PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon...

By Zaenixx

858K 22.9K 2.4K

A/N: This story doesn't have matured content (such as making love), I just think that it doesn't suit the cha... More

INTRODUCTION
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
PLEASE READ
CHAPTER 34
WAKAS

CHAPTER 10

20.3K 525 11
By Zaenixx

CHAPTER 10





"K-KUYA, someone is following me!" Wika ko.




I heard him laughed in disbelief, "Amber, please stop... I'm tired of your actin——" I instantly cut him off.




"No! I'm not acting, please believe me this time! Someone is following me and I don't know what I'm gonna d——"




"I'm hanging up." Pagkatapos ay naputol ang tawag.






NAPABALIKWAS ako ng bangon nang mapanaginipan ko ang kakaibang pangyayari.





Pawis na pawis ako at nanginginig ang buong katawan sa sobrang kaba.





"Amber, ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang boses ni ate Pilar, may hawak siyang susi at nagmamadaling nagtungo sa kama kung saan ako nakatulog.





"Manang, pakuha naman ng tubig." Ni-hindi ko napansin na kasama pala ni ate Pilar ang mga kasambahay at ang dalawa niyang anak.





Kumuha siya ng malinis na bimpo sa may closet at nagtungo sa akin upang punasan ang mukha ko na kasalukuyang basang-basa ng pawis.





"Ito na..." Inabot ni manang Dory ang tubig sa akin.





"Salamat po," Wika ko.





Nilagok ko agad ang tubig na nasa baso, pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako dahil sa sobrang hingal.





"Narinig ni Gloria na umuungol ka raw at parang binabangungot kaya tinawag niya agad ako." Paliwanag ni ate Pilar.





Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang takot. Napansin siguro ni ate Pilar na wala akong balak magsalita dahil maraming tao.





"Lumabas muna kayo," utos ni ate Pilar sa kanila.





Nang kami na lang dalawa ang nasa loob ng kwarto ay hinawakan niya ang kamay ko, "Ayos ka lang ba? Gusto mo bang tawagan ko si mayor?" Tanong niya sa akin, agad akong umiling.





"H-Hindi na." Tugon ko.





"Kaya mo bang magkwento? Kung hindi mo kaya ay ayos lang, ang mahalaga ay nagising ka. Kinabahan ako, ang akala ko ay binabangungot ka na." Wika niya.





"N-Nanaginip ako, ate. P-Pakiramdam ko totoo, may h-humahabol sa akin at hindi ko alam kung sino." Pagkukwento ko, ginamit niya ang tali na nakalagay sa pulsuhan niya at tinali ang buhok ko.





"Sige lang, magkwento ka lang para gumaan ang pakiramdam mo. Makikinig ako," Aniya.





Biglang bumuhos ang luha galing sa mata ko, "M-Mag-isa lang ako, ate... H-Humihingi ako ng tulong pero w-walang nakarinig sa akin. N-Natatakot ako, ate. Parang t-totoo..." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin, hinagod niya ang likod ko upang pakalmahin ako.





"Sige lang, ilabas mo lang... Makikinig ako," Tugon niya.





"H-Hindi ko makita yung mukha nung lalaki pero sinabi niya papatayin niya a-ako... S-Sasaktan niya yung mga tao sa paligid ko kapag nagsumbong ako. N-Natatakot ako, pakiramdam ko ay totoong-totoo." Dugtong ko pa, pati ang pagtibok ng puso ko ay wala sa ayos.





Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang boses ng lalaking hiningan ko ng tulong sa telepono, hindi ko makilala ngunit sigurado ko sa sarili ko na parte 'yon ng ala-ala ko.





Pupunta sila Joanna dito mamaya, matutulungan ka niya." Wika ni ate Pilar.





Kumunot ang aking noo at tinignan siya ng may pagtataka, "S-Sino 'yon, ate?" Tanong ko.





Ngumiti siya at pinahid ang luha sa aking pisnge.





"Pakilala kita mamaya," Tumayo siya at inayos ang aking buhok.





"Sige na, mag-ayos ka na. Huwag mo munang isipin 'yon, siguradong papunta na si mayor dito para dalhan ka ng mga damit." Nagtungo siya sa pintuan at nginitian ako bago siya tuluyang lumabas.





Napagpasyahan kong maligo na.





Habang nasa ilalim ako ng shower ay hindi ko mapigilang isipin ang napanaginipan ko kanina.





Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko, hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkirot nito lalo na kapag naaalala ko kung paano baliwalain ng hiningan ko ng tulong sa cellphone.





Mabigat ang paghinga ko at hindi ko man lang namalayan na napatagal na pala ang pagbabad ko.





Nang matapos ako ay simpleng pambahay na lamang ang sinuot ko na nakita ko sa may closet.





Mamaya ko na lang sasabihin kay ate Pilar na hiniram ko 'to.





Naalala ko tuloy si Puresa, paniguradong nagtataka ang isang 'yon dahil sa biglaang pagkawala ko.





Sinuot ko ang isa pang-tsinelas na nandoon kasama ng binigay sa akin ni kuya Cassius at kuya Caspian. Kapareho ng naputukan kagabi ngunit iba lang ang kulay.





"A-Ate, sinuot ko muna yung nasa closet." Paalam ko kay ate Pilar nang makababa ako sa kusina. Nagluluto siya at ka'y aga-aga ay napakatingkad ng ngiti.





"Oo, okay lang. Pinalagay ko talaga doon 'yon dahil alam kong wala kang pambahay." Sagot niya.





"Kailangan mo ba ng tulong, ate?" Tanong ko.





Umiling siya, "Hindi na, kaya ko na dito. Samahan mo na lang sila Lucifer sa garden, sigurado kaong nabo-boring ka na. Kapag kasama mo 'yon malilibang ka," Aniya.





Nag-aalinlangan akong tumango at nagtungo sa garden kung nasaan ang playground nila.





Nakita kong nakahiga sa duyan si Nicholai habang may nakasukbit na earphone sa kanyang dalawang tenga. Nakapikit siya at tila seryosong-seryoso sa pakikinig ng musika. Maayos rin ang kanyang damit at walang bahid ng kahit anong mantsa.





Kabaliktaran ng nakababata niyang kapatid, si Lucifer naman ay walang sawang nagtatampisaw sa may putik kung saan may tinatanim sila manang Dory.





Ang puting damit niya ay punong-puno na ng putik at maging ang maputi niyang balat ay nabahiran na rin.





"Nako, ka'y aga-aga yung energy mo pang hapon na!" Wika ni Gloria sa kanya.





"Good morning!" Bati ni Lucifer sa akin nang makita ako, ang kurba sa kanyang labi ay mas lalong nakadagdag sa kanyang kagwapuhan kahit bata pa lang.





Ngumiti ako, "G-Good morning," Bati ko pabalik.





"Good morning." Napalingon ako kay Nicholai na nakamulat na pala ang mata at nakaupo na sa duyan.





Ngumiti rin ako sa kanya at naupo sa kanyang tabi. "Good morning din." Tugon ko.





"Ang kulit ng kapatid mo 'no?" Wika ko habang sabay naming pinagmamasdan si Lucifer na kinukulit sila manang Dory.





"He really is," sagot niya at napailing.





"But I'm thankful that he's like that." Dugtong niya. Napakunot ang aking noo at tinignan siya.





"Bakit naman?" Pag-uusisa ko.





"You know, dad is the type of guy who's only talkative when mom is around, mom is the woman who's not that jolly. And I prefer to talk less because talking is a waste of energy." Paliwanag niya, tila mas lalo akong naguluhan kaya mas lalo akong napakunot ng noo.





"Our house is boring without Lucifer, he's hyping everyone that's why his cheerful attitude is a big help." Paliwanag niyang muli, napatango-tango ako sa sinabi niya.





Tama nga siya, "Ang swerte ni Lucifer at nagkaroon siya ng kuya na kagaya mo." Ginulo ko ang kanyang buhok.






Ang nguso niya ay bahagyang umusli nang dahil sa ginawa ko.






"Kuya Nicholai, look! I got a big worm!" Sabay kaming napalingon ni Nicholai sa kapatid niyang may hawak na malaking uod na may putik-putik pa.






Napangiwi ako ngunit si Nicholai ay napasapo ng noo, "If you don't throw that dirty thing away, I won't let you sleep beside me later." Wika ni Nicholai.






Agad na binitawan ni Lucifer ang uod na hawak niya at pinagpag ang kanyang kamay.






"I'm clean!" Aniya.






Nilingon ako ni Nicholai, "But most of the time, he's pain in the ass." Wika niya.






Natawa ako at napailing sa kanilang dalawa. Napalingon kami nang bumukas ang gate, pumasok ang isang magarang sasakyan.






"Tita Joanna!" Wika ni Lucifer at nagtatalon pa.






Ibang klase talaga ang energy niya, ang aga-aga ay hindi ko mapantayan. Miski ang mga bata sa amin ay walang panama sa kagaslawan at kaingayan niya.






Bumaba mula sa sasakyan ang isang babae kasabay ang tatlong bata na sa palagay ko ay kasing edad ni Nicholai.






"Joanna, nandyan na pala kayo." Lumabas si ate Pilar at lumapit ss babae.






"May ipapakilala ako sa'yo," Lumapit sila sa akin kaya napatayo ako at nag-aalangang ngumiti.






Nang magtama ang paningin namin ng babae na tinawag ni ate Pilar na Joanna ay nanlaki ang kanyang mata.






Ang kinang ng mata niya ay may paghanga.






"Ang ganda, ano pangalan niya?" Tanong ng babae.






Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.






Tumawa si ate Pilar at tinapik ang balikat ko, "Si Amber," bumulong si ate sa babae at sabay silang naghagikhikan.






"Ah si mayor." Wika pa nito.






Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila kaya napakunot ang noo ko, "Amber, si Joanna. Asawa ni kuya Asmodeus mo." Pakilala ni ate Pilar sa kanya.






Ngumiti ako at bahagyang yumuko, "Good morning po." Bati ko.






Ngumiti siya pabalik, "Ibig sabihin siya yung kwinikwento mo sa akin kagabi na walang maalala?" Tanong ni ate Joanna kay ate Pilar.






"Oo siya nga." Sagot nito.






"Sige, mamaya na tayo mag-usap, Amber." Wika niya sa akin. Tumango na lamang ako dahil wala rin naman akong masabi.









A/N: Good morning, just woke up! HAHAHHAHHAHA Napuyat kaka-edit hehe :))

Continue Reading

You'll Also Like

3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.3M 19.1K 41
Dice and Madisson
217K 3.2K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
2.9K 188 38
[COMPLETED] Hermionelle Yrollie Villablanca is a renowned artist, model, and influencer throughout the Philippines. She is happy to have achieved her...