"Stay with me"

By LaysaChaan

72.9K 3.2K 856

For worse or for better, Would you stay with me forever? "FANFICTION." Ps: please excuse the grammatical erro... More

"Under"
2
3
"4"
"5"
6
7
8
Gabo!
"9"
"10"
"11"
"12"
"
"how does it feel?"
"14"
"15"
"16"
"17"
"18"
"19"
"8th day of the month"
"20"
"21"
"22"
"23"
"24"
"26 -"
27
"28"
29
30
31.

"25 -"

1.6K 85 16
By LaysaChaan

GABB

"Magpahinga ka muna."utos ko lay Coleen.




"Patapos naman na ata yung shift ko e."
Aniya at Pilit nitong kinuha yung tray.




Hinayaan ko na lang siya at bumalik na ulit ako sa trabaho.



Maya maya bigla akong nakarinig nang paglabasag ng mga baso.

"Gabb! Si Coleen!!" Tarantang sigaw ni Bruno.






"Anong nangyare?!"
Agad akong tumakbo papalit kay Coleen na wala ng malay.







ABBY

Agad akong pumasok sa banyo para sagutin ang tawag.

"A-ate abby?" Garalgal ang boses nito.




"Bakit Gabb?!"






"Si C-coleen nandito sa ospital."







"What!? Saan yan! Wait lang pupunta ako diyan! Hintayin mo ko!"

Hinarurot ko na ang kotse at ng makarating agad akong tumakbo pa emergency room.





Bumungad sakin si Gabb na halos mamaga na ang mata nito sa pag iyak.

"Gabb!"




Bago pa ko makalapit naunahan na ako ni tito.

"Ikaw! Gago ka!" Sigaw nito at sinundan ng malakas na sapak  dahilan para mapabagsak si Gabb sa sahig.





"Tito!"





"Anong ginawa mo sa anak ko!"




Pilit itong nagsalita kahit dumudugo na ang gilid ng kanyang labi.
"H-hindi ko po alam."






"Pag may nangyaring masama sa anak ko sisiguraduhin kong magbabayad ka!



Susugod pa sana ito pero agad ko itong pinigilan. "Tama na po!"






Agad kong nilapitan si Gabb. Nanginginig ito sa takot at paulit ulit lang ang sinasabi.




"Sorry..."


"Sorry..."


"Sorry..."



"Hindi ko sinasadya.."




"Gabb..." Tawag ko pero hindi niya ko maharap.

"Gabb! Tumingin ka sakin." Patuloy ang pagbagsak ng luha nito.





"A-ate..hindi ko sinasadya."





"Magiging okay si Coleen, Wag mo sisihin ang sarili mo."





"Ginawa ko lahat., ginawa ko lahat ng makakaya ko ate para alagaan siya."





"Gabb, alam ko."






"Abelaine tumayo ka diyan,at ikaw! Simula ngayon Wag ka ng magpapakita sa anak ko." Akmang susugod nanaman ito kaya agad kong pinigilan.




"Tama na po!"





"Kumakampi ka na rin diyan?"





"Hindi ba dapat si Coleen yung iniintindi natin ngayon dito?!"
Binalik ko ang tingin kay Gabb at tinulungan na itong tumayo.






"Gabb ihahatid na kita."




"Pero ate."



"Gabb."




"Si Coleen h-hindi ko siya iiwan."
Hinila ko na siya palabas. Narinig kong tinawag ako ni tito pero hindi ko na ito pinansin.




Umabot ng kalahating oras bago kumalma si Gabb. Inabutan ko ito ng kape pero nilapag niya lang ito sa gilid.


"She had a monophobia." Kwento ko.
Pansin ko ang pagkagulat nito. Alam kong aware siya sa sakit na iyon.





"Naalala mo ba yung iniwan mo siya ng ilang araw nung nag away kayo?"



Napayuko na lang siya at napahawak sa buhok niya.

"Siguro minsan feeling mo ang toxic niya dahil ayaw ka niya paalisin sa tabi niya. Ayaw kang payagan umalis."





Rinig ko ang mahinang paghikbi nito at pagsisi sa bawat naririnig niya. bahagya akong lumapit at hinagod ang likuran nito.




"Dahil hindi niya kayang mag isa."
Lumapit ako para punasan ang basang mukha niya.



"Yan rin ang dahilan kung bat ayaw ni Coleen sa bahay nila."




"Lagi siyang naiiwan mag isa."





GABB.

Para akong binagsakan ng mabigat na bato sa ulo sa mga narinig ko.




Pinipilit niyang sumama sakin kahit saan kase ayaw niyang maiwan mag isa sa kwarto na yun.



Pinipilit niyang magtrabaho para makasama ako.



Kahit napapagod na siya.




Kahit hindi niya na kaya.






"B-bakit hindi niyo sinabi?"






"Sinabi niyang wag namin ipaalam sayo, Sa ngayon kaylangan mo munang magpahinga."





"Pero si Coleen atee."






"Ako na ang bahala, Gabb."

Hinatid na ako ni ate abby sa apartment. Hindi ko alam kung bat ako pumayag kahit ayokong umalis sa hospital na iyon.





Magdamag akong gising.
Hindi ako dinadapuan ng antok.
Sobrang daming sumasagi sa isip ko dahilan kaya hindi ako makatulog.






Halos hindi na rin ako makapikit.
Nakatitig lang ako sa orasan at hinihintay mag umaga.






5:00 am

Hindi pa sumisikat ang araw.
Dali dali akong nagpalit ng jacket at dumeretso na sa hospital.




"Miss, Coleen po., Coleen trinidad." tanong ko sa isang nurse.




"Ahm coleen trinidad? nilabas na siya agad kaninang madaling araw." Sagot ng nurse





Hindi ako naniwala sa sinabi nito at dali daling hinalughog ang buong hospital.


Pero wala akong nakitang Coleen.
Agad kong tinawagan si ate abby pero hindi sila sumasagot.





"Coleen.."

Sinubukan ko ulit tawagan ng tawagan si ate abby.



Napasandal na lang ako sa pader at napapapikit. Feeling ko anytime babagsak ako.



May tumawag sa phone ko kaya mabilis kong kinuha ito.

Ecka's calling.


"Hello."



"Gabb, kaylangan mong pumunta rito."




"Bakit ate Ecka? Anong problema."




"Gabb..."




"Bakit ate?!"




"Wala na si lola."



COLEEN.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Ngayon na lang ulit ako nakatulog ng ganito kahaba. nanghihina pa rin ang katawan ko.

"G-Gabb?"





Nilibot ko ang tingin sa buong silid.

"Nasan ako?"






"Coleen," alalang tawag ni ate abby na nasa tabi ko.






"Nasan ako ate? Asan si Gabb?!"






"Coleen, magpahinga ka muna-






"Ate bat ako nandito? Nasan si Gabrielle!"






"Coleen." Tawag ng isa pang boses.
Agad kong itong nilingon , si dad.






"Bakit nandito ka? Ate abby ayoko na dito."






"Coleen."






"Ate! Please! Nasaan si Gabb!?"






"Nababaliw ka na ba?! Halos manghina na yang katawan mo. Yung babaeng yun parin iniintindi mo?!"

"Hindi mo na siya pwedeng makita."





"No!!"




"Dad!! No! Ayoko!"




"Ate A-abby Gusto kong makita si Gabb"



ABBY.

"Please..." pagmamaka awa niya sakin.
Naluluha na rin ako kaya agad kong iniwas ang tingin.





"Coleen, hindi pwede." Pilit kong salita.




"Bakit?!"




"Aalis ako dito!"






"Coleen!"

Biglang dumating ang doctor at tinurukan ito ng pampatulog.






"Bitawan niyo ko! Ayoko dito! Bitawan niyo ko!!!"

Agad akong lumabas ng silid. Hindi ko kayang makita siyang ganon.






Napahawak na lang ako sa bibig ko at pinipigilan maiyak sa mga nangyayari.







Shrt Flshbck.

"Dala lang po ng matinding pagod at hindi kumakain sa tamang oras kaya nawalan siya ng malay pero magiging okay rin po ang anak niyo." Sabi ng doctor.



Nakahinga kami ng maluwag sa sinabi ng doctor.





"Iuuwi na natin si Coleen. Kukuha na lang ako ng personal doctor niya."








"At ikaw abelaine."

"Ayokong makitang nakikipag usap kayo sa babaeng yun."




Kinuha nito ang cellphone ni Coleen at walang atabuling itinapon sa basurahan.





End flshbck.

"Kumain ka na, para lumakas ka na." Kanina pa siya tulala at hindi manlang nagsasalita.




Dahan dahan kong inabot sa kaniya ang pagkain, agad niya itong kinuha sa kamay ko at akalang kakainin niya yon. Pero itinapon niya lang ito hangang sa magkalat sa sahig.





"Coleen!"





"Bakit?" Walang emosyong tanong nito.

Pabalang niyang inalis ang mga naka kabit sa kaniya. At naglakad papuntang pinto pero agad siyang hinarang ng mga bantay na binilinan ni tito.







"Saan po kaya pupunta?"tanong ng isang lalake






"Ano namang pake mo?"






"Kaylangan mong magpahinga." Ani ko.






"Magpahinga?"sambit nito at sarkastikong tumawa.

"Eh halos hindi na ko makahinga dito?"
Sinubukan ulit nitong dumaan.





"Bawal po." Sagot ng guard.





"Ano ba!?."





"Sorry maam pero yun po ang bilin ni sir."







"Ano ba ako dito? Pasyente o preso?"padabog itong bumalik sa kama niya.





Lumabas muna ako sa kwarto.
"Manang pahatid na lang po ulit ng pagkain."








Agad akong bumalik sa loob kasabay ng pagtitig ni Coleen. Pilit kong iniiwas ang tingin.

"Akala ko naiintindihan mo rin ako, katulad ka rin pala nila."






"Hindi yan totoo, coleen."





"Natatakot ka rin kay dad? pano kung ikaw naman yung sirain niya? Kayo ni ate Sela?"







Hindi ako makapagsalita sa bawat tanong na binabato niya sakin. Parang nabuhol ng kusa ang dila ko.

Bumukas ang pinto at niluwal nito si tito.







"Gising na siya?"tanong nito at pumunta sa tabi ni Coleen.







"Oh? Bakit hindi mo pa to kinakain?"
Tanong nito kay Coleen pero agad niyang iniwas ang tingin kasabay ng pag irap.







"Ano bang gusto mo?"
Bahagya itong natawa sa tanong ng kaniyang ama.





"Bakit ibibigay mo ba?"



"Syempre nama–"



"Si gabb."

Bumalik ang seryosong mukha ni tito at napabuntong hininga.







"Hindi mo kaya diba? Kelan ka ba nakinig sa gusto ko?

"Kahit tanungin mo kung anong gusto ko. Hindi ka pumapayag kase yung gusto mo lagi yung nasusunod."



.

"Nababaliw ka na talaga."napatayo na lang ito sa galit.






"Tama na ho!" Pagpipigil ko.






"Ano bang pinakain ng taong yun sayo at bat nag kakaganyan ka?"







Ngumisi lang siya. kaya mas lalong uminit ang ulo ni tito.

"Wag na wag niyo siyang palalabasin!"
Sigaw nito at lumabas na ng kwarto.








"Anong klaseng pananakal to?" Aniya.

Naupo ito sa upuan  at pinagmasdan ang ulan sa labas ng balkonahe.





Hindi ko maiwasan makaramdam ng awa sa sitwasyon niya. Hindi ko alam kung bat ko rin ginagawa to. Ang sundin ang mga makasariling desisyon ni tito.

Nabalot ng katahimikan ang buong silid na tanging tunog ng pagpatak ng ulan lang ang maririnig.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 81.1K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
79.8K 4.3K 71
Containing some MATURED CONTENTS SO BEWARE. it's only a fanfic story so don't take it seriously, enjoy :>
96.6K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...