Pahimakas

By eros_calypso

645 74 14

Nakahiligan na ni Claire ang pagbabasa ng mga aklat tungkol sa kasaysayan o mga historical fiction. Lagi niya... More

Panimula
Mensahe
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8

Kabanata 1

119 10 3
By eros_calypso


"Hindi ka ba napapagod Claire? kanina ka pa paikot-ikot diyan," reklamo ng matalik kong kaibigan na si Bea. Nandito kami sa maliit na library ng bahay nila dahil manghihiram ulit ako ng panibagong libro na babasahin. Mahigit isang oras na yata akong pabalik-balik sa mga nahahawakan kong libro at ibinabalik ko rin agad sa mga kinalalagyan nila.

"Wala ka na ba talagang mga historical-fiction? Lahat na yata ng mga libro mo sa Spanish Era nabasa ko na," saad ko sa kaniya. Mahilig magbasa si Bea at ang pamilya nito. Madali kaming nagkasundo dahil pareho kaming mahilig magbasa ng mga aklat na historical-fiction.

Napakasarap kasing tuklasin ang sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino. Kung paano nga ba pinapahalagahan ang mga kultura at tradisyon natin noon kumpara sa ngayon.

Sa mga nababasa kong nobela, mahirap mang mamuhay sa kamay ng mga Kastila, Hapones o Amerikano ay gusto ko pa ring maranasan ang maganda at simpleng pamumuhay doon. Ang pagsusuot ng kamiso, simpleng pantalon at salakot para sa mga kalalakihan. Ang pagsusuot naman ng baro't saya mula sa mga babae. Ang pagsakay sa kalesa. Ang pagtawag sa'yo ng Ginoo o Binibini bago ang iyong pangalan, ang magagandang tanawin na hindi pa nababalot ng usok at polusyon kumpara sa ngayon. Ang pagdiriwang sa mga pista, kasalan, at iba pang mahahalagang okasyon at higit sa lahat, ang sinseridad ng pag-ibig.

Napailing na lang ako sa sarili dahil sa mga huling salita na naisip ko. Hindi naman ako naghahanap ng makalumang lovelife. Curious lang talaga ako kung anong pakiramdam ng pinapadalhan ka ng liham, hinaharana, at mga palihim na pagtatagpo tuwing sasapit ang dilim.

Muli akong napailing sa mga naisip. "Ano sis, matagal ka pa ba? Nabasa mo na pala lahat eh, bumili na lang tayo ng bago sa National Book Store," suhestisyon ni Bea. Tanghalian na ngayon at alam kong naiinip at nagugutom na siya kakahintay sa'kin.

Tumango na ako at akmang susunod na sana kay Bea ngunit nahagip ng mata ko ang isang makapal na libro. Nababalot ito ng mga alikabok at mukhang luma na ngunit mapapansin mo pa rin ang tibay at ganda nito. "Wait lang, parang ngayon ko lang 'to nakita," sambit ko kay Bea habang nakapako pa rin ang mata ko sa libro. Naglakad ako papalapit dito at maingat itong kinuha kasama ng iba pang mga aklat na nakaipit. Pinagpagan ko ang harapan nito upang mabasa ang pamagat.

Pahimakas.

"Matagal na ba 'to sa inyo?" tanong ko kay Bea dahil ngayon ko lang napansin ang libro na hawak ko ngayon.

Lumapit siya sa'kin at sinuri rin ang hawak ko. "Ah 'yang librong 'yan. Sabi ng lolo ko, pamana raw sa kaniya 'yan ng lolo ng lolo ng lolo to the max and highest level niya. Gets mo? Basta sa kanunu-nunuan daw ng angkin namin 'yan galing. Huwag ko raw basahin at iligtas ang sarili ko," sagot ni Bea at napatingin na rin ito sa aklat.

"Iligtas saan?" tanong ko sa kaniya. Masyado akong nahihiwagaan na parang may kung ano sa libro na hawak ko ngayon. "Hindi ko rin alam. Basta huwag ko raw 'yan basahin at ipabasa sa iba kaya ibalik mo na 'yan at kumain na tayo. Nagkakagulo na 'yung small at large intestine ko kaya let's eat na," saad ni Bea sabay hatak sa'kin pero agad ko ring kinalas ang pagkakakapit niya sa braso ko.

"Mauna ka na, mag ccr lang ako," agad akong umalis at narinig ko pang sumigaw si Bea sa labas na hihintayin na lang daw niya ako sa kotse niya.

"Bakit ang tagal mo? may ritwal ka ba? kinulam mo 'yung ex mo no?" agad na tanong ni Bea nang makapasok ako sa kotse niya. Nasa likod niya ako ngayon at siya ang palaging nagda drive sa'min. "Gaga!" sagot ko sa kaniya at natawa naman ito.

Alam niya kasing mapipikon ako kapag pinag-usapan namin ang ex kong si Jansen. Nagtagal kami ng isang taon pero ginamit niya lang pala ako para mapalapit sa isa ko pang bestfriend na si Ivan. Hindi naman mapapansin ang kilos ni Jansen kaya sobra akong nasaktan at nagulat sa nalaman ko.

Itong si Bea naman, sa halip na damayan ako no'ng nakipagbreak ako kay Jansen ay tinawanan lang ako nang sabihin ko ang dahilan.

Nakarating kami sa isang restaurant at kaunti lang ang mga tao. Umorder siya ng dalawang plato ng pasta, tatlong pizza at isang ice cream. Nagkunwari na lang akong nagtaka dahil sa mga kakainin niya. "Seryoso ka ba sa mga inorder mo?" tanong ko sa kaniya. Napairap na lang ito at natawa.

Hindi mo maikakaila kay Bea na kahit gaano karami ang kainin niya ay nanatili pa rin ang hubog ng katawan niya. Umorder ako ng isang pasta at isang iced tea. Wala talaga ako sa mood kumain at sinamahan ko lang si Bea para makadaan na rin kami sa National Book Store.

Alas-tres na ng tanghali at kasalukuyan kaming naghahanap ng mga librong babasahin. May hawak na si Bea na apat na historical books at papunta na sa counter. Agad akong sumunod sa kaniya para ipasabay ang isang libro na hawak ko. "First time mong bumili ng isa lang. Wala ka bang dalang budget? Papautangin naman kita," mabilis akong napailing at agad ipinatong ang isang book na hawak ko sa apat pa niyang librong buhat-buhat. "May iba lang akong pagkakaabalahan sa susunod na araw kaya isa muna. Babalik na lang ako dito after," saad ko at sumenyas na hihintayin ko na lang siya sa labas.

Hindi alam ni Bea na dinahilan ko lang ang pag cr ko kanina para palihim na hiramin 'yung kakaibang libro sa library ng bahay nila. Hindi naman ako manganganib dahil ibabalik ko rin naman. And also, hindi naman sensitive sa book si Bea when it comes to me kasi hiraman naman talaga kami dati pa. Atsaka para kasing tinatawag ako ng librong 'yun sa hindi ko malamang dahilan. Sobra akong nahihiwagaan. Hindi ko alam kung bakit.

Hinatid na niya ako sa bahay namin at sabay na lang kaming papasok bukas. Mas malapit ako kay Bea kumpara sa dalawa kong kapatid na lalaki. Gusto ko kasi talaga ng kapatid na babae at sobrang thankful ako na hindi lang kapatid dahil bestfriend pa ang binigay sa'kin.

Binuksan ko na ang gate namin at nagpaalam na 'ko kay Bea. Pagpasok na pagpasok ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni mama. "Oh nandito na pala ang prinsesa nating malapit nang magbirthday," pabiro nitong saad at ginatungan naman nila kuya Enzo. "Ipapasara na ba natin 'yung daan sa labas, ma?" tanong ni kuya Enzo dahilan para matawa silang lahat.

Alam nilang ayoko ng masyadong enggrandeng handaan. Sapat na sa'kin 'yung simpleng celebration namin sa bahay. Basta buo kami, malaking bagay na para sa'kin. Hindi ako sanay sa mga party o magagarbong handaan tuwing birthday ko.

"Debut mo 'yun anak. Ayaw mo bang paghandaan natin? Imbitahan mo lahat ng classmate mo, kaibigan mo. Ipapagawa kita ng magandang gown," saad ni mama. Nagbabaka sakaling mapapayag niya 'ko.

Umiling na lang ako atsaka umakap sa kaniya. "Ma, maghanda na lang tayo sa bahay. May maganda rin akong ibabalita sa inyo sa birthday ko," tugon ko at yumakap naman si mama sa'kin. "Iyan ang gusto mo eh. Kilala naman kita anak. Basta kapag nagbago ang isip mo sabihan mo agad kami ng papa mo. Sagot na sagot ka namin." Tumango na lang ako at yumakap sa kaniya pabalik. "Thank you, 'ma."

Nagtungo na ako sa kwarto at sinarado ang pinto. Napagod ako ngayong araw. Humiga na ako sa kama at saglit na napatitig sa ceiling bago maalala ang librong hiniram ko sa library nila Bea. Napabangon ako at kinuha ang bitbit ko kaninang paper bag. Dahan-dahan kong inilabas ang aklat at sinuri.

Sabi ng lolo ni Bea sa kaniya, huwag daw itong basahin kung nais mong iligtas ang sarili mo. Napaisip ako nang malalim at mas lalong nacurious sa nilalaman ng aklat. Dark brown at makapal na parang karton ang book cover nito hindi gaya ng mga natural na aklat ngayon. Mapapansin mong kulay kape na rin ang mga pahina nito sa gilid. Hindi ko alam kung bakit nahihiwagaan ako sa itsura nito at may iba akong pakiramdam nung una ko 'tong nakita.

Dahan-dahan kong hinawakan ang bawat letra ng pamagat. Pahimakas. Hindi ako pamilyar sa salitang 'to at ngayon ko lang 'to nabasa. Kinuha ko ang phone ko sa sling bag upang isearch ang meaning ngunit nabigla ako nang makita ang 3 missed calls ni Sir Agoncillo. Ako na mismo ang tumawag upang itanong kung bakit.

"Claire, napanuod mo na ba 'yung balita?" pambungad na tanong ni Sir Agoncillo mula sa kabilang linya. Hindi ako masyadong nanunuod ng tv dahil mas madalas akong magbasa ng mga libro. "Anong balita sir?" tanong ko sa kaniya dahil wala akong alam sa nangyayari. "May bagyo bukas kaya hindi muna tuloy ang review natin for history quiz bee. Cancelled na ang classes for tomorrow. May isesend na lang akong pdf sa email mo para sa mga bagong reviewer," paliwanag ni Sir Agoncillo at agad na ring binaba ang phone dahil may aasikasuhin pa raw siya.

"Claire anak, kakain na," tawag ni mama mula sa baba. Napahinga na lang ako nang maluwag at agad ibinalik ang Pahimakas sa paper bag. Mamaya ko na lang babasahin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at agad nagising sa tawag mula cellphone ngayong umaga. Nagtataka kong sinagot kung bakit tumatawag si Bea. "Walang pasok ngayon. Nagbabawi ako ng tulog," saad ko at akmang papatayin na ang tawag pero agad itong sumagot mula sa kabilang linya. "Huwag mo munang patayin! May pupuntahan tayo ngayon na alam kong magugustuhan mo," sambit ni Bea. Napatingin ako sa bintana at kitang-kita ko ang madilim na ulap. Mukhang malakas na ulan ang bibisita mamaya. "Hindi mo ba nabalitaan? kaya nga walang pasok kasi may bagyo tapos mag-aaya ka ng gala. Pumunta ka na lang dito mamayang hapon," saad ko at binaba na 'yung tawag.

Muli akong nagising sa sunod sunod na text messages sa cellphone. Kinuha ko ang phone ko sa katabing mesa at napailing nang makitang galing nanaman ito kay Bea. Ang kulit talaga ng babaeng 'to, alam na ngang may bagyo ayaw pa ring matinag. Babalik na sana ulit ako sa pagtulog ngunit napahinto ako nang mabasa ang mga text messages niya.

From: Bea

Claire, nakita mo na ba 'yung trending sa facebook? 'Yung pinakalumang library daw dito sa Manila. Maraming naghahanap kung paano makakarating do'n kasi sobrang luma at makasaysayan daw ng mga libro. Sinasabi nilang mula pa raw 'yon sa panahon ng mga Kastila.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pinakalumang aklatan? panahon pa ng Kastila? Binasa ko pa ang ibang message ni Bea para malinawagan.

Sis! Alam kong gustong-gusto mo 'to at alam mong pareho tayo. Mahirap daw makapunta doon dahil delikado 'yung daan papunta sa aklatan na 'yun. Pero tinanong ko si lolo tungkol dito at may alam daw siyang ibang daan. Masyado raw liblib papunta doon pero alam ko na kung paano makakapunta!

Hindi ko alam ngunit kahit pa may bagyo ay napaisip ako kung sasama ba ako kay Bea. Parang may nag-uudyok sa isip ko na sumama at hindi ko nanaman malaman kung bakit.

Ano G ka ba?! Kung hindi, ako na lang mag-isa. Pero alam kong marupok ka pagdating dito kaya susunduin kita diyan sa inyo mamayang 10am. See ya!

Ilang minuto akong napaisip at nabaling ang paningin ko sa paper bag kung saan nakalagay ang lumang aklat ng Pahimakas. Napatingin din ako sa bintana at kitang-kita ko na nagbabadya ang malakas na ulan dahil sa bagyo. Makakapal ang ulap at medyo madilim na ang paligid kahit pa alas-otso pa lang ng umaga.

Tumayo na ako at agad nagtungo sa cr para maligo. May iba akong pakiramdam sa sinasabi ni Bea na lumang library dito sa Manila. Bukod do'n, kung mula pa nga iyon sa panahon ng Kastila, maaari ko ring matanong ang mga tao doon tungkol sa dating pamumuhay ng mga Pilipino. Maaari rin kaming makahiram ng mga lumang aklat para basahin.

Sinuot ko ang hoodie kong kulay maroon na niregalo sa'kin ni papa nung 17th birthday ko at ang paborito kong suotin na faded jeans. Sinuot ko rin ang kulay itim kong sapatos at kumuha ng bota dahil hindi ako sigurado sa dadaanan namin mamaya. Humarap ako sa salamin. Parang napakahalaga ng araw na 'to kahit hindi naman. Kinakabahan ako ngunit hindi ko alam kung dahil lang ba 'to sa bagyo o may iba pa.

Sinarado ko na ang bintana at pinatay na ang mga ilaw. Palabas na ako ng kwarto ngunit muling nahagip ng mata ko ang paper bag kung saan nakalagay ang librong Pahimakas. Napahinga na lang ako nang maluwag at isinara na ang pinto.

Pababa pa lang ako ng hagdan ay napako na agad ang mga tingin nila sa'kin. "Oh may bagyo ha, saan ka pupunta?" agad na tanong ni kuya Enzo. Napatingin naman sina papa at mama sa'kin. "Oo nga, cancelled na lahat ng klase ate ah?" sabat naman ng bunso naming kapatid na si Brian. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko sa kanila. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may pupuntahan kami ni Bea dahil alam kong hindi nila ako papayagang gumala.

"May kukuhanin lang akong reviewer sa bahay nila Bea. Baka doon na rin kami mag-aral para sa history quiz bee namin," pagdadahilan ko at mukha namang napaniwala ko sila sa sinabi ko.

Humalik na ako kila mama at nagpaalam. Inaya pa nila akong kumain ngunit sinabi kong kila Bea na lang ako mag aalmusal. Kinuha ko na ang payong na nakasabit sa gate at hinintay si Bea sa tapat ng bahay. Tumawag naman na ako sa kaniya at sinabing papunta na raw siya.

Nagsimula nang bumuhos ang ulan at wala nang mga tao sa labas ngayon. Sarado na ang ilang mga tindahan at ang iba ay ngayon pa lamang nag-aayos para sa paparating na bagyo.

Napansin ko na ang paparating na pulang kotse ni Bea. Sumakay na ako sa loob at nakaupo ako sa tabi ng driver's seat. "Excited ka na?" tanong niya sa'kin at hindi ko alam kung bakit mas nangingibabaw ang kaba ko sa excitement. Tumango na lang ako at pilit na ngumiti.

Walang traffic ngayon at mapapansing malinis ang kalsada. Cancelled lahat ng trabaho mapa opisina at pati ang mga klase sa lahat ng antas. Sinaksak ko ang earphone sa tainga at nagsimula na lang makinig ng music habang nasa biyahe. Pinatugtog ko sa shuffle ang mga kanta ng Eraserheads na paborito kong banda simula pagkabata. Sumilip na lang ako sa bintana habang nakikinig. Para akong nasa music video sa ginagawa ko.

Katamtaman lamang ang bilis ng pagmamaneho ni Bea dahil madulas ang daan. Nakatulog yata ako nang mahigit kalahating oras bago niya ako gisingin. "Masyado bang napasarap tulog mo Claire? nakarating ka na ba sa 19th century?" pagbibiro ni Bea dahilan para magising ang diwa ko. Saglit akong napainat bago muling nagsalita. "Nandito na ba tayo?" tanong ko at tumango naman siya.

Iginala ko ang mata sa paligid at napansing nandito kami sa isang liblib na lugar. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa loob kami ng gubat. Maraming matataas na puno sa paligid at purong lupa at putik ang daan. Mapapansin mong walang ibang naninirahan dito maliban sa isang maliit na tahanan na nasa harap namin ngayon. Nilulumot na ang ilan sa mga bahagi ng bahay ngunit matibay pa rin ang pagkakatayo nito. Gawa sa kahoy ang bawat haligi ng bahay at ang bubong naman ay napupuno ng mga dayami.

Lumabas na kami ni Bea at namamanghang pinagmamasdan ang paligid. Hindi matigil si Bea sa pagkuha ng picture sa bawat anggulong nakikita niya. "Kakaibang vibes naman pala dito. Bagay na bagay sa instagram feed ko," saad niya habang kumukuha pa rin ng litrato. Hindi ko naman mapigiling mapatulala sa mga nakikita ko.

Bakit sobrang familiar nitong lugar kahit pa ngayon lang ako nakapunta dito?

Parang may kung anong kumukurot sa puso ko habang pinagmamasdan ang gubat na napapaligiran ng matatayog na puno. Maging ang lupang tinatapakan ko ngayon na nagiging putik na dahil sa ulan ay nagdudulot din ng kakaibang pakiramdam sa'kin.

"Claire ayos ka lang?" kanina pa kita tinatawag. Pumasok na tayo," saad ni Bea dahilan para matauhan ako.

Maingat kaming naglalakad papunta sa lumang bahay na sinasabi ni Bea na library. May maliit na hagdan ito paakyat at mapapansin ang mga kahoy at dingding na may bahid ng mga dugo. Muli akong kinabahan hanggang sa marating namin ang pintuan.

"Tao po? Mang Teodor?" tawag ni Bea sa loob. "Kilala mo 'yung may-ari nito?" tanong ko sa kaniya. Ang sabi niya sa text kanina ay sa facebook post niya lang daw ito nakita kaya kami nagpunta.

"Kaibigan siya ni lolo, Teodor daw ang pangalan ng nagmamay-ari dito," bulong sa'kin ni Bea at dahan-dahan namang nagbukas ang pintuan.

Bumungad sa amin ang isang matandang lalaki na nakasuot ng puting tshirt na may tatlong butones sa itaas. Kulubot na ang balat nito ngunit mapapansin mo pa rin ang pagiging matikas sa kaniyang pagkilos. Nagtama ang mga mata namin at agad akong nakaramdam ng kakaibang nerbyos.

"Tuloy kayo," saad nito at inihatid kami sa loob at pinaupo. Napupuno ng iba't ibang lumang aklat ang bahay. Kung tutuusin, lahat yata ng bagay sa bahay na ito ay luma na. May mga halamang gamot na nakatanim sa mga sulok, may mga sandata at patalim na nakasabit sa dingding, may mga baul at mga liham at maraming mga langis na nasa maliit na bote na may iba't ibang kulay.

"Claire dito ka muna saglit. Naiwan ko 'yung susi sa kotse, babalikan ko lang," saad ni Bea at nagpaalam na rin kay Mang Teodor bago lumabas ng pinto.

Muli kong nilibot ang paningin ko ngunit napahinto ako nang makita ang pamilyar na aklat na nakalagay sa mesa. Ang aklat ng Pahimakas. Nagulat ako nang lumapit doon si Mang Teodor at dahan-dahan itong binuklat. Ngunit mas nanlamig ang aking katawan nang tumingin ito sa akin nang matalim bago magsalita.

"Hindi ko akalain na ikaw mismo ang magpupunta dito, Soledad."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 4.2K 69
Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang...
Noli Me Tangere | √ By Nia

Historical Fiction

355K 1.4K 64
Buod ng bawat kabanata ng nobelang Noli Me Tangere From the book of completed and published Filipino Version translated by Leon Ma. Guerrero of Adarn...
1.6M 89.1K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...