Hindi gaya sa mga karaniwang istorya,
Walang wakas ang kuwento nating dalawa
Maayos naman takbo ng balangkas at simula
'Di nakapagpaalam, walang kibo't salita
Naghihintay din kaya sa dulo?
Ni minsan kaya'y hiniling ring pag-usapan ito?
Kung hindi ma'y sa umpisa nati'y naaalala mo?
At kapag hindi, mag-isa lang pa lang nagdurusa mula rito
Dahil ang katotohana'y 'di inisip noon ang paglisan
At ngayo'y wala na rin mga sumpaan
Kung bibigyan man ng pagkakataong magsulat sa kwento ng nakaraan,
Hindi wakas ang isusulat kundi'y akin pang dudugtungan
Kung saan sa kasalukuyan at hinaharap, tayo, walang dulo't katapusan