PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon...

By Zaenixx

803K 22.5K 2.4K

A/N: This story doesn't have matured content (such as making love), I just think that it doesn't suit the cha... More

INTRODUCTION
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
PLEASE READ
CHAPTER 34
WAKAS

CHAPTER 18

16.6K 520 85
By Zaenixx

CHAPTER 18







"GALLIER, check the plantation later and contact the Indonesian buyers to negotiate with the products. We need to close the deal before the end of the month." Utos ni Klaus kay Gallier.





"Yes, boss." Tugon nito.





"Klaus," Nasa sasakyan na kami pauwi nang magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kay Klaus ang kanina ko pa gustong sabihin.





Tumingin siya sa akin ng may pagtataka, halatang napagod siya sa pagsasalita sa event kanina.





"What?" Aniya.





"Pwede ba tayong mag-usap mamaya?" Tanong kong muli.





"Of course, I always have time for you." Tugon niya, ngumiti ako at sumandal sa kanyang balikat.





Nang makarating kami sa bahay ay nagpahanda agad si Klaus ng hapunan, pareho kasi kaming hindi nakakain kanina dahil hinihintay ko siyang matapos sa event.





"Sandali, ihahanda ko yung pamalit mo." Naupo agad siya sa aming kama pagkarating pa lamang namin sa kwarto.





Maglalakad na sana ako papuntang walk-in closet nang higipitin niya ang aking kamay at walang sabing yumakap sa akin bewang.





Amoy na amoy ko ang kanyang panlalaking amoy, ngumiti ako at ginulo ang nakaayos niyang buhok.





"Stay here, I know you're tired too." Bulong niya habang nakadikit ang mukha sa aking tiyan.





"Mas pagod ka kaya ako na ang bahala, magpahinga ka muna 'dyan." Kinalas ko ang braso niyang nakayakap sa akin.





Nagtungo ako sa closet namin at namili ng pambahay niyang mga damit, paglabas ko ay wala na siyang damit pang-itaas kaya nakalantad ang kanyang perpektong hulma ng katawan na nakakaaliw pagmasdan.





"Oh," Inabot ko ang mga damit at pagkatapos ay tinali ko ang aking buhok.





"Sumunod ka na sa baba pagkatapos mong magbihis, tutulungan ko na sila na maglut——" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang higitin niyang muli ako paupo sa kanyang kandungan.





"Don't bother, they can finish it without you." Aniya.





Nag-iwas ako ng tingin nang dahil sa hiya na nararamdaman ko, nakaupo ako sa kanyang kandungan at ito lang ang unang beses na marinig ko ang kanyang boses na tila sobrang nakakaakit.





"Ano yung gusto mong sabihin?" Tanong niya.





Tsaka lamang bumalik sa alaala ko ang gusto kong sabihin sa kanya, agad akong nag-isip kung paano magsimula.





"A-Ano kase... Ano..." Pilit kong binubuo ang aking boses ngunit tila malabong mangyari dahil sa kaba ko.





"Come on, baby. Say it properly, I can't understand you if you keep on talking like that." Aniya.





Huminga ako ng malalim at humugot ng libo-libong lakas ng loob para magsalita ng maayos.





Mariin akong pumikit at pagdilat ko ay kusang bumuka ang aking bibig.





"Gusto kong mag-ampon." Diretsong wika ko.





Kita kong natigilan siya sa pagsasalita, ilang segundo pa bago siya makabawi sa pagkabigla.





"Why? I mean, we don't need to adopt. We can make one if that's what you wan——"





"Hindi sa ganoon, may nakilala kase akong bata kanina. Kris ang pangalan niya, magaan ang loob ko sa kanya at pakiramdam ko ay magkakasundo kami." Paliwanag ko.





"Baby, we're not sure about that child you're talking about. What i——"





"Ano bang kayang gawin ng bata? Pumatay ng langgam?" Putol ko sa kanyang sasabihin.





Tumayo ako at tumingin sa kanya ng diretso, "Pero sige kung ayaw mo naman, wala akong magaga——"





"Okay, fine. We're gonna adopt her." Aniya.





Agad na umukit ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sinabi niya.





"Talaga? Payag ka na?" Paninigurado ko.





Tumayo siya at niyakap ako, "Para namang makakatanggi ako sa'yo..." aniya.





Napahagikhik ako at niyakap siya pabalik, "Thank you..."






MABILIS na lumipas ang mga araw hanggang sa namalayan ko na lang na dumating si Gallier dito sa bahay na may dalang magandang balita.





"Ma'am, kumpleto na lahat ng kailangan mo sa loob. Maliban na lang sa totoong mga magulang nung bata, kahit saan ko hanapin ay wala talagang maibigay na resulta yung mga tauhan ko." Paliwanag niya, ngumiti ako sa kanya.





"Okay lang, masaya nga ako at nakuha mo 'to." Wika ko.





Bago siya umalis pabalik ng munisipyo kung nasaan si Klaus ay pinagmeryenda ko muna siya, nagpadala rin ako para kay Klaus, Bilmus at Primo.





Nang ako na lang mag-isa ay nagtungo sa kwarto namin, doon ko binuksan ang envelop na binigay sa akin ni Gallier.





Unang bumungad ang maraming litrato ng sanggol, maputi ito at napakapula ng labi at pisnge. Mahaba rin ang pilikmata at higit sa lahat ay makapal ang buhok.





Sa unang tingin ay nasisiguro kong si Kris nga ito noong sanggol siya, ang kaibahan lamang ay ang kulay ng balat niya ngayon na morenang-morena at halos mamula-mula.





"Ang cute..." komento ko habang iniisa-isa ang mga litrato.





Sunod kong tinignan ang information book na kasama sa envelop, doon nakalagay ang kanyang edad, buong pangalan at kung paano siya napunta sa ampunan noon.





Binasa ko lahat 'yon at napag-alamang seven years old na siya at ang tunay niyang pangalan ay talagang kakaiba.





Matatawa ka sa kung anong trip ang naisip ng nanay niya at kung bakit Merry Christmas ang ginawang pangalan niya gayo'ng malayo naman sa pasko ang birthday niya.





Sa kung paano siya napunta sa ampunan ay dahil iniwan siya ng kanyang ina doon.





Nangako raw itong babalik ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa rin kahit anino nito ang nagpapakita, nakalagay rin doon na ilang beses nang may nagtangka na umampon kay Kris ngunit kung hindi masasamang loob na nais siyang ibenta upang pagkakitaan ay minamaltrato naman siya ng pamilyang umaampon sa kanya.





Mabuti na lamang at maayos siyang naiibabalik sa ampunan at simula noon ay hindi na siya pinapaampon ng mga tao sa ampunan para na rin sa kaligtasan niya.





Gusto kong maawa sa kalagayan ni Kris, sa murang edad ay hindi na maganda ang sinapit ng buhay niya.





Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon na lang ang asta niya, matured mag-isip at aakalain mong hindi bata ang kausap mo.





Naalala ko tuloy ang ginawa ng mga bata sa kanya noon sa event sa munisipyo, nakakapagtakang ayaw sa kanya ng mga batang kasama niya.





NANG dumating si Klaus ay may maganda rin siyang dala-dalang balita.





"They already accepted my request, aayusin ko na lang ang mga papeles at pagkatapos ng ilang araw ay pwede na siyang kunin para dito na tumira." Paliwanag niya sa akin.





"Talaga?" Halos kumikislap ang mata ko sa tuwa nang marinig ang sinabi niya.





Hindi na ako makapag-intay na matapos ang ilang araw.





Pakiramdam ko ay ako ang pinakamasayang tao sa oras na makita kong dito na si Kris titira kasama kami.





"Just promise me one thing," Napatingin ako kay Klaus.





"Ano 'yon?" Tanong ko.





"We will be a good parents to her..." Aniya.





Ngumiti ako at tumingkayad upang mayakap siya, "Pangako, hinding-hindi ko hahayaang makaranas pa siya ng hirap." Tugon ko.





Ginulo niya ang aking buhok at hinalikan ang aking noo, "I love you..." Bulong niya.





"I love you too," Tugon ko na kinagulat niya.





"W-What?" 'Di makapaniwala siyang tumingin sa akin.





"I love you too," pag-uulit ko.





Lumapad ang kanyang ngiti at niyakap ako ng mahigpit, "Thank you! You don't know how happy I am right now, Amber. I love you," Wika niya.





Napailing na lamang ako dahil sa inaasal niya.





"PAKI-AYOS naman nung kama," Tinuro ko ang gusot sa matres sa kama.





Kasalukuyan kong pinapaayos ang tutuluyang kwarto ni Kris kung sakaling makarating na siya rito sa anumang minuto mula ngayon.





Ihahatid siya ng mga madre sa ampunan para na rin tignan kung magugustuhan ba ni Kris ang bagong environment na titirahan niya.





"Baby, don't pressure yourself. This room is good, she will like this." Humawak si Klaus sa aking bewang habang nililibot ang paningin sa disenyo ng buong kwarto.





Naikwento kase ng mga madre kila Gallier na mahilig raw manood ng mga Japanese animated series si Kris at paborito niya yung mga lalaking naglalaro ng volleyball.





Kaya naisipan kong magpabili kay Klaus ng mga merchandise, stuffed toys at mga posters na may mga mukha ng mga kinahihiligan niya.





Nagpalagay rin ako ng malaking TV kung sakaling gusto niyang manood dito sa kanyang kwarto ng mag-isa.





"Sana ako na lang ampunin niyo," komento ni Gallier habang pinagmamasdan rin ang buong kwarto.





"Daig pa nito yung buong apartment ko," dugtong pa niya.





Pinagmasdan niya ang dalawang shelves na nandoon na puro mga tapes at libro ng iba't-ibang mga series.





"Sa tingin mo ba ay magugustuhan niya 'to?" Kinakabahang tanong ko kay Klaus.





"Kapag hindi pa niya magustuhan 'to, ibang klase siya." sabat ni Gallier.





Sinamaan siya ng tingin ni Klaus kaya napakamot siya sa kanyang ulo at tumahimik.





"She will love this, trust me." Tugon ni Klaus sa akin.





Ibang klase kase ng bata si Kris, talagang mamamangha ka sa katulad niya na ibang-iba sa mga tipikal na mga batang babae.





Siguro ay dala na rin ng mga naranasan niya habang lumalaki.






"Lakas rin ng topak ng magulang ng bata na 'yon, sino ba namang matinong magulang ang magpapangalan sa anak ng Merry Christmas?" Tanong ni Primo habang tinitignan ang buong pangalan ni Kris naka-engrave sa isang acrylic glass na ginawang stand na nakalagay sa bed side table.






"Maganda naman ah, ang cute kaya pakiramdam, 'di ba, Klaus?" Pagtatanggol ko.






Tumango siya, "Yeah."






"Excited na 'ko." Wika ko.






A/N: Me being in love with 2D men HAHAHHAAHAHA

Continue Reading

You'll Also Like

393K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.6M 34.1K 45
Montejo Siblings #1 Love at first sight, that's what they call it. And it victimized the eldest of the Montejo Siblings, Darius. With Samantha's eleg...
231K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
150K 4K 37
Sharina Nikolina Villiones, the wild brat who is always want to get what she wants. She believes that love - no matter what the age or gender, is gre...