I Hope it's a Love Story

By ll_aa_dd

194 25 0

Kailangan ba ng masayang ending para masabi itong love story? Hindi ba't ang love story ay dahil sa pagmamaha... More

I HOPE it's a LOVE STORY
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
EPILOGUE

Chapter 28

4 1 0
By ll_aa_dd

Chapter 28

MARRA'S POV

Nilingon ko siya. Nakayuko siyang nakaharap sa akin.

"Sorry kasi masiyado akong naging oa. Sorry kasi kahit kaya mo ay nangingialam ako. Sorry kasi parang nasasakal ata kita. Sorry kasi masiyado akong makulit. Sorry kasi hindi ako nakapag text kahapon at kanina. Sorry kasi.." Naramdaman ko ang sinsero at lungkot sa boses niya. Gusto kong putulin iyon at sabihing huwag siyang mag isip ng gano'n. Pero hindi ko magawa dahil ang lungkot niya ay siyang nararamdaman ko.

"S-sorry kasi.. n-nagtampo ako sa mga nasabi mo. Sorry." muling dagdag niya.

Kung alam mo lang..

Nalungkot din ako at kung ano-ano ang tumakbo sa isip ko.

Akala ko hindi ka na magpaparamdam, akala ko iiwas ka na, akala ko..

Hindi mo na ako gusto.

Naramdaman kong may mainit na likido sa pisngi ko. Madali ko iyong pinunasan pero parang walang silbi dahil may bagong luhang pumatak. Napasinghot ako ng mahina, pinigilan kong lumakas iyon pero mukhang dinig pa rin niya dahil kami lang ang nandito.

Nagugulat siyang tumingin sa akin. Bigla ay parang nataranta siya.

"P-prinsesa.."

Nakaramdam ako ng tuwa sa dibdib ng marinig ang salitang iyon. Pakiramdam ko ay ang tagal kong hindi iyon narinig kahit na ang totoo ay hindi naman.

Awtomatikong napahawak siya sa mukha ko at pinunasan ang pisngi ng may lumabas na luha na naman sa akin ng makaramdam ako ng tuwa.

"B-bakit ka umiiyak," natutulirong aniya. Lalo niyang hinaplos ang mukha ko. "Anong n-nangyari? M-may masakit ba? Anong pagkakamali na naman ang n-nagawa ko.. Sabihin mo please.." hindi pa rin mawala ang pag-aalala sa mukha niya.

Ngumiti ako na siyang kinalaki ng mata niya. Nanginginig kong hinawakan ang pareho niyang kamay at inalis sa pisngi ko. Ibinaba ko man iyon ngunit nananatiling nakahawak ako roon.

"Huwag mo na ulit gagawin iyon-"

"H-hindi na kahit na ano, promise."

Nag-angat ako ng tingin. "Akala ko ay galit ka sa nangyari kahapon. Akala ko s-sinadya mong hindi magparamdam. Akala ko h-hindi mo na ako kakausapin pa." diretsong sabi at titig sa mismong mga mata niya. Naglaki na naman ang mga mata niya.

"H-hindi ako nagalit p-prinsesa." humigpit ang hawak niya. "Hinding-hindi ako magagalit sa'yo, tandaan mo 'yan.." iling-iling pa niya.

"Bakit hindi ka nakapag-text kahapon bukod sa lowbat ka, saka kaninang umaga." ngu-ngusong tanong ko. Para akong bata.

"Totoong na-lowbat ako pero ng isaksak ko ay nakalimutan kong i-on. At s-sorry kasi nawala sa isip kong hawakan iyon d-dahil.." napabuntong-hininga siya. "Dahil kakaisip ko sa'yo. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung a-anong naramdaman mo. K-kung galit ka ba o ano. Isip ako ng isip kung paano kita kakausapin kinabukasan." tuloy-tuloy niyang paliwanag. "Kaya ganoon nalang ng hindi ako magising ng maaga. Naisip kong nasa klase ka na kaya lalo akong nahiyang mag-t-text sa'yo." parang nakokonsensya niyang paliwanag.

"Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi." diretso at mahina kong usal.

"Ibig sabihin ay iniisip m-mo rin a-ako.. dahil.." parang nahihiya o natatakot niyang tanong.

Nahihiya man ay pinakatitigan ko siya, bumitaw ako sa pagkakahawak namin. "Pinabilis mo ang tibok nito e.." turo ko sa dibdib ko.

Ganoon nalang ang gulat sa mukha niya. "'Y-yung kinanta mo k-kanina.. Hindi ba ako n-nagkakamali? Para sa akin 'yon?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Ngunguso-nguso akong tumango. Nagliwanag ang mukha niya.

"M-may.. nararamdaman ka na rin sa akin prinsesa?" tumango akong muli.

Bigla siyang napatayo, tumalikod sa akin at humarap sa bintana, dumungaw sa nakauwang parte at inilabas ng kaunti ang ulo. Napahawak siya sa kaniyang buong mukha at yumuyukong nagpapadyak. Pagkatapos ay bumalik siya sa akin. Todo ngiti at hindi ma-ipinta ang mukha sa tuwa.

"Prinsesa.. totoo naman 'to hindi ba?" sabay haplos sa pisngi ko. "Sabihin mo please.." parang batang nagsusumamo na naman siya.

Napa-iwas ako. "Ayoko nga, nahihiya na 'ko."

Pumihit siya sa harap ko para muling magkaharap kami. "Totoo nga," mukha ng mapupunit ang labi niya sa laki ng pagkakangiti niyon.

Bigla ay napangiti ako ng malaki. Ang mga kislap sa mga mata niya ay nakikita ko. Ang tuwa niya ay nararamdaman ko.

Nang makita niya iyon ay bigla niya akong niyakap. Sobrang higpit no'n at kahit na hindi makahinga sa higpit ay parang gustong-gusto ko pa.

"Hinding-hindi na talaga ako magtatampo prinsesa." bumitaw siya at tinignan akong muli. "I-ibig sabihin ba ay.." nahinto siya at parang nahiya. "Tayo na?"

"E-ewan." nalilito kong sabi.

Ngumuso siya. "Anong ewan prinsesa, may nararamdaman ka na ba talaga sa akin-"

"Oo nga Apollo." lakas loob kong sagot na kahit ako ay nabigla.

Ayun na naman ang mukha niyang masaya at tila may panunukso na ang mga titig niya.

"Ibig sabihin ay tayo na nga!" sabag yakap na naman niya sa akin.

"H-hindi ko alam kung gano'n na nga, k-kasi ngayon lang-"

"Ssh, huwag ka ng magsalita prinsesa ko. Parehas nating hindi alam pero ganito ang mga napapanuod at nakikita ko kay clyde kapag nagkaka girlfriend siya."

muli siyang kumalas sa yakap at pinakatitigan ako. "Boyfriend mo na ako at girlfriend na kita." madamdamin niyang sabi.

"M-mukhang gano'n na nga. G-girlfriend mo na a-ako.." nahihiya kong pag-uulit.

"Promise prinsesa ko, hindi na ako magtatampo. Ayoko ng nalulunglot ka. Sorry."

"Sorry rin, hindi ko naman sinasadya at walang ibig sabihin ang mga nasabi ko kahapon."

"Wala na sa akin 'yon prinsesa." malaking ngiti ang binigay niya. "Pwede ko bang hawakan ang kamay ng girlfriend ko palabas ng room na 'to." hindi mawala ang ngiti sa mukha niya.

Sa tuwa ay inilahad ko ang palad na animo'y naghihintay para kunin niya. Nakangiti niya iyong kinuha at sabay kaming tumayo. Hinawakan niya iyon ng mahigpit at yumakap sa akin ng isa pang beses bago tuluyang lumabas ng silid.

Nahiya tuloy ako ng pagtinginan kami ng mga nasa labas ng makita ang magkahawak naming kamay. Ngunit itong katabi ko ay lalong ngumingiti kapag may nakakakita sa amin.

Ganoon nalang ang pagtinginan sa classroom ko ng makarating kami at hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko.

"Sunduin kita rito pagkatapos ng klase ha." ngiting sambit niya at nagugulat akong pinanuod siya ng itaas niya ang magkahawak naming kamay at hinalikan ang kamay ko.

Ramdam na ramdam ko ang pag-init mg mukha ko.

"Pasok ka na." saka niya binitawan ang kamay ko. Iniharap pa niya ang katawan ko sa harap ng pinto upang makapasok na.

Wala sa sariling naglakad ako papasok. Ang kamay ko na hinalikan niya ay parang namanhid, hindi ko magalaw. Nanunuksong nakatitig sa akin ang buong klase at naririnig ko pang ang hiyawan nila. Nang makaupo ay saka lang umalis sa tapat ng pinto si apollo.

Nang makabalik sa huwisyo ay napabaling ako kila ella. Hindi ko alam kung anong titig ang binibigay niya sa akin ganoon din sina yna at cj. Pero hindi ko nakuhang magsalita lalo na ng makapasok ang sumunod na guro namin.

Bakit kahit naamin ko na ay pinapabilis mo pa rin ang puso ko sa mga bagong kilos na ipinapakita mo...

Ganito ba talaga...

Muli kong pinakiramdaman ang damdamin ko.

A-ang saya...

Nang matapos ang klase ay hinila ako palabas nila ella at naupo kami sa kung saan.

"Magpaliwanag ka Lamarra. 'Yung titigan niyo, 'yung kinanta mo, 'yung pag-iwan niyo sa classroom, 'yung nakita kong magkahawak niyong kamay at!... H-hinalikan niya? Ipaliwanag mo lahat Lamarra!" tuloy-tuloy niyang sabi.

Nakaupo ako at nakatayo silang tatlo sa harapan ko na parang nililitis ako.

"A-ah-"

"Tigilan mo 'ko sa kaka-ah mo. Ang dami mo ng hindi sinasabi sa'ken! Magsasalita ka ba o hinde?" istriktang aniya pa.

Napanguso tuloy ako atsaka ikinuwento ang nangyari pati ang kahapon ay binanggit ko na rin. Maging ang mga naramdaman ko noon tuwing magkasama kami ay sinabi ko na rin.

"Oh my god! Kinikilig ako!" tili bigla ni cj at niyuyugyog pa si yna sa tuwa.

Tinignan ako ng masama ni ella kaya napanguso na naman ako.

"Noong una pala ay may gusto ka na sa kaniya e. Papigil at deny-deny ka pa, ayan tuloy lumalim. See?" masungit niyang sabi. "Kung hindi pa magtatampo ang Apollo at hindi magpaparamdam sa'yo ay hindi mo maamin o malalaman ang laman niyan!" turo niya sa dibdib ko.

"Alam mo naman na hindi ko alam ang ganitong pakiramdam e.."

"Kahit na, may karanasan man o wala, kapag tumibok 'yan, tumibok 'yan. Aaminin mo nalang." nagulat ako ng yakapin niya ako bigla. "Masaya ako para sa'yo." nag-iba bigla ang tono niya. Naging seryoso, kumawala siya at tinignan ako. "Masaya ako kasi sumasaya ka na ng sumasaya. Una dahil kila tita, pangalawa ay may bago ka ng mga kabigan." sinulyapan niya pa sila cj. "At huli ay.. may special na tao na diyan." nguso niya sa dibdib ko.

"Ella.." parang maluluha kong sambit.

"Huwag na tayong mag-drama. Balik na tayo sa room." ngiti niya. Kaya napangiti rin ako. Sabay-sabay na kaming bumalik sa klase


ELLA'S POV

Hindi ko maipaliwanag ang tuwa sa sarili ng sa wakas ay unti-unti ng sumasaya ang buhay ni marra. Kahit na alam kong hahantong sila ni apollo sa ganoon ay nagulat at tuwang-tuwa ako sa kalooban ko. Hindi ko alam na mare-realize niya iyon dahil sa sarili niya. Proud ako dahil ang marra ngayon ay tumitibay na.

Deserve mo 'yan...

Sa lahat ng nangyari sa iyo ay dapat lang na sumaya ka naman. Kahit sobra sobra pa.

"Hi chikababes!" bungad ni clyde pagkalapit niya.

Naghihintay kami dito sa labas ng room dahil susunduin daw ni apollo si marra at sinabing huwag umalis hangga't wala siya.

"Ikaw talaga!" tinabig ni apollo ang kaibigan. "Sabi ng 'wag mo ng tinatawag na gano'n ang prinsesa ko e!" singhal pa nito at tumawa lang si clyde saka sila patuloy na nag-asaran.

"Sana lahat may Apollo." biglang usal ni cj.

"Ano baks? Inggit na inggit na ba?" pang-aasar ko.

"Nako, kapag ako nakahanap ng ganiyan tas ikaw hindi pa.. ikaw ang aasarin ko ng bongga." patol niya kaya nagtawanan kaming lahat.

"Halika na prinsesa." ngiting yaya ni apollo kay marra. Tumango naman si marra at nauna silang naglakad kaya naman ay sumunod na kami.

"Nami-miss ko tuloy si Joanna niyan e!" nakangusong asik ni clyde.

"You were together yesterday, miss mo na agad." masungit na sabi sa kaniya ni javier.

"Gano'n talaga pre kapag mahal mo. Bawat segundo namimiss mo siya." biglang tinignan niya ito, nanunukso. "Hindi mo pa ba 'yon nararamdaman?" ngisi niya, kaya parang mas lalong nakaka-asar iyon.

"Shut up!"

Gano'n nalang ang pagbilis ng lakad niya at luminya kila apollo at marra na may sariling mundong nag-uusap. Tatawa-tawa namang tinignan lang ni clyde si javier.

"Bakit gano'n? Lalong pumo-pogi ang Javier kapag nagsusungit." kinikilig na sabi bigla ni cj at matalim na tumingin kay yna.

"B-bakit ka nakatingin.." inosenteng tanong nito.

"Wala lang, masama?" saka siya umiwas at ngumisi.

"Yna," pagtawag ko at mukha pa siyang nagulat. "Wala ba talagang something? Or hindi ba talaga kayo magkakilala personally?" usisa ko pa gaya noong nakaraan.

"H-hindi talaga.." nagbabang tingin niya. Ganoon palagi ang sinasagot niya sa amin kapag iniintriga namin siya ni cj.

Nagkausap na rin kami ni cj tungkol sa mga nakikita namin. Parehas kami ng iniisp at kinukutuban.

Ipinatong ko ang kamay sa balikat niya kaya napa-angat siya ng tingin. "Basta nandito lang kami kapag may gusto kang sabihin o ikuwento ha." nakangiting sambit ko.

"S-salamat Ella." nahihiyang tugon niya.

Hindi ko ba alam. Pero nakikita ko sa iyo si Marra... Konti lang ang pinagkaiba.


**

Continue Reading

You'll Also Like

193K 4.9K 33
"You have to choose one of us Mack," Chase said. I was looking at all of them standing, staring at me, waiting for my answer. "So Mack who is it goin...
245K 15.2K 46
The feeling of being abandoned by one's own family was not unknown to Aadhira. She hates her family for abandoning her when she was only a newborn, l...
309K 11K 53
Anhay Sharma:- Cold business tycoon who is only sweet for his family. He is handsome as hell but loves to stay away from love life. His female employ...
322K 9.7K 78
(Fixed/Fan-TL) Top idol group Stardust, whose members disappear like dust. The group that used to have seven members ends with four members... "Is...