Deceive me, Love (Buenavista...

By Eishstories

151K 1.9K 1.2K

First book of Buenavista Series Saint lost her trust in love when she caught her boyfriend cheating during Ma... More

Deceive me, Love
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 1

4.6K 66 50
By Eishstories

Chapter 1
Saint


Nakatayo ako ngayon sa labas ng Cultural Center ng West Visayas State University, naghihintay kay Willow. Today is our first day of college, pareho kaming nakapasok sa nursing kaya mas lalo akong nagalak.

WVSU or West as people would call the university is the number one performing nursing school in the Philippines. The moment we got in, Willow and I were over the moon, almost a thousand from the province and the rest of the country applied. At halos half lang ang na-cut para sa Nursing Aptitude Test, at two-hundred lang ang na-interview.

Ngayon, hundred and fifty kami sa batch ang kinuha. It was a gruesome process, I am noy going to lie, pero worth it naman. The student council instructed us to wear green today, para raw sa orientation ngayon sa Cultural Center.

Willow was half running towards me, hindi pa naman nagsisimula kaya hindi pa kami late.

"Calm down first, Willow."

Nakahawak siya sa dibdib, taas-baba ang balikat nang nakalapit na sa akin. Hinahabol pa ang paghinga.

"We're not late?"

"Hindi pa naman. Pero nakapila na sila kaya tumulak na rin tayo."

I pulled her to the line where our batch was situated. May iba akong kakilala sa pila dahil maliit lang naman ang Iloilo, kami at kami pa rin ang magkikita sa huli. Some were from my elementary and some were my high school.

Pasalamat din akong pareho kami ng section ni Willow. Hindi kami mahihirapan na maghanap ng mga kaibigan.

"First years, ulit tayo, ah? N-U-R-S-I-N-G!"

The Kuya in front was teaching us the CON cheer. It was weird, I must say. Sumunod naman kami sa huli.

Si Willow na nasa harapan ko lang, todo ang sigaw kaya na-enganyo rin naman akong makisali. The other colleges were getting loud too, unang araw pa lang, competitive na kaagad.

"Madaming guwapo!" Willow squealed as we enter the Cultural Center.

Maamoy mo pagkapasok ang kalumaan ng Cultural Center. It's smells specifically like a bat nest, although, passable naman dahil malaki.

"Wala akong nakikita?" sagot ko sa aniya'y mga guwapo.

Pinaningkitan niya ako bigla. "Bitter ka na, ah? Isang buwan ka pa nga lang single? Okay, I understand. Pero siguro, mas madaming guwapo sa higher years?" hagikhik niya nang maupo kami malapit sa stage.

Hindi ako bitter, wala lang akong nakita talaga sa batch namin o sa ibang nasa pila kanina na guwapong tinutukoy niya.

"O wala ka nang makitang iba dahil nasa Guimaras 'yon?" she pushed me slightly after her words.

Funny enough, I know what she meant. Natawa ako ng husto.

Isang buwan na nga ang nakalipas ng gabing iyon. And I must say, he was a good company but other than that night, wala nang nangyari pa. Siguro dahil hindi ko kinuha ang numero niya?

Dapat ba na kinuha ko iyon?

"He probably forgot about me, you know." bigla akong nalungkot sa nasabi.

"If only I got his number, pero wala eh. He did not ask for mine either,"

"Sana kasi kinuha mo! Ayon, sayang tuloy. Ano, gusto mo ba puntahan lang natin sa Guimaras?" Willow suggested.

Actually, that's a good idea, pero saan ako magsisimula sa paghahanap? Guimaras may be a small island, but it still have five municipalities. And unfortunately, I only got his first name, kaya paano ko siya mahahanap? Too funny as well... how I moved on quite fast from Connor. Sinakop ng lalaking 'yong ang sistema ko buong gabi.

A night with him was nothing compared to my whole two-year relationship with Connor. Tama nga'ng 'di sa tagal ng panahon ang batayan ng isang relasyon, nasa tao. At first, akala ko rude siya, pero hindi naman pala.

"You want to go somewhere else then?" Range asked.

Saan naman?

Isa pa, maiiwan si Willow sa loob kaya hindi puwede. He stood up first, napatayo rin tuloy ako. Nilabas ko muna ang phone para magpaalam kay Willow na umuwi na lang at huwag na akong hintayin pa.
After my message for Willow, umangat ang tingin ko sa kasama.

Wait... Is he gonna murder me?

Ito ang sinasabi ng mga magulang natin na huwag sumama sa hindi kakilala dahil baka kung ano ang mangyari sa'yo. However, Range feels different somehow, na hindi naman iyon ang intensyon niya sa akin.

"To where?" I asked.

"You won't know since you're not from here. Don't worry. I won't bite," he grinned.

Magkasabay kaming naglakad palabas ng plaza. Maghahating gabi na siguro at ang rave na lang ang nagbibigay ingay sa tahimik na lugar. I should probably text Willow his name just in case I get in trouble or if he ends up murdering me.

Sa katawan niya pa lang neto, hinding -hindi na ako makakapanlaban pa. Patay kaagad.

Mas lumiliit ako sa tabi niya. As a Filipina, hindi ako maliit. I'm an average in fact, hindi rin nga lang masyadong katangkaran. I'm skinny but not much, it was enough to highlight my clavicle and tight gap, kind of skinny. Ang mapusyaw kong balat, nakuha ko kay Mama, even her long silky hair.

"Saan ba?" tanong ko ulit, halatang may kaba na.

Range pointed the market entrance. Bukas pa naman at maliwanag sa loob, wala nga lang tao. Tumango ako sa huli. Nakasunod lang ako sa likod niya nang mahinto siya sa isang batchoy stand.

"You must be hungry," he said. "You did not eat much back on the restaurant."

Paano niya nasabi?

Bahagya akong nagtaka. Range suddenly gulped and prevented himself from speaking more. He was that observant o ako lang talaga ang tinatanaw niya mula pa kanina?

"Bakit mo alam?" kuryoso kong tanong.

"You left so much on your table kaya paanong hindi ko alam?" his brow raised, binalik sa akin ang tanong na para bang sinabi niyang mali ako ng iniisip.

Uminit ang pisngi ko roon.

Though, more than the blushing, I can't help but admire how good the arch of his brows are. Ang perpekto tignan.

"Ahh..." binaling ko ang mga mata sa batchoy stand, nilayo na ang atensyon sa iba imbis na sa guwapo niyang mukha.

Una akong pumasok sa loob. Sumunod din naman siya, iyon nga lang, kami lang ang 'andito. Siya ang um-order kaya naiwan akong mag-isa sa lamesa. He came back minutes after with puto and water on his hand. At dahil nauuhaw nga ako ay inagaw ko ang kalalapag niya pa lang na tubig sa lamesa.

"Wala namang lason 'to?" tanong ko, tapos na rin namang inumin ang tubig.

Natawa siya bahagya. "Kung meron, ano ang gagawin, eh, nainom mo na?"

Bago pa ako makapagprotesta ay nauna na siyang magsalita.

"Just kidding. I won't hurt you if that is what you are worrying about since earlier.." aniya sabay kain ng isang puto. "But your boyfriend already did, so better if break up with him now,"

Suminghap ako dahil kahit 'di niya pa sabihin ay iyon nga ang gagawin ko. Ano pa ba ang rason ko para 'wag tapusin?

"I will. No need to tell me."

Bigla siyang nahinto sa pagkain na tila may narinig siyang kanais-nais. Tumaas ang kilay ko sa pagsilaw ng ngisi sa labi niya.

Why, papalit ba siya? I mean, that shouldn't be my concern but...

I nearly physically shook my head in front of him with that stupid logic. Kakakilala ko pa nga lang sa kanya kaya ba't ganito na ang mga naiisip ko?

Ni ayaw kong ipasagi sa isipan si Connor ngayon lalo't nakakasuka ang naiisip ko sa ginagawa nila noong babae. My negative thoughts was suddenly interrupted by the food. Ngayon na lang ako ginutom.

Pasimple ang pag-angat ko ng tingin sa kanya. He's eating silently so I did the exact same. At nang parehas kaming natapos sa pagkain ay nauna siyang tumayo bago ako. Nauna rin siya sa paglabas ng market.

Natanggap ko rin ang mensahe galing kay Willow na nakauwi siya ng ligtas kaya mas lalo akong naluwagan ng paghinga. Binaba ko ang telepono at nakitang nag-aantay siyang matapos ako saka kami tumuloy ng lakad sa plaza.

Patungo yata ang daan sa playground.

"Bakit dito?" tanong ko sa kanya nang marating namin ang playground.

He shrugged. Parang kahit siya ay 'di alam kung ba't kami nandito. May pangamba sa akin sa paglibot ko ng tingin sa playground. Madilim kasi.

Don't fucking tell me... this is where he's gonna murder me? Dito para walang makakita dahil madilim?

"Dito mo ba ako papatayi-"

Umalingawngaw ang halakhak niya kahit 'di paman ako tapos sa sinasabi. Kinakabahan ako. Kaba nga ba o pagkamangha sa paraan ng pagtawa niya? I can't exactly point out what's so good with his laugh, but it was too manly for me.

When I said earlier that this guy doesn't have a soft spot in him, tama talaga ako. At ngayon na magkatabi kami sa swing ay mas nadedepina ang biceps niya sa bahagyang paggalaw ng swing.

"I won't hurt you. Relax," he swung a bit.

Nasa harapan ang tingin niya. Ang akin naman ay nasa kanya lang bago ko iyon iniwas paharap din.

Unconsciouly, I started to copy his sly swing. Sa bigla kong pagkatahimik, nahahalata ko kung ano ang pagkakaiba ng galaw ko ngayon na katabi siya. Para akong nahihiya na kung ano, which is really.. odd. Usually, ako ang nauunang magsalita kapag may kausap. But here, with him, natatameme ako.

"Iyan din ang sinasabi ng mga kidnapper, then they will hurt you when you least expected." ani ko sabay baling sa kanya.

I was greeted by his playful smirk.

He shook his head lightly. "I'm not lying. Hindi talaga at isa pa.. hindi ba sapat ang iniyak mo kanina sa gutter? If I were to indeed kidnap you, I would already feel so bad,"

Umawang ang bibig ko, hindi dahil sa nainsulto ako sa sinabi niya kundi dahil 'di ako makapaniwala sa perpekto niyang mukha. He's built like a true god. His sharp nose and his chiseled jaw are simply out of this world.

Damn it...

Imbis na sagutin siya ay natutulala ako. Inayos ko bahagya ang sarili para kalmahin ang kakaibang nararamdaman. Tumikhim ako.

"Huling iyak ko na iyon sa kanya. I had enough, you know. Parati na lang kasing ganito. Siguro kasalanan ko rin naman, na hinahayaan kong 'di niya ako nirerespeto. I allowed him to disrespect him by taking him back always, by always forgiving him," bumaba ang tingin ko sa lupa. "That was my last straw."

"Good girl. Mabuti't alam mo ang halaga mo. At dapat alam mo rin dapat na 'di mo kasalanang nagloko iyon. Lying and cheating are choices that people make. It is completely out of your hand," aniya.

Nang ibinalik ko ang tingin kay Range. He swung a bit but this time, medyo malakas kaya lumangitngit ang bakal. He then stopped when he realised I was admiring him too much.

Nahuli niya ako.

Ngayon lang ako nagkakita ng ganito kaperpektong mukha. Isa pa, kung mapadpad man siya ng Iloilo, malayong 'di siya mapapansin ng lahat. Pag-uusapan siya at lilingunin. Sa tangkad niya'y walang panama ang mga lalaki niyang kaedad.

Ngumisi siya at saka kumpyansadong napatayo. Range moved to the near see-saw to seat on one end. Ako naman, natutulala lang kakatitig ng simple niyang galaw.

"Let's get to know each other." Range suggested out of the blue.

Sinundan ko siya sa kabilang dako ng naman ng see-saw. Mahigpit ang hawak ko sa handle nang makaupo, takot na baka gumalaw siya bigla.

"How old are you?" pag-una niya.

I manoeuvred myself down. "Eighteen. And you-"

Hindi pa ako nakakasagot nang maayos ay inangat niya akong muli nang walang kahirap-hirap.

"Twenty-two."

Tumango ako. Tama nga akong ilang taon lang ang agwat naming dalawa. He already graduated o huling year niya na lang?

"Do you have any siblings?" tanong ko pabalik.

Siya na lang ang nagtataas-baba sa see-saw, ibinigay ko na ang buong kontrol sa kanya. I sat here pretty while he does all the work.

"No. Ikaw?"

Umiling din ako. Pareho pala kaming only child.

"Same-"

"When will you break up with him?" he abruptly cut what I was about to say.

Kumurap-kurap ako nang i-level na niya ang see-saw para maharap ako ng husto. Sa paraan ng pagkaseryoso niya ngayon, para talagang importanteng sa kanya na masagot ko ang tanong niya.

His eyes reflected the light coming from the lamppost beside us. Matitingkad ang mga iyon.

"I-I don't know... yet."

Marahas siyang umahon mula sa see-saw saka ako nilapitan. Sa bilis ng galaw niya'y 'di ko na nasusundan. Range swiftly carried me out of the see-saw like I was a light box of carton he can carry with ease. Binaba na lang ako rito sa bench.

"Now."

"H-Huh?"

"You should do it now. Break up with at this very moment," he
ordered with conviction.

'Di pa ako makapaniwala na binuhat niya ako ng ganoon ka dali lang. Nanginginig ang kamay ko sa pagkuha ng telepono sa bulsa para sundin ang gusto niyang mangyari. He's leaning forward to see if I dialled the name he wanted me to call.

Dalawang ring ang narinig ko nang ilagay sa tainga ang telepono.

"Loudspeaker, please." suplado niyang utos.

Suminghap ako at sumunod naman sa gusto niya. Binaba ko ang telepono at ni-loudspeaker iyon.

"Saint, pagod ako sa mula gig-"

"Let's break up, Connor. You cheated on me." deritsahan at walang preno kong sabi.

Na kay Range lang ang mga mata ko. He nodded, na para bang nagustuhan niya ang pagiging prangka ko.

"Ano na naman ba 'to, Saint? Si Willow naman ang nagsabi sa'yo niyan, 'no?" sigaw niya sa kabilang linya. "Hindi ka na dapat nagpapaniwala sa kanya dahil wala akong ginagawang masama! Ikaw lang ang nag-iisip ng kung ano."

I can sense the annoyance on his voice.

"Connor, let's sleep more please..." it was a soft voice from his line.

I hissed. "Who was that then?"

"W-Wala!" he's panicking now, huh?

Kumukunot na talaga nang malala ang noo ng kaharap ko ngayon. He's annoyed too.

"Let's break up. Tapos na tayo kaya 'wag ka na ring magpakita pa sa 'kin. Be with your girls all you want 'cos you're free to hell. Wala na akong pakialam-"

Biglang hinablot ni Range ang telepono mula sa kamay ko. Medyo marahas nga.

"You shouldn't be explaining yourself further. It's done, wala na kayo at kasalan niya," a ghost of smile peeked through him.

Kung kanina ay naiinis, ngayon naman, nasisiyahan? And can I specifically point out how comfortable am I with him? Na alam ko sa loob-loob ko ngayon, alam kong hindi niya ako sasaktan kahit paman may kaunting pangamba sa puso ko. He won't, dahil kung oo, sana'y kanina niya pa ginawa.

"Where are you staying at? Ihahatid na kita."

Tumayo siya saka hinila rin ako pataas.

"Diyan lang sa tapat. The airbnb one,"

Wait...

Tapos na ba kami ngayong araw? I know it's already late, pero kasi ang bilis namang lumipas ng oras nang kasama ko siya? At kahit dapat na nanlulumo ako sa ginawa ni Connor ay wala nang dahil sa pag-uusap namin? Na parang nawala sa isip ko ang problema dahil ganoon ako kabilis na maging kumportable sa kanya.

It's weird...

Kahit na minalditahan ko pa kanina'y tinulungan at dinamayan niya pa rin ako, and that says a lot about his character, right? Ngayon na pabalik na kami ng airbnb, sinasadya kong bagalan ang paglakad para masulit pa ang kaunting oras na meron na lang kami.

"And don't ever think of coming back to him. Kung sumagi sa isip mong balikan siya, isipin mo muna ako at kung gaano ako kadismayado kung sakali," tugon niya nang marating namin ang airbnb.

Natawa ako, sa huli, tumango rin. Makakaasa siyang iisipin ko nga ang gabing 'to, 'di dahil kay Connor, kundi dahil nga sa kanya.

"I won't," ngumiti ako.

We were silent for a few seconds. It was awkward, kaya tumalikod na lang ako para pumasok.

"Hey," he held my right wrist, preventing me from advancing forward.

"Huh?"

"You didn't give me your name," he said while chuckling a bit.

Para akong nabuhusan ng hiya. Oo nga pala. Kung ba't nakaligtaan kong ibigay ang pangalan sa kanya ay wala na akong natatandaan pa. Siguro'y ibang mga bagay ang pinagtutuonan ko ng pansin.. his perfect face, to be exact.

"It's okay if you won't tell-"

"Saint." pagputol kong muli.

Natigilan siya ng husto, gulat kung ba't ko ibinigay ang pangalan ng ganoon-ganoon na lang. Nakangisi ako ng tumalikod sa kanya papasok ng airbnb.

Continue Reading

You'll Also Like

50.9K 748 49
She's twenty-six and He's thirty-two. It was eight years ago when she let her desire get the best of her. She wants him, inside and filling her. Hin...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
6.9K 242 36
Two individuals met in an unusual way that started it all: Andrias -- known as a bad boy and famous because of his family background in politics. Ara...
44.4K 1.8K 39
AGUSTIN SERIES #1 (COMPLETED) Priyanka Guevarra, a carefree and just the right amount of wild seventeen year old girl who had this huge crush on Lore...