Battle Of Hearts

Abakadazzzzz

13.8K 550 11

In a distant village there are five Dominant Clan. It is protected by the Sage, the ruler. Inside this villag... Еще

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Wakas
Battle Of Hearts

Kabanata 21

260 11 0
Abakadazzzzz

River's POV


"Nahihibang ka na ba?" Kunot-noong tanong ko na ikinatawa niya. Bahagya niya pang itinaas ang dalawa niyang braso para sabihing sumusuko na siya.


"Tss. Kung mangyayari 'yun edi sana hindi mo na ako nakita ngayon." Natatawa niya sabi na ikinataka ko.


"Bakit naman?"


"Malamang pinatay na ako ni Rio tsaka ni Aiken, pfft. Nakakatakot ang dalawang 'yan kapag nagsama. Parang bomba." Hindi ko maiwasang hindi matawa sa sinabi niya. Naisip ko tuloy bigla, ang ganda sigurong tingnan kapag magkaibigan si Kuya tsaka si Rio hihi


"Ano palang ginagawa mo dito, Castrielle?" Takang tanong ko na ikinakibit-balikat niya.


"Sasabihin ko lang sa'yo na nag-usap na ang Papa mo at ang Montenelli at Zarelli Clan." Agad akong napalingon sa kaniya ng sabihin niya ang bagay na 'yun. Abot-abot ang kabang naidulot sa akin nun. Hindi ko maipaliwanag ang dapat kong maramdaman.


"A-anong nangyari?"


"Hindi naman nagkagulo. Inaasahan ko ay aalis kami dito sa Hoshiga dahil sa galit ng dalawang angkan. Hindi nga kase pwede kaya lang nakisali si Rio."


"H-huh? Anong nakisali si Rio?" Naguguluhang tanong ko. Nakisali si Rio? Saan?


"Pumunta siya doon tapos humingi siya ng tawad sa Montenelli at Zarelli Clan. Seryoso nga talaga kayo noh? Seryoso si Rio, eh. Pfft." Natatawang sabi niya kaya napalingon ako kay Rio na nakakunot-noong nakatingin sa harapan. Hindi ko alam kung naiinip na ba siya o ano.


"Totoo ba?"


"Hmm. Nakilala ko si Rio na hindi masyadong nagsasalita." Biglang sabi ni Castrielle kaya muli akong napatingin sa kaniya. "Parang bato ang isang 'yan kapag kinakausap mo. Para mo kasing kinakausap ang sarili mo. Para sa kaniya, isa lang ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon at 'yun ay ang ibalik ang kapatid niya pero nung nakita ko siyang lumuhod kanina sa harap naming lahat dun ako nagulat."


Kaasar ka Rio!


"Ang sabi niya, tatanggapin niya daw kahit anong parusa basta hayaan nila Papa 'yung kagustuhan niyang makasama ka. Pfft. Parang magtatanan na nga kayo sa paalam niya, eh." Natawa na 'rin ako sa sinabi ni Castrielle. Naiimagine ko kasi. Pfft.


Si Rio ay lumuhod sa harapan nilang lahat para lang ipagpaalam yung sa amin. Gusto kong matuwa dahil itinuloy niya talaga. Akala ko ay nagbibiro lang siya nung sabihin niya sa akin na susubukan niyang kausapin sila Papa. Mas lalo tuloy akong nacurious kung ano ang nangyari nung nag-usap usap sila.


Nanlaki ang mata ko nang maramdaman na hinawakan ni Castrielle ang ilang hibla ng buhok ko sa gilid ng tainga ko at titigan ako ng diretso sa mata.


"Sabi ko na may hiwaga talaga sa'yo nung una palang kitang nakita, eh. May kakaiba na sa'yo na hindi ko maintindihan." Sinsero ang mga ngiti niya kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kaniya pabalik. "Iba ang gandang taglay mo, na halos lahat ng kalalakihan ay gugustuhing makita ang mukha mo araw-araw."


Castrielle.


"Sana pala pinili ko nalang na manatili dito sa Hoshiga para ako ang unang nakakilala sa'yo."


"T-tigilan mo nga 'yan, Castrielle. Hindi ako sanay na ganiyan ka." Natatawang sabi ko at bahagyang inilayo ang sarili pero hinawakan niya ang braso ko at mas lalo pang lumapit sa akin.


"Wag kang magulo. Nakatingin si Rio tsaka si Aiken dito. Pfft." Natatawang sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko at hinampas siya sa braso. Dali-dali naman akong tumingin sa ibaba at gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil nakita ko ang masamang tingin ni Rio sa akin at ang kunot-noong si Kuya Aiken.


"Lagot na naman ako nito mamaya, pfft. Aalis na ako, River." Paalam ni Castrielle at naglakad na paalis.


Nanood nalang ako sa ibaba. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako kapag inilalagay na 'yung simbolo. Ang sakit sakit nun. Para siyang tattoo. Gusto kong matuwa nang ipakilala ang ranggo. 'Yun pala ay dahil sa mga natanggap nilang score nung nagti-training palang sila. May mga misyon na kasing ibinigay sa kanila tapos dun nila nakuha yung score. Tiningnan ko ang napakalaking screen sa harapan kung saan nakalagay ang bawat pangalan nila.


Unang Ranggo: Rio Petruccelli


Gusto kong humiyaw nung tawagin si Rio. Kyahhhh!! Ang galing-galing ni Rio!!


Pangalawang Ranggo: Aiken Riciardelli


Proud na proud ako kay Kuya! Kyahhhhh!! Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng sunod sunod na tawagin sila Reese.


Ikatlong Ranggo: Killian Lodama


Ikaapat na Ranggo: Reese Perusa


Ikalimang Ranggo: Simon Perusa


Ikaanim na Ranggo: Finn Dawalli


Ikapitong Ranggo: Maxie Saracidelli


Napakunot ang noo ko sa pangalan at apelyidong nakalagay sa harapan. Sino naman ang isang 'yan? Tsaka, wala naman siya dito kaya bakit siya ang ikapito? Naguluhan bigla ako lalo na't ipinagpatuloy ang pagsabi ng mga ranggo.


Ikawalong Ranggo: Remmie Tarusa


Ikasiyam na Ranggo: Callie Samoda


Hanggang matapos ang seremonyas ay nasa isip ko ang pangalan na 'yun. Sino ba kase 'yun? Huhu. Hinarap ko si Mama na nanonood baka kasi alam niya.


"Ma, sino 'yung ikapitong 'yun?" Tanong ko kaya agad siyang napangiti sa akin.


"Nagmula siya sa angkan ng mga Saracidelli, anak." Ay, mataas din pala.


"Eh, nasan siya?"


"Hindi ko alam. Baka nasa ibang bayan. Pero pumunta na yun dito dati." Kaswal na sabi niya na ikinatango ko. Baka umalis na. Pero kasama siya sa limang angkan ha. Ang galing.


Pilit kong inalis ang bagay na 'yun nang matapos ang seremonyas. Siglang-sigla akong lumapit kila Kuya Aiken at agad tiningnan ang simbolo niya. Sinundot-sundot ko pa myun kaya pinitik ni Kuya yung kamay ko.


"Tigilan mo nga 'yan." Saway niya na ikinatawa ko at tinusok-tusok ulit 'yun kaya naman agad niya akong inipit sa braso niya.


"Aray! Kuya, masakit!" Reklamo ko at hinampas siya ng malakas sa balikat na ikinatawa niya. Napakasama ng ugali!


"River!!" Agad akong napalingon sa boses ni Callie na tumatakbo papalapit sa akin kasama niya sila Reese na yumakap din sa 'kin.


"Congrats sa inyo!!" Bati ko sa kanilang lahat na ikinangiti nila.


"Celebrate tayo! Kain tayo dali." Yaya ni Simon sa aming lahat at bahagya pang kumaway sa mga kakilala niyang dumaan sa amin.


"Hi River." Nakangiting sabi ni Finn sa gilid ko kaya napalingon ako sa kaniya.


"Congrats, Finn!"


"Salamat." Tuwang-tuwa na sabi niya at akma na sanang yayakap sa akin para bumati nang biglang may humampas sa kamay niya mula sa likuran ko. Dali-dali kong tiningnan 'yun at nakita ko si Rio na seryoso lang na nakatingin sa amin.


"Aray! Pfft. Hindi na nga pwede, Finn." Pang-aasar nila Simon na ikinatawa ko na 'rin bago humarap kay Rio.


"Congrats!" Nakangiti kong sabi na ikinasimangot niya. Napapatingin pa sa amin ang ilang kaedad namin kaya medyo nailang ako.


"Nasan 'yung yakap ko?"


"H-huh?" Bigla akong nataranta! Kaya lalong sumama ang mukha niya. "D-dito? Ang daming ta——" Wahhhh! Niyakap niya akoooo!!


"Wala akong pakialam." Natawa nalang ako at ipinulupot din ang braso sa likod niya.


"Sali ako sa group hug!" Sigaw ni Simon at agad lumapit sa amin ni Rio. Putcha! Kelan pa naging group hug 'to? Wahhh! Ganon din ang ginawa nila Remmie. Bwiset! Ipit na ipit ako!


"Castrielle! Sama ka na 'rin sa amin, dali!" Tuwang-tuwa na sabi ni Callie na ikinatawa ni Castrielle at sumali nga samin. Mukha kaming mga tanga dito sa gitna!


"Si Reese tiyansing kay Aiken!" Pang-aasar ni Simon sa pinsan niya kaya agad siyang sinabunutan ni Reese na pulang-pula ang mukha dahil sa kahihiyan.


"Tara na! Kain tayo sa labas. Sama na 'rin kayo Rio tsaka Castrielle." Yaya ni Finn. Si Castrielle ay agad na pumayag dahil wala din naman daw siyang magawa. Saglit lang akong nagpaalam kay Mama bago ako sumunod kila Kuya.


Napili namin na kumain sa isang restaurant. Dito din kami nung nakaraan, eh. Pero masarap naman ang pagkain. Nasa dulong upuan si Kuya Aiken na agad nagbigay ng bakante para sa 'kin pero dahil makulit ako si Reese ang pinaupo ko dun.


Nasa kaliwang bahagi ay si Kuya Aiken, Reese, Ako, Rio, Castrielle. Sa kabila naman ay si Killian, Simon, Finn, Remmie at Callie.


Isa-isa ko silang tiningnan. Ang mga simbolo nila sa kamay. Grabe. Lahat sila pumasok! Nakakaproud!


"Masakit?" Tanong ko kay Rio na nakatingin pala sa akin.


"Hindi."


"Weh?" Tanong ko at dinutdot yung braso niya. "Alin kaya dyan sa limang bilog 'yung Riciardelli?" Curious na tanong ko sa sarili ko.


"Tss. Hindi mo 'yun malalaman."


"Bakit naman?" Taas-kilay na tanong ko sa kaniya.


"Syempre,"


"Ano?"


"Tss. Kasi wala namang nakalagay diyan." Sabi niya at inirapan pa ako. Talaga naman!


"Akala ko naman alam niya. Hindi naman pala. Tss." Bulong ko sa sarili ko at tumingin na sa pagkain ko. Nakaorder na pala sila Kuya.


"River, mamaya na 'yang coke mo. Magrice ka muna." Aba talaga naman! Ang layo na sa akin ni Kuya pero nahagip niya pa 'yung pagkain ko.


"Nauhaw lang ako." Kunwaring sabi ko pero agad niya akong sinamaan ng tingin. Umayos ako ng upo at kumain na. Narinig ko pa na bahagyang natawa si Rio kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya.


"Pfft. Ano?"


"Anong-ano? Eh, kung sinasapak kaya kita?"


"Tss. Napakabarumbado ng salita mo."


"Malamang. Kesa nam——" hala?? Nakakainis siya!


"Sarap, diba?" Natatawang tanong ni Rio. Paano ba naman? Sinubuan niya na naman ako nung kain-kain niyang gulay! Ampalaya 'yun! Mabuti nalang at may chicharon kaya hindi ko masyadong nalasahan! Grr!


"Hindi ako kumakain ng ampalaya!" Reklamo ko sa kaniya at hinampas pa siya sa balikat.


"Alam ko."


"Eh, bat pinakain mo pa 'rin ako?"


"Ang daldal mo, eh." Agad ko siyang sinamaan ng tingin na ikinatawa niya. Nakakapikon naman 'to.


Nang mag-angat ako ng tingin sa mga kasama namin ay nakatingin silang lahat sa amin. Kahit ang ilan sa mga kumakain ay napalingon. Si Rio naman ay kunwari munang naubo bago bumalik sa pagkain.


"B-bakit?" Naiilang na tanong ko na ikinangiti ni Reese.


"Hindi lang kami sanay na ngumingiti at tumatawa si Rio."


"Eh?"


"Hindi naman kasi siya palangiti, River. Hindi din sumasama 'yan sa amin. Ngayon lang tsaka nung nakaraan. Nung kasama ka lang 'rin namin." Sabat naman ni Remmie.


"Tss." Rinig kong sabi ni Kuya kaya napalingon ako sa kaniya.


"Bakit, Kuya?" Kita ko ang pag-iwas ng lahat sa tanong ko na 'yun. Ano na naman ba 'to?


"Wala lang. Kumain ka na." Seryosong sabi niya na ikinakibit-balikat ko nalang at tumingin na kay Reese.


"Kamusta na kayo ni Kuya?" Mahinang tanong ko kay Reese na kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi. "Kayo n——"


"Kumain ka muna, River." Putcha! Ano ba 'to si Kuya!


"Ano Reese? Kamusta?" This time mas mahina na ang pagkakatanong ko.


"H-huh?" Napabuntong-hininga ako sa tanong niya. Ang manhid na nga ni Kuya, ang torpe naman nito ni Reese. Naloloka na ako sa kanila.


"Hindi mo pa 'rin sinasabi?" Takang tanong ko na ikinailing niya. Hindi pa nga. "Bakit?"


"Kapag nagsama nalang kami sa misyon. Magsisimula na 'yun bukas." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko alam na bukas na ang simula nun. "Tatlong tao ang nasa iisang grupo. Lahat kami lalabas."


"Delikado sa labas diba?"


"Oo. Pero nagsanay naman kami para dun. Kaya namin 'yun." Nakangiti niyang sabi at kumain na ulit. Kaya siguro ayaw nila Papa na sumali ako dito kasi lalabas sila. Isa sa pinakabilin ni Papa sa akin ang bagay na 'yan. Hindi ako pwedeng lumabas ng village dahil delikado. Pero napakaganda sa labas. Hays.


"Anong problema?" Tanong ni Rio sa gilid ko. Tapos na pala siya kumain.


"Bukas na kayo lalabas?"


"Oo, bakit?"


"Wala lang. Goodluck." Nakangiti kong sabi na ikinangiti niya na 'rin at ginulo pa ng bahagya ang buhok ko.


Kinagabihan ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Maaga pala aalis sila Kuya bukas kaya naman pagkagising ko siguradong hindi ko na sila makikita. Ilang araw pa ata 'yung misyon na 'yun. Wahhh! Nalulungkot ako!


"Bat gising ka pa?" Muli akong napalingon sa bintana ko at nakita ko dun si Rio kaya dali-dali akong lumapit sa kaniya.


Nang mabuksan ko 'yung bintana ay umupo na siya doon sa gilid ng kama ko kaya sumunod ako sa kaniya.


"Anong iniisip mo?"


"Maaga pala kayo aalis bukas noh?" Tanong ko na ikinatango niya. "Babalik kang ligtas ha." Seryosong sabi ko na ikinatawa niya. "Wag kang tumawa! Seryoso ako!" Pikon na sabi ko.


"Tss. Natutuwa lang ako dahil may nagsasabi na sa 'kin ng ganiyan."


"H-huh?"


"Wala na kasing nagsasabi sa akin niyan sa tuwing may misyon ako kapag lumalabas kami ng village." Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Nakalimutan ko.


Napaangat ang tingin ko ng tapikin niya ang space sa pagitan namin kaya lumapit ako doon. Agad kong naramdaman ang mga braso niya na pumulupot sa bewang ko. Niyakap niya ako, ng mahigpit. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti at isandal sa balikat niya ang ulo ko. Kapag sa kaniya talaga, napaka-komportable ko.


"Psh! Basta bumalik ka sa akin ng ligtas."


"Opo, Riciardelli." Inis akong lumingon sa kaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Tiningnan ko muna ang kabuuan ng mukha niya, mula sa mata, sa ilong, sa labi bago sinabi ang dapat kong sabihin.


"Seryoso ako. Kailangan mong bumalik ng ligtas. Ilang araw pa naman 'yun. Hays. Mamimiss k——" Wahhhh! Hinalikan niya akooo!!

Продолжить чтение

Вам также понравится

My First Summer (Completed) dazing_blue

Любовные романы

8.7K 510 29
Mitchie Ann Garcia, a 19 year-old maiden, grew in a wealthy family, diagnosed with a Coronary Heart Disease by her personal Doctor when she was still...
Trapped into Bad Girl's Love [Completed] Kimsun24

Подростковая литература

5.7K 1.7K 75
Cién University isang prestigous school kung saan mga matatalino at mapeperang istudyate ang mga nakakapasok sa paaralang ito Anong mangyayari sa pa...
Alquemie RiAnn

Приключения

572K 28.3K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...
The Green Eye Devil A.G.

Любовные романы

38.1K 847 157
She owning a pair of eyes na hindi daw sa kaniya? paano niya mapapaliwanag ang pagkakaiba niya sa lahat? matutulungan ba siyang matuklasan ang katot...