Moments [Completed] Unedited

By beg_inner

61.4K 3.8K 559

Ating tunghayan ang kwento ni Keil at ang kanyang 10 years na unrequited love sa kanyang kababatang si Davie... More

Prologue
My 1st Moment
My 2nd Moment
My 3rd Moment
My 4th Moment
My 5th Moment
My 6th Moment
My 7th Moment
My 8th Moment
My Last Moment
His Moment
His 1st Moment
His 2nd Moment
His 3rd Moment
His 4th Moment
His 5th Moment
His 6th Moment
His 7th Moment
His 8th Moment
His 9th Moment
Our Moment
Our First Moment
Our Second Moment
Our Third Moment
Our Fourth Moment
Our Fifth Moment
Our Sixth Moment
Our Seventh Moment
Our Eight Moment
Our Ninth Moment
Our Tenth Moment
Our Elevent Moment
Our Twelfth Moment
Our Thirteenth Moment
Epilogue
Thank you Readers!

His Last Moment

1.6K 97 25
By beg_inner

Its Monday today.

Just like a typical student, tinatamad rin akong pumasok. Lalo na ng malaman kong hindi ko makakasabay sa pagpasok si Keil. Siguro dahil sa madalas na pagpupush ko sa kanya palayo kaya nangyayari ito.

At first, this is the thing that I want the most, ang lubayan niya ako. Pero ngayong parang nangyayari na ito, iba ang nararamdaman ko. Kabaligtaran nito ang gusto kong maramdaman ngayon.

Nakapagprepare na ako at handa ng umalis. Nakasakay na ako ngayon sa aking car at sakto namang nakita kong may tumigil na sasakyan sa harapan ng bahay nina Keil.

Kita ko rito ang pagbaba ni Cole at ang pagpasok rin ni Keil sa loob ng kotse nito. Malas ko lang dahil tinted ang sasakyan niya kaya di ko makita ang ginagawa nila ngayon sa loob.

Nagsimula na itong umandar at unti unting lumalayo sa aking paningin.

Minabuti ko namang umalis na rin at pumasok na lang sa eskwelahan. Sa ngayon ay hahayaan ko na muna si Keil dahil mukhang kailangan pa niya ng oras para muling bumalik ang pinagsamahan namin dati.

Pero yun nga ba ang gusto kong mangyari, ang bumalik kami sa dati?

Madali lang akong nakarating sa eskwelahan at halos kasunod lamang ako nina Keil at Cole na dumating. Nakita ko pang bumaba si Keil sa sasakyan ni Cole.

Bumaba na rin ako at pumasok na rin sa class ko.

MATAPOS ang aming klase sa umaga ay lunch break na. Pumwesto na kami ng aking mga kaibigan sa madalas naming kinapupwestuhan.

"Oh Davien, mukhang first time ata na wala kang baon ngayon?" Tanong naman sa akin ni Alexa.

Oo nga pala, wala ng ibinigay na lunch box sa akin si Manang dahil hindi na ako pinagluto ni Keil.

Sa tingin ko ay kailangan ko ng masanay ngayon.

"Ah oo, sige sasama na pala akong bumili sa inyo." Sabi ko nalang.

Bumili na rin ako. Wala akong choice kung hindi kainin ito. Hindi na nga ganoon kasarap ang food dito tapos ay hindi rin healthy ito.

Sakto naman kakain na kami at susubo ako ng mahagip ng paningin ko na nakatingin pala sa akin si Keil.

Agad naman siyang nagbawi ng tingin ng makita ko siya. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at bumalik na rin kami sa aming klase.

HALOS isang buong dalawang linggo na nangyari sa akin ito. Magsisimula na nga ang December pero ganoon pa din. Kahit hindi na umiiwas sa akin si Keil ay parang may iba pa rin.

These past few days nga ay dumalaw na siya sa bahay namin. Masaya at palaging nakangiti na siya tulad ng dati.

Napakasaya ko nga ng ilang araw na ito pero may pangamba pa rin na namumuo sa aking dibdib.

Bumalik na rin siya sa panonood sa aking pagpapaint pero hindi pa rin niya ako pinagluluto.

Ngayon nga ay nandito siya sa room ko. Pinapanood muli ako.

"Ah Keil may sasabihin sana ako sayo."

"Ano yon Vien?" Takang tanong naman nito sa akin.

"Uhm diba nanalo ako sa contest sa university natin. I just want you to celebrate with me this coming Friday. I've reserved a restaurant already for us and I just to want to say something important to you that day also. I hope you don't reject my invitation." Hiling na sabi ko sa kanya. Binabalak ko kasing magtapat na sa kanya sa Friday. Ilang araw na rin akong pinupush ni mom to do some moves dahil madalas din daw nilang nakikita yung Cole na yon at Chester na palaging kasama si Keil.

Madalas na itong lumalabas kasama ang dalawa. Tinanong ko naman si Keil pero sinabi niya sa akin na mula pa man noong high school kami ay magkakaibigan na silang tatlo pero ngayon lang daw niya naging super close si Cole. Masyado kasing bugnutin at suplado daw talaga ito noon at may pagka isip bata rin. Pero ngayon daw ay ayos ayos na daw itong mag-isip.

Nagseselos man ako kapag kasama niya ang dalawa pero wala naman akong karapatan para gawin ko ito. Nakikita kong masaya siya kapag kasama ang dalawa na hindi ko nakikita kapag kasama ako. I just want him to be happy but I also want it to be with me.

"Ah, ano kasi... ano bang oras yan?" Tanong naman na balik nito sa akin.

"6pm sana, pagkatapos kong mameet si Rando Fortaleza sa exhibit niya."

"Sige, susubukan ko." Sagot naman nito sa akin.

Napakunot naman ako ng noo sa sagot niya ng sinabi niyang susubukan niya. TIningnan ko rin siya na para bang tinatanong bakit susubukan niya lang, bakit hindi lang niya sabihin na oo?

"Oo na oo na pupunta na ako." Pagkatalong sagot naman niyang muli dahil sa ginawa ko.

"Sinabi mo yan ah! Hihintayin kita!" Masayang sabi ko naman sa kanya dahil sa wakas ay maipagtatapat ko na ang totong nararamdaman ko sa kanya.

TWO days from now ay mangyayari na ang pinakahihintay ko. Kinakabahan man ako pero excited rin. Mukhang mas excited pa nga ako na makapagtapat sa kanya kaysa sa makita ang iniidolo ko.

Nakausap ko nga sina mom sa plan ko at nakausap ko na rin ang mga magulang ni Keil. Mukhang payag naman sila sa plano ko.

Sinabi pa sa akin nina mom at dad that si Keil lang daw pala ang makakapagpabalik sa masayahin at bibong si Davien.

"Make sure to make it romantic son para mapasagot mo na talaga si Keil. Ako nga noon bumili pa ako ng bouquet of flowers na ako pa ang nag-arrange at chocolates na ako rin ang gumawa. Kaya ayon wala ng nagawa ang mom mo at napasagot ko kaagad."

"Ang sabihin mo bolero ka lang kaya mo ako napasagot!"

"Hala bolero daw eh napakasungit mo nga noong kabataan pa natin at palagi mo nga akong binabato mo ng hawak mong pamaypay hindi ba?"

"Pero yun naman talaga ang nagustuhan mo! Aminin mo daddy! Huwag kang magsinungaling!"

"Oh tingnan niyo mga anak oh. Diba nakakatakot ang mom niyo. Ngayon nalang muli siya nagsungit. Hahaha.

Pero tama ka nga hon ang pagiging masungit mo nga ang nagustuhan ko." At niyakap pa niya si mom at para naman silang bagong magkasintahan at naglalambingan ng hindi man talaga inaabala na nanonood kaming lahat na mga anak nila.

"Yiieeehhhh daddy! Daddy kiss mommy!" Biglang singit naman pala ni Dandan na kanina pa nakatingin sa parents namin.

Kami namang tatlo nina Debby at Derrick ay parang ewan na di malaman kung ano ang mararamdaman, kung kikiligin ba kami o mandidiri na nakikita naming ganito kacheesy ang mga parents namin sa harapan namin.

"Mom!"

"Dad!"

Halos sabay sabay namang sigaw na tatlo nina Debby at Derrick.

"Itigil niyo nga yan! Hey Dandan don't look! Parental guidance is advice for the following scenes. May bata dito oh mom at dad!" Galit na sabi naman ni Debby na tinawanan lang ng mga magulang namin.

Tinatakpan naman ni Debby ang mga mata ni Dandan pero pilit namang inaalis ito ni bunso.

Napuno ng masasayang tawanan at pagtutuksuhan ang pagtitipon namin ngayon bilang isang pamilya.

"Kuya kung gusto mo ako nalang ang bahala doon sa restaurant na pinareserve mo ng masabi ko sa kanila kung ano ang magandang design." Mungkahi naman ni Debby.

"Tapos kuya ako na ang bahalang humawak sa bouquet of flowers na ibibigay mo kay kuya Keil." Dagdag pa ni Dandan.

"Kung ganon ay ako na ang bahala sa romantic music kuya. I can play you the violin para iset kayo into a romantic mood." Sabi pa ni Derrick.

Mabuti nalang talaga at may mga kapatid akong ganito. They really support me for this. I know they are also happy that I'm doing this. They know that Keil is really a good and a wonderful person to be with. Maging sila ay excited to see us both together.

Hindi naman ako agad makapagsalita sa lahat ng mga mungkahi nila.

"Kung ganon ay kami ng bahala ng mom mo sa pagbayad ng reservatiom fee sa restaurant na gusto mo at kami na rin ang magbabayad sa lahat ng pagkain na oorderin niyo. Basta ikaw nalang ang bahala na mapasagot mo si Keil at ng maging isa na rin siya sa pamilya natin. Ano ayos ba son?" Huling mungkahi naman ni dad.

"Ok!" Isang masayang sagot ko naman dahil napakaswerte ko talaga sa family ko.

Ang hindi ko pa pala nasasabi ay nagkausap na kami ni dad about sa mga paintings ko. Actually dahil sa pagkapanalo ko sa contest kaya nalaman nila na di ko pala itinigil ang akala nila ay libangan ko lang dati.

Masaya ako dahil pinayagan na ako ni dad na ipursue ang dream ko na maging isang sikat na pintor pero ang hindi niya naipangako ay ang hindi ko na pagluklok sa posisyon niya kapag nagretire na siya.

Ewan ko ba pero hindi ako nagalit kahit sinabi niyang ako pa rin ang hahawak sa posisyon niya kapag nagretire na siya. Sa ngayon daw kasi ay di pa niya kayang ipagkatiwala sa iba ang business na itinayo niya.

Sabi niya ay kung talagang gusto kong ipagpatuloy ang dream ko ay kailangan ko daw itong paghirapan. Kung kailangan ko daw mag multi task ay gawin ko daw.

Nagulat pa nga ako ng sinabi niyang hindi rin naman pala magtatagal ang paghawak ko sa posisyon niya. Hihintayin ko lang daw naman na maging handa si Debby para rito.

Hindi ko naman akalain bakit nasali si Debby sa usapan namin. Ngayon pala ay kinausap pala siya ng kapatid ko noon pa na siya daw ang may gustong pumalit sa kanila.

Gusto daw maging isang sikat na businesswoman ni Debby dahil iilan lamang ang mga kilalang babaeng businesswoman na talagang kinikilala hindi lamang sa ating bansa kung hindi sa buong mundo.

Natawa pa nga daw si dad ng hindi niya akalain na ganoon pala kalaki ang pangarap ng anak niyang si Debby at ang kaisa isa pa niyang anak na babae. Nakikita niya daw rito ang sarili niya noong mga kabataan niya. Ganitong ganito rin daw siya na may matayog na pangarap kaya nagpursige ito kaya naman narito na siya sa ganitong kagandang kalagayan ngayon.

"I want you to mentor her bago ka niya palitan sa pwesto. I want you to help her achieve her dream also. Alam kong matalino kang bata at mas marami ka pang maitutulong sa kapatid mo. Yon lamang ang hinihiling ko sayo at malaya mo ng magagawa at maipagpapatuloy ang pangarap mo." Yan ang sabi ni dad sa akin. Kaya naman mas naging motivated pa ako dahil dito. Gagawin ko ang lahat para matupad ang pangarap ko at ng matulungan din ang kapatid ko sa lahat ng gusto niyang gawin.


Wednesday na ngayon. Natuto na ring magdrive ng kotse si Keil at nakuha na niya ang license niya.

Napakasaya niya ng makuha na niya ito at pumunta pa ito sa bahay namin at talagang napakarami ng niluto niyang pagkain. May dala pa itong cake at carbonara. Kinain namin ang niluto niya at talagang napakasarap nito.

Kahit maggagabi na ay napakain pa kami tuloy ng marami. Enjoy naman ang lahat dahil sa masarap na luto niya. Actually, namiss ko ito at kita kong pati ang mga kapatid ko ay namiss rin ito.

Simula kasi noon ay ngayon lang muli niya kami pinagluto. Kaya naman itong mga kapatid ko ay kain din ng kain. Lalo na si Dandan na ayaw ng lubayan ang cake.

"Kuya, I miss your cooking! Please cook a lot more for us!" Sabi niya naman habang may laman pa ang kanyang bibig.

"Oo nga kuya, bakit ngayon mo lang kami muling pinagluto?"

"Ah naging busy lang ako dahil ang dami kong requirements sa school."

"Ganon ba? Basta pagluto mo pa ulit kami ah kuya!"

"Oo na oo na." Nakangiting sagot naman nito at masaya na naming pinagsaluhan ang pagkain na niluto niya.

Habang kumakain naman sila ay pumuslit naman akong umakyat sa taas at pumasok sa aking silid.

Mabilis ko namang kinuha ang isang paper bag na ibibigay ko pa lang sana sa kanya sa Friday pero dahil may achievement siya ngayon ay ibibigay ko na ng mas maaga sa kanya.

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcSTPthbmOH5m1Otj5TYDqgmb3_7mchSzag-Mw&usqp=CAU

Agad ko itong kinuha at bababa na sana ako ng sakto namang makita ko siyang paakyat dito sa hagdan namin. Sakto naman dahil mukhang papunta talaga siya dito sa taas.

Di na ako nagaksaya pa ng oras at ako na ang pumunta sa kanya.

"Oh bakit ka nandito sa taas? May kailangan ka ba?" Bungad ko namang tanong sa kanya habang tinatago ko sa likod ang maliit na paper bag na hawak ko.

"A-ah hindi... Hinanap lang kita kasi bigla kang nawala kanina sa baba." Nahihiyang sabi naman nito sa akin at sobrang nacucute-tan naman ako sa mukha niya ngayon. Halos hindi na nga siya makatingin ng diretso sa akin.

Pinakita ko naman ang hawak ko sa harapan niya.

"Para sayo. Congratulations sa pagkakakuha mo ng license mo." Nakangiti ko namang bigay sa kanya nito.

"T-thank you! Nag-abala ka pa. Salamat." Nahihiya talaga nitong sabi.

"Buksan mo na. G-gusto kong makita ang reaksyon mo... Sana magustuhan mo." Sabi ko naman sa kanya na nag-iiwas din ng tingin sa kanya.

Binuksan niya naman ang laman ng paper bag at nagtaka pa ito ng makita kung ano ang nasa loob nito.

"Ano ito?" Takang tanong niya naman at kinuha niya ito.

Mukhang nabigla pa siya ng makita kung ano ang regalo na ibinigay ko sa kanya.

"T-teka... Paanong?" Manghang at takang sabi nito ng makita na niya ang ibinigay ko sa kanya.

"Nakita ko sa room mo yan noong araw na inaya kita pumunta doon sa garden restaurant. I immediately took a snap of it and draw this para naman magkaroon ako ng copy nito. Sana nagustuhan mo ito." Paliwanag ko namang sabi sa kanya dahil nagtataka siya kung paano ko naguhit ito at saan nagmula ang kopya ko.

"Salamat. Nagustuhan ko ito. Napakaganda! Ang cute mo pa dito pero ngayon hindi na..." Masayang sabi niya naman.

"Bakit naman hindi na ba ako cute ngayon? Dahil ba..... guwapo na ako?" Banat na sagot ko naman.

"Gwapo daw?! Asungot na kaya ang mukha mo ngayon. Huwag kang masyadong assuming. Hindi ka guwapo."

"Weh? Di nga? Pero may nakita ako sa wallet mo na nandon ang picture ko."

Biglang namula naman ang mukha niya ng sinabi ko ito.

"Paano mo nalaman? Kinalkal mo ba ang gamit ko!? Ano pang nakita mo?" Tila tarantang sabi niya naman sa akin.

"T-talaga ba?"

"Anong talaga?"

"Edi ibig sabihin ay may picture nga ako sa wallet mo? Gawa gawa ko lang yon pero nahuli kita. Hahaha talagang may larawan ba talaga ako sa wallet mo... I didn't know that you like me that much Keil hahaha." Sabi ko naman sa kanya na tumatawa pa dahil di ko akalain na may malalaman pa pala akong di alam sa kanya.

Ngayon naman ay nakayuko siya at mukhang nahihiya dahil sa nalaman ko sa kanya.

"Hey?" Hawak ko naman sa baba niya at para maitaas ko ito at makita ang mukha niya.

Hindi naman siya makatingin ng diretso sa akin at dahil may pagkamaputi ang balat niya kaya naman kita ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa hiya.

"Hey don't worry... Wait." Sabi ko naman sa kanya at may kinuha lang ako sa aking back pocket.

Kita ko namang mukhang nacurious siya kung ano na naman ang pakulo ko at sinusundan niya naman ako ng tingin.

"Look." Sabi ko sa kanya ng makuha ko ang wallet ko at binuksan ko ito.

Nabigla muli siya sa kanyang nakita. Nakita niya lang naman kasi ang picture niya sa loob ng wallet ko. At hindi lang ito basta basta picture niya dahil ito yung picture niya na nakatulog sa room ko at nakalihis pa ang damit niya at tumutulo ang laway.

Mas lalo namang namula ang mukha niya dahil sa hiya at pinaghalong inis.

"Bakit ganyan ang itsura ko diyan? Paano mo ko kinuhanan. Ahhhh nakakainis ka talaga akin na nga yan!" Biglang sigaw niya namang sabi at pilit niya namang inaabot ang wallet ko na naglalaman ng picture niya.

"Ayoko nga. Akin ito at bawal mo itong pakeelaman. Haha."

"Eh larawan ko naman yan eh. Ibigay mo na yan Davien. Arghhh nakakainis ka. Akin na yan!"

Galit pa nitong sigaw sa akin pero mabilis naman akong nagtatakbo sa loob ng room ko. Nagikutan pa kami sa may kama ko pero hindi pa rin niya ako mahabol.

Napakasaya ko dahil nagagawa na muli namin ito. We were both smiling right know and we forget all the things in the past.

Nakuha ko pang lumabas sa room ko at nagtatakbo pababa. Nakita pa kami ng mga kapatid ko at nakikihiyaw na rin sila dahil sa nakikita nila. Para kaming mga bata na naglalaro ng habulan. Walang gustong magpatalo kaya takbo lamang kami ng takbo.

"Go big brother don't let kuya Keil get you!" Rinig ko pang sigaw ni baby Dandan na chinicheer ako.

Nakuha rin naming napagod sa paghahabulan. Kapwa kaming hingal na dalawa dahil dito.

Pareho na kami ngayong nakaupo sa sofa dito sa sala kaso lang ay di kami magkatabi dahil baka hablutin niya nalang bigla ang wallet ko.

"Basta ang usapan sa friday ah! Huwag mong kakalimutan." Sabi ko naman sa kanya.

"O-oo na." Sagot naman nito pero parang may nakita akong unting pag-aalinlangan sa kanyang pagsagot pero isinantabi ko nalang ito dahil wala namang magandang kapupuntahan ang pag-aalala ko. Tiyak ko namang pupunta siya sa araw na yon at hindi na ako makapaghintay pa.

ARAW NG HUWEBES...

Mukhang talagang bumabalik na sa dati ang pagsasamahan namin ni Keil dahil kaninang umaga lang ay sumabay siya sa akin papasok sa university. Hindi lang iyon dahil pinagluto na niya muli ako ng lunch at siya na mismo ang nagbigay ng diretsahan sa akin.

Akala ko nga ay nananaginip lamang ako pero totoo ang lahat ng ito. Unti unti na talagang bumabalik ang pagkagusto niya sa akin.

Ako naman ay sobrang saya sa pagmamaneho dahil sa masaya ang bungad ng araw sa akin.

"Do you want to have lunch together mamaya?" Alok ko naman sa kanya.

"A-ano kasi. May aasikasuhin lang ako mamaya kaya baka maghalf day lang ako. May gagawin lang akong importante."

"Oh sige... Basta bukas ha. Huwag mong kakalimutan at huwag kang malelate." Muling paalala ko naman sa kanya.

"Ano ba yan? Ulit ulit ka naman eh. Oo na oo na!" Parang naiinis na sabi niya naman na tinawanan ko lang.

"Nandito na tayo." Sabi ko naman at sabay na kaming bumaba ng sasakyan.

Parang may rays of sunshine naman sa pumapalibot sa akin dahil sa saya ko ngayong araw. Maging ang mga kaibigan ko ay pansin nila ito.

Lalo na nang maglunch break dahil muli ko na namang matitikman ang luto ni Keil.

Kinuha ko na ito sa paperbag at ngayon ko lang napansin na masyado naman atang marami ang niluto niya ngayon.

May nakita naman akong note dito at binasa ko naman ito.

"Pinasobrahan ko ang niluto ko para ishare mo sa mga friends mo. Hope you like it at magpakabusog kayo! Eat well💙."

Nacutetan naman ako sa maiksing note na nilagay niya dito.

Mukhang pansin din ng mga kaibigan ko na marami ang baon ko ngayon.

Agad ko namang inilibas ang mga ito at binigyan ko sila. May mga pangalan pa talaga namin ang kada lunchboxes na inihanda niya.

Manghang mangha naman at sarap na sarap sila dahil sa ganda ng presentation at lasa nito. Gusto pa nga nilang kumuha sa portion ko dahil hamak namang mas marami ang sa akin kaysa sa kanila.

Ayoko namang sabihin pa sa kanila ang plano ko tungkol bukas. Gusto kong ipaalam sa kanila kapag kami na talaga ni Keil.

Masaya naming pinagsaluhan ang lahat ng mga foods na pinrepare sa amin ni Keil.

Halos late na rin kaming nakauwi kanina dahil sa may group meeting pa na nangyari para sa isang project namin.

Nang makauwi ako ay ibinalita naman sa akin ni Debby na halos okay na ang lahat para bukas. Excited na rin sila katulad ko.

Halos hindi na nga ako makatulog para bukas. Sinubukan ko nalang magbilang ng tupa para makatulog ako. Mabuti nalang at gumana ito at nakatulog rin ako para magkaroon ako ng energy para sa pinakahihintay ko bukas.






D-DAY!

Today I was excused to go to class. Dahil nga sa pagkapanalo ko ay mamimeet ko na ang iniidolo ko sa larangan ng sining.

Ako ngayon ay papunta na sa lugar kung saan gaganapin ang bagong exhibit niya. Pero kanina bago ako umalis ay pinabaunan pa ako ng pagkain ni Keil.

Sabi niya ay baunin ko daw itong Italian snack box na gawa niya. Nakita niya daw ang recipe sa instagram kaya sinubukan niya ito.

https://images.squarespace-cdn.com/content/v1/58ae5064d482e9529405676a/1573590746045-RT3AMC7QZ83TIS4V1IHD/ke17ZwdGBToddI8pDm48kDtKmw1P-u-gJybijxye8hF7gQa3H78H3Y0txjaiv_0fDoOvxcdMmMKkDsyUqMSsMWxHk725yiiHCCLfrh8O1z4YTzHvnKhyp6Da-NYroOW3ZGjoBKy3azqku80C789l0scl71iiVnMuLeEyTFSXT3oVEC-x4Y2FW_3yVHBqk4Gq1Sw5ZDu_Qjq8nqie43U1Ng/IMG_6229.jpgaCheck+out+this+list+of+10+healthy+snack+boxes.+Some+of+the+best+healthy+snack+ideas+to+pack+in+your+work+lunch+or+bring+on+a+trip.+These+healthy+portable+snack+ideas+will+please+adults+and+make+them+feel+like+a+kid+with+a+lunchable+again.?format=original

May salami at marinated mozarella balls na nakalagay dito at may gulay din. It is indeed a healthy snack but I know that it will taste very good.

Because of my excitement and happiness kanina ay nanakawan ko pa siya ng halik sa kanyang pisngi. Halata at bumakas ang pagkabigla at pagkahiya sa kanyang mukha. Namula siya at bago pa man siya makareact sa ginawa ko ay mabilis naman akong pumasok sa aking kotse at pinaandar ito ng may ngiti sa aking mukha.

Kita ko pa sa side mirror na tulala pa rin siya at nakatayo pa rin sa lugar kung saan ko siya iniwan.

Abot tenga naman ang ngiti ko sa pagdadrive paalis.

Minabuti ko ng magdrive na at baka stuck pa ako sa traffic. Malayo layo rin naman kasi ang exhibit ni Mr. Rando Fortaleza at mabuti nalang at mga alas tres pa ng hapon ay pwede na akong umalis doon at pupunta na ako sa restaurant na pinareserve ko.

Matagal ang biyahe at halos magdadalawang oras at kalahati na rin ako sa kalsada. Mabuti nalang at pinabaunan ako ni Keil at may nakakain ako kapag humihinto muna ako magdrive.

Halos naubos ko na rin kaagad ang ginawa niya para sa akin.

Minabuti ko namang maglunch na muna pagkarating ko malapit sa exhibit. Mag-aala una kasi mag-oopen ito.

Dahil nga nanalo ako ay parang vip ako. Ako ang unang unang pwedeng pumasok sa gagawin niyang exhibit at para mameet and greet siya. So habang hindi pa nagbubukas ito ay nasa loob na ako para libutin ito at makausap ng harapan ang iniidolo ko.

Pagkatapos kong kumain ay nagmaneho na ako. Pagkarating sa parking lot ay natagalan pa ako dahil marami ng mga journalist at reporter na nasa labas at naghihintay para sa opening ng exhibit ng kilalang artist na mamimeet ko na mamaya.

Nakahanap rin ako ng mapaparkingan matapos ang labinlimang minuto.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras dahil sa excitement ko ay binilisan ko talaga ang paglakad ko papasok.

Sa pagmamadali ko ngang makapasok ay hinarangan pa ako ng guard. Nakalimutan ko kasi ang special pass na ibinigay ng university namin para makapasok dito.

Nang makita at maverify naman ng guard ang hawak hawak ko na pass at ang id ko ay pinapasok niya rin ako.

Masaya naman akong pumasok dito. Agad naman akong naglakad at sumalubong sa akin ang isang staff.

"Mr Davien De Guzman?" Bungad na sabi ng babaeng staff sa akin.

"Ah yes."

"Come here... Follow me."

Sinundan ko naman siya. Madilim pa ang lugar at dim light lang ang nakasindi dahil hindi pa nga open ito.

Dinala niya naman ako sa may place kung saan gaganapin ang meet and greet mamaya. Halos nakaayos na ang lahat. Mula sa upuan at mga magazines na kung saan cover si Mr. Fortaleza. At halos ilang hakbang nalang dito sa kinatatayuan ko ay ang pintuan na para makapasok sa loob ng exhibit niya.

Hindi ko nga napansin na nasa harapan ko na pala siya. Si Mr. Rando Fortaleza. Ang matagal ko ng hinahangaan pagdating sa pagpinta.

"Hello, Mr. De Guzman. Nice to meet you." Nakangiting bati nito sa akin pero hindi naman ako nakakibo kaagad dahil na startstruck talaga ako sa kanya. Ang idol ko ay inaalok ang kamay niya para makipagkilala sa akin! Would you believe it!

"Ah y-yes. Nice to meet you rin po Mr. Fortaleza." Utal at mangha ko pa ring sagot sa kanya.

"I saw your art and it really amazed me. There's something to it that really draws me in but I still can't get it what is that thing that makes me want to look at it even more. I know there's a story behind it. But there's something that I notice with it. Is it just me or parang may pagkaluma na ata yung painting mo na iyon?"

"Yes po. Actually hindi po dapat yun ang ipapass ko for the contest but things happened and there is this friend. He's the one who passed that painting as my entry for the contest. It's a painting that I made for him when we are actually around five or six years old. I was about to throw it because of my bad memory about it pero kinuha niya po ito and gave another meaning to it. I just didn't expect that nasa kanya pa rin ito for a very long time at ito ang ipinasa niya for the art contest sa school. I feel very sorry to him po because even though may napag-awayan man kami ay siya pa rin ang gumawa ng paraan in the end para mameet ko po kayo kaya ako nandito.

I-im... I'm sorry if medyo napahaba ata ang kwento ko po." Nahiya ko namang sabi dahil hindi ko mapigilan ikwento ang nangyari sa amin.

"That's ok and what a great story! Thank you for sharing it to me. I think he's not only a friend to you...?"

Isang nahihiyang tango naman ang naging sagot ko bago niya ako iginiya papasok sa loob ng kanyang exhibit.

Parang bumalik akong muli sa pagkabata. Manghang mangha akong muli sa mga gawa niya. Iba talaga ang mga gawa niya. Nakakabilib talaga at napakasarap pagmasdan nito.

https://i1.wp.com/visualartsalliance.org/wp-content/uploads/2015/10/vaa-art-gallery-exhibit-show-local-artist-painting-sculpture-photograph-juried-08.jpg?fit=960%2C720

Napakaswerte ko dahil siya pa mismo
ang nagtotour sa akin sa loob at ineexplain sa akin ang meaning behind his every art work.

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRzPybpEcdGCHFz6yXTS5aq_MGAxwZOPSq0sA&usqp=CAU

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRz4rVHdEXhcF8g_jp6EZou6zES0tHMhVhQfg&usqp=CAU

Busog na busog ang mga mata ko sa ganda ng mga nakikita ko ngayon. Humingi naman ako ng permiso kung pwede kong kuhanan ng mga litrato ang mga gawa niya. Mabuti nalang at napakabait niya at pinayagan niya akong gawin ito.

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcQu0GDNbGceCUl5uEeCkiAyfrWMbPKXPw2K9Q&usqp=CAU

Dahil sa saya ko at pagkalibang sa pagtitingin ng mga ito ay naabutan na rin ako ng pagbubukas ng exhibit niya. Dumagsa na rin ang mga tao at mga katulad kong fan ni Mr Fortaleza.

Hindi ko naman sila alintana at patuloy lamang ako sa paglilibot sa buong lugar.

Hindi ko nga namalayan na lampas alas tres na ng hapon. Kung hindi lang nagtext sa akin si Debby na nandoon na daw sila at handang handa na sila para mamaya.

Mas lalo naman akong naexcite pero kinakabahan pa rin ako ng kaunti. Tinapos ko na ang aking pagtitingin tingin at umalis na rin ako pagkatapos.

Binilisan ko na ang kilos ko dahil friday ngayon at sigurado akong traffic. Ayokong maabutan ng mga pag-uwi ng mga estudyante at mga nagtatrabaho dahil baka malate pa ako.

Agad ko ng pinaandar ang aking sasakyan at nagmaneho na papunta sa restaurant.

Isang message naman ang nareceive ko mula kay Debby. Naglalaman ito ng larawan kung saan ready na ang lahat. Napakaganda nito at pinili ko talaga na ang location nitong restaurant ay malapit sa tabing dagat. Napakaganda kasi ng scenery dito kaya napili ko ito sa mga choices ko na nakita sa internet.

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRZbAAEjN4HRXk7pWnpRcWjA4m7_aY02P-jaQ&usqp=CAU

Ako naman ay mas minadali ko ang pagmamaneho ng makita ko ito. Tinext ko na rin si Keil para paalalahin siyang muli about sa pagkikita namin ngayon. Pati ang mga magulang niya ay pinasabihan ko nalang kay mom para malaman ang plano ko.

Halos tatlong oras lang ang biyahe pero parang isang buong araw na akong nagmamaneho. Ewan ko pero mas kinakabahan na talaga ako ng malapit na ako. Kung kanina ay mas nananaig ang aking excitement ngayon naman ay ang kaba ko.

Mabuti nalang at dahil sa amoy ng dagat ay nakakalma ako kahit papano.
Malapit na talaga ako.

Isang liko nalang at makakarating na ako sa pupuntahan ko.

Kita ko naman kaagad ang mga kotseng nakapark sa labas ng restaurant na pinareserve ko. Nandito na silang lahat.

Hindi na ako makapaghintay na masabi ang tunay kong nararamdaman kay Keil.

Pagkababa ko sa kotse ko ay bumuntong hininga muna ako ng pagkalakas lakas para maibuga ko lahat ang kaba sa aking dibdib.

Ito na. Ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon para maipaalam ko rin ang pagmamahal ko sa kanya at masuklian din siya sa lahat ng mga nagawa niya para sa akin.

Kinuha ko na ang bulaklak na dala dala ko at ang isang paper bag pa na naglalaman ng ireregalo ko mamaya sa kanya.

Pagkapasok ko ay kita ko namang parang nakakumpol ang pamilya ko at ang mga parents ni Keil.

Agad naman silang humarap sa akin ng makita nila akong lahat. Ako naman ay hinahanap ko si Keil dahil baka tinatago nila siya sa kanilang likuran.

Nakahilera kasi sila at di ko makita kung ano ba ang nasa likod nila.

Lumapit naman ako sa kanila pero..
Pero bakit ganito ang mga mukha nila.

Malungkot at parang may gustong sabihin sa akin.

"Magandang gabi po tito at tita. Mabuti po at nakarating kayo. Andiyan na po ba si Keil?" Masayang bati ko naman sa parens ni Keil.

"Ano kasi Davien... Yun na nga kasi ang problema."

"H-hindi ko po kayo maintindihan tita? A-ano po ba ang sinasabi niyo...?" Takang tanong ko naman at kinakabahan na rin ako dahil pati sina mom at dad pati na rin ang mga kapatid ko ay pare parehong may bakas ng lungkot sa kanilang mga mukha.

Ano ba kasi ang nangyayari? May nangyari bang masama kay Keil? Kinakabahan na ako.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Parang kakawala na ito sa dibdib ko ng kahit anong oras.

"H-hindi na darating si Keil, Davien. Sorry!" Malungkot at halos hindi makatinging sabi ni Tita Gina.

"A-ano po ba ang sinasabi niyo? Bakit? Naabutan po ba siya ng traffic? Kaya ko naman pong maghintay dito." Sabi ko naman sa kanila.

Mabigat bigat din kasi ang traffic kanina papasok dito sa location ng restaurant.



























"Umalis na ang flight niya Davien. Wala na siya sa bansa ngayon. Umalis na siya."


END OF HIS MOMENT.




GUYS AYAN NA PO AND ENDING OF HIS MOMENT. DI BA SABI KO SA INYO CLICHE STORY ITO PERO GANYAN TALAGA MAY MGA BAGAY TAYO NA GUSTONG GUSTONG MAGAWA KAHIT MAY PAGKACLICHE NA AT PAGKALUMA ANG MGA ITO.

I HOPE NAGUSTUHAN NIYO ANG HIS MOMENT. SOON I WILL PUBLISH "OUR MOMENT". YES! YOU READ IT RIGHT MAY "OUR MOMENT" PA. I CANNOT END THIS LIKE THIS SIYEMPRE.

IT IS MY THIRD AND LAST ADDITION FOR THIS STORY "MOMENTS". SANA PO AY SUBAYBAYAN NIYO KUNG SAAN PA HAHANTONG ANG KWENTONG ITO.

I HOPE YOU ENJOY THIS AND EXCITED FOR THE NEXT CHAPTER OF THEIR LIFE AS WELL LIKE ME.

THANK YOU AND STAY SAFE GUYS!

STAY IN LOVE!

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 106 31
Top #1 in GayXBoy (Completed) "I'm Wilhelm Fierro and I'm falling inlove in a Womanizer." Loving a Womanizer (BXB) Written By Hororochan Book Cover...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
359K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.6K 80 44
Klent is a cute and simple young man, and a first year student of Sun University. Nathan is a handsome, cold-hearted, and the king of the school. Two...