Playful Destiny (ON-GOING)

By pjsluvr

1K 312 258

As Aerynne met Matthew, she didn't expect that they would find love. Everything was perfect. Not until destin... More

PROLOGUE
Chapter 1: The Beginning
Chapter 2: First Day
Chapter 3: HER
Chapter 4: That Feeling
Chapter 5: Unexpected
Chapter 6: First Kiss
Chapter 7: The three words
Chapter 8: She's back
Chapter 10: Hindrance
Chapter 11: Note
Chapter 12: Fridate
Chapter 13: Message
Chapter 14: Audition
Chapter 15: Pageant
Chapter 16: Sabotage
Chapter 17: Risk
Chapter 18: Sorry
Chapter 19: girls day out

Chapter 9: Besties

51 17 11
By pjsluvr

Sorry late update hehe tinatamad akong mag-update eh. Pero syempre hindi ako titigil sayang naman ang napag simulan ko 'no. Kahit kaunti lang ang readers ko but i'm thankful kasi may nagbabasa parin sa mga gawa ko. Btw, i hope you enjoy!

AERYNNE'S POV
Nagising ang diwa ko dahil naramdaman kong may yumuyugyog sa'kin. Pagmulat ko ay mukha agad ni Xian ang  bumungad sa'kin. Kinusot ko ang mga mata ko saka umupo mula sa pagkakahiga. Pagtingin ko sa orasan ay 6:30 na! Hindi naman ako late, 8:30 and klase namin. Pero 6:00 talaga ako nagigising eh, naparami ata tulog ko.

"Ate, bumangon kana jan." malumanay na ani Xian. Naka pajamas pa ito at mukhang bagong gising.

"Oo na. Maliligo na'ko." nakapikit na tugon ko. Inaantok pa kasi talaga ako.

"Bilisan mo ah, iiwan talaga kita." banta niya pa saka ako tinalikuran at lumabas na sa kwarto ko.

Bumangon na'ko saka pumasok sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagsepilyo muna ako, siyempre para iwas bad breathe baka ma turn off sa'kin si bebe gabby. Charot! Lagot ako kina kuya hehe.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko ang uniform kong nakatupi na nasa mina sofa ko. Mukhang pinahatid na ito para maisuot ko na. Ang P.E uniform ko naman ay nakuha ko na, pero di ko pa nasusuot kasi every friday lang ang P.E class na'min, so bukas ko pa susuotin. Sherkolang pake mo? Charot ulit!

Pagkatapos kong magbihis ay inayusan ko muna ang sarili ko para naman walang masabi si gabby sa'kin. Wait, why do I need to impress him anyway? Eh dati-dati wala akong pake kahit magbikini lang ako sa school. Joke!

Pagbaba ko ay andoon na sila kuya Z, kuya Lex, at si Xian. Binati nila ako at nginitian ko lang sila. Umupo ako sa tabi ni Xian--as usual, saka nagsimulang kumain. Pero bago pa man ako makasubo ay nagsalita na si kuya Z, hmp! Di man lang ako pinasubo.

"Mei, ano 'tong sinabi sa'kin ni Xian na may nanliligaw na daw sa'yo? Totoo ba? Sino?" sunod-sunod na tanong ni kuya Z. Grabe ano 'to Q&A? Nang mag-angat ako ng tingin sa'kanya ay seryoso ang mukha niya. Patay.

"Ha? Wala 'no!" pinigilan kong mautal para di halatang kinakabahan ako.

"Talaga? Sino yan ha?" si kuya Lex naman ang nagtanong. Napapikit ako saka binalingan si Xian na pangisi-ngisi sa tabi ko. Huhuhu lagot ako nito kina kuya.

"Classmate ko po." sagot ko saka nagbaba ng tingin at kinuskos ang mga palad ko. Huhu sana di sila magalit.

"Sino?" tanong ni kuya Z. Huhu mamaaa! Papaaa! Help meeeee!

"Si ano..."

"Sino?" si kuya Lex naman ang nagtanong. Wala na talaga akong takas dito uwaaaah!

"Si Matt..." mahinang sagot ko. Ayokong sabihin ang pangalang 'gabby' baka kasi anong isipin nila.

"Matt? Sinong Matt? Ang daming Matt sa mundo, Mei." nagbabantang tanong ni kuya Z. Narinig ko namang mahinang tumawa si Xian kaya palihim ko itong siniko.

"Si Matthew...Matthew Ramirez." sagot ko. Talagang kinakabahan ako sa posibleng maging reaksyon nila. Baka kasi magagalit si kuya Z tapos ipapakidnap niya si Matt at bubugbugin nila ni kuya Lex. Huhubels.

"He's a Ramirez?" gulat na tanong ni kuya Lex. Ano bang nakakagulat kung isa siyang Ramirez?

"Yeah.. why?" curious na tanong ko.

"Isa sa mga business partners na'tin ang mga Ramirez."

"Really? Diba mayaman ang mga Ramirez?"

"Oo" tumatango-tangong sagot ni kuya Lex.

"Pero mas naging mayaman lang sila dahil sa partnership natin sa'kanila." si kuya Z naman ang nagsalita.

"Talaga? Ba't di ko alam yan?" nakangusong tanong ko. Huhu ang sama may pasikre-sikreto pa kayo.

"Tss, di ka naman nagtatanong. Actually, grandparents niya ang may-ari sa company, pero 'yong panganay na apo na ang CEO nagretire na kasi Marcus Ramirez, kaya si Matrix na ang nagtake over."

"Ahh ganon ba?" namamanghang tanong ko pa.

"Yeah. Wait, lets talk about your suitor." ani kuya Z at napangisi naman sina kuya Lex at Xian. Kala ko naman nakalimutan na niya ang tungkol 'don.

"Anong gusto mong malaman tungkol sa'kanya?"

"Mabait ba siya?"

"Oo" sobrang bait na at the same time ang sungit din, haha.

"Matalino?"

"Oo naman!" ang talino kaya 'nun. Nahiya nga si Albert Einstein eh.

"Marespeto?" tanong naman ni kuya Lex.

"Aba oo!"

"Matangkad?"

"Syempre!" sa sobrang tangkad niya, pwede na siyang gumanap bilang giant sa 'Jack the giant's slayer' .

"Gwapo?"

"Uhmm" gwapo naman siya eh, sobrang gwapo na kahit matandang babae kayang maging dalaga para sakanya, LOL!

Hindi ako nakasagot sa tanong ni kuya Lex.

"Oh ba't di ka makasagot jan?" kunot noong tanong naman ni kuya Z.

"Siyempre! Speechless siya sa kagwapuhan 'nung Matthew, crush niya nga eh." sagot ni Xian. Nilingon ko siya na noon ay nakangisi na nakakaasar. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero di siya natinag.

"Crush mo si Matt, Aerynne?" tanong naman ni kuya Lex. Agad ko siyang nilingon saka umiling-iling.

"Hindi po!"

"Weh? Talaga?"

"Hindi nga talaga!"

"Edi hindi, masyado ka namang defensive, halata tuloy." pang aasar pa niya. Sabing hindi ko siya crush eh! Siguro slight lang.

"Hindi daw crush pero nagbablush." mahinang ani kuya Z pero rinig naming lahat. Pagbaling ko sakanya ay sa pagkain nakatuon ang paningin niya pero nakangisi.

***************
Pikon parin ako hanggang sa pag byahe na'min ni Xian. Bakit kasi pinipilit nilang crush ko si Gabby eh hindi naman talaga! Slight lang. Kasalanan 'to ni Xian eh, kung hindi siya nagsumbong kina kuya Z at kuya Lex, hindi sana nila malalaman na nililigawan ako ni Gabby. Lagot siya sa'kin mamaya, sasaksakin ko siya hanggang sa mamatay siya tapos itatago ko ang katawan niya. Charot!

Nakanguso akong pumasok sa classroom na'min at nadatnan ko ang mga kaklase kong napaka ingay akala mo mga grade 3, tss. Pero ang nakakuha talaga ng attention ko ay ang dalawang nag-uusap sa bandang likuran. Nagtatawanan pa sila na para bang ang saya nila.

Si Gabby at Michaela.

Si Michaela Jean Guerrero a.k.a 'Mich' ay isa sa mga pinakasikat dito sa campus. Bukod sa maganda at maputi, matalino at mayaman naman ito, hindi ko nga lang alam kung mabait di naman kasi kami close 'no. Nakaupo pa ito sa mismong inuupuan ko kaya mas lalong nainis ako pero di ko pinahalata.

Naka poker face akong lumapit sa kanila kaya naagaw ko ang kanilang atensyon. Napatigil sila sa pagtawa at nilingon ako.

"Oh, goodmorning Rynne!" masiglang bati sa'kin ni Gabby. Walang good sa morning, tss.

"Goodmorning." tipid na sagot ko lang. Pake nyo ba, attitude ako eh.

"Hi, Aerynne!" biglang bati sa'kin ni Mich. Bumaling ako sa'kanya na noon ay nakangiti, pinagmumukha siyang anghel.

"Hello, Mich." binigyan ko nalang siya ng pekeng ngiti.

Dumating na ang Lec kaya hindi na kami nakapag usap pa. Buti na nga lang dumating si Sir, ayokong makipagplastikan kay Mich 'no. Hindi naman ako katulad ni Althea na plastic at snob sa personal, HAHA!


MICH'S POV
Hi! I'm Michaela Jean Guerrero, the daughter of Michael Guerrero and Janelle Guerrero. I'm 19 years old, single and ready to mingle. Hehe joke lang!

Isa ako sa mga pinakasikat dito sa campus namin, siguro dahil ako ang cheerleader? Hahaha but despite my popularity hindi ako mayabang gaya ng iba jan na kala mo si Anne Curtis kung makaasta. I'm just a simple girl with a million dreams. Actually, kahit sikat ako dito, I don't have friends. Its not that i'm masungit, I just don't like the people here especially the girls. They're plastic! Well 'yung iba naman ay tahimik lang kaya hindi ko rin maapproach.

Kaya 'nung makilala ko si Aerynne, I was so happy because finally mayroong bagong girl. I really want her to be my bestieee! Like i think she's mabait even tho she doesn't notice me. I really like her ever since she transferred here. She's so maganda and maputi then she's also matalino, she's like a doll. If icocompare and beauty ko sa'kanya, pantay lang kami. She only lack in fashion style, i'm not saying that her styles are baduy but they're too simple for a girl like her. But don't worry, once we become besties, i will teach her how to dress as beautiful as her.

Sana nga she's not galit sa'kin. Kasi kanina, the way she looked at me, parang pinapatay niya ako sa isip niya. And i'm sure dahil kausap ko si Matthew and worst, nagtatawanan pa kami! I'm sure she's very galit na. Kahit naman sino magagalit kapag nakikitang nakikipagtawanan sa iba ang boyfriend nila diba? Ganon kasi ako kapag may ibang kausap ang baby ko, si Liam hihi. Hindi ko siya boyfriend, soon to be pa lang charot haha. Crush ko siya since first year high school pero shh lang kayo ah.

Nung nakita ko sina Matthew,Aerynne at baby Liam sa cafeteria last time, nagselos ako kasi hawak ni Liam 'yung kamay ni Aerynne, pero nang malaman ko na girlfriend ni Matthew si Aerynne nawala agad ang selos ko. Si Liam ay isang first year College student din katulad ko, pero nasa kabilang section siya huhu. Mula kasi first year high school hanggang fourth year high school, ngayon lang siya nahiwalay sa'kin.

At dahil sa dami ng sinabi ko, di ko namalayang lunch break na pala. Buti nalang hindi ako lutang sa lessons. Paglabas ko ay dumiretso agad ako sa room nila Liam, nagbabakasakaling makakasabay ko siya. Pero nabigo ako. Dahil wala na siya 'don, ang sabi sa'kin ng classmates niya nauna na daw siya sa cafeteria. Bago ako lumabas ng classroom nila ay binati pa muna ako ng mga classmate niyang babae, nginitian ko nalang sila. Mga plastic!

Napagdesisyunan kong pumunta na muna sa locker ko para kunin ang ballpen ko, nawala kasi 'yung ballpen ko kanina eh, hiniram 'nung kaklase ko tapos di naman binalik.

Pagdating ko sa locker area ay nadatnan ko si Aerynne na abala rin sa locker niya at mukhang hindi napansin ang presensya ko. Pumunta ako sa locker ko na katabi lang rin ng locker niya, saka kinuha ang kailangan ko. Mukhang nakuha ko na ang atensyon niya kaya nilingon ko siya nang naka ngiti.

"Hi Aerynne!" nakangiting bati ko sa'kanya pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa. Huhu she's galit talaga.

Sinarado niya ang locker niya saka ako akmang tatalikuran pero hinila ko ang braso niya. Inis niya akong tiningnan. 'yung tingin na pagkatapos-mong-landiin-ang-boyfriend-ko-kakausapin-moko? yan mismo ang tingin na binigay niya sa'kin.

"Sorry, alam kong galit ka dahil nag-usap kami ni Matthew pero promise wala 'yung meaning." paliwanag ko. Pero wala paring emosyon ang mukha niya.

"Wala akong pake kahit anong gawin niyo." walang ganang aniya. Pero bakit? Diba boyfriend niya si Matthew? Hays nagselos talaga siya.

"Alam kong nagseselos ka dahil boyfriend mo siya--" may sasabihin sana ako pero pinutol niya iyon.

"Boyfriend?!" gulat niyang tanong. Bakit? Totoo naman diba?

"Oo. Boyfriend mo si Matthew diba?"

"Hindi! Sinong nagsabi?" tanong niya. Wait, so hindi sila?

"Wala. Halata naman kasi eh, halos buong campus nga akalang kayo na."

"What?! Hindi 'no!"

"Eh bakit ang sweet niyo, tapos sabay pa kayong kumakain ng lunch break?"

"Kasi.... Nililigawan niya 'ko." nahihiyang aniya. Napatili ako sa kilig!

"WHAAATT?! SERYOSO?! YEIEIIE!" bulalas ko pa, agad naman niyang tinakpan ang bibig ko saka ako sinenyasang tumahimik kay sinunod ko.

"Wag kang maingay!" pabulong na sigaw niya. Nanatili akong nakangiti, pinipigilan ang tili.

"Pero seryoso? Nililigawan ka niya?" nanlalaking-matang tanong ko.

"Oo nga."

"Halaa! Sanaol!" sabi ko at natawa siya.

"Eh ikaw, ba't kayo magkausap kanina ha?" taas-kilay na tanong niya na nakapa mewang pa.

"Ahh hihi sinabi ko kasi sa'kanyang crush ko si Liam. Nagtanong rin ako kung bakit magkasama kayong tatlo 'nung isang araw. Nagtanong na rin ako kung kayo ba talaga" nakangiting paliwanag ko.

"Anong sabi niya?"

"Oo daw. Ayieiieei!" natawa nalang siya sa'kin.

"So crush mo pala si Liam?"

"Oo! Since first year high school!"

"Crush lang? Mukha kasing inlove na inlove ka na sa'kanya eh." panunukso niya pa.

"Parang ganun na nga hehe."

"Sabagay, gwapo rin naman siya."

"Yeah. By the way, papunta ka na bang cafeteria?"

"Oo eh."

"Sabay na tayo!"

"Sige!"

While walking papunta sa cafeteria, me and Aerynne had a little chit-chat. She's fun to be with, to be honest.

"Cheeleader ka diba?" tanong ni Aerynne sa'kin.

"Oo hehe."

"Hmm.." tumango-tango siya. "Masaya ba?"

"Aba oo! Well kung baguhan ka magiging shy ka pero you'll get used to it naman soon."

"Hmm.." tumango-tango ulit siya. Biglang may naisip ako. Napatigil ako kaya binigyan ako ng nagtatakhang tingin ni Aerynne.

"Bakit?" tanong niya.

"I have a brilliant idea!"

"Ano?"

"Why don't you audition sa cheerleading squad? Next week na ang audition, i'm sure makukuha ka."

"Ayoko, nahihiya ko eh."

"Ano ka ba! Wag kang mahiya, ang ganda mo kaya!"

"Baka hindi ako magustuhan ng members mo."

"Don't worry, sasabihan ko sila na tratuhin ka ng maayos. Atsaka sigurado akong magugustuhan ka nila 'no, mabait ka maganda pa. C'mon please?" nagpuppy eyes pa talaga ako.

"Hmm sige na nga."

"Yeheey!"

Pagdating na'min sa cafeteria ay sinalubong agad kami ng mga mata. Lahat sila ay nakatingin sa'min na para bang nakakita sila ng mga anghel na bumaba mula sa langit. Oh well, ganyan talaga pag maganda tapos maganda din 'yung kaibigan mo edi double kill na!

Saglit kaming umorder ng pagkain saka tumungo sa table ni Matthew, 'dun daw kami kakain sabi ni Aerynne. Kinilig tuloy ako nang tingnan ni Matthew si Aerynne na para bang eto ang pinakamagandang babae sa paningin niya. Hays, kailan din kaya ako titignan ng ganyan ni Liam?

"Oh magkasama kayong dalawa? Eh kani-kanila lang halos patayin ka na ng tingin nitong si Rynne." natatawang ani Matthew. Umupo ako sa harapan niya, si Aerynne naman ay sa tabi ni Matthew. SANAOL!

"Well, we're besties now." nakangiting saad ko.

"Besties? Really?" kunot-noo niyang binalingan si Aerynne.

"Oo, short for bestfriends." nakangiting sagot naman ni Aerynne. Yey! Finally, bestfriend ko na siya!

"Woah, I didn't though it would be this quick. Earlier, Mich told me that she was really looking forward to meet you and she wants you to be her bestfriend." nakangiting kwento ni Matthew habang kumakain kami.

"Really?" baling sa'kin ni Aerynne

"Yeah, kaso i'm shy eh." kamot-ulong sagot ko.

"Bakit naman?"

"Di mo kasi ako pinapansin 'nun kahit classmates tayo."

"Ahh hahaha! Nahihiya din kasi ako eh, sikat ka dito sa campus kaya nahihiya akong pansinin ka."

"Huh? Bakit naman? Eh approachable naman ako eh." nakanguso kong tanong.

"Mukha ka kasing masungit, lahat ng madaanan mong mga babae iniirapan mo lang."

"Hahahaha! Alam ko kasing mga plastic sila kaya iniirapan ko lang." sagot ko at sabay kaming natawa.

"Hiya lang naman pala ang hindrance sa friendship niyo eh." natatawang sabi ni Matthew saka umiling-iling.

"Eh ikaw? Ba't mo sinabing tayo na?" tanong ni Aerynne kay Matthew. Natawa ako sa'kanilang dalawa.

"Haha syempre 'dun din naman ang patutunguhan natin eh." nakangising tugon ni Matthew. Ang cute nilang dalawa!

Hindi nakasagot si Aerynne at nakita kong namula siya sa sinabi ni Matthew.

"Anong pinagsasabi mo jan.."

"Pfft. Namumula ka" natatawang sabi ko sa'kanya.

"Hindi kaya!"

"Namumula ka nga,"

Napahawak siya sa pisnge niya.

"Ang cute mo talaga." sabi naman ni Matthew na mas nagpablush kay Aerynne. Natawa nalang kami sa'kanya.

"Oy Aerynne! Alam mo bang dati-rati hindi yan namamansin kahit sino dito sa campus. Napaka sungit at suplado niyan. Pero simula 'nung nag transfer ka dito, lagi na siyang ngumingiti at tumatawa 'pag kasama ka. You brought color in his lifeless world." kinikilig na sabi ko. Bigla namang namula si Matthew kaya natawa ako.

"The way he looks at you is so different, its full of love. And i've never seen him look at her like that."

"Her? Sino?" nagtatakhang tanong ni Aerynne. Bigla ay gusto kong sabunutan ang sarili ko. Matthew already warned me about this...about her.

"Nobody. Lets go? We're gonna be late for the next subject." yaya ko sa'kanila dahil biglang nag-iba ang atmosphere.

Habang naglalakad kami ay hindi na'min naiwasan ang mata ng mga estudyante. Tinitignan nila ang bawat kilos namin--wait, I think kay Aerynne sila nakatingin lalo na ang mga boys na halos mahulog ang panga. Well, I can't blame them. Bumagay talaga kay Aerynne ang uniform lalo na't maputi siya, medyo maiksi ang palda namin kaya kitang-kita ang kaputian at kakinisan ni Aerynne at long-legged pa siya. Actually, kung tutuusin, mas maganda siya sa'kin eh. Proud bestie here!

Pabalik na kami sa classroom nang nagpaalam si Matthew na magbabanyo daw muna. Kaya kami nalang dalawa ni Aerynne ang magkasama patungong classroom. Everybody let's go! Joke!


MATTHEW'S POV
Nagpaalam na muna akong pupunta sa banyo. Pagkatapos kong gawin ang dapat kong gawin ay naghugas pa muna ako ng kamay, siyempre nakakadiri naman kung hindi. Nagpagwapo pa muna ako bago lumabas ng CR, mabuti nang hindi maturn off sa'kin si Rynne. Kahit naman hindi ako magpagwapo ay gwapo parin ako.

Patungo na sana akong classroom nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumawag. At muntik ko nang matapon ang cellphone ko nang makita kung sino 'yung caller.

Si Chesca.

Why is she calling?

Inis kong sinagot ang tawag niya.

;"Hello?!"

:("Oh? Why are you mad?")

;"Tss. Why did you call?"

:("Bawal na ba kitang tawagan? I just missed you, Gabriel.") sabi niya sa malambing na tono. Kung dati ay kinikilig ako kapag naririnig ang boses niyang ganyan, ngayon ay naiinis na'ko.

;"What do you want?"

:("I want you back.")

;"Are you crazy? Matapos mo'kong iwan, babalik ka?"

:("I still love you, Gabriel.") There she go again. Calling me by my second name. It's annoying!

;"I don't love you anymore, Chesca. Tantanan mo na'ko."

:("Sorry, but I won't. I'll do everything to have you back.")

;"Just stop it Chesca! I'm happy without you."

:("But I can make you happier than before.")

;"You won't be able to do that. Someone is already able to make me the happiest."

:("Oh really? Well, the hell I care. You're mine only.")

;"'Wag ka nang aasa na babalik ako sa'yo, because that will never happen."

:("We never know, unless we try right?") mahina siyang natawa na mas kinainis ko.

;"Stop it, Chesca."

:("I'm gonna win you back, Gabriel. Just wait and see.") then she ended the call.

Inis kong binulsa ang cellphone ko saka napasabunot sa sarili.

Damn it!

She can't come back.

She shouldn't.

Kung kailan masaya na'ko.

What am I gonna do now?

I know she's up to something.

Ayokong mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko.

'Wag lang talaga si Aerynne.

Continue Reading

You'll Also Like

191K 5.2K 96
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
40K 1.7K 23
โ ๐ˆ ๐Š๐๐Ž๐– ๐‡๐Ž๐– ๐ˆ๐“ ๐…๐„๐„๐‹๐’ ๐๐„๐ˆ๐๐† ๐‹๐„๐…๐“ ๐๐˜ ๐˜๐Ž๐”๐‘๐’๐„๐‹๐… ๐ˆ๐ ๐“๐‡๐„ ๐‘๐€๐ˆ๐.. ๐–๐„ ๐€๐‹๐‹ ๐๐„๐„๐ƒ ๐’๐Ž๐Œ๐„๐Ž๐๐„ ๐“๐Ž ๐’๐“๐€...
334K 7.6K 27
book 1 of the windows of the soul duology โœฟ โœฟ โœฟ lucent: softly bright or radiant โœฟ โœฟ โœฟ My brother's hand traces the cut on my right cheek for so...
4.4M 95.5K 62
โ€ข[COMPLETED]โ€ข Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...