Evanesce

By allileya

46.5K 3.6K 955

Aislinn Sinclair is a woman imprisoned in the world that her parents built for her, a world where she always... More

Evanesce
Dedication
Prologue
Part One
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Part Two
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue (Part One)
Epilogue (Part Two)
Note

Chapter 17

632 20 0
By allileya

That's what I did. I stayed with Kasper in this small, woody house in Bagong Silang, Manila for about two months so I can't help but to grew attached to him. He's sweet, gentleman and funny. Maganda siyang kaibigan. I also met his family and some of his cousins and friends. They're all so nice.

"Bakit nga pala nasa ibang bahay ang mga kapatid at magulang mo?" I got curious again while doing the chores. Tumutulong ako para naman kahit papaano ay hindi ako maging pabigat.

"Ah. Gusto ko na kasing bumukod. Alam mo na, naghahanda para sa buhay mag-asawa. Buti na lang dumating ka kaya nasubukan natin kahit papaano ang mamuhay na parang mag-asawa."

"Huwag ka ngang ganyan. Baka totohanin ko na talaga, sige ka."

"Naku! Pabor na pabor 'yan sa 'kin, Binibini!"

"Sira! Wala ka bang nagugustuhan o kaya nililigawan?"

"Noon... pero wala na ngayon kasi nasaktan ako ng sobra. First love ko 'yon, e!"

"May paganyan?"

"Oo! Siya na nga talaga dapat ang aasawahin ko kaya lang nagloko. Pera lang pala habol sa 'kin. May iba na pala siyang kinakasama. Eh, hirap nga rin ako sa paghahanap ng pera."

Naglaho naman agad ang ngiti ko nang umiba ang boses niya. For some reason, ngayon lang ako nakaramdam ng awa sa kanya lalo na nang mapansin ang lungkot sa mga mata niya sa likod ng magagandang ngiti.

"Let's not talk about it. It's all in the past now."

Past. Iyan ang dahilan kaya napadpad ako dito. Living my present moment with it is the worst feeling. How can I move forward when I'm still stuck behind and still trying to fix it?

"Ingles na naman! Tigilan mo nga ako riyan!"

Nabaling ulit ang tingin ko sa kanya at natawa na lang kami.

Araw-araw ganoon ang sistema. Maglilinis at tutunganga lang habang nasa trabaho siya o kahit nandito man. Nagtatrabaho siya bilang kargador at delivery boy kaya palaging maaga umalis at ginagabi ng uwi. Tuwing linggo lang kami nagkikita at nagkakasama ng maayos. Sinubukan kong tulungan siya sa paglaba at paghugas kaya lang palpak kaya hindi niya na ako roon pinagalaw pa. Isang araw nga ay sinubukan ko pang magluto, but I almost set the whole place on fire. He got mad because of what happened pero mabilis niya rin naman akong napatawad. So, sa pagwawalis at pagpupunas lang talaga ako marunong.

Ang bonding namin ay kuwentuhan lang at asaran. Ang gaan at simple ng pamumuhay dito. Ang saya niya ring kasama. That reasons was already enough for me to forget what predicament I'm in. Nawala sa isip ko ang dahilan kung bakit ako tumatakbo at lumalayo. I almost forgot that I'm an heiress. This life that I'm experiencing is far different from my real world but I'm slowly enjoying and accepting it.

Kung puwede lang talaga...

"Kasper..." I called when I finally decided to leave the place. Ayoko siyang madamay at ang lahat ng tao na namumuhay dito kapag dumating ang araw na matunton na naman ako ng mga humahabol sa akin.

"Kailangan ko nang umalis." I almost choke on that because of the bump in my throat.

Ang hirap. Ayoko namang isipin niya na nanatili lang ako rito para magpagaling at magpalamon. But, alright, kasama iyon sa mga rason. It's just that... I couldn't afford to get a deeper connection to such a good person and lose him when the time has come. Mas mabuting ngayon palang ay lalayo na agad ako. I don't want to cause another disarray to one's life.

"Ha? Anong sinasabi mo riyan? Bakit ka naman aalis?" He stopped from what he's doing and focus his look on me.

"Kasi..." I stuttered. I couldn't find the right reason for it. "Kasi, uh, kailangan lang talaga."

"Bakit nga? Ayaw mo ba rito? Masama ba akong kasama?-"

"No! Of course not!" I stopped when my tone rose up. "Sa ngayon, hindi ko pa talaga mabibigay sa 'yo ang rason. Pero pangako, babalikan kita para makabayad sa lahat ng ginawa mo sa akin."

"Aislinn, hindi naman ako humihingi ng anong kapalit o kabayaran. Manatili ka lang dito ay ayos na sa akin iyon."

"But... I can't stay here, Kasper... I need to go. I have to go."

"Pasensiya na kung hindi mo nagustuhan ang buhay dito." Tinalikuran niya ako.

"Kasper, hindi sa ganoon-"

Nabitin sa ere ang sasabihin ko nang may bigla na lang tumawag sa kanya mula sa labas. Kalaunan ay pumasok na ito sa loob. Natigil siya sa may banda ko at binigyan ako ng mabilis na tingin mula ulo hanggang paa.

"May naghahanap sa kanya."

Oh, shit!

Bumalik ako sa kuwarto kung saan handa na ang kaunting gamit ko. Kinuha ko iyon at handa na sanang umalis nang mapatigil ako sa may pinto dahil sa tawag ni Kasper.

"Bakit ka aalis bigla? May kasalanan ka bang nagawa sa mga naghahanap sa 'yo? Ang sugat ba na natamo mo ay dahil sa pagtakas mo sa mga pulis?"

Nilingon ko siya. Nakita ko ang ilang sa mga mata ni Harry na agad umiwas sa tingin ko. Anong sinabi niya kay Kasper?

"Kasper-"

"Tabi!"

Nabalik ang tingin ko sa harapan at nakita ang papalapit na mga tauhan ni Rad. Nakita ko rin sa likod nila ang pigura ni Rad. Sumama ulit siya! Ganyan ba talaga siya kadesperado?

I gave Kasper a quick look with teary eyes. "I'm sorry!"

Tumakbo na agad ako palayo. Dumaan ako sa likod dahil malapit na sila. Sa araw na iyon ay nagawa ko ulit silang takasan. Nakakapanghinayang nga lang ng naging samahan namin ni Kasper at ng mga tao doon.

Sa bawat pagkakataon na linilisan ko ang isang lugar kapag natatagpuan nila ako ay hindi ko maiwasang malungkot sa mga taong nakasalamuha at nakasama ko sa maikling oras at panahon. Mabigat iyon sa akin kahit papaano lalo na't naging bahagi na sila ng buhay ko.

There was a scene where Aling Josefa together with her husband and son in Pangasinan tried to help me to get away with Rad. They got shot when they tried to protect me from them. Masakit man sa dibdib ay hinayaan at iniwan ko lang sila roon na nakahandusay at duguan. Kahit na nanghihina na ay nagawa pa rin nila akong ipagtabuyan para makaalis na sa lugar. I did what I was told even if it broke my heart into pieces. Her son was still a child! How could Rad do this to them?! Ni hindi ko man lang nagawang tumulong pabalik sa kanila! Tumakbo na naman ako dahil sa takot at kaduwagan ko!

I decided that time to finally cut ties with Rad and make some plans to bring him down. I will never forgive him for everything that he did to me and to that people. But it's such a fool to know that I really couldn't contain such a grudge from someone in the long time kahit na gaano pa siya kasama. I'm too weak to contain strong emotions.

"Van, it's better this way! Kapag nalaman nila na hanggang ngayon ay may koneksiyon pa rin tayo, mas lalo lang silang magagalit. Kapag nalaman din nila na ikaw lang ang kino-contact ko simula nang mawala ako ay siguradong papatayin ka nila!"

I was in hysterics and I couldn't think straight but I managed to tell it all to him in a clear voice.

"No, babe. Listen to me-"

"No! This time you will listen to me! Don't ever contact me again! Just forget me!"

"Damn it, Aislinn! I can't do that! I promise to help you to get through this!"

"I'm sorry..."

"You know what? This is a complete nonsense! Just get your fucking ass here! Come back to us, babe..."

Hindi ako umimik.

"I'll take care of Rad. I'll talk to your parents-"

"How?!"

"Fuck! Calm down!"

"How can I?!"

Nagpabalik-balik ako ng lakad sa isang maliit na espasyo ng kuwartong tinutuluyan ko matapos ang tragic incident na iyon. Nakahanap agad ako ng lugar malayo roon. Nakapagbayad agad ako ng renta. Nasa parteng Ilocos na ako ngayon.

"Your reasons for this is just a complete nonsense! They're your family! And Rad-"

"I thought you understand me." Nabasag ang boses ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

"Yes! I do! I do understand you, babe! But could you take the other side of this, please? Walang patutunguhan ang pagtakbo mo. It'll just make everything worst. So please, please, come back."

Umiling-iling ako na para bang kaharap ko lang siya.

"Where are you? Susunduin kita. Wait there."

"No, Van. I'm sorry..."

Naputol ang tawag at agad kong inalis ang simcard. I decided to leave the place again. Siguradong natunton na naman nila ako kahit ni Van.

Damn! My life's so fuck up! Hindi ko na alam kung ano ang tama. Sobra na akong naguguluhan.

I took buses and taxis to get away from that place. Ilang beses din akong nakatulog habang nasa biyahe. Almost one day ang biyahe nang makarating ako sa Romblon.

Dumating ang pasko at bagong taon na nanatili lang akong nakakulong sa isang masikip na silid. Sa mga oras na ito ko naramdaman ang sobrang gulo ng emotional at mental state ko. Bumalik ang lahat ng sakit at paghihirap ko. I even felt the longingness for my family even though I sometimes felt the angriness to them. Inisip ko na sana ay panaginip na lang lahat pero ilang beses ko ring sinaktan ang sarili ko.

Nagugulat na lang ako na mabilis na nila akong mahanap hindi gaya ng dati na inaabot pa ng linggo o buwan. Mas dumami rin ang tauhan kaya medyo nahirapan akong makalusot.

"Muslim ka rin?" someone asked me nang mapadpad ako sa lugar nila sa Basilan.

I disguised myself using their clothes dahil hindi agad nila ako makikilala sa suot kong ito na halos natatabunan na lahat ng bahagi ng katawan ko except sa mga mata.

"Halika na! Magsisimula na!" Bigla niya akong hinawakan sa palapulsohan at hinila papunta sa kung saan.

It's month of May! Ramadan nila! And I disrespected it! Oh, I feel so stupid!

Ang layo na ng narating ko pero kay bilis lang nila akong mahanap. Paubos na rin ang perang bigay pa sa akin ni Van at ang sariling pera ko dahil sa palipat-lipat ng lugar. Ni hindi na nga ako nakakakain ng maayos dahil sa kakaisip at kakaabang kung natunton na ba nila ako.

Simula nang may namatay dahil sa akin, I chose to distance myself to other people. I don't want to get associated with them again. Pero hindi ko yata napigilan ngayon.

"May kasama ka ba?" tanong bigla ng babaeng humigit sa akin. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Alam mo hindi rin madali ang buhay ng mga Muslim..."

Nabalik sa kanya ang atensyon ko. Bago pa man siya makapagsalita ulit ay iniwan ko na siya. Nagsimula na namang mamuo ang mga luha sa mata ko dahil sa pagkakapatong-patong ng mga bagay sa dibdib ko. Paano ko nakakayanan ang lahat ng ito? Why don't I just give up? Or kill myself?

Marami na akong napuntahang lugar mula Luzon, Visayas at Mindanao. Imbes na dapat akong masiyahan dahil sa ganda ng mga lugar ay hindi ko magawa, because of running away and hiding. From who? I really don't know. Hindi ko na talaga alam kung saan pa ito patungo. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang kinakalaban ko. Maybe it's just myself?

"Excuse me?" Agad akong napatingin sa lalaking humawak sa braso ko. It's Rad!

"Can I see your face? I'm looking for my fiancè."

Fiancè! How in the world could he still say that?!

Hindi ako nakaimik. Sinubukan kong iiwas ang tingin ko sa kanya pero hinuhuli niya iyon. Buti na lang ay tinawag siya ng isa sa mga tauhan niya kaya nang mabitawan niya ako ay agad na akong tumakbo. Damn! Wrong move! Hinahabol na tuloy nila ako!

Nasa Siquijor ako nang marinig ko ang balita tungkol sa pamilya ko. Nanatili ang tingin ko sa TV na may headline na: The Fall of Sinclair and Coval's Legacy.

Fall?! What happened?! Am I too busy running away to even missed this important news about my family? Ito ba ang sinasabi ni Van noon na huwag akong manuod ng balita? Damn! Sana pala ay sinunod ko pa rin ang curiosity ko 'nong panahon na iyon.

Nakinig at nakatitig lang ako hanggang sa matapos ang balita. Sa mga oras na ito ay gustong-gusto ko na talagang bumalik pero may mga bagay na pilit pa ring pumipigil sa akin. Nagtalo pa ang puso at isip ko hanggang sa napagdesisyonan ko na huwag na lang munang bumalik. Hindi ko pa talaga kaya.

An announcement was made by the captain of the boat that the engine is malfunctioning and he told us to stay put and calm down. Pero pagkatapos lang ng ilang minuto ay naantala sa kanilang ginagawa ang mga tao at maririnig ang iba't-ibang reaksiyon dahil sa posibleng kapahamakan na dala ng barko at tila hindi kalmadong dagat.

The grip of my hand on the deck's railings became tighter and my heart suddenly hammered in my rib cage. I came from Masbate and I don't know yet where I'm heading to.

Habang tumatakbo kanina palayo sa palengke at sa tinutuluyan ko ay nakarating ako sa may pantalan. Hindi na ako nag-isip pa. Nakisiksik ako sa kumpol ng mga tao na sumasakay sa barko hanggang sa tuluyang makapasok.

It didn't took Rad hours to find me again. Nasundan pa rin nila ako. God! It was a wrong move to rode in a boat. Wala akong takas pero nagpumilit pa rin ako dahilan ng magiging katapusan ko.

"Aislinn!" he shouted with full of wrath as he slowly pointed the gun at me again.

I know that even if he tried to kill me several times, this chaos will never end because my disappearance can never bring back the things to the way they were before.

Continue Reading

You'll Also Like

28.1K 1.3K 41
Stephanie Louisse Urquia, a second year resident from UIC decided to stop pursuing her dream to become a doctor when a tragic incident from the past...
3.7K 173 43
You're my first in almost everything but she was your first in your everything. I took the risk for you but I guess I was wrong, because my love can...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
435 142 27
𝓐 𝓼𝓽𝓸𝓻𝔂 𝓸𝓯 π“ͺ𝓷 𝓲𝓡𝓡𝓲𝓬𝓲𝓽 π“ͺ𝓯𝓯π“ͺ𝓲𝓻 Kerida, kabit: ang mga salitang iyon ang labis na ipinagbabawal sa pamamahay nila Wretchel AndaΓ±e...