Subside Everything (SB19)

By LanehLarry

933 49 0

A SB19 FanFiction wherein; Stell, the owner of the house together with Josh and Ken, the supermodels let Seju... More

Subside Everything
Prologue
GITZ, BREAK! #1
GITZ, BREAK! #2
GITZ, BREAK! #3
GITZ, BREAK! #4
GITZ, BREAK! #5
GITZ, BREAK! #7
GITZ, BREAK! #8
GITZ, BREAK! #9
GITZ, BREAK! #10
GITZ, BREAK! #11
GITZ, BREAK! #12
GITZ, BREAK! #13
GITZ, BREAK! #14
GITZ, BREAK! #15
GITZ, BREAK! #16
GITZ, BREAK! #17
GITZ, BREAK! #18
GITZ, BREAK! #19
GITZ, BREAK! #20
GITZ, BREAK! #21
GITZ, BREAK! #22
GITZ, BREAK! #23
GITZ, BREAK! #24
GITZ, BREAK! #25
GITZ, BREAK! #26
GITZ, BREAK! #27
GITZ, BREAK! #28
GITZ, BREAK! #29
GITZ, BREAK! #30
Epilogue
SB19
PSICOM APP

GITZ, BREAK! #6

37 1 0
By LanehLarry

Hello everyone! I'm the main dancer of SB19. I'm Ken.

--

Para sa ikatatahimik ng kulakalam na t'yan namin, ako na ang naunang kumilos para maghanda ng mesa. Ang dalawang lalaki na nakaupo rito at napunta sa sala at hindi na pinakilos ni Stell.

Sakto namang nadatnan ko s'ya sa tapat ng lababo.

"Stell," tawag ko sa kan'ya.

Gulat s'yang napatalon sa turan ko at naalis ang pagkatitig sa pader na kaharap. Nilingon n'ya akong nakangiti.

"Sino sila? Bakit sila nandito?" Hindi ko na mapigilan ang sariling mapatanong.

"Mahabang istorya. Mamaya na lang kapag kumakain," sagot naman n'ya at binaliwala na ako.

Napangiwi ako sa naging gawi n'ya dahil nilagpasan na lang ako. Hindi naman sa nagtataka sa mga kilos n'ya dahil mula noong nakaraang buwan kung saan pumutok ang issue ng pagsama ko sa kan'ya, gan'yan na ang kilos na. Buti na lang ay kasama na n'ya si Josh ngayon nang mas madalas.

"Ken! Okay na, kain na tayo," tinig ni Josh mula sa hapag-kainan.

Magaalas-otso na at tamang-tama ang oras namin ng pagkain. Bumalik na ako kung nasaan silang dalawa at umupo sa tabi ng kabisera.

"Sejun! Justin! Kakain na, tara na," sunod n'yang sabi. Agad na lumitaw ang dalawang lalaki mula sa sala. Seryoso silang nag-uusap.

"Dito ka na sa tabi ni Ken, Justin," ani ni Stell sa tulalang Justin. .

Naupo si Sejun sa tabi ni Josh. Nasa kabisera naman si Stell.

Inusog ko ng kaunti pakaliwa ang upuan ko para mabigyan s'ya ng mas malaking espasyo. Sakto lang sa aming lima ang lamesa at upuan at punong-puno ng pagkaing dala ko ang hapag.

"Dami mo naman binili, Ken," puna ni Josh.

Napangiti ako. 'Eto na siguro ang tamang oras para malaman ko ang dahilan kung nandito ang dalawang ito.

"Kanina kasi no'ng tinawagan ko si Stell, may naririnig akong ingay. Tapos nagtanong ka 'di ba?" tanong ko kay Stell habang kumukuha ng  chicken fillet.

"Kay Josh? Oo," kaswal na sagot n'ya.

Ang katabi ko kay tahimik na ngumuguya na paminsan-minsan ay natutulala. Sinasaway naman s'ya ni Sejun.

"Ahh." Tumango-tango pa si Josh bago magsimulang kumain.

Binigyan ko muna sila ng oras para kumain. Ang ulam namin at Adobong Pusit na mukhang tanghalian nila at ang dala kong take-out mula sa McDo.

"Tanghalian n'yo 'to?" tanong ko sabay tuhog sa tentacles nito.

"Oo...sana. Kaso hindi na namin nakain," si Stell ang sumagot.

"Ha? Bakit?"

"Kasi dumating silang dalawa."

Shoot!

Napaayos ako ng upo. Malalaman ko na ang dahilan ng paglitaw nitong dalawang ito. Curious talaga at hindi ko alam kung halata ba sa mukha ko o hindi. Wala naman akong pake.

"Tanghali na kasi ako nagising dahil galing ako sa contest kagabi. Lasing din si Stell kaya sinamahan ko s'ya sa kwarto n'ya hanggang sa nakatulog ako."

Hindi na nagsalita si Stell at guilty sa sinabi ni Josh.

"Binili ko 'yang pusit na 'yan mga alas otso na..."

"Sabi mo tinanghali ka ng gising?" tanong ko nang matigilan s'ya.

Bigla s'yang napangisi.

"Tanghali na 'yun sa akin, dre," aniya sabay tawa. Napailing na lang ako at sumubo na.

Binigyan ko s'ya ng katahimikan para magpatuloy.

"Pagkabalik ko, kabababa lang ni Stell pero umakyat ulit, siguro magliligpit. Tapos ayun, pumunta na ako sa kusina para magsimulang magluto. Usually na almusal namin ay kape lang kaya medyo binilisan ko na ang pagluto."

Ilang beses akong nag-'hmm' para malaman n'yang nakikinig pa rin ako.

"Nine na no'ng natapos akong magluto kaya lalabas sana ako para tignan 'yung likod at kunin 'yung dumbbell.  Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin 'yung duffel bag ni Sejun."

Umakto pa s'ya nang bubuksan ang pinto. Natawa kami lahat dahil ginaya ni Stell ito. Pinanlisikan s'ya ng mata ni Josh.

"Sabi ni Sejun, nakatulog daw s'ya sa likod kasi umulan no'ng madaling araw..."

Naputol ang pagkekwento n'ya at bumuntong hininga.

"Ikaw na magtuloy, Sejun. Pagod."

Mas lalo kaming natawa sa itsura n'ya dahil naghahabol s'ya ng hininga.

Napunta kay Sejun ang mga mata ko at nakita ko s'yang nakangiti na may braces. Ngumunguya rin s'ya kaya napainom pa ng tubig bago magsalita.

"I was walking to nowhere until the rain drops at...I think 5 am 'ata? Then nakisilong lang ako. Lumayas ako sa amin kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta. That's why I decided to wander around."

English speaking pa nga. Anak mayaman siguro.

"In my duffel bag was my few clothes and my music book. My phone is dead batt kaya walang kumo-kontak sa akin."

Lumipad ang tingin n'ya sa akin nang matapos ang paliwanag n'ya. I think that's his side? Tumango na lang ako na naging hudyat sa kan'ya na magpatuloy sa pagkain.

Napunta naman ang tingin ko sa katabi ko. Kay Justin na tulala sa buong paliwanag ni Sejun.

"Justin," tawag sa kan'ya ni Josh.

Iwinasiwas s'ya ng mahina ang ulo at ngumiti. Kitang-kita ko ang mga gums n'ya mula rito sa gilid. Sobrang puti pa ng balat n'ya kaya napansin ko kaagad.

"Why are you here?" tanong ko ng mahina na sapat para marinig n'ya.

Natahimik kaming lahat at tunog na lang ng kahig ng kutsara sa plato ang naririnig.

"B-bestfriend ako ni Sejun," utal n'yang panimula. Lumunok s'ya at napainom muna ng tubig.

Kinakabahan ba s'ya?

"May rule kasi kami na bawat oras ay i-uupdate namin ang isa't isa kung anong ginagawa namin. Nangyari na 12 hours s'yang walang text kaya nagaalala ako. Pumunta ako sa bahay nila ng alas otso."

"Ibig sabihin umaga pa lang hindi na s'ya nag-tetext sa'yo?" sabat ni Stell.

Naalis na ang tingin ko sa kan'ya at napunta na sa pagkain sa harap ko. Nakikinig pa rin ako sa paliwanag n'ya.

"Oo," maikiling sagot n'ya.

"Pagkapunta ko sa bahay nila, walang tao ro'n. Mga yaya lang nila. Saktong hapunan kaya roon na ako kumain ng hapunan. Hindi ko naman alam na magpapalipas ako ng magdamag sa tapat ng bahay nila."

"Tapat? Sa bangketa?" Si Josh.

"Hindi, baliw! May dala 'yang kotse noong pumunta rito, 'di ba?"

"Ay, oo nga." Natatawang sagot ni Josh. Natawa na rin si Sejun. Nanatili naman akong seryoso.

"Sa kotse ako nakatulog sa kakaintay ng tawag ng phone ko. Siguro kung hindi pa ako tinawagan ni Josh, siguro matagal akong nakatulog at mauubos ang gas ko." Lumingon s'ya sa akin na tikom ang bibig. Kita ko sa peripheral vision ko ang hilig ng mukha n'ya. Napatango na lang ako dahil bigla akong nailang.

"Ayaw nang umuwi ni Sejun sa kanila kaya inoffer ko na lang 'tong bahay para may matulugan s'ya. Agree naman s'ya sa mga rules, eh." Si Stell makalipas ang ilang minutong katahimikan.

"Eh, si Justin?" tanong ni Josh.

"Uuwi ako sa amin, baka hinahanap na rin ako kaso..."

"Kaso?" Pinagpatuloy ni Stell ang turan nito.

"Ubos na gas ko," mahinang sagot n'ya at yumuko.

Humahikgik si Josh sa upuan n'ya dahilan para titigan namin s'ya.

"Dito ka na lang muna matulog. Baka wala nang bukas na gas station, saka malayo rin dito 'yun," si Stell ang sumagot sabay lapag ng mga kubyertos dahil tapos na s'yang kumain.

"Huh? Hindi pa ako nakakaligo---"

Natigilan na naman ang pagsasalita n'ya nang tumayo si Josh. Pumunta s'ya sa isang kabinet na tabi lang ng CR. Binuksan n'ya ito at bumungad ang mga tuwalya at toiletries essentials.

"Siguro naman may mga damit ka sa kotse mo?" tanong pa nito.

Nagkibit balikat na lang si Justin at nangiti.

"Meron naman."

"Edi ayun! Good. Tawagan mo na lang mga tao sa bahay n'yo para hindi sila mag-alala."

Tumango na lang si Justin at nagpatuloy sa pagkain. Si Sejun naman ay tapos na kumain at nagpipigil na tumayo.

Nang matapos si Justin, sabay kaming tumayo ni Stell at nag-agawan pa sa pagdampot ng kutsara ni Josh.

"Ako na," sabay naming turan. Hindi ko pa rin binibitawan ang kutsara.

"Ano ka ba, ako na rito. Sige na. Sa sala ka na lang muna," sunod n'yang sabi. Ngumiti s'ya dahilan para sumuko ako.

Inayos ko na lang ang mesa pagkatapos n'yang dalhin ang mga pinggan sa lababo. Pagkatapos, nakisali ako sa tatlo na nakaupo sa salas at naka-paikot.

"Ken. Galing kang photo shoot 'di ba?" tanong ni Josh.

Tumango ako bago umupo sa tabi n'ya at sumiksik sa arm rest.

"Tapos? Diretso ka rito? Hindi ka ba napagod n'yan?"

"Hindi naman, saka nakatulog na rin ako sa van kaya okay na. Dumaan din ako sa office bago dumiretso rito."

Nakarinig ako ng impit na tili mula sa tabi ko. Nakita ko si Sejun na nakangiti pero nakausli ang dila.

"Bakit?" Natatawang tanong ni Josh.

Nailang s'ya kaagad sa tingin ko kaya napalingon na lang s'ya kay Josh.

"Fan n'ya kasi ako. Actually, 'yung kapatid ko hanggang sa lahat ng pader namin sa bahay punong-puno ng pictures n'ya."

Nahuli ni Justin na nakangiti ako kaya nag-iwas ako.

"What's your sister name?"

"Alex," maikling sabi n'ya.

Tumango ako, "I'll meet her...kung okay lang sa'yo?"

Nagliwanag ang mukha n'ya sa sinabi ko at agad na tumango. Nagpipigil din s'yang kuhanin ang cellphone n'ya para natawagan ito kaso baka malaman nila kung nasaan si Sejun.

"Naks naman. Ang swerte, ah?" kantyaw ni Josh sa kan'ya.

"Josh." Inagaw ko ang atensyon n'ya.

"Can we talk?"

Tumango na lang s'ya at naunang lumabas ng bahay. Nandito kami sa maliit na terrace.

"Kilala n'yo ba ang dalawang 'yan?" Hindi ko maiwasan ang magduda sa presensya nila.

Magbubukas pa lang ang mga ilaw kaya liwanag galing sa buwan ang nagbigay linaw sa mukha ni Josh, nakangisi.

"Hindi ko alam, dre. Tinanggap sila ni Stell at okay na ako ro'n. Bahay naman n'ya ito kaya ayos lang sa akin. Saka...inistalk ko na sila kanina sa FB at totoo naman 'yung mga infos na sinabi nila kanina."

Doon na natanggal lahat ng tanong ko tungkol sa kanila. Tiwala naman ako kay Stell.

"Anong buong pangalan nila?"

"John Paulo Nase tapos...Justin de Dios?? Tama, tama! Justin de Dios."

Hinilig ko ang ulo ko sa lampost.

"Wala ka bang dalang beer?" tanong n'ya.

"Bilin sa akin ni Stell na 'wag na akong magdala kaya hindi na kami dumaan."

"Ay, sayang naman," tila nalulungkot n'yang sagot.

"Eh, teka! Uuwi ka ba ngayon? Dadaanan ka ba ni Kuya Gwuri?" pag-iiba n'ya sa usapan.

"Oo kaso nagdadalawang isip pa ako."

"Sa'n?"

"Kasi si Justin, walang gas. Hindi makakauwi. Tapos makikita n'ya akong hayahay sa van ko na pauwi---"

"Naks! Ang kindhearted naman ni Mr. Felip Suson!" Pigil n'ya sa akin nang tumama sa kan'ya ang ibig kong sabihin.

"Anong gagawin ko? Bigyan ko ba ng gas?" tanong ko.

Natawa s'ya at mahinang nahampas ang sarii.

"Edi parang binabaliwala mo 'yung offer ko kanina sa kan'ya," sagot n'ya.

Kumunot ang noo ko.

"Ano 'yun? Dito ako matutulog? Tatlo lang ang kwarto rito, ah?"

"Edi ro'n ka sa pangatlo kung ayaw mo ng katabi."

Bago pa ako makasagot, natanaw ko ang ilaw mula sa kanan namin. Si Kuya Gwuri.

Inintay ko muna s'yang makaparada sa harapan ng bahay bago s'ya harapin.

Binalingan ko muna si Josh.

"Tawagin mo muna si Justin. Pakisabi dalhin din 'yung susi ng kotse n'ya."

Sinunod n'ya ang utos ko.

Pagkababa ko ng terrace, saktong pababa si Kuya Gwuri.

"Sir?"

Hindi na natuloy ang tanong n'ya nang mapansing ang likod na pintuan ang binuksan ko at kinuha ang bag na may lamang gamit ko.

"Dito ka po matutulog, Sir?" tanong n'ya.

"Yeah...and kunin mo nga 'yung gas natin. Ibibigay ko lang sa kaibigan ko. Naubusan kasi," utos ko.

Ibinaba ko muna ang bag ko bago n'ya kunin ang container.

Sakto namang palabas si Justin na sinusundan ni Josh. Naririnig ko ang kalansing ng susi.

"Salin mo na lang sa kotse n'ya tapos pasok ka na rin sa loob pagkatapos. Salamat."

Tinanguan ko lang ang dalawa nang lumampas ako sa kanila. Dumiretso na ako sa loob dahil medyo mabigat ang dala ko.

Nasa sala pa rin si Sejun at si Stell ay naglalakad palabas ng kusina.

"Oh? Saan sila?"

"Nasa labas. Nagsasalin ng gas."

Ilang minuto ay tumunog ang pinto at pumasok silang tatlo.

"Okay na, Sir." Si Kuya Gwuri.

Dumiretso namang sumalangpak si Josh sa tabi ko rito sa sofa.

Si Justin at natigilan at bahagyang ngumiti.

"Thank you, Sir Ken," pormal n'yang sabi.

Nailing ako kaagad sa paraan ng pagtawag n'ya.

"Call me Ken. Okay na 'yun."

Mas lalong lumawak ang ngiti n'ya at tumango. Hinawi pa n'ya ang buhok na humarang sa noo n'ya.

"Thank you...Ken."

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
223K 13.4K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...