Walking in the Wind (Valdemor...

By anchoraigee

41.7K 1.2K 81

Aria Beatrice Legaspi is a simple college student who values her studies. She's the girl you could wish for... More

Walking in the Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Joaquin Gabriel
Author's Gratitude

Chapter 36

922 26 1
By anchoraigee

Nang natapos na sa paliligo ay lumabas kaagad ako. I jumped a bit when I saw him lying on my bed while holding my phone! Napatakbo ako ng wala sa oras at hinablot iyon sa kanya.

Ang mas masaklap ay wala itong password kaya malaya niyang nabuksan ang phone ko! How dare him?!

"Why are you here? Sa guest's room ka 'di ba?" tanong ko at napatingin sa maleta niyang dalang naroon. "At bakit nandito 'to? I already gave you a room."

He sat and then slightly yawned. Prenteng prente ang higa niya kanina at ngayong naabutan ko ay kalmado pa rin ang mukha na parang balewala lang sa kanya.

Ni hindi ko narinig na nag-ingay ito dito! Ganoon ba katagal ang pamamalagi ko sa banyo at nagawa niyang makapunta dito agad?

"The room that you gave me is spacious. Ayoko roon, masyadong malaki para sa akin. And I don't want to sleep on Theo's room. Baka maistorbo ko kaya dito na lang ako. I hope it's fine?"

My head suddenly heated on that. At parang mayroon naman akong choice?Eh yung isang kwarto ay walang masyadong gamit na laman at walang kama na naroon.

So sa akin ang ending nito? Wow.

"You'll sleep on the floor, I'll sleep on the bed. Hindi tayo magtatabi," I finalized as I went to my closet and then took out my shirts there. Pinili ko iyong masyadong natatabunan ang katawan ko.

"Bakit? Takot ka bang may gawin ako sa'yo?" tanong niya at isinandal ang likod sa head board.

As if namang gusto ko? Anong akala niya sa akin? Bibigay kaagad sa kanya?

"At bakit? May binabalak ka ba?" balik kong tanong saka padabog na isinara ang closet.

His playful smile appeared and then he wiggled his eyebrows like he's planning something. He licked his lip and then bit it like seducing me.

Hindi niya ba alam na mukha siyang tanga habang ginagawa iyon? He looks like a crazy dog craving for something gross.

"Sundan na natin ang anak mo. We have our time here, Aria." Binato ko iyong librong nahawakan ko at kaagad na nagbihis sa banyo. I heard him laughing as if he made a joke earlier.

Pupunta rito para doon? Ganoon na ba kamanyak ang lalaking iyon at nasabi lahat nang iyon sa harap ko? He's too much. Mula pagdating rito hanggang ngayon ay nagiging ganoon na siya.

Epekto ba ng niluto niya iyon?

Lumabas ako saka pinandilatan siya. He's still on my bed, resting his head while he's waiting for me. Nangunot ang noo ko kaagad nang mapansing hindi man lang ito naglatag ng kung ano sa sahig para higaan niya.

I have an extra mattress here. Sigurado akong kitang-kita iyon mula sa pwesto niya kaya bakit hindi niya man lang kinuha doon?

"Alis," utos ko nang hindi nito naisipang umalis sa kama ko. I'm not being rude. Ayoko lang makatabi siya ngayon.

"I can't sleep on the floor. Hindi ako sanay."

"I have a mattress there. Kunin mo at iyon ang higaan mo," asik ko pa, determinadong ayaw siyang makatabi.

"Still, hindi ako sanay. I can make a space between us if that's what you want. Hindi rin ako gagawa ng ikaaayaw mo kung iyon ang makakapagpalubag sa loob mo." With that, he put two pillows between us. Nagsilbing harang iyon sa aming dalawa.

Sa huli ay hindi ako nakaangal dahil kaagad na itong nahiga at ipinikit ang mata. I dried my hair first before lying down, too far from him.

Malaki naman iyong kama ko pero hindi ako makakatulog ng maayos kapag naglapat o kapag nagalaw man lang ang unan na nakapagitan sa amin. We can't be that near.

Nakatagilid ako sa kanyang nahiga. Hindi nakaharap at magkasama sa iisang comforter. Nakuntento akong hindi gumagalaw kahit kaunti lang. Maybe he's asleep already. Hindi na rin kasi ito gumagalaw katulad ko.

I tried closing my eyes and forced myself to sleep but nothing happened. Tanging iyong magulo kong isipan ang naging laman ng utak ko buong minuto.

Iminulat ko ulit ang mata at hinayaan ang sariling maging mulat kahit hanggang sa dalawin na lang ako ng antok. Ilang minuto, naramdaman kong gumalaw ang kabilang side ng kama, senyales na iniba nito ang pwesto.

I pretended that I'm asleep already. Pero iyong katawan ko ay nagiging alarma sa kung ano mang mangyari.

He moved again but I remained still. Nagiging malalim na iyong hininga ko. Akala ko ay magpapatuloy lang ito sa paggalaw pero hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.

"I hope you're asleep. Alam kong hindi mo inasahang mangyari ang lahat, kahit na ako," he mouthed slowly. Mahina iyong boses niya, tamang-tama lang para marinig ko. "If you only knew how much I loved you before. Kung inaakala mong hindi ko ipinaglaban ang tungkol sa ating dalawa, hindi totoo iyon. I just want the best for you so that leaving you is my choice."

Sandali itong tumigil, huminga ng malalim at pinanatili kong nakikinig ang mga tenga ko sa kanya.

Bakit sinasabi niya ngayon ito sa akin?Tungkol sa mga nangyari noon? And does he think that this won't hurt me again? Kung alam niya bang nagpapanggap lang akong tulog dito ay sasabihin niya pa rin ba ito?

"If you were hurt of what happened to us before, then I was deeply hurt, too. Kung alam mo lang kung gaano kahirap sa akin na paalisin ka sa harapan ko. Kung alam mo lang kung paano ko nagawang tiisin na mabuhay na hindi ka nakikita o nakakausap man lang. If you only knew how hard it is for me to continue living without the only strength that I have.

"Ikaw ang naging lakas ko pero hindi ko aakalaing ikaw rin ang makakapagpahina sa akin. My life became meaningless when I left you." Narinig ko kung paano siya nanghihinang humikbi. His weak and fragile side rose again.

"Sabi ko nga dati, baka hindi na rin ako magkaroon ng pagkakataong masilayan kang ngumingiti na ako ang dahilan. Ayos lang basta nakikita kitang masaya ay masaya na rin ako. I can't be selfish. Sino ako para pigilan ko ang taong magmahal ng iba kung una pa lang ay ako na ang sumuko?"

Pinigilan ko ang sariling lumikha ng kahit kaunting ingay. I never moved. Hindi rin mapigilan ang sariling masaktan sa lahat ng sinasabi niya.

Just like him, my world fell and didn't go back on its place when he left me. Bagay na pareho naming naranasan na hindi ko inakalang mas malaki pala ang naging epekto niyon sa kanya.

And leaving was his choice for the best of me.

He decided to do it for the sake of me.

"I'm sorry if I left you with our child. I'm sorry for the pain that I've caused you, for the incomplete life, for the times when you needed me the most but I'm nowhere to be found, for the times that I should be there on your side fulfilling each of our dreams. I'm so sorry, Aria."

Tahimik akong naiyak sa lahat ng narinig mula sa kanya. Hinayaan ang mga luhang lumandas sa pisngi.

If you only knew how much I love you from the start until now. If you only knew that I am still into you, to the man who made me experience the love, the feeling that I am curious of.

"I never searched for anyone who's perfect because I already found it in you all along before... until now. Ikaw ang perpekto sa akin, sa buhay at sa puso ko. Ikaw ang lahat at ang nakakabuo sa akin..." He moved a bit until I felt the touch of the pillows between us. Ngayon,alam kong malapit na malapit na ito sa akin, isinasara ang nakapagitan sa aming dalawa.

If sleeping with him feels like this, then I badly want to be with him every night. Kung ito ang nagiging paraan niya para sabihin ang lahat ng nararamdaman ay mas pabor akong makatabi siya.

And now finally knowing his side hurts me more. Hindi ko aakalaing ang mga bagay na kanyang nagawa noon ay may kaakibat na dahilan para sa akin.

He cared for me.

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. He combed it gently, enough for me to feel relaxed using only his fingers. Hindi niya alam na umiiyak ako ngayon habang ginagawa iyon.

"I promise that I will never leave you again, I'll never leave our son again. Sana dumating ang araw na handa ka nang tanggapin ako ulit sa buhay mo, na handa ka nang magsimula ulit kasama ako. Because I'm now ready for us. Nobody said that it will last forever but I'll do my best to make it one."

Hinalikan niya iyong buhok ko bago ko naramdamang umalis na ito sa tabi ko at sa kwarto.

Doon lang din ako nakagalaw at pinahiran ang pisngi na puno na ng luha.

Mahal niya pa rin ako.bIyon ang mga salitang namutawi sa isipan ko kaagad.

He still share the same feelings with me but he chose to say it while thinking that I am in a deep sleep and not listening to him.

Natulala na lang ako at hindi malaman kung anong gagawin. Ilang minutong nagtagal iyong paghihintay ko sa pagbabalik niya pero hindi nangyari. I suddenly fell asleep while waiting for him.

At nang kinabukasan ay nagising ako nang wala ito sa tabi ko. Nandoon pa rin iyong unan na pumagitna sa amin pero hindi man lang siya nakabalik.

I searched his luggage and it's gone already. Nagmadali akong pumunta ng banyo saka naglinis bago naisipang pumunta sa kwarto ni Theo.

Doon ko naabutang pinapaliguan nito si Theo habang may nakasabit na tuwalya sa balikat niya.

He felt my presence and then gave me a smile, very different from all the emotions that he showed last night.

"Good morning. I hope you don't mind?" tukoy niya sa pagpapaligo kay Theo. I shook my head and smiled at Theo who's enjoying the moment with his father.

"Uh.. where's your luggage? Hindi ko na kasi nakita sa kwarto kaya..."

"Ah, oo. Nilipat ko doon sa guest's room. Naisipan ko kasing doon na lang din matulog mamaya. I hope it's fine."

Napapahiya akong tumango bago lumabas na doon at bumaba.

Naiisip pa din iyong itsura niya kanina. Para itong responsableng tatay na ginagawa ang bagay na dapat ay ako.

Pero okay na rin iyon dahil mukhang nagugustuhan naman niya ang ginagawa. He seems fine and looks like he forgot what he said last night.

Iyong hikbi at munting pag-iyak niya ay naririnig ko pa sa mga tenga ko. The sound of it made me a bit weak.

I thought he left again. Akala ko ay kagabi na ang huli naming pagsasama. And thinking that it might happen again scares me.

Ayoko nang maiwan ulig ng nasasaktan at nahihirapan. It's hard to totally forget about everything. Ayoko na.

I was in the middle of cooking our breakfast when I felt him at my back, doing something.

Ramdam ko iyong pagdikit niya sa katawan ko habang ako ay biglaang nagulat.

Para kasing sobrang lapit at mukhang nakayakap na ito sa akin. I can feel the heat of it though he's wearing a cotton shirt.

"Sorry. May kinukuha lang," tukoy niya sa cabinet na nasa itaas ko. Tumango ako at isinalin na ang naluto sa plato bago iyon hinanda sa mesa.

We ate together and then exchanged some stares. Siya ang nagpresintang sumubo kay Theo kahit na nagpumilit ako.

I just ate salad and then a coffee for the breakfast. Iyong sa kanya ay kape saka iyong niluto kong fried rice at ulam. Ganoon rin kay Theo kaya siya ang nagpapakain.

"Wala ka bang importanteng pupuntahan?" tanong ko. He gave me a look and then shook his head.

"Spending my whole day here. I wanna give Theo all of my time," at napatingin kay Theo na ngayon ay napapainom na.

"We can watch movies together, Papa! We can also do some things here together! It sounds good, right Mama?"

He looked at me with full of smiles. Saglit akong natulala bago tumango na lang.

Iyon ang napag-usapan namin sa hapag hanggang sa matapos. After that, we went outside of the house to water the plants that we have. Kaunting asaran ang nangyari kaya nagkabasaan gamit iyong hose.

Sa huli ay napasama ako kaya hinayaan ko na lang na maging masaya para sa kanila.

My shirt's wet, same as Joaquin's. Nakipaghabulan ako sa kanila habang bitbit iyong hose pero kaagad ring nahuli ng yakap ni Joaquin.

"Gotcha," he whispered at me which made me to not move. Mas lalong nalapit iyong mukha niya sa akin kaya hindi kaagad ako nakagalaw ng maayos.

I was disturbed by something hard poking my back. Nanlaki ang mata ko at kaagad na nailayo ang sarili nang matanto kung ano iyon.

His thing is hard! Ramdam na ramdam ko iyon kaya hindi ako nagkakamali!He's having a hard on.

"Are you horny?" I asked with my creased forehead. Natawa ito saka itinutok sa amin ang hose, dahilan para mas lalo akong mabasa.

"It's possible because I hugged you and then, I can clearly see the glimpse of your breast here," he pointed me. Napatingin ako sa dibdib at nakitang bakat doon ang panloob kong suot, pati ang kulay niyon!

"You..." dinuro ko siya pero kaagad na tinutok iyong hose sa akin kaya nabasa ako ulit, hindi na nagkaroon pa ng tyansang makaganti sa kanya.

Nanatili kaming ganoong tatlo hanggang sa mapagod. We both laughed on our situation. Pare-pareho kaming basa pero nang dahil sa saya na naramdaman ay parang nawala lahat sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

Parang naging daan rin iyon para maging masaya kami. After that, we went to Theo's room and watched a movie there. Napapagitnaan naming dalawa si Theo habang nanonood.

Kalagitnaan na kami nang maramdaman kong napaakbay sa akin si Joaquin. I looked at him but it seems that his attention is on the movie we're watching.

Hinayaan kong gawin niya iyon sa akin. It felt new and normal for me at the same time. Dati naman ay hindi niya ito ginagawa sa akin pero okay lang sa akin.

Hindi ko hahayaang uminit ang ulo ko lalo pa't kasama namin si Theo. He's been laughing the whole time. Comedy kasi iyong movie kaya ayun.

"I'll go get some popcorns," I volunteered and then get the bowl in front of them before going out.

Pababa na ako at nang makarating sa kusina ay kumuha ng popcorn doon at pinuno ang bowl.

Hindi pa man ako nagtatagal doon nang maramdaman ang presensya ni Joaquin palapit sa akin. He grabbed the bowl away from me and then neared himself.

"Hindi ka na sana bumaba. Babalik naman ako."

"Uh-huh. I just want to talk with you here and ask something."

I tried pulling back the bowl but he blocked my hands using his body. Dumapo tuloy iyong kamay ko sa tiyan niya.

"May... narinig ka ba kagabi?"

Hindi ako nagsalita. I became quiet for a few seconds before answering.

"Oo." I simply said and then he cussed softly. Napahilot ito sa sentido saka nagpakawala ng malalim na hininga.

"I heard it all. Mula sa umpisa hanggang sa dulo."

Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang mukha niya. His face turned red a bit while I'm doing that.

"At gusto kong sabihin na mahal pa rin kita, katulad na katulad sa kung anong nararamdaman mo ngayon sa akin."

Continue Reading

You'll Also Like

18K 420 45
In which Lucifer's son falls in love with a Hunter's daughter (I do not own Supernatural) #1 in Jack Kline January 18th-January 26th, 2023
15.7K 600 57
Just Hope County chaos.
Gentle touch By K

General Fiction

48.1K 1.1K 32
It had been mere months after her eighteen birthday, when she was pulled from the safe haven of her life and forced into the fantasy the women had cr...
4K 105 8
A fanfic inspired by Disney's Wish Asha is the adopted daughter of the King and Queen of Rosas, who seem to care more about their status as king and...