaya niya inangat ang tingin sa akin.

Nervously, I cleared my throat.

"It's fine. No need to be sorry. Alam ko naman ang rason mo," aniya. "But can I see you around? This is a small campus, you know, and I like eating in coop."

Kumurap-kurap ako sa kanya lalo't 'di naman mahina ang utak ko para hindi malaman ang ibig niyang sabihin. Iba na 'to. Malapit kasi ang coop sa NB, tapat lang.

He likes me, huh?

"Uh... bahala ka kung ano ang gusto mong gawin,"

Umismid siya sa maldita kong sagot.

Nakita ko na iyon na rason para umalis na. Tumayo ako ng walang pasintabi. Nagulat siya bahagya. Wala naman akong maisip na idadagdag pa kaya nagkumahog na lang akong umalis. Mabilis ang lakad ko hanggang narating ang main gate at saka dali-daling pumasok ng jeep para umuwi.

What the actual hell just happened?

Kinakabahan ako lalo't alam kong malaking problema ang pagkahahablot ko kay Range, baka kasi may girlfriend pa iyon. Imagine the problem I bought myself, damn it.

Kinaumagahan, ikinuwento ko lahat kay Willow mula umpisa hanggang sa dulo ang nangyari kahapon. Lumaki lang ang mga mata niyang nang matapos akong magkuwento. Mangin siya'y 'di makapaniwala sa mga narinig.

Napatili siya.

"Sabi ko na nga bang dapat hindi ako umuwi, eh. Kung hindi siya maniniwala, e 'di magpapatunay akong boyfriend mo nga si Range! Pero, infairness, pasalamatan ko dapat si Connor na nag-eskandalo pa rito at saka pa lumabas iyang si Range," Willow's merry clap echoed towards the mini forest at her back.

Sa totoo nga, parang hinulog siya ng langit at sakto sa harapan ko kahapon. It was such a great timing, I must say.

"And you kissed him as well. Masarap?" Willow slightly squealed.

Sa totoo lang, hindi ko matandaan. Siguro dahil maraming nakikinuod? The feeling of the kiss was the last of my priority, but comparing it to my stupid ex, sobrang layo. Hindi ko maihahambing ang bilis ng tibok ng puso ko sa halik niya.

It was breathtaking.

"It was... fine," simpleng sagot ko.

She hissed my short answer. "Iyan na lang ang jowain mo dahil maganda naman ang kutob ko sa kanya. Iyong parang hinding-hindi ka lolokohin?"

Umikot ang mata ko lalo't binibigyan niya na naman ako ng rason para mas isipin si Range. "We don't even know the guy yet, Willow. Baka may girlfriend?"

"Wala 'yan. Ano ka ba?" gamit niya ang siguradong tono. "At kung meron bakit hindi ka niya tinulak papalayo? Bakit niya mas diniin ang halik, abir?"

Because the guy was just trying to help? Alam no'n na iyon ang iniyak ko ng manggahan kaya tutulong siyang muli. At sige ako assume dito na may ibig sabihin ang halik tapos wala naman pala talaga? But considering Willow's theory, sa laki ng katawan ni Range, mahahawi niya nga ako kung tutol siya sa halik. But he didn't. So it means...

Dalawang minors lang naman ang meron kami sa umaga at dahil tapos na kami sa ikalawang subject, mag-e-early lunch kami sa coop.

At kung tama nga ako sa napapansin, kanina pa ako pinagtitinginan ng lahat na tila ba alam nila ang ganap ko sa buhay. Makailang beses nang nagpapabalik-balik ng lakad ang iba't ibang grupo sa table namin. Okay lang naman pero kasi matalim nila akong tinitignan kapag napapadaan. Ang weird.

"Willow," slightly pulling the hem of her shirt.

"H-Huh?" babad siya sa online games kaya hindi niya ako tinignan.

"May dumi ba ako sa mukha?"

Bahagyang binaba ni Willow ang cellphone saka ako binalingan ng tingin. She quickly surveyed my face then shook her head.

"Wala naman. Bakit ba?"

Then why are they lurking around like I have dirt on my face? 'Di kaya...

Naglakas loob akong mag-angat ng tingin. Some groups stood from afar and were whispering while looking directly at me. Shit. Kalat na talaga siguro sa campus ang tungkol sa halik kahapon. Tama nga talaga siguro akong sikat si Range sa campus dahil kung hindi, bakit sila ganito kung makatingin? Iyong parang susugod na lang?

Bahagya kong kinuha ang atensyon ni Willow sa pagkurot sa braso niya. Tinignan niya rin ako sa wakas.

"Uh, maybe... it's about Range? Tinitignan kasi ako ng lahat. Kanina pa talaga.."

Umusog si Willow para bumulong pagkatapos niyang tinignan ang ibig kong sabihin. "Baka tama ka nga! Hayaan mo na 'yan. Paniguradong naiinggit sa'yo ang mga iyan,"

At this point, my decision to ignore Range is firm. Iiwasan ko ang lalaking iyon lalo't ayaw ko naman na maghakot ng atensyon gaya ngayon. And to be very honest, ang pangit ko para maging girlfriend niya. Like my audacity?

Back when he reached for my hand back in Guimaras, doon ko napagtanto na hindi siya basta-basta lang, maybe he's half or something? His features are foreign to me, or he might come from a Spanish ancestry for all I know. At ang guwapo niya para gamitin kong pantaboy lang kay Connor.

It was so stupid of me to even initiate the kiss. Parang kahit iyon hindi ko deserve.

At dahil hindi ko na nakakayanan ang mga nakikitingin, napagdesisyunan na naming umalis na lang. Natigilan lang nang lumapit ang grupo ng mga higher years ng CON sa lamesa namin. They look fresh on their white uniforms as they uninvitedly sat on our empty table.

Napaayos kami ng upo ni Willow ng wala sa oras.

"You are Saint, right?"

Familiar ako sa unang nagsalita, she's the CON's queen bee, halatang anak mayaman dahil sa pananamit. Even her silver watch screamed luxury to me. May apat siyang kasama na kagaya niya'y kuryoso sa akin.

"Y-Yes po," I replied.

Natawa sila saka nagsitanguan.

"And you are Range's lastest girlfriend, huh?" she widened her mouth fakely. "Oh.. my bad. I'm Alyssa, by the way." palahad niya ng palad ng may ngiti sa labi.

What do they want exactly?

"So tell us, saan kayo nagkakilalang dalawa?" Alyssa asked again when I refused to answer her first question.

"Sa Manggahan Festival nang nakaraang buwa-"

Hindi ko itinuloy ang pagpapaliwanag dahil bakit naman ako nagpapaliwanag? Kilala ba nila si Range kung makatanong sila? O baka isa sa kanila ang girlfriend kaya nila ako sinugod?

Kinabahan ako na naiisip ngayon.

"Oh..." all of them answered eventhough I was barely finished speaking.

"So bago pa lang kayo kung ganoon? Last month lang?" Alyssa, or whoever this girl is, nosily asked.

Tumango ako bilang sagot dahil wala rin naman akong alam na isasagot na gamit ang mga salita. I hope Range doesn't mind if I am tainting his name in a bad shape here. Baka kasi sabihin nilang sinungaling ako gayong hinalikan ako ng isa kahapon. Maghahanap ako ng tamang tiyempo para aminin ang totoo sa lahat para wala nang problema.

"Why?" ako na ang nagtanong sa grupo.

They all fakely laughed like they insinutiating what audacity I have to question them back.

Alyssa leaned forward to me. "Range is Range, you know. Nagtataka lang kami bakit kumalat na may girlfriend na raw. We just had to know ourselves, right, girls? You don't mind naman siguro?"

Range is Range? What does she mean by that?

"What do you mean about Range being Range?" medyo roon niya ako nahuli bigla.

She pursed her lips together. Tinignan pa ang grupo na para bang may sasabihin siyang sekreto sa akin.

She leaned to me more. "Range is mysterious, iyon lang naman. Throughout his his time here in the University, wala masyadong may alam sa buhay niya. It raises a lot of brows if a girlfriend news suddenly broke out, right? We have the right to be curious all of a sudden."

Really? So ako ngayon ang aabalahin nila para magtanong? Kung sobrang curious nila ay sana si Range ang abalahin nila ng tanong? Ba't ako pa? Or... hindi nila kayang tanungin iyon kasi takot din naman sila?

"My boyfriend is a very private per-"

"Or you don't know him either?" hamon ni Alyssa sa huli kaya ako natigilan.

Alyssa raised her brow.

Sa totoo lang, wala nga talaga akong alam kaya kahit baliktarin nila ako ay wala silang makukuha sa akin. Ni number nga wala ako no'n, personal information pa kaya? Pero kung sasabihin ko naman sa kanila 'yan, e 'di buking akong nagsisinungaling. Sinong girlfriend ang walang alam sa buhay ng boyfriend niya? Napakaimposible.

"We are new so it's given. Nangangapa pa rin naman kami sa isa't-isa."

They nodded at my white lie. Wala na akong maidadagdag pa patungkol kay Range.

"Did you get a chance to go to his house in Guimaras, then?" Alyssa asked out of nowhere, medyo pushy na masyado.

Siguro'y hinuhuli talaga ako kung nagsisingungaling nga ba ako. Umiling ako.

Girl, wala rin akong alam dito!

"No. Baka sa susunod pa,"

"Great! We are friend now, right, Saint? You can share it with us soon if you go there in the future.."

Bago pa ako makapagprotesta, nagsitayuan na ang lahat para umalis. Naiwan akong tulala sa kinauupuan, pati rin si Willow. Nakahinga ako sa wakas nang umalis ng tuluyan ang grupo.

"Masyadong pakialamera naman ang mga 'yon? Ano naman ngayon sa kanila? Kung tinatago ni Range ang buhay? Baka may dahilan naman kaya ba't pa pipiliting alamin?" Willow commented.

"Wala namang problema sa 'kin. Isa pa, wala silang makukuha dahil mangin ako ay walang number ni Range."

Inaamag talaga ako ng number niya. Hindi ko ulit nakuha dahil sa pagkataranta kahapon. Mabuti nga iyon hindi ba? If I really plan on ignoring him until the news of us dies down. Mabuting wala na kaming koneksyon pa.

Willow slightly pulled my hair snapping me out of my mind. "Dapat kasi ikaw na ang humingi sa susunod, Saint."

All afternoon, chemistry lab lang ang meron kami sa Rizal Hall, gilid lang ng NB. Mahigpit ang prof kaya matagal kaming matapos parati, overtime ulit. Mag-aalasais na ng gabi.

"Saint, sundo mo ba 'yan?" tanong ng mga kaklaseng nauna sa akin.

"Huh? Anong sundo ang ibig-" nabilaukan ako sa gitna ng pagsasalita nang makitang nasa round tables si Range sa baba ng Rizal Hall.

Tumayo siya nang makita akong pababa na ng Rizal Hall. Nakapamulsa at malapad ang ngiti sa akin. Naubo ako ng wala sa oras nang lumapit siya bitbit ang backpack.

At paano niya naman nalaman na nasa Rizal Hall ako?

"Why are you here?" suplada kong salubong sa kanya.

The wide smile he has on his face slowly faded. Siguro ay hindi niya inaasahan ang pagkasuplada ko bigla. Hindi pa ba sapat ang nangyari kanina sa coop? I certainly don't want that to happened again, or much worse, often.

"I thought we're good now?" malungkot niyang tanong nang akmang aalis ako.

"Start to ignore me for now. Pasensiya ulit kahapon sa biglaang paghalik ko. Sorry for bothering you," nauna akong maglakad sa wakas.

Nabitin ang paglalakad ko ng maisip ang number niyang hindi ko pa nakukuha.

Get a grip, Saint!

"Wait! Wait up, Saint..." nahuli niya ang braso ko sa isang iglap lang.

Matapang ko siyang hinarap saka lumayo sa pagkakahawak niya.

"Huwag kang mag-alala, ako na lang ang bahala na magpaliwanag sa lahat na wala na tayo. Na hindi naman talaga tayo at walang ibig sabihin iyong halik kahapon,"

Pinaningkitan niya ako ng husto na tila'y tutol pa sa suhestyon ko.

"No, you shouldn't do that. Baka balikan ka ng ex mo kapag nalaman niya 'yan. We keep it for longer to be safe, Saint."

"It's fine, I can deal with him myself. Ang sa'yo naman, sasabihin mo na lang na sobrang pangit ko para sa'yo kaya mo ako hiniwa-"

Umalingawngaw ang tawa niya sa buong university. Umawang ang bibig ko dahil sa pagkamangha sa paraan ng pagtawa niya. The lamppost illuminated the place forming shadows on his unusual longer hair.

Umiling siya ng husto. "You can never be ugly, Saint. Trust me."

"So you find me pretty, then?"

He pouted a bit.

"Hmm. You can say that..." magiliw niyang sagot habang lumalapit sa akin. He scooted down. "Maybe I actually fancy you a lot, Saint, cos how come I can't get you out my head if I don't?"

Binaba niya ang mukha ng husto para maglebel ang tingin namin. A ghost of smile peeked through his lips as I gasp for air to breathe.

Continue Reading

You'll Also Like

23.1K 725 49
Apollo Light never sees himself falling inlove- having a wife and kids, he is enjoying the life of a bachelor not until a startlet Pamela Dominguez c...
8K 254 48
Not your typical rich girl from Manila, Soleia Anniston Enriquez almost has it all. From riches, an heiress of their family's company, party-goer and...
6.9K 242 36
Two individuals met in an unusual way that started it all: Andrias -- known as a bad boy and famous because of his family background in politics. Ara...
24.5K 769 80
Is he worthy of the second chance?