Kung sa panaginip ay akin ka at sa'yo ako,
Batid mang imposible't mahirap maabot ito,
Ipagsisigawan kung gaano ako kasaya sa piling mo,
Kung anong nadarama, malalaman ng mundo
At kung sa panaginip, yakap mo ay aking tahan
Pabango'y kabisado, 'di lilisan
Mga ngiting nagsisilbing pahinga, sigurado ang nararamdaman
Ipaglalaban ka, walang pag-aalinlangan
At sa paggising, katotohanan pa ri'y nagwagi
Sa realidad tayo palaging uuwi
Ngunit hayaan mong ako'y matutulog muli,
Dahil sa panaginip ako nakabawi
Na sana, noong gising pa'y sa'kin pa waring mga labi
'Di ka hinayaang umalis nung atin pa ang sandali
At dahil sa panaginip, nagawa mga pinagsisihan dati