PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon...

By Zaenixx

858K 22.9K 2.4K

A/N: This story doesn't have matured content (such as making love), I just think that it doesn't suit the cha... More

INTRODUCTION
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
PLEASE READ
CHAPTER 34
WAKAS

CHAPTER 15

19.5K 641 39
By Zaenixx

CHAPTER 15







"WHAT are you cooking?" Tanong niya at pilit na sinisipat ang kaserola na pinaglulutuan ko.







"Sinigang," tipid na tugon ko.







Nanatili siyang nakayakap sa akin mula sa likod, "Why is it red?" Nagtatakang tanong niya sa akin.







"May tomato sauce kasi, paborito ko kaya feeling ko magugustuhan mo." Nakangiting wika ko.







Naramdaman ko ang pagkatigil niya na parang may sinabi akong mali.








"May problema ba?" Tanong ko.







"N-Nothing..." Sagot niya.







Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy sa pagluluto.







Nang matapos ay pinabaunan ko sila Primo at Bilmus para sa pamilya nila, nagpasalamat sila at pagkatapos ay umuwi na rin dahil madilim na sa kalsada.







"Boss, kakain ka?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Gallier kay Klaus nang makitang pinagsandukan ko ito ng kanin sa pinggan.







Kumunot ang aking noo lalo na ng tignan lang ni Klaus si Gallier ng masama na parang pinapatahimik.








"Ayos ka lang ba talaga? Pwede naman akong maghanda ng ibang pagkain kung ayaw mo." Wala sa sariling wika ko.







Agad na umiling si Klaus, "No, you cooked this for me so I must eat it." Aniya.







Hindi na lamang ako sumagot at naupo, nagsandok na rin ako ng pagkain sa plato ko.







Habang nagsasalin ng sinigang sa tasa ay kitang-kita ko ang pamumutla ni Klaus at ang pag-alma ni Gallier.







Sa tuwing pipilitin kong magluluto ako ng bago ay ayaw naman niyang pumayag.






Nagkibit-balikat na lamang ako at sumubo ng niluto ko, mas masarap nga talaga kung karne ng baka ang gamit kaysa sa baboy.







Habang kumakain ay nakita kong namumula ang pisngi ni Klaus, si Gallier naman ay pasimpleng sumusulyap sa kanya na parang sinisipat ang kalagayan niya.







Magtatanong pa sana ako nang ngumiti siya sa akin na parang sinasabing okay lang siya at wala akong dapat na ipag-alala.







Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa maalala ko yung lupa namin na kinatitirikan ng bahay nila aling Fiona.







"Klaus," Tawag ko.







Tumingin siya sa akin ng may pagtataka, "What is it?" Tanong niya.







Nag-iwas ako ng tingin dahil sa pag-aalangan, "C'mon, tell me." Aniya.







Kumamot ako sa aking ulo dahil sa hiya, "P-Pwede ba akong makahirap ng pera?" Tanong ko.







Sasagot pa sana siya nang biglang tumayo si Gallier, "Tapos na 'ko, boss. Kukunin ko na kila sir Max yung pinapakuha mo." Paalam ni Gallier at walang sabing umalis at iniwan kami sa dining area.






"Why?" Tanong niya sa akin.






"Ano kase, gusto kong pagawaan titulo yung lupa namin. Ginigipit kase ni kagawad Roberto sila aling Fiona kaya pansamantalang nakatira sa amin sila Puresa. Nag-aalala ako dahil baka mamaya ay ang bahay namin ang isunod." Paliwanag ko.







Kumunot ang kanyang noo, "Your family is the land owner, right? Therefore, you are the one who have rights to claim the land. Bakit hinayaan nila?" Tanong niya sa akin.







"Marami kasing kapit sila kagawad sa amin kaya madali sa kanila ang magnakop ng lupa." Sagot ko.







"I see, do you want me to take some legal action?" Tanong niya sa akin.







Umiling ako, "Hindi na, gusto ko lang talagang mabawi yung lupa dahil nakakaawa sila Puresa." Paliwanag kong muli.






Ngumiti siya at hinawakan ang aking kamay na nakapatong sa lamesa, "Don't worry, I'll help you." Aniya.






Ngumiti ako pabalik at tumango na lamang.






Halos manlaki ang aking mata nang makita ang grabeng pamumula ng kanyang tenga pababa sa kanyang leeg.







"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ko, napatayo na ako dahil hindi na tama ang kanyang itsura.






"Don't worry, I'm f-fine." Pilit niyang binubuo ang kanyang boses ngunit nagtutunog lamang ito na parang hirap na hirap sa pagsasalita.







Tinignan ko ang kanyang kinakain at tsaka lamang naproseso sa utak ko ang lahat ng nangyayari.






"Allergic ka sa kamatis?" Tanong ko. Agad kong inilayo ang kanyang plato at tinawag ang mga kasambahay.







Nagpakuha ako ng bimpo upang punasan ang kanyang namumula at maiinit na mukha.








"Tumayo ka, doon tayo sa sofa." Inalalayan ko siyang makatayo at makapunta ng living room.






Inupo ko siya sa sofa at kinalas ang butones ng kanyang suot.







"Ito na po, ma'am." Inilapag ng kasambahay ang isang planggana ng tubig na may yelo at bimpo. Agad ko 'yong piniga at pinunas sa kanyang mukha.







"Tatawag na ako ng doktor," akma ako tatayo nang hawakan niya ang pulsuhan ko upang pigilan.







"Pumunta na si Gallier kila Maximo para kumuha ng gamot. I'll be fine so don't worry too much." Nakangiting wika niya.







Umiling ako at sinamaan siya ng tingin.







"Baliw ka na ba? Alam mo nang allergic ka, pinilit mo pa rinv kumain! Paano kung mas malala pa 'diyan ang inabot mo?" Naiinis na wika ko.






Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya kasunod ang paghila niya sa akin para bigyan ng isang mahigpit na yakap.







"Are you worried about me?" Tanong niya, nakahiga ako sa dibdib niya kaya malakas ang kabog ng dibdib ko.






"M-Malamang! Sino bang hindi mag-aalala? Baka mamaya ay ikamatay mo 'yan." Tugon ko.








Tumawa siyang muli at napailing, "It was only a mild allergy, Amber. I won't die because of it." Aniya.







"Siraulo ka talaga, hindi ka nag-iisip." Dugtong ko pa.







"It is your favorite, and I can't refuse to eat it because you made that for me. Who would decline an angel's offer?" Uminit ang pisngi ko nang marinig ang sinabi niya.







"Kahit na, hindi mo na sana kinain. Madami pa naman akong favorite!" Wika ko.







Tumawa siya at napailing. "Alright, let's eat your favorites together." Aniya.







Napairap na lamang ako sa kanya.






Nang dumating si Gallier ay pinainom agad namin siya ng gamot, napagpasyahan kong dalhin na siya sa kwarto at magpaluto na lamang ng pagkain na pwede sa kanya.







"Amber, I don't eat porridge. It taste bland." Wika niya.






Ipinatong ko sa side table ang tasa ng lugaw na pinaluto ko sa cook sa kusina.






"Pero hindi pwede, kailangan mong kumain. Hindi ka masyadong nakakain kanina kaya dapat ay may laman ang tyan mo." Wika ko, naupo ako sa gilid niya.







Nakaupo siya sa aming kama habang nakasandal ang kanyang likod sa head board, "I can't eat that." Tumingin siya sa akin ng may pagmamakaawa.






"Isa, Klaus... Kumain ka." May pagbabanta sa boses ko kaya wala siyang nagawa kung hindi ang ngumanga at tanggapin ang bawat subo ko sa kanya ng kutsara.






Habang pinapakain ko siya ay hindi ko maiwasang mailang dahil sa titig niya sa akin. "'Wag mo nga akong titigan naiilang a-ako." Wika ko.





Ngumisi siya, "This is the way I look at you everytime we're close to each other. What's wrong?" Tila maang-maangan niyang tanong.






Inirapan ko siya, "Manahimik ka nga at k-kumain ka na lang." Tugon ko.






Hindi ako sanay na ganito ang pinag-uusapan namin, para kasing may hindi magandang mangyayari.






"You're really beautiful, Ambrosia." Napaangat ako ng tingin nang marinig ang buong pangalan ko na binigkas niya.






Seryoso ang kanyang ekspresyon at ang kanyang mata ay punong-puno ng mga salita na hindi malabas ng kanyang bibig.






Para bang ang dami-dami niyang bagay na gustong sabihin sa akin ngunit wala siyang lakas na nagsimula.






Hinawi niya ang ilang hibla ng aking buhok na tumatabing sa aking mukha, ang kanina niyang namumulang leeg at tainga ay bumalik na sa dati, mabuti na lang at epektibo ang gamot na kinuha ni Gallier kay kuya Maximo.






"Amber, promise me that you will remember everything with me..." Seryoso siya at walang bakas ng pagbibiro ang kanyang mukha.






"H-Hindi ko mapapangako." Tugon ko at nag-iwas ng tingin.






Kumunot ang noo niya at pilit na hinuhuli ang aking paningin.






"And why?" Tanong niya.






"Sa ngayon ay miski ako, wala akong alam kung kailan babalik ang alaala ko o kung babalik pa ba." Tugon ko.






Umayos siya ng upo at bahagyang lumapit sa akin, hinawakan niya ang pisngi ko at pilit na sinalubong ang aking tingin.






"You will, believe me, Amber. You will remember everything." Wika niya na punong-puno ng kasiguraduhan.






"Sana nga." Tugon ko.







"Maybe I can help you remember with this." Nabigla ako nang biglang lumapat sa labi ko ang isang malambot na bagay.






Napapikit pa ako dahil sa lambot nito at hindi maipaliwanag na kiliti sa aking tyan na namuo nang magdikit ang aming labi.






Mabigat ang aking paghinga at ang bawat pag-angat ng dibdib ko ay walang patid sa paghuhurumentado.






Nang maglayo ang aming labi ay tumingin siya sa akin ng may pangungusap sa kanyang mata.






"I miss you, I really miss you..." Nahihirapang bulong niya.






Isinandal niya ang kanyang ulo sa aking balikat kaya amoy na amoy ko ang panlalaking pabango sa kanyang katawan.






Hindi ko alam kung ano o saan ako kumuha ng lakas ng loob upang kusang iangat ang kanyang ulo at siilin ng halik ang kanyang labi.






Wala akong alam sa ganong bagay kaya walang direksyon ang paghalik na ginagawa ko.






Napakapit ako sa kanyang balikat nang bigla niyang hawakan ang likod ng aking leeg upang mas lalong palalimin ang aming halik.






Halos mapadaing pa ako nang pumasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig.






"I hope you don't regret this." Wika niya bago pagbaliktarin ang aming pwesto.






Marahan niya akong inihiga sa kama nang hindi pinuputol ang aming halik.






"I love you," Bulong niya bago ako tuluyang pangibabawan.






A/N: I accidentally touched the publish button dahil sa pisting ipis na 'yan na lumipad sa mukha ko. Animal kang pisti ka, pagnakita kita puputulan kita ng pakpak!

Continue Reading

You'll Also Like

499K 10.2K 40
Si Phoebe Raye Dawson ay isang tipikal na babae na madaling nakukuha ang gusto. She was heartless and cold hearted woman. She only wants luxurious th...
3.5K 223 43
No Potrayer Intended! PICTURE FROM PINTEREST Expect wrong grammars and typos --- Demaine Francia Alduzia is a definition of Beauty and Brains. She...
212K 3.1K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
2.9K 188 38
[COMPLETED] Hermionelle Yrollie Villablanca is a renowned artist, model, and influencer throughout the Philippines. She is happy to have achieved her...