PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon...

By Zaenixx

803K 22.5K 2.4K

A/N: This story doesn't have matured content (such as making love), I just think that it doesn't suit the cha... More

INTRODUCTION
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
PLEASE READ
CHAPTER 34
WAKAS

CHAPTER 12

18.2K 590 30
By Zaenixx

CHAPTER 12







"IS IT TRUE?" Napatayo ako nang marinig ko ang boses ni mayor sa likod ko ilang minuto lang matapos umalis ni Arachne.






"H-Ha?"






"Arachne told me that you want to eat Sushi, is it true?" Tanong niyang muli, napakamot ako sa aking ulo.






"Mukhang masarap tigna——"






"Can you wait? I'll ask Gallier to contact a Sushi maker from Japan." Aniya, agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.






Umiling ako at lumapit na sa kanya upang pigilan siya sa pagtipa sa kanyang cellphone.






"H-Hindi na... Baka makaabala pa sa kanila tsaka nagluluto ng tanghalian sila ate Pilar at ate Joanna." Sagot ko.






Tinignan niya ako ng mariin, "Are you sure?" Panigurado niya.






Gusto ko mang humindi ay hindi ko magawa dahil paniguradong nakakahiya kila ate Pilar dahil nagluluto sila. Baka sabihin pa nila ay maarte ako.






"Oo, sa susunod na lang." Sagot ko.






Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko kung saan nakalagay ang singsing.






Hanggang dibdib niya lang ako kaya madali para sa kanya ang tapikin ang aking ulo.






"I already talked to Maximo, my house is safe now and you can live there with me." Aniya, napaangat ako ng tingin nang marinig ang sinabi niya.






"Sa b-bahay mo?" Tanong ko.






Tumango siya, "That's why I want to ask you if you want to live with me... I'm hoping you would say yes." Paliwanag niya.






"Bakit ko pa ako tinatanong? Hindi ba mag-asawa tayo at normal lang sa mag-asawa ang nakatira sa isang bahay?" Tugon ko.






Ngumiti siya at hinalikan ang ulo ko, "As much as I want to live with you, it is still your choice. I won't force you to live with me if you don't want you, besides, I can visit you here all the time." Sagot niya.






Tumingin ako sa mata niya at nababasa ko ang sinseridad, yung paraan ng pagtingin na malinis ang konsensya at parang nagsasabi na walang dapat pagdudahan sa intensyon niya.






"As long as you can't remember me, your choice is what matters. I won't force you to do things that you don't like and I will stand next to you all the time." Aniya.






Napangiti ako at walang sabing niyakap siya.






Kahit pa wala akong maalala at hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko ay alam kong panatag ang loob ko sa kanya.






'Yon ang panghahawakan ko.






"S-Sasama ako sa'yo." Tipid na tugon ko. Pakiramdam ko ay natigilan siya sa sinabi ko.






"R-Really?" Paninigurado niya.






"Oo." Tugon ko.






Naramdaman ko ang pagganti niya ng yakap sa akin.






"That's good to hear, I will be a good husband to you." Wika niya.






Tumango na lamang ako at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya.






"BIBISITA na lang kami ng madalas sa inyo kapag nagka-oras kami." Wika ni ate Pilar nang makalabas kami ng bahay nila.






Pinagbuksan ako ni mayor ng pintuan ng sasakyan ngunit bago usmakay ay yumakap muna ako kay ate Pilar.






"Thank you, ate..." Wika ko.






Bahagya siyang tumawa.






"'Wag ka ngang ganyan, para kang nagpapaalam... Bibisitahin ka namin do'n." Wika niya.






"Mayor, alagaan mo 'yang si Amber ah..." Aniya, tumango lamang si mayor bago ako igaya papasok.






Kumaway muna ako sa kanila bago isinara ni mayor ang pintuan ng passenger seat.






Umikot siya upang sumakay rin, siya ang mamaneho at nakasunod sa amin sila Gallier at ang iba pa niyang gwardiya sa unahan na naka-escort.






"Napagod ka ba?" Tanong ni mayor nang mapansing tahimik ako sa byahe.






Umiling ako at tipid na ngumiti.






"Do you want your family to visit you tomorrow?" Tanong niya na nagbigay sigla sa akin.






"T-Talaga? Pwede ko silang makita bukas?" Tanong ko.






"Yes, I already settled everything. My house is guarded and they can stay there for a day." Paliwanag niya.






Tumango-tango ako at ngumiti sa kanya ng malapad. "Thank you!"






Natawa siya at pinagsiklop ang aming kamay habang nagmamaneho siya.






"I'll do anything for you." Aniya.






NANG makarating kami sa sinasabi niyang bahay ay mataas na pader ang bumungad sa akin, bakal ito at katulad kila ate Pilar ay may mga siwang kaya kitang-kita ko ang malaking mansyon sa loob na gawa sa salamin ang pader sa ibaba.






Kahit dito pa lang sa baba ay kitang-kita ko na ang malaking TV mula sa sala at ang mga gamit na halos lahat ay babasagin.






"Let's go," Nang makapag-park siya ay pinagbuksan niya pa ako ng pintuan ng sasakyan.






"Boss, nandyan na po sa loob." Ani Gallier nang makababa rin siya sa sasakyan nila at sinalubong kami.






Kumunot ang aking noo sa sinabi niya, "That's good." Tugon ni mayor.






Magkahawak pa rin ang aming kamay kaya ng tinignan ko ang mga body guards ni mayor kasama na si Gallier ay may mapanukso silang mga tingin.






Pinagbuksan kami ng kasambahay na naka-uniporme at halos mapanganga ako nang bumungad sa paningin ko ang malaking chandelier na nakasabit sa mataas na ceiling ng mansyon.






Nang dumako ang atensyon ko sa pader ay pinamulahan ako ng pisnge nang makita ang maraming litrato na nakalagay sa picture frames.






Nilapitan ko ang mga 'yon at pinakatitigan ng husto.






"A-Ako ba 'to?" Tanong ko.






Naramdaman ko ang pagtabi ni mayor sa akin at ang pagdapo ng kanyang kamay sa aking bewang.






May limang malalaking frame na nandoon at lahat ay litrato ko ang laman.






"That's you when you're still living in US. I hired someone to secretly took a pictures of you in different angles everyday and this is the best shots." Tinuro niya ang unang frame kung saan nakasuot ako ng isang magandang uniporme.






Ay hawak akong libro doon at mukhang masayang nakikipag-usap sa kung sino.






Malapad ang ngiti at kitang-kita ko ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. Namumula rin ang aking pisnge at halatang may inilagay na kung ano.






"You're fourth year high school that time," Aniya.






Tinuro niya ang kasunod na malaking frame.






Parehong uniporme ang suot ko ngunit ang buhok ko doon ay mas maikli na at hanggang balikat na lamang, malaki rin ang aking ngiti at hindi maipagkakailang nag-e-enjoy ako sa pakikipag-usap.






"That's you in the same year level but only a few days before summer." Paliwanag niya.






Sunod na dumako ang mata ko sa pangatlong litrato, may hawak akong lobo na pula na may mukha ni Santa Claus. Nakasuot ako ng makapal na mga kasuotan at may kung anong puting bagay na nasa ulo ko na sa palagay ko ay niyebe.






"That's christmas and you're celebrating it with your real family in US." Wika niya.






Sumunod ang pang-apat, nakalagay naman doon ang pigura ko na mahaba na muli ang buhok at ibang uniporme na ang suot, may dala-dala akong bag habang nakangiting sumasabay sa lakad ng mga kaibigan.






At ang pang-huling picture ang pinakakakaiba sa lahat.






Malapad ang ngiti ko doon habang nakatanaw sa sikat ng araw, may mga dahon na nagkalat sa paligid at wala halos tao ang nandoon. Ang tanging makikita mo lang ay ako na nakatayo at ang mga puno sa paligid.






Pinagmasdan ko ang mga litrato at wala sa sariling pumatak isa-isa ang mga luha mula sa mata ko.






"Wait, why are you crying?" Natatarantang pinahid ni mayor ang luha sa pisngi ko ngunit hindi mapawi-pawi 'yon.






Yumakap ako sa kanya at umiyak sa kanyang dibdib.






Hinagod niya ang likod ko upang pakalmahin ako kahit papaano, "I'm sorry, I didn't know that this can cause you in tears." Paghingi niya ng tawad.






Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko.






Habang pinapakatitigan ko ang mga malalaking litrato ay may napansin ako.






Kahit malapad ang ngiti ko sa bawat kuha ng anggulo ay kitang-kita sa mata ko ang kalungkutan.






Yung mga ngiting nakikibagay sa iba, yung mga ngiti ng mga taong nag-iisa at yung ngiti ng pangungulila.






Kung ang ibang tao ang titingin ay masasabi nilang masaya ako sa bawat litrato ngunit para sa akin ay iba ang kahulugan nito.






Sa lahat ng mga ngiti na nakita ko,






Ang ngiti sa mga litrato ang pinaka ayoko.






Ngiti na nakakadurog ng puso, kahit na wala akong maalala sa kahit anong litrato doon ay alam ko sa sarili kong konektado ako doon.






"I will never leave you again, Amber..." Bulong ni mayor.






Naramdaman ko ang sunod-sunod na mga halik niya sa ulo ko na nakagaan sa pakiramdam ko.






"Just let me... Just let me make everything right this time." Dugtong niya.






Nag-angat ako ng mukha at nagtama ang aming paningin.






Pinahid niya anh mga luha sa aking pisnge ma mas nagaan ng pakiramdam ko.






"I just need you to stay, please... No matter how hard it is to be with me, just please stay and don't leave me again... Amber, I need you more than you think." Hinalikan niya ang noo ko at pagkatapos ay niyakap akong muli.






"I love you..." Bulong niya.







A/N: Someone sent me a message, nagtatanong kung bakit raw napaka-family oriented ng mga female characters ko. Sinagot ko naman but still I want to explain it here, hehe. :))

Twelve po ang mga tito at mga tita ko sa side pa lang ni papa and I got more than thirty cousins (sa side pa lang din ni papa) HAHAHAAHAH

Siguro na-adapt na rin sa pagsusulat ko yung pagiging family oriented ng mga characters ko, 'yun lang hehe :))

Continue Reading

You'll Also Like

150K 4K 37
Sharina Nikolina Villiones, the wild brat who is always want to get what she wants. She believes that love - no matter what the age or gender, is gre...
369K 16.8K 42
"Stop following me around, Im getting sick of you!!" "I won't hanggat hindi mo tinitigilan si Lindon." Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin m...
246K 9.5K 38
WORD SANTILLAN is a self-proclaimed playboy who has allergies to serious relationships. Behind this playful chef's charming smile is a man who couldn...
8.5K 279 33
Ang Casa Cabrera ay pinapamana sa Panganay na Lalaking Anak. Tradisyon na ito ng mga Cabrera. Dumating na ang panahon para sa Ika-10 Henerasyon, Sa k...