INANG

By iamjcquin

11.9K 771 62

Dahil sa pagkamatay ng lola ni Gwen, kinailangan nilang umuwi ng probinsya. Sa pag-uwi nilang ito maraming ka... More

KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23

KABANATA 6

425 32 0
By iamjcquin

KABANATA 6

Nasa kwarto ako at nagta-type ng bagong content na ipo-post ko sa blog ko once makabalik na kami ng Manila at maranasan ko uli ang mabilis na wi-fi nang kumatok si Ate Rose sa kwarto ko.


"Come in."


"Gwen, nandito ba si Enzo?"


"Wala po. Bakit?"


"Nag-banyo lang ako tapos paglabas ko wala na siya. Hinanap ko sa lahat ng kwarto, sa labas at loob nitong bahay pero wala. Kinakabahan ako. Baka na-kidnap 'yung kapatid mo."


"Po?" Napatayo agad ako at tumakbo pababa ng bahay. Sino naman kayang ki-kidnap sa kapatid ko? Nasaan kaya si Enzo? Biglang pumasok sa isip ko si Mang Rudy, kaya mas lalo kong binilisan ang takbo.


Palabas na ako ng bahay nang makita ko si Enzo na naglalakad na umiiyak papasok ng gate. Ang dumi ng suot niya at puro siya galos. "Enzo! Saan ka galing? Ano'ng nangyari sa 'yo?"


"Diyos ko po. Sino'ng may gawa nito?" sabi ni Ate Rose.


Humihikbi siyang sumagot. "Gusto ko lang makipaglaro pero inaway nila 'ko. Sabi nila pamilya ng mangkukulam daw tayo. Mamamatay tao."


"Sino'ng nagsabi niyan?" Awang-awa ako sa ayos ng kapatid ko.


"Yung mga bata doon." Tumuro pa siya sa labas. "Totoo ba 'yun Ate?"


"Hindi totoo 'yun. Walang mangkukulam sa pamilya natin at mas lalong walang mamamatay tao sa 'tin."


"Linisan muna natin siya."


"Mabuti pa nga po."


Inasikaso ni Ate Rose si Enzo. Nilinisan at pinagpalit ng damit. Habang ginagamot namin 'yung mga galos ni Enzo kinakabahan ako sa pwedeng mangyari once na dumating na sina Mommy at makita 'tong nangyari sa kapatid ko.


Narinig ko 'yung tunog ng sasakyan namin. Nandito na sila. "Ate Rose, ikaw na pong magtapos nito." Bumaba ako para salubungin sina Mommy.


"Hi Gwen," nakangiting bati ni Mommy sa 'kin. May bitbit pa siyang supot ng mga prutas.


"Where's your brother. Tulog?"


"No. Nasa taas po."


"Bakit hindi bumaba? Naglalaro na naman ba sa cellphone niya?"


"No po."


"May nangyari ba?"


"Why what's wrong?" tanong ni Dad na papasok ng bahay na balde ng pintura at pala.


"Gwen, by the look in your face, mukhang may nangyaring hindi maganda."


Mabilis na ibinaba ni Mommy sa lamesa 'yung supot na hawak niya at pumanik sa taas. Sumunod naman ako.


"Enzo?" Sabay na napatingin si Enzo at Ate Rose kay Mommy nang pumasok ito sa kwarto. "Oh my God. What happened?" Lumapit agad si Mommy kay Enzo at tiningnan ang mga sugat. "Rose, bakit nagkaganito 'yung anak ko?!"


"Ano'ng nangyari?" Pumasok na rin sa kwarto si Dad.


"Wala pong kasalanan si Ate Rose," sabi ni Enzo.


"'Yung mga bata po sa labas inaway ako."


"Rose ano 'to? Hindi ka ba niya kasama?"


"Ma'am nag-banyo lang po ako kaya hindi ko po alam na lumabas siya."


"Gwen, ikaw nasaan ka?"


"Nasa kwarto po ako kaya hindi ko rin alam."


"Sino'ng mga bata 'yun? Nasaan? Ituro niyo sa 'kin. Kailangan makausap ang mga magulang ng mga batang 'yun. Mali 'tong ginawa nila."


Nagmamadaling pumunta si Mommy sa Baranggay Hall. Kasunod kaming tatlo nina Dad at Enzo. Inabutan pa namin na naglalaro ng baraha 'yung Baranggay Captain at mga tanod doon. Ang bilis nilang nilinis 'yung lamesa nang makita nila kami.


Pinaliwanag ni Mommy sa kanila 'yung nangyari. Since hindi namin alam kung sino 'yung mga batang nakaaway ni Enzo at kung sino-sino ang mga magulang ng mga ito pina-describe nila kay Enzo ang itsura ng mga ito.


"Yung isa po payat, maitim, matangkad at may peklat sa kanang kilay. 'Yung isa po mataba na may maitim na may balat sa braso, tapos isa pa po maliit na kalbo, parang bagong ahit po."


"Kapitan parang kilala ko na 'yung mga batang tinutukoy nila."


"Ganun ba. Puntahan mo na ngayon, sabihin mo pinapatawag ko, nang matapos na 'to." Humikab pa 'yung kapitan na parang napipilitan lang siyang asikasuhin kami.


Isang oras din kaming naghintay sa Baranggay Hall.


Nasa labas palang sila nadidinig na namin. "Walang kasalanan ang mga anak namin!"


"Dapat umalis na lang sila dito!"


"Nagsasabi lang naman nang totoo ang anak ko!"


Pagpasok nila sa Baranggay Hall halos magsiksiksikan na ata kami sa dami ng kasama nung mga bata at mga magulang. Buong pamilya ata isinama, samantalang kami aapat lang. Balak ba nila kaming kuyugin? Ano 'to? Paramihan ng kakampi?


Tiningnan ko bawat isa 'yung mga bata. Kahit galos man lang wala sila. Kahit isang kalmot o suntok man lang hindi ata nakatama 'yung kapatid ko, tapos walang kasalanan at inosente ang mga anak nila? Hindi ko sinasabi na dahil nasaktan 'yung kapatid ko dapat masaktan din 'yung mga anak nila, pero sana kung may mali itama nila, hindi 'yung pagtatakpan nila kahit na kitang-kita 'yung kasalanang nagawa ng mga anak nila.


Hanggang sa loob ang ingay pa rin nila. Kanya-kanya sila ng rason.


"Hindi na 'ko nagtataka kung bakit ganyan 'yung mga anak niyo," napapailing na sabi ni Mommy.


"Ano'ng sinabi mo? Kung makapagsalita ka parang ang linis ng pamilya n'yo!"


"Salot naman talaga kayo rito. Hindi nga namin alam kung bakit nandito pa kayo."


"Pasalamat ka 'yan lang ang inabot ng anak mo, kumpara sa ginawa ng tiyahin mo."


"Mommy ano'ng ibig sabihin nila?" tanong ko.


"Gusto lang nilang baligtarin ang sitwasyon kaya pinagmumukha nila tayong masama."


"Lahi kayo ng mangkukulam at mamamatay tao!"


"Magsitigil kayo!" biglang tumahimik nang sumigaw na 'yung kapitan. "Pinatawag ko kayo para ayusin 'yung problema ng mga bata, pero kayo nang matatanda ang nag-aaway ngayon."


"Totoo naman 'yung mga sinasabi namin Kapitan. Nakakatakot 'yang pamilyang 'yan."


"Naranasan namin mismo kaya namin nasasabi. Kapitan saksi ka rin. Alam kong alam niyo rin ang ginawa ng tiyahin niyan."


Hindi nakasagot 'yung Kapitan. Ibig sabihin ba ng pananahimik niya, totoo lahat ng sinasabi ng mga taong 'to.


"Wala akong alam sa mga sinasabi niyo. Hindi ko alam 'yang mga pinaparatang niyo. Puro kayo kasinungalingan. Nandito lang ako para mabigyang leksyon 'yang mga anak niyo hindi para makinig sa mga gawa-gawa niyong kwento tungkol sa pamilya ko."


"Pamilya mo ang puno't dulo ng gulong 'to kaya 'wag kang magmalinis. Nagsabi lang ng totoo 'yung anak ko. Mangkukulam 'yung tiyahin mo. Kitang-kita ng anak ko na may ginagawa ritwal 'yung matanda sa kanyang kwarto. Parang tumatawag ng demonyo."


"At paano nakarating ang bata sa kwarto ng tiyahin ko? Nag-trespassing?"


"Kukuha lang po sana kami ng bunga, nang masilip ko po siya sa bintana," sabi nung bata.


"So hindi lang pala trespassing may kasamang pagnanakaw pa?"


"Hon," hinawakan ni Dad sa balikat si Mommy.


I think my mother's words were a bit harsh para doon sa mga bata pero I can't blame her kung gusto niya kaming ipagtanggol sa mga taong 'to. Pero somehow a part of me, may mga tanong na gusto kong makakuha ng sagot. Alin ang totoo at hindi sa mga sinasabi nila? Ito ba 'yung dahilan kung bakit parang lahat ng tao dito sa lugar na 'to ayaw sa 'min? Kaya ba wala man lang nakiramay kahit isa sa burol at libing ni Inang?


"Hindi magnanakaw ang anak ko. Bata lang 'yan huwag mong paratangan ng ganyan." Parang biglang humina 'yung boses nung nanay.


"Then teach your child kung ano ang tama sa mali, para 'di ka napapatawag dito sa baranggay."


"Tama na. Magsihinahon na kayo. Gusto kong marinig 'yung panig nung mga bata hindi ninyong mga magulang."


Dahil nasabi na ni Enzo 'yung version ng kwento niya kanina, 'yung tatlong bata naman ang hiningan ng side nila. Lumalabas na lumapit si Enzo sa kanila para makipaglaro pero ipinagtabuyan nila at totoong sinabihan nila na mangkukulam at mamamatay tao ang pamilya namin, reason para manigaw 'tong kapatid ko sa galit. Dahil doon pinagtulungan na nilang saktan 'yung kapatid ko.


"Patawad po," halos pabulong na sabi nung tatlong bata.


"Sorry," sabi rin ng kapatid ko.


"Kayong matatanda baka gusto niyo magkapatawaran sa isa't-isa. Nakakahiya naman sa mga bata."


"I'm sorry," sabi ni Mommy. Humingi rin ng pasensya 'yung mga magulang na nandoon pero ramdam mo na hindi bukal sa mga kalooban nila. Pagkalabas nga namin ng Baranggay Hall, at nang wala na sila sa paningin at pandinig ni Kapitan isa-isa na silang nagparinig.


"Hindi mabubura ng sorry mo 'yung ginawa niyo sa bayang 'to."


"Napilitan nga lang ako mag-sorry dahil kaharap si Kapitan."


"Let's go. I don't wanna hear these non-sense anymore," sabi ni Mommy.


"Pa-english english pa. Nakapag-asawa lang naman ng may pera sa Maynila."


Sobra na 'yung mga sinasabi nila and I really wanna know kung saan nangggaling 'tong galit nila sa 'min kasi naiinis ako at natatakot. This kind of hate isn't normal. Kulang na lang isumpa nila kami.

***

"Mommy, I want to ask you something," sabi ko habang tinutulungan ko sila ni Ate Rose sa paghihiwa ng mga gulay para sa lulutuing hapunan. Si Dad at Enzo nasa kwarto sa itaas and tingin ko ito 'yung tamang panahon para kausapin si Mommy.


"Ayokong pag-usapan Gwen."


"Pero gusto ko pong malaman kung bakit sila ganun sa 'tin."


"Hindi ko alam."


"Pero imposibleng walang dahilan. Ano po bang alam niyo tungkol kay Inang?"


"Wala. So please stop it Gwen. No more questions."


"Pero how can you explain 'yung tungkol sa notebook, 'yung pouch sa garden, ano po 'yung mga 'yun?"


"Gwen stop."


"Baka po totoo 'yung sinasabi nila."


"I said stop!" Padabog na ibinaba ni Mommy 'yung kutsilyo sa lamesa kaya natigilan ako.


"I'm sorry," sabi ko bago ako umalis at pumanik sa kwarto ko. Mas lalo lang dumami 'yung tanong sa isip ko. Bakit ayaw sagutin ni Mommy 'yung mga tanong ko? Bakit ayaw niyang pag-usapan ang tungkol kay Inang? Bakit parang punong-puno siya ng lihim; lihim nitong bahay, ni Inang, at ng pamilya namin. Hindi ba dapat sinasabi niya sa 'min dahil kami 'yung naapektuhan ng mga lihim na tinatago niya? Kahit sa 'kin na lang niya sabihin at hindi na kay Enzo dahil bata pa 'yung kapatid ko. Baka sakaling may magawa ako, baka sakaling makatulong ako o maprotektahan ko man lang 'yung kapatid ko.


Kinabukasan ang bigat ng feeling sa loob ng bahay. Ang tahimik namin habang kumakain ng agahan. After noon, kanya-kanya na ng ginagawa. Si Mommy sa garden kasama si Ate Rose, si Daddy sa taas fixing some parts of the house, and si Enzo nasa kwarto niya playing with his toys. Ako hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko kaya I went outside. Hindi naman ako pinigilan ni Mommy kahit nakita niya akong lumabas. Siguro alam niya na kaya ko naman protektahan 'yung sarili ko. Hindi naman ako batang seven year old tulad ng kapatid ko. Hindi ko alam kung tamang desisyon ba 'yung ginawa ko dahil sa bawat bahay na madaanan ko all eyes are on me. Alam na ata ng buong baranggay na ako 'yung apo ni Inang. Apo ng mangkukulam. Sa bagay ang tsismis mabilis kumalat. Pero hindi ako nagpapigil sa mga mapangutya at mapanghusga nilang mga tingin. Tingin lang 'yun. Hindi naman ako mamamatay sa mga tingin nila. They can look all they want, pero hanggang malinis ang konsesnya ko, hindi nila ako maapektuhan. At thank God dala ko 'tong mp3 player ko. Magbulungan man sila d'yan hindi ko maririnig 'yung mga sinasabi nila.


Habang naglalakad ako, I saw familiar faces. 'Yung tatlong batang umaway kay Enzo nakita kong naglalaro ng tumbang preso. Lumapit ako sa kanila and I said hi.


"Kilala kita."


"Siya 'yung ate nung bata kahapon."


"Oo nga. Tara alis na lang tayo."


"Sandali lang. Pwede ko ba kayong makausap?"


"Ayoko, baka pagalitan ako ng nanay ko."


"Pinagbawalan kaming lumapit sa inyo."


"Samahan mo na lang ako sa nanay mo. Siya na lang kakausapin ko."


"Ayaw nga namin. Mapapagalitan kami."


"Ililibre ko kayo. Kahit ano. Saan ba may tindahan dito?" Tumingin-tingin ako sa paligid at naghanap ng tindahan.


"Busog pa kami."


"Laruan? Gusto niyo ng laruan? Marami sa bahay."


Iniiisip ko na kung paano ko kukumbinsihin si Enzo na ibigay sa 'kin 'yung ilan sa mga toys niya para ibigay sa mga batang 'to, pero sumagot sila agad. "Ayaw namin. Hindi mo naman dala ngayon. Baka pumayag kami sa gusto mo tapos hindi mo naman ibigay sa 'min."


"Hindi ako ganun. Ibibigay ko talaga sa inyo."


"'Yan na lang kaya?"


"Alin?" Itinuro niya 'yung magkabilang tenga niya. Sinenyas niya 'yung earphone. 'Yung mp3 player ko ang gusto niya kapalit ng pagpayag niya sa gusto ko. Kinuha ko 'yung mp3 player sa bulsa ko at binalunbon ko yung earphone sa kamay ko. "Ito?" Tumango siya. "Okay." Pumayag na 'ko na ibigay sa kanya kung ang kapalit naman nito ay kasagutan sa mga tanong ko.


"Ano'ng ginagawa mo rito? Baka mamaya sugurin ako ng nanay mo 'tsaka baka kung anong malas ang dala mo rito sa 'min!" Hindi maganda ang pagsalubong sa 'kin ng nanay nung batang may peklat sa kilay.


"May itatanong lang po. Wala po akong planong manggulo."


"Nay kausapin mo na siya. Binigay niya sa 'kin 'to o. Mukhang mabait naman siya." Ipinakita nung bata sa nanay niya 'yung mp3 player.


"Ikaw na bata ka! Kapag tayo napahamak sa kalokohan mo!" Pinalo nung nanay sa puwitan 'yung anak niya. "Pasok sa loob!"


"Promise. Wala po akong masamang intensyon sa pagpunta ko rito."


Tinitigan muna ako nung nanay bago nagsalita uli. "Ano'ng gusto mong malaman?"


"Bakit po ganyan na lang ang galit ng mga tao rito samin? Hindi ko po kasi maintindihan."


"Hija. Huwag mo akong pinaglololoko. Pamilya mo, hindi mo kilala?" Nakapamewang niyang tanong sa 'kin.


"Hindi ko po talaga alam. Ano pong ibig niyong sabihin?"


"Sigurado ka bang gusto mong malaman?"


"Opo."


"Tanungin mo ang nanay mo. Tanungin mo siya tungkol sa lola mo at sa pagkamatay ni Anita."


"Anita? Sino po 'yun?"


"Sabi ko sa 'yo. Ang nanay mo ang tanungin mo."


"Pero hindi po niya sasabihin sa 'kin. Kaya nga po nandito 'ko sa inyo para humanap ng sagot sa mga tanong na gumugulo sa isip ko."


"Ang nanay mo ang tanungin mo. Wala na akong ibang sasabihin." Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay nila at pinagsaraduhan ako ng pintuan.


Imbis makakuha ako ng sagot mas lalo pang nadagdagan 'yung mga tanong ko. Sino si Anita? Ano'ng kinalaman niya sa pamilya ko? At bakit siya namatay? Sino'ng pumatay sa kanya?


to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

568K 16.9K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
La Promesa By Judyann Lungsod

Historical Fiction

15.8K 648 33
Lunar Trilogy: Ikalawang Serye "La Promesa" (The Promise) Axyll Espedido and her friends are fans of the story titled 'Sa Panaginip' written by Maria...
6M 265K 33
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
1.4M 38.6K 63
WARNING: THIS STORY IS INSPIRED BY REAL EVENTS Highest Rank: Consistent #1 in HORROR Category 2016-Leap Year