PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon...

By Zaenixx

803K 22.5K 2.4K

A/N: This story doesn't have matured content (such as making love), I just think that it doesn't suit the cha... More

INTRODUCTION
SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
PLEASE READ
CHAPTER 34
WAKAS

CHAPTER 9

19.9K 557 71
By Zaenixx

Hi, Tali_Dorothy!

I dedicate this chapter for you because I think you're having a bad day. Let's spread love and kindness in this world full of people with negative mindset. I hope you feel better soon so you won't have to bring others down.

Thank you, have a wonderful night! Love lots! :))





CHAPTER 9






"AMBER," Nang makalabas si ate Pilar ng kwartong kinalalagyan ko ay sunod namang pumasok si mayor.







"Can I come in?" Tanong niya.







Nakangiti akong usmagot, "Sige po." Tugon ko.







Pumasok siya at pagkatapos ay ni-lock ang pintuan. Lumakad siya papunta sa kinalalaguan ko at pagkatapos ay naupo sa aking tabi.








"What do you feel?" Tanong niya.







Ngumiti ako at umiling, "Naninibago pero ayos lang." Sagot ko.







Ngumiti rin siya at bahagyang ginulo ang aking buhok, "I have something for you," aniya.






Kumunot ang aking noo sa sinabi niya, "Ano 'yon?" Tanong ko.





Umangat ang kanyang kamay at tinanggal ang mahabang kwintas na nakasuot sa kanya.





May dalawang singsing na nandoon at talaga namang nakakamangha ang ganda.





"This is our wedding ring." Itanggal niya ang dalawang singsing na nagsilbing pendant ng kwintas na suot niya. Ni-hindi man lang halata na may suot pala siyang kwintas.






Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at kinuha ang isang singsing na mas maliit.






"Because you're here now, I don't think I need to wear this as a pendant." Aniya at walang sabing pinasok ang singsing sa aking daliri.






Tinignan ko ang kanyang mukha na tila seryosong-seryoso talaga at walang bakas ng pagbibiro.






Gusto ko sanang itanong kung totoong kasal kami ngunit sa nakikita ko sa kanyang mata ay sinseridad.






"I know you have a doubt right now but I promised, I'll stay with you until you recover your memories." Wika niya.






Ngumiti ako sa kanya upang sabihing mali ang iniisip niya.






Alam ko sa sarili kong iba ang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya sa akin, 'yun bang pakiramdam na may kakaiba sa bilis ng tibok ng pusi ko.






"Sorry," Nakatungong wika ko.






Inangat niya ang aking kamay at hinalikan ang likod ng aking palad.






"Why?" Tanong niya.






"Kase wala akong maalala, ni-hindi ko man lang maalala kahit isang panahon na mag-asawa tay——"






"Shh... You don't have to feel sorry because you can't remember me. It's my fault because I didn't protect you that time," tugon niya sa sinabi ko.






Hindi ko alam pero may nagtulak sa isip ko para kabigin siya at yakapin ng mahigpit.






Napasubsob ako sa kanyang dibdib habang nakayakap ang dalawang braso ko sa kanyang bewang.






"Salamat... Pangako, kapag nakaalala ko ay ikaw ang unang-unang makakaalam." Wika ko, narinig ko siyang bahagyang tumawa.






Hindi pa rin ako kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya hanggang sa naramdaman kong niyakap niya akong pabalik.






Ang sarap sa pakiramdam, ilang beses ko ng naramdamang ligtas ako sa sa tuwing malapit siya sa akin ngunit iba ang hatid at dulot ng yakap namin ngayon.






Ang mga braso niyang nakayakap sa akin at ang mainit niyang dibdib na rinig na rinig ko pa kung gaano kabilis ang pagtibok ng kanyang puso.






Pakiramdam ko ay kumpleto ako, yun bang parang nasa isang bahay ako at wala ng mahihiling pa dahil kasama ko naman siya at sabay naming tutuklasin ang mga alaalang nakalimutan ko.






Alam kong masyado pang maaga para isipin ko 'yon ngunit 'yon talaga ang nararamdaman ko.






"Alright, rest now." Siya na mismo unang kumalas at pagkatapos ay tumayo na.






"Hindi ka dito matutulog?" Wala sa sariling tanong ko.






Tila iba ang kahulugan na inisip niya tungkol sa tinanong ko, kitang-kita ko kung paano lumapad ang kanyang ngiti sa labi.






"You want me to stay?" Tanong niya pabalik.






Agad na uminit ang pisngi ko sa sobrang hiya.






Baka isipin niya ay gusto ko siyang makatabi sa pagtulog.






"H-Hindi sa ganoon, gabi na kase b-baka pagod ka na." Nag-iwas ako ng tingin at kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.






Hinawakan niya ang baba ko pagkatapos ay marahang inangat upang magtama ang aming paningin.






"As much as I want to stay and sleep beside you, I can't. Siguradong magtataka si Cortez kapag biglaan akong matulog dito." Sagot niya.






Tumango ako, nagulat ako nang biglaang sumeryoso ang kanyang mukha, "Amber, I'm sorry for this.." Hindi ko napansin ang biglaang paglapit ng kanyang mukha.






Halos maging tuod ako sa kinauupuan ko nang biglaang lumapat ang kanyang malambot na labi sa akin.






Hindi agad akong nakapagreact ngunit ang mga mata ko ay nanatiling nakabukas at nanlalaki pa.






Saglit lamang 'yon dahil paniguradong nahimigan niya ang pagkabigla ko.






"I'm s-sorry, I just can't help because I really miss you." Paliwanag niya.






Hindi pa rin ako makapagsalita at nanatiling gulat hanggang ngayon.






"I'm gonna go, I'll visit you tomorrow before I go to City Hall. It's not safe for you to use phone so if you want anything, go and ask Maximo or Pilar to call me." Paalala niya.






Hinalikan niya muna ang aking noo bago muli nagsalita.






"Take care, I love you." Aniya.






Hanggang sa makaalis siya ay hindi ma-proseso sa utak ko ang ginawa niyang paghalik sa akin.






Hindi ko ini-expect na talagang ganito ang buhay ko noon.






Sinipat ko ng tingin ang loob ng mga paper bags na dala ni kuya Cassius at kuya Caspian.






Puro mga branded na damit, bags, sapatos at may tsinelas pa nga na nandoon.






Ganito pala ang buhay ko noon, marangya at talagang malayo sa kung anong buhay ang nakagisnan ko kasama sila mama at papa.






Hinubad ko ang lahat ng damit sa aking katawan at pagkatapos ay tinignan ang repleksyon ko sa salamin.






May maliit na tattoo na nakalagay sa tagiliran ko na noon ko pa pinagtataka kung anong ibig sabihin.






Isa 'yong maliit na christmas tree na minimal ang design.






Hinawakan ko 'yon at pumikit habang nagbabakasakaling may maalala kahit papaano.






Ngunit bagsak ang balikat ko nang walang mapala kahit isang memorya.






Ganoon ba katindi ang pinagdaanan ko noon para tuluyang kalimutan ng utak ko ang lahat?






Parang permanenteng binura ng utak ko ang lahat ng alaala ko noon kaya kahit anong pilit ko ay wala akong ibang napapala kung hindi ang bahagyang pagkirot na nagtatagal lang ng ilang segundo.






Bigla na namang pumasok sa isip ko ang babaeng Thriska ang pangalan.






Napakaganda niya ngunit hindi ko alam kung bakit bigla akong nasaktan nang makita ko ang kanyang mukha.






Anong koneksyon namin? Dahil ba asawa siya ni kuya Miguel na sinabi ni ate Pilar?






Pero pakiramdam ko ay hindi, pakiramdam ko ay talagang may mas malalim pang koneksyon na namamagitan sa aming dalawa.






Napabuntong hininga na lamang ako at naligo, sinuot ko ang nightgown na kasama ng mga nass paper bags. Akin naman raw 'yon kaya pwede kong suotin at gamitin.






Nang makapag-bihis ay inilabas ko ang tsinelas na mukhang mamahalin.






Napagpasyahan kong bumaba muna ng hardin nila ate Pilar upang magpahangin.






Habang pababa ako nakapatay na ang ilaw sa ibaba at wala na akong makitang mga kasam-bahay na pagala-gala habang naglilinis.






Nakahinga ako ng maluwag, gusto kong mapag-isa upang makapag-isip.






Nang makalabas ako ng bahay ay agad akong nagtungo sa hardin nila ate Pilar.






May mahabang duyan na nandoon kaya doon ko napagpasyahang mahiga at tingalain ang bitwin sa langit.






Bigla tuloy pumasok sa isip ko sila kuya Arnel.






Kumusta na kaya sila? Dinala ba sila sa hospital at nagamot ng maayos?






Sila mama? Kumusta na kaya sila? Kumain kaya sila ng hapunan ngayong gabi?






Wala pang isang gabi akong nahihiwalay sa kanila ay nalulungkot na ako. Sa laki ba naman ng kwarto tutulugan ko dito sa bahay nila ate Pilar ay talagang manliliit ako.






Bukas sana ang plano nila kuya na ilibre ako para bumili ng mga bagong damit tapos ganito pa ang nangyari.






Gustong-gusto kong makaalala na upang matapos na ang lahat.






Para maparusahan na ang gumawa ng bagay na 'to sa akin.






Saglit akong napaisip, kung talagang may kinalaman ang pamilya ko sa nangyari noon... Bakit naman at ano ang rason nila para gawin 'yon?






Sinong magulang ang magagawang pagtangkaang patayin ang anak?






Iniisip ko pa lang na may kinalaman nga sila ay parang dinudurog na ang puso ko.






Ganito ba ako noon? Ganito ba ako kahina para hayaan ang kung sino na saktan ako?






Mariin akong pumikit.






Ngayon pa lang na wala akong maalala ay masakit na para sa akin, paano pa kaya kapag nanaalala ko na ang lahat?






"Ma'am Amber?" Agad akong napabangon nang marinig ang boses ni manang Dory.






"Nako, Ma'am Amber! Bakit 'dyan ka natutulog? Baka lamigin ka 'dyan!" Wika ni manang.






Nasa likod niya ang isa pang kasam-bahay na hindi ko alam ang pangalan.






Tumayo ako ngunit sa pagtayo ko ay hindi ko inaasahan na putik ang naapakan ko.






Puting-puti pa naman ang tsinelas at mukhang mamahalin kaya nakakapanghinayang ang itsura nito ngayon na nababalutan na ng putik.






"'Y-Yan po ba yung binigay nila Sir Cassius?" Pag-uusisa ng kasama niyang kasam-bahay.






Tumango ako sa kanya at napakamot sa ulo.






Halos manlaki ang mata ng dalawa kaya nagtataka ko silagn tinignan, "Bakit? May problema ba?" Tanong ko.






"Limited edition 'yan ng Chanel, Ma'am Amber..." wika ng babae.






Napasimangot ako, "Sayang naman, namantyahan na." Wika ko.






Hinabad ko 'yon at kinuha gamit ang dalawa kong kamay, "Anong gagawin mo 'dyan, ma'am?" Tanong ni manang Dory.







Napasimangot ako sa kanya, "Mukhang hindi na mapapakinabangan e. Tatapon ko na lang," Sagot ko.






Nagulat ako nang umaktong nahimatay ang kasambahay na kasama ni manang.






Nagtataka ko siyang tinignan, "Ayos lang po ba siya, manang?" Tanong ko.






Napairap si manang sa babae, "Gloria, tumayo ka nga 'dyan! Ikaw na magtapon no'n para makapagpahinga na si ma'am Amber." Utos ni manang sa kanya.










A/N: Stay safeeeeee! :))♡

Continue Reading

You'll Also Like

686K 12.3K 50
BETRAYAL SERIES #2 COMPLETED Phoebe Calista Davis life is a mess,why?because of her family that totally destroyed her.But what if Beckham Lincoln Smi...
58.2K 1.2K 48
They say, let us not live in the past. Because it reminds us a lot of things. It might be painful. Complicated. Weakening. There are people who want...
31.4K 830 54
Published: March 26, 2021 Finished: June 30, 2021 (Book Cover isn't mine. It was made by an amazing author I knew.) When Series # 2 Meet Weshia Clodo...
395K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.