The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 25

109K 3.1K 845
By Maria_CarCat

The break up









Lumipad ang magkabilang palad ko sa aking mukha para takpan ang akinh pagiyak. Tanging pagiyak ko na lamang ang namumutawi sa aking pandinig. Hanggang sa unti unting gumaan ang pakiramdam ko ng maramdaman ko ang yakap ni Kenzo sa akin.

Niyakap niya ako ng mahigpit habang malambing na hinahalikan ang aking ulo. Hindi siya nagsalita, pero ramdam na ramdam ko kung paano niya gustong iparating sa akin na nanduon lamang siya. Na hindi ako nagiisa.

"Pagod na ako" pumiyok pang sabi ko ulit habang patuloy ang aking ginagawang pagiyak. Dinala ni Kenzo ang aking ulo sa kanyang dibdib, tinanggal ko ang mga palad ko sa aking mukha at ginantihan ang  kanyang yakap.

"Shhh...I'm here, Sera. Andito ako palagi para sayo" paninigurado at paalala niya sa akin. Bayolente akong napalunok, parang may kung anong bumara sa aking lalamunan.

Marahan niyang hinaplos ang aking ulo. "Sorry kung nawalan ako ng oras sayo, these past few days. Babawi ako..."

Mas lalong bumigat ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Kenzo. Akal niya siguro siya ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito, hindi ko naman siya sinusumbatan sa pagkawala niya nung nga nakaraang araw. Naiintindihan kong kailangan siya ng pamilya niya, kailangan niyang bumawi sa school. Hindi naman pwedeng ako na lang palagi ang iniisip niya.

Dahan dahan kong kinalas ang yakap ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagkabato niya dahil duon, maging ang kanyang katawan ay tumutol dahil sa aking ginawa.  Inipon ko ang lahat ng lakas ko para tingalain siya.

"I need space, Kenzo"

Mariin siyang napapikit at marahang umiling. Nagigting ang kanyang panga, bumaba ang hawak niya sa aking magkabilang siko.

"Anong problema? Pagusapan natin, Sera. I don't want to lose you" seryosong sabi niya sa akin. Napakagat ako sa aking pangibabang labi, pilit na pinipigilan ang nagbabadyang paghikbi.

Hindi ko kinayang suklian ang mga titig niya sa akin. Ang kanyang mapupungay na mga mata ay sumisigaw ng sakit. Alam kong nasasaktan ko si Kenzo dahil sa ginagawa ko. Kagagaling niya lang sa problema. Nakita ko kung paano niya ako isingit sa oras niya. Pero heto ako at sinasaktan siya.

"Cool off na muna" halos pabulong sa sabi ko pa. Mariin akong napapikit ng naramdaman ko ang pagsinghap niya.

Umakyat ang magkabilang kamay niya sa aking braso. Marahan niyang pinisil iyon, ramdam ko ang init ng kanyang palad duon.

"Kailangan mo ng space, baby? Sure. Pero hindi tayo maghihiwalay" madiing sabi niya sa akin. Halos malukot ang mukha ko dahil sa patuloy na pagiyak.

Muli kong naramdaman ang paghalik niya sa aking ulo, sa noo hanggang sa iangat niya ang aking ulo at marahan akong hinalikan sa aking labi.

Pinagbigyan ako ni Kenzo. Hinayaan niyang magkaroon kami ng space pero hindi niya ipinaramdam sa akin na wala siya. Hindi niya ipinaramdam sa akin na nawala ko siya.

Tahimik akong nakatitig sa handouts ko. Thursday ng umaga iyon ay kaunti pa lang ang tao sa classroom. Ni ayoko munang kumausap ng kahit na sino. Hindi ko pa din alam kung paano ko gagawin ang lahat ng ito. Ayokong pakawalan si Kenzo pero paano naman ang pamilya ko? Paano naman sila?

"Sera..." marahang tawag ni Abby sa akin. Napaawang ang bibig ko bago ko siya tiningala.

May inilapag siyang plastick sa aking harapan kaya naman lumipad ang tingin ko duon. "Pinabibigay ni Kenzo. Gusto sana niyang siya mismo ang magabot sayo, kaso baka daw ayaw mo siyang makita" malungkot na sabi ni Abby sa akin. Bayolente akong napalunok, bumigat ang dibdib ko.

Marahan na lamang akong tumango sa kanya. Hinawakan niya ako sa balikat bago siya nagayos para makaupo sa aking tabi. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya naman kaagad kong binasa ang dumating na message.

Kenzo:

Please don't skip breakfast. I miss you so much, Sera. I love you.

Muling uminit ang gilid ng aking mga mata ng mabasa ko ang message niya. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na miss na miss ko na din siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko, kailangan kong gawin ito para sa aming dalawa. Mas maagang matatapos, hindi magiging ganuon kabigat ang sakit.

"Sigurado ka na ba?" tanong ni Abby sa akin. Mabilid kong itinago ang cellphone ko para hindi na ako magdalawang isip pang magreply sa kanya.

Nilingon ko si Abby. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Maging siya ay naapektuhan din para sa akin. "Mahal na mahal ka ni Kenzo" marahang sabi niya sa akin.

Bumagsak ang tingin ko sa lamesa. "Alam ko..." malungkot na sabi ko. Mahal ko din naman si Kenzo.

"Hindi ka ba natatakot na mawala siya sayo?" segunda pang tanong ni Abby.

"Natatakot..." garalgal na sagot ko sa kanya. Napasinghap siya kaya naman hinawakan niya ang balikat ko.

"Kung ganuon, bakit mo ito ginagawa Sera?" tanong niya sa akin. Tila ba maging siya ay naguguluhan din sa aking mga ikinikilos.

Matalik kong kaibigan si Abby. Pero ayokong problemahin din niya ang problema ko. Mas ayos ng ako na lang magisa ang magisip tungkol dito.

"You're gonna lose this chance. Sera, please..." pakiusap niya sa akin na para bang gusto niya bumalik ako sa katinuan. Marahan na lamang akong napailing. I was between a tough decision of choosing about what is right and what makes me happy.


Tumagal iyon ng halos isang linggo. Hindi tumigil si Kenzo na magtext at kamustahin ako. May ilang oras na halos, kinailangan pa niyang makiusap sa akin na kitain ko siya.

"Baby, are we good now?" tanong niya sa akin ng siputin ko siya sa may quadrangle. Ni hindi ko siya magawang tingnan, i feel so guilty. Hindi niya deserve itong ginagawa ko sa kanya. Hindi ko kayang sabihin sa kanya ng diretso na makikipaghiwalay na ako, mas madali siguro kung ipaparamdam ko? Mas magiging madali siguro kung bigla na lang maging malabo ang lahat, tapos na kaagad.


Tahimik akong umupo sa kanyang tabi, nagawa pa niyang hawiin ang libro at ilang handouts para makapagtabi kami ng maayos. Gustong gusto kong umusod patabi sa kanya pero pinigilan ko ang sarili ko. Kita ko ang pagguhit ng sakit sa kanyang mga mata dahil duon.


"Kenzo, I still need time. Alone time" madiing sambit ko kahit ang totoo ay parang nanunuyo na ang aking lalamunan.


Napahilamos siya sa kanyang mukha, tinukod niya ang magkabilang siko sa kanyang magkabilang tuhod. Hindi ko maiwasang hindi siya tingnan, kita kong nahihirapan na din siya sa sitwasyon naming dalawa.


"Iniwasan ko na silang lahat" sabi niya sa akin kaya naman napatango ako. Kita ko naman iyon, magisa nanaman siya sa lahat ng bagay. Magisa siyang kumakain, magisa siyang nagrereview. Ginawa niya ang lahat ng iyon para sa akin, kaya naman mas lalo akong nagagalit sa aking sarili.


Napatikhim siya. Halos mamanhid ang buong katawan ko ng haplusin niya ang aking braso pababa sa aking siko hanggang sa pinagsiklop niya ang mga kamay naming dalawa.


"Ayusin natin ito, Sera"

Bumaba ang tingin ko sa magkasiklop naming kamay. Hindi pa din ako nagsalita. Nang maramdaman niyang hindi ako sasagot ay napabuntong hininga siya.

"Nakalabas na nga pala si Daddy sa hospital. May dinner sa bahay, ipapakilala kita kay Mommy at sa mga kapatid ko" sabi niya sa akin kaya naman napaawang ang labi ko, kumirot ang dibdib ko dahil sa kanyang sinabi.


"Busy ako, pasencya na. Uuwi ako sa bulacan this weekend" sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin. Ramdam ko pa din ang kanyang titig sa akin.

"Ihahatid kita..."

Mabilis ko siyang inilingan. "Susunduin ako ni Ate"

Muli siyang napatikhim. Patuloy pa ding naghahanap ng pwede naming mapagusapan. "Pwede ba akong pumunta sa dorm mo? Pwedeng makitulog ulit duon?" tanong niya ulit sa akin, ramdam ko ang pagsusumamo sa kanyang boses.

"Hindi na pwede, mahigpit na ngayon yung landlady namin" pagsisinungaling ko.


Napaawang ang bibig ni Kenzo. Mabilis akong napatingin sa aking suot na wristwatch. "May klase pa ako, baka malate ako" palusot ko sa kanya at kaagad na inayos ang pagkakasukbit ng aking bag. Nakita ko din ang pagtayo ni Kenzo, mabilis din niyang inayos ang kanyang gamit.


"Ihahatid kita sa classroom niyo" sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata. Halos may dalawang oras pa ako bago ang susunod na klase, ang totoo ay tatambay lang naman ako sa library.


Nakita ko ang pagtigas ng mukha ni Kenzo.  Bayolenteng nagtaas baba din ang kanyang adams apple. Nagiwas ako ng tingin sa kanya, naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking ulo.


"May dalawang oras ka pa, bago ang susunod mong klase. Saan ka?" malumanay na tanong niya sa akin. Halos mapanganga ako, alam niyang nagsisinungaling lang ako sa kanya pero wala akong narinig na hindi maganda.


Kinakabahan akong tumuro sa gawi ng library. "Baka sa library na lang muna..." nahihiyang sagot ko pa din sa kanya kahit halos gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan.


Bahagya siyang tumango. "Ihahatid kita sa library, please?"


Hinayaan ko siyang ihatid ako sa library. Nagawa pa akong halikan ni Kenzo bago ako tuluyang pumasok duon. Wala akong ginawa kundi ang tahimik na umiyak. Ang tanga tanga mo Sera! Maraming babae ang nangangarap sa pwesto mo ngayon, pero heto ka. Sinisira mo ang lahat! Tangina.


Sabado ng umaga ng sunduin ako ni Ate sa may dorm. Tahimik lamang din siya sa byahe, ramdam ang bigat ng problema na kinakaharap ngayon ng aming pamilya. "Magayos ka na ng papers mo" pagbasag niya ng katahimikan, papasok na kami sa bocaue exit, papasok sa sta. maria.

Kumunot ang noo ko. "Para po saan?" nagguguluhang tanong ko sa kanya.


Bahagya siyang sumulyap sa akin hanggang sa napairap na lamang siya sa kawalan. "Si Mommy na lang ang kausapin mo" tamad na sabi niya sa akin.


Tumahimik ako pagkatapos nuon. Malayo ang tingin ko habang papalapit kami sa bahay. Pareho kaming nagtaka ni Ate ng makita naming maraming tao sa labas ng aming bahay.


"Anong nangyayari?" kinakabahang tanong ko. Hindi siya sumagot, ramdam ko din ang pagkataranta niya.


Pagkapark ng sasakyan ay kaagad kaming bumaba. Nagkakagulo ang mga kapitbahay namin, may mga pulis din duon at ambulansya. Isang umiiyak na kasambahay ang sumalubong sa amin.

Kaagad ba naiyak si Ate ng marinig ang rason sa lahat ng ito. Pinaulanan ng bala ang aming bahay, ang suspetsya ay isa ito sa mga galit na investors ni Daddy.


"Mommy" umiiyak ba tawag ko sa kanya ng makita kong isinasakay siya sa ambulansya. Kita ko din ang pagsunod ng umiiyak na si Daddy, hindi pa siya tuluyang magaling kaya naman hirap pa din siya sa paglalakad.


Mabilis na niyakap ni Ate si Daddy. Wala akong nagawa kundi ang yakapin ang sarili ko habang umiiyak na nakatingin sa paglayo ng ambulansya. May dalawang tama ng bala si Mommy. Isa sa braso at isa sa tagiliran. Nalaman kong lahat iyon ng sumunod kami sa hospital, nagsidatingan din ang ilan naming kamaganak para kamustahin kami.

"Hindi na talaga safe dito Francis, tama lang ang desisyon niyo na duon na lang manirahan sa guam habang inaayos pa ang problema" rinig kong sabi ng isa sa mga tito namin.

Napaawang ang bibig ko. Sa Guam? Aalis kami patungo sa guam? Hindi ko alam ang lahat ng ito.

Tahimik na tumango si Daddy. Kita ko ang ilan sa mga tingin ng mga kamaganak namin sa akin. Hindi ko alam kung may may alam siya tungkol kay Ausgustine at sa mga alvarado ngunit mas lalong bumigat ang nakadagang responsibilidad sa aking braso.

Hindi pa din matigil sa pagiyak si Ate, katabi niya si Daddy na nanatiling nakayuko, tahimik na umiiyak. Nang makahanap ng tiempo ay dahan dahan akong lumapit sa kanila. Umupo ako sa katabi niyang upuan, kailangan kong gawin ito.

Hindi lang para sa utang na loob kundi dahil mahal ko sila, kadugo ko man sila o hindi, sila pa din ang pamilya ko.

"Daddy, payag na po akong magpakasal kay Augustine" pagbasag ko sa katahimikan. Pareho silang napatigil ni Ate. Kita ko ang gulat sa mukha ni Daddy. Hindi na siya nakapagsalita pa, mabilis na lamang niya akong niyakap bago siya napahagulgol.

I choose to do the right thing, over the things that makes me happy. It's time to be selfless now.

Mas lalo akong namanhid ng pumasok ako ng sumunod ba linggo. Matapos ang sem na ito, aalis kami patungo sa guam. Anduon ang ilan sa kamaganak ni Daddy kaya naman hindi kami mahihirapan.


"Good morning" nakangiting bati ko kina Apollo at Abby. Nagulat silang dalawa, nang makabawi ay kaagad din silang naglayo. Napanguso ako bago ko sila nginisian.


"Kailan kayo aamin sa akin na kayo na?" tanong ko sa kanila. Nanlaki ang mga mata ni Abby kaya naman natawa ako. Nagiwas lang ng tingin si Apollo sa akin.


"Hindi kami ah!" laban sa akin ng gaga kaya naman inirapan ko siya. Mas pinili kong ibalik sa normal ang dati kahit ang totoo hindi ba ata kailanman maibabalik iyon, lalo na sa napili kong desisyon.

"Bati na kayo ni Kenzo?" nakanhiting tanong ni Abby sa akin. Akala siguro niya ay iyon ang rason kung bakit ako biglang nagbago ngayon.


Tipid akong ngumiti sa kanya at marahang umiling kahit ang totoo ay sobrang bigat ng aking dibdib. "Break na kami" sambit ko na ikinagulat niya.


"Kailan?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Maging ang atensyon ni Apollo ay nakuha ko.


Bumaba ang tingin ko sa handouts ba hawak ko. "Nagtext ako sa kanya kagabi, hindi siya sumagot sa akin pero alam kong nabasa niya iyon" sabi ko kay Abby. I saw disappointment in her eyes.


"Hindi tamang makipagbreak sa text, Sera" paalala niya sa akin.

Inaamin kong mali iyon, pero duon lang naman ako may lakas ng loob. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko pang harapin si Kenzo ngayon. Naramdaman ko ang pagtatampo ni Abby sa akin, halos hindi niya ako pansinin. Number 1 fan naman namin siya ni Kenzo, kaya naiintindihan ko siya.

Matapos ang klase namin ay mabilis na nagsilabasa ang mga kaklase namin. Tamad na kumilos si Abby kaya naman medyo nahuli kami sa paglabas.


"Sera!"

Nagulat ako ng makita ko ang pagdating ng humahangos na si Fidez. Umiiyak siya at halatang galit na galit. Sa kanyang likuran ay ang nagaalalang si Andrew.

"Anong ginaga..." hindi ko na natapos ang tanong ko ng kaagad na lumipad ang palad niya sa aking pisngi.

"Tangina ka. Anong ginagawa sayo ni Kenzo at ginagawa mo ito sa kanya?" galit na tanong niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. Kita ko ang pagsuway sa kanya ni Andrew pero hindi nagpapigil si Fidez. "Iniwan niya kami para sayo, tapos ganito mo na lang siya kung bitawan. Sa isang text! Tangina Sera, naging miserable siya dahil sayo" patuloy na sabi ni Fidez. Naiintindihan ko, kaibigan niya si Kenzo.


Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. "Nakikipagbreak na nga ako, sa inyo na ulit siya" matapang na sabi ko kahit hindi ko naman iyon gustong sabihin. Hindi iyon ang gusto kong sabihin.


Muling tumulo ang luha ko ng muli niya akong sampalin. "Ang kapal ng mukha mo!" asik niya sa akin. Hindi ko napigilan ang mahihinang paghikbi. Natigil ang ilan sa mga kaklase namin para makinig at manuod sa mga nangyayari.


Gigil na gigil si Fidez. Muli niyang itinaas ang kamay niya para sana sampalin ako ng matagilan kaming lahat dahil sa pagsigaw ni Kenzo. Mas lalo akong naiyak ng makita ko siya. Kagaya ng dati, may hawak siyang plastick na may lamang pagkain para sa akin.

"Sinabi ko na sa inyong layuan niyo si Sera. Hindi kami maghihiwalay!" galit na asik niya kay Fidez. Napasinghap ako, hindi ko na kaya. Tama na ito.

"Hiwalay na tayo, Kenzo" pagbasag ko sa namuong katahimikan.

Mabilis siyang lumingon sa akin. Marahas siyang umiling. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. "No, Sera. Hindi pa, maguusap pa tayo. Maayos pa ito..."desperadong sabi niya sa akin. Kita ko ang pagpula ng kanyang mga mata.

Tiningnan ko siya diresto sa kanyang mga mata. "Ayoko na...ayoko na sayo" pagsisinungaling ko.


Kita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. "Bakit?" napasinghap siya. Mas lalo akong nasaktan.

Mariin akong napapikit. "Please, Kenzo. Ayoko na pagod na ako" pakisap ko sa kanya. Hindi siya nagpatalo, sinubukan pa niya akong yakapin pero nagpumiglas ako.


"Sorry, sorry kung may nagawa ako. Babawi ako, baby please..." pakiusap niya sa akin. Pero kagaya kanina, inilingan ko lamang siya.


Halos mapasinghap kaming lahat ng unti unting lumuhod si Kenzo sa aking harapan.


"Kenzo! Tangina!" galit na tawag ni Fidez sa kanya. Hindi rin makapaniwala na gagawin ito ni Kenzo.


Lumipad ang kamay ko sa aking bibig. Nakatingala siya sa akin, patuloy pa ding umiiyak. "Please Sera. Hindi na ulit ako magiging busy, uunahin kita palagi. Pangako!" pakiusap niya sa akin. Halos mawalan ako ng hangin sa katawan dahil sa pagiyak.


Gusto ko siyang yakapin, gusto ko sabihing hindi naman niya kailangang gawin iyon. Wala siyang naging kasalanan sa akin, hindi rin siya kailanman nagkulang sa akin.


Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Napapikit siya ng damhin niya iyon. "Bumalik ka na sa mga kaibigan mo Kenzo. Mas kailangan mo sila kesa akin...tama si Fidez, hindi pa ako sigurado sayo" umiiyak na sabi ko. I didn't mean it. Muling napasinghap si Fidez, ramdam na ramdam ko ang kanyang galit sa akin. Kung wala lang si Kenzo ngayon, sigurado akong sinaktan na niya ako.


"Bumalik ka na sa kanila" pumiyok na sabi ko pa bago ako tumakbo palayo duon. Narinig ko pa ang pagtawag ni Kenzo sa akin pero hindi ko na siya pinansin.


Dahil sa nangyari nung araw na iyon ay naging laman ako ng usap usapan ng mga kapwa ko Pharma student, hindi ko na lamang pinapansin kahit pa nagpaparinig ang ilan sa kanila.


"Balita ko ganyan daw talaga yan, pag nagsawa sa lalaki. Binibitawan" sabi ni Valerie na halos isigaw sa mukha ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Abby sa aking braso. Hindi nila ako iniwanan ni Apollo kahit pa maging sila ay clueless din sa mga nangyayari at sa mga biglaan kong desisyon.


"Hindi ako sasabay maglunch, may kikitain ako" paalam ko sa kanilang dalawa. Hindi ko na nahintay ang sagot nila ng kaagad akong tumakbo palabas ng school. Dumiretso ako sa may teacup, makikipagkita ako kay Augustine ngayon para mapagusapan ang mga mangyayari sa aming dalawa. Nakarating na sa kanilang pamilya ang pagpayag kong magpakasal sa kanya kaya naman gumagawa na sila ngayon ng hakbang para tumulong sa manufacturing.


Nakita ko siya kaagad pagpasok ko sa Augustine. Pero napahinto ako ng makita ko si Lumi duon, nakangisi siya sa akin. Hindi lang iyon, nanduon din si Andrew kasama ang ilan sa mga kaklase niya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Muli kong iginala ang mga mata ko, natakot akong makita ko din duon si Kenzo.

"Umorder na ako para sa atin" anunsyo ni Augustine. Tipid na lamang akong tumango sa kanya. Imbes na sa harap niya ako umupo ay iginaya niya ako paupo sa upuang katabi niya. Sila ang pagasa ng pamilya namin ngayon, ayokong gumawa ng action na pagdududuhan niya.


Nanatili akong nakayuko, bahagya akong napagalaw ng maramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran. Bahagya siyang umakbay sa akin, narinig ko ang pagngisi niya.

"What's the matter?" tanong na bulong niya sa akin. Napailing lamang ako.

Hindi ko napigilang hindi magangat ng tingin sa pwesto ni Andrew. Sumalubong sa akin ang galit at matalim niyang tingin sa akin. Nagiwas ako ng tingin sa kanya ng dumating ang order namin, nanatili ang tingin ko duon hanggang sa manlaki ang aking mga mata ng makita ko ang pagpasok ni Kenzo kasama si Fidez.


Tamad na tamad siyang nakasunod kay Fidez na para bang napilitan lamang siya. Bagsak ang kanyang mga balikat, he looks so messy. Bigla akong kinabahan, naagaw ng atensyon ko ang nakangising si Lumi sa akin na para bang gustong gusto niya ang mga nangyayari.


Mariing napapikit si Andrew. Mukhang alam niyang hindi maganda ang tagpo ngayon. Bumaling ako kay Augustine ba tahimik na pinapanuod ang pagbababa ng mga pagkaing inorder niya para sa amin.


"Sera, Augustine! Nice to see you!" nakangising tawag ni Lumi. Naikuyom ko ang aking kamao. Sinadya niya iyon. Tangina.

Kita ko ang gulat sa mukha ni Kenzo, galit namang nakatingin sa akin si Fidez. Ang gulat na mukha ni Kenzo ay unti unting tumigas. Galit na siyang nakatingin sa akin ngayon. Nagpapalit palit ang tingin niya sa akin at kay Augustine.


"Oh, the ex" nakangising sabi ni Augutine. Kaagad ko siyang nilingon, gusto ko sana siyang pakiusapan na manahimik, ngunit nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa aking labi. Nagulat ako ng kaagad niyang inangkin ang aking labi.


Mabilis akong napatayo dahil sa sigaw at pagkakagulo. "Walanghiya ka!" galit na sigaw ni Kenzo at mabilis na inatake ng suntok si Augutine.


Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang pinapanuod ko silang nagpapalitan ng suntok. Mabilis na dumalo si Andrew at ilang mga kaklase nila kay Kenzo. Ang staff naman ng kainan ang tumulong kay Augustine.


"Damn you! Anong problema mo? Fiance ko si Sera!" asik ni Augutine sa kanya.


Galit na galit si Kenzo. Kitang kita ko iyon sa bayolenteng pagtaas baba ng kanyang dibdib.


"Tangina, Sera! Wala pang isang linggo!" galit na sigaw niya sa akin. Halos manginig ang buong kalamnan ko, ngayon ko lang siya nakitang ganuon kagalit, ngayon ko lang din siya narinig magmura.


"Napalitan mo kaagad ako?" galit ba galit na tanong niya.


Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Muling nagkagulo ng haklitin niya ang braso ko. Marahas niya akong hinila palabas ng teacup. Narinig ko ang pagprotesta ni Augustine pero napigilan siya nina Andrew.


Tumulo ang masasagang luha ko habang nagpapatinaog ako sa paghila ni Kenzo sa akin. Nang medyo malayo na kami duon ay binitawan na niya ako at hinarapan.


"Meron iba kaagad?" halos pumiyok na tanong niya sa akin.


Marahas akong umiling. Hindi maiintindihan ni Kenzo. "Bakit?" tanong pa niya.


"Gusto ni Daddy na magpakasal ako kay Augustine. He's a bussinessman" sagot jo kaya naman muli siyang napamura. Kita ko kung paano niya hampasin ang pader malapit sa amin.


"I can be a bussinessman too, kung gusto mo. Kaya ko din iyon!" giit niya sa akin.


Napailing ako. "I'm sorry..." umiiyak na sabi ko. Hindi ko na siya magawang tingnan.


"Ginagawa mo ito para maging proud ang daddy mo? To please him, Sera?"


Hindi ako nakasagot. Nagulat ako ng ikulong niya ang pisngi ko ng kanyang mga palad para maiharap ako sa kanya. Puno ng luha ang kanyang mga mata.


"Hindi pa ba sapat na proud na proud ako sayo? Huh? Hindi pa ba ako sapat, baby?"



























(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

451K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
7M 228K 65
His Punishments can kill you
2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
713K 25.2K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...