Kristine 16 - Hasta La Proxim...

By MarthaCecilia_PHR

943K 31.7K 3.6K

Dana Isabella-Diana and Joshua's daughter- was curiously reading her dead grandmother's diary nang sa pag-ang... More

CAST
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58

30

16.7K 650 95
By MarthaCecilia_PHR


INIHATID ni Jewel ang asawa sa labas hanggang sa umangat sa lupa ang chopper. Kapagkuwa'y pumasok na uli ito sa villa. Sandali itong nahinto sa paghakbang nang makitang nakatingala sa larawan ni Don Leon si Dana.

She frowned at the loneliness that she saw on Dana's face. Na lalo pang nagpadikit sa mga kilay nito nang itaas ng dalaga ang kamay at hinaplos ang larawan.

"My grandfather..." marahang sabi ni Jewel at humakbang palapit.Bahagyang napapitlag si Dana. She was too engrossed watching the portrait and talking to him by herself.

"Y-yes." She cleared the lump in her throat. "My mother said she never had the chance of meeting him..."

Tumango si Jewel. "Dalawa o tatlong taon nang namamatay si Lolo nang magkakilala sila ni Bernard."

"What was he like?" tanong niya sabay tingala sa portrait.

Jewel smiled. A mixture of sad and happy memories filled her mind. "A tyrant." Isang tawa ang pinakawalan nito. "But you should meet the men, they all are." Pagkatapos ay sumeryoso ang mukha at tumingala sa portrait. "Yes. He was. And he manipulated people's life. But only because he wanted what is best for them. He was a very good judge of character and he was seldom wrong. Most of all, he loved us all. Even in death, he wanted to protect those he loved..." Jewel swallowed to clear her throat. Muling tumingin kay Dana. "Oh, I loved him. Many times I have wished na sana'y buhay si Señor Leon hanggang ngayon."

"W-what do you mean when you said he wanted to protect those he loved... even in death?"

Sandaling natigilan si Jewel. Hindi niya namalayang nasabi niya iyon. Naalala niya ang araw na napahamak siya dahil kay King. She thought she heard Leon's voice not to enter the villa. But of course, no one would believe her. Ni hindi niya sinabi iyon kay Bernard sa mga taong nagdaan. At siguro'y imahinasyon nga lang talaga.

She smiled at the younger girl. "Nothing. Just pure imagination. I sometimes thought I heard him speaking to me." nagkibit ito ng mga balikat.

Tumango si Dana. "H-how did he meet y-your... grandmother?" She couldn't contain her curiosity.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jewel sa tanong niya.

"I'm sorry... Plain curiosity, that's all. M-mahilig akong makinig ng mga kuwento kung paano nagkakakilala ang dalawang tao," mabilis niyang sabi.

"Oh, well..." She looked up at her grandparents' portrait thoughtfully. "As a matter of fact, I haven't given it a thought. Malibang sa dinami-rami ng babaeng napaugnay sa Lolo, si Lola Esmeralda lamang ang minahal at pinakasalan niya."

You're wrong. He loved me first! kontra ng bahagi ng isip ni Dana. Kahit ang kabila rin niyon ay naghuhumiyaw sa pagtangging hindi siya kundi si Donya Isabelita ang unang babaing minahal ni Leon.

"Well, if you are really that curious about old stories and romance about my grandfather then perhaps you should talk to Tiya Margarita, his daughter. Tiyak na marami siyang ikukuwento sa iyo."

"I'd like to meet her one of these days," seryosong sabi ng dalaga. At muli'y nagsalubong ang mga kilay ni Jewel. She could sense that there was more to it than plain curiosity. Hindi nga lang nito malaman kung ano.

"PARTY?" Kunot ang noong nahinto sa pagbubukas ng aparador si Lenny at nilingon ang ina. "I thought you will celebrate your anniversary by yourselves. What happened to the plans that you will celebrate your anniversary aboard Precious? Then set sail to the Carribean?"

Umiwas ng tingin si Jewel. "Your father's too busy these days, Lenny. There's only a trimester left before Christmas and—"

"'Ma, there's Uncle Zandro and Tito Marco and Papa's top executives," agap nito sa sinasabi ng ina. Nawala na sa isip ang balak na pagbibihis at humarap sa ina. "Kaya nga hindi kami tumutol nang sabihin ninyong sa yate kayo magse-celebrate ng anniversary. Julianne even thought it romantic."

"I thought so, too." she smiled at her son shyly. "Pero naisip namin ng papa mo na napakaikli ng isang buwang bakasyon para sa amin. Kaya hihintayin na namin ang retirement niya. At inaasahan ng papa mo na handa ka nang hawakan ang pamamahala sa kompanya."

Pinigil ni Lenny ang anumang sasabihin. Alam na niya ang kasunod na sasabihin ng ina. Isa sa mga addendum ng corporate by-laws na ginawa ni Don Leon Fortalejo ay dapat na may-asawa ang sinumang CEO ng Kristine Group of Companies.

Hindi agad hinawakan ni Bernard ang pamamahala sa KGC nang mamatay si Don Leon. OICs were appointed while he was trained as future KGC president and CEO. Ganoon pa man ay puno ito ng kumpiyansa na wala itong nilalabag sa by-laws ng kompanya dahil lihim itong kasal kay Jewel at naghihintay lamang ng panahon upang ipaalam iyon sa lahat. At iyon ay alam ni Judge Adriano bilang isa sa mga director at abogado ng kompanya. Until Jewel's accident na nauwi sa pagpapakasal ni Bernard kay Diana.

"I could guess what you will say next, Madre." He groaned in frustration. "'Ma, wala pa akong balak mag-asawa. Not in a few years to come. Please, don't you both make me feel guilty na ang hindi ko pag-aasawa ang dahilan kung bakit hindi agad makapagretiro ang Papa. Nariyan si Uncle Zandro. He can act as OIC for a couple of years or so after Padre retired."

"What have you against marriage, Lenny?" Nagtatakang tumingala si Jewel sa anak. "I don't believe in perfection dahil wala niyon. Pero wala kang masasabi sa marriages ng pamilya natin. 

Maliban marahil sa ilang hindi pagkakaunawaan na normal lamang sa buhay-pampamilya."

Nagkibit ng mga balikat si Lenny at isinandal ang ulo sa salamin ng antigong aparador. "A wife is rather difficult to dispose of when one finds oneself in the grips with boredom, Madre." Humakbang ito patungo sa personal ref at kinuha roon ang isang bote ng champagne at dalawang goblets. Nagsalin at iniabot sa ina ang isa.

Wala sa loob na tinanggap ni Jewel ang kopita at manghang tumingala sa anak. "When is having a family a bore, Lenny? Hindi ako makapaniwalang nasasabi mo iyan. I have never been bored with my duty as wife and mother! And I don't suppose your father was bored with... with me. With us. Do you?" A little uncertainty laced her voice.

He twisted the corner of his mouth. "No, Madre," mariing sagot ni Lenny nang makita ang bahagyang alinlangan sa mukha ng ina. "Because you both love each other."

Jewel sighed. Ilang sandali ang pinalipas nito bago muling nagsalita. "Nang unang sabihin ng ama mo ang tungkol kay Cielo ay ako ang unang nagprotesta, hijo. Bagaman mahirap, pinangako ko sa aking sarili na hindi ko gustong pakialaman ang suliranin sa puso ng mga anak ko. But I am beginning to like Cielo, hijo. I find her shyness very endearing. Polite, cultured, and of course, very pretty."

He smiled without humor. "Is she all that? I hardly notice..."Jewel grimaced at the sarcasm in her son's voice. "Cielo is a nice and respectable lady, Lenny."

"Nice and respectable women are too damned boring, Mother." Inisang lagok nito ang champagne at muling nagsalin. Pagkatapos ay pabagsak na naupo sa katapat na settee ng ina.

"Sinasabi mo lang iyan dahil ang papa mo ang pumili kay Cielo. Pero kung hindi ganoon ang situwasyon ay malamang na madaling nahulog ang damdamin mo sa kanya," ani Jewel na dinala sa bibig ang goblet and took one sip. "At kung papayag ka'y isasabay na namin sa anniversary party namin ng papa mo ang announcement para sa engagement ninyo—"

"Ang party sa makalawa'y pribado para sa inyo ng Papa. Huwag mong sirain ang tradisyon sa pamamagitan ng pag-anunsiyo ng engagement ko sa babaeng hindi ako ang pumili!"

"Hijo...""Lo siento mucho, Madre. But I refuse to pretend to be enamoured of Padre's choice. I can only promise civility."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Jewel. Naiintindihan niya ang anak. Ang usapan ng mag-ama'y kilalanin muna ni Lenny ang dalaga. Subalit para kay Bernard ay wala itong makitang kapintasan kay Cielo. And she could only agree. Bibihira sa mga kabataan ngayon ang tulad ni Cielo na mabait, mahiyain, at mahinhin. Lalo na at sa Amerika ito ipinanganak at halos doon na rin nagkaisip.

"She wasn't here very long, hijo. Hindi mo pa siya lubusang nakikilala," giit ni Jewel sa magaang na tono. "Cielo could be an ideal wife."

"Mama, pati ba naman ikaw ay nag-aapurang mag-asawa na ako?"

"Oh, well." nagkibit ng mga balikat si Jewel. "I'm forty-eight, nami-miss ko na ang halakhakan ng mga munting bata at—"

"There's Troy," agap ng binata na sandaling nagbago ang ekspresyon ng mukha nang maalala ang pamangkin. Noong isang araw lang ay naparaan sina Marco at Troy sa villa bago umuwi ng farm. And he had to admit that he really had fun playing with Romano and Bobbie's son.

Napangiti si Jewel sa pagkabanggit sa pamangkin. "Yes. But he wasn't yours. At halos hindi na mawala sa paningin ng Uncle Marco at Aunt Emerald mo ang bata. He was an added joy to their lives."

"Hindi dahilan ang pagkasabik mo sa apo upang pakasalan ko si Cielo, gaano man siya kabait, kamahiyain, kaganda, et cetera." Muling bumalik ang sarkasmo sa tinig niya. "And if you want the truth, this woman will make my hair gray in a couple of years..."

"Lenny!" bulalas ni Jewel.

"'Ma, please," he said impatiently. "I have no liking for respectable and dull women. Na huwag ka lang di-magtaas ng tinig ay iiyak na kaagad."

Jewel sighed. "Oh, well... Kakausapin ko ang papa mo. And perhaps it is only fair for you to find a young woman you did not deem dull and marry her."



****************Maraming salamat mga beshie don't forget to vote and comment. Hayyst kapagod ang araw na ito char. Sana mabawasan ang stress n'yo mga beshie. Take care and God bless. Thank you mga beshie. - Admin A ***************

Continue Reading

You'll Also Like

16.7K 164 21
Del Fabbro series #1 ____________________________ One stupid decision, leads to destruction.
3.4M 95K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
884K 22K 41
Kristine Series 20 - My Wild Heiress By Martha Cecilia "And did you think I want to marry someone like you?" ani Jace. "Heaven's sake, Andrea Monica...
11.1K 308 24
Madalas mapanaginipan ni Viryl ang sarili at ang isang lalaking nagngangalang "Ed". Malinaw ang lahat maliban sa mukha nito-that faceless man made he...