The Seductive Doctor (Savage...

By Maria_CarCat

9.1M 246K 56.5K

The Doctor is out. He's hiding something More

The Seductive Doctor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Special Chapter
Sequel
SAVAGE BEAST SERIES SELF-PUB

Chapter 21

111K 2.9K 574
By Maria_CarCat

Phone call









Tahimik kong pinanuod si Kenzo. Pagod niyang isinarado ang pintuan ng kanyang condo. Humahangos na lumabas si Fidez kanina. Hindi na siya nagpapigil pa kaya naman problema ang boyfriend ko. Nanatili ang mga mata ko sa sahig. Ramdam na ramdam ko pa din ang kabuuan ni Kenzo sa akin dahil sa ilang beses namin iyong ginawa.

Mahirap na ata talagang sumaya sa panahon ngayon. Ang bilis bawiin ng saya sa tuwing sumusobra. Kanina lang ay maayos pa kami ni Kenzo, pero ngayon heto at pareho kaming problemado.

"Uuwi na lang ako ng bulacan bukas"

Nagangat ako ng tingin sa kanya. Mabilis na sumalubong sa akin ang kanyang mapupungay na mga mata. Nakaupo siya ngayon sa sofa habang nakatingin sa akin. Para siyang greek god na nakaupo duon, halos lumiit tingnan ang sofa niya dahil sa laki ng kanyang katawan. Halatang alagang alaga sa gym at ang mga muscles niya ay nasa tamang lugar.

"No baby, you'll stay here" seryosong sabi  niya sa akin. Bayolente akong napalunok ng humilig siya sa sofa. Mas lalo kong nakita ang ganda ng kanyang katawan. Para akong nanalo sa loto sa tuwing inisip kong siya ang umaangkin sa akin. Ang kagaya ni Kenzo, ako lang ang nakakakita at nakakahawak ng katawang iyan!

"Come here" dahan dahan akong lumakad papalapit sa kanya. Parang isang aliping sinusunod ang kayang amo. Batas ang mga salita niya para sa aking katawan.

Mabilis niya akong nahila ng maabot ako ng mahaba niyang kamay. Napaupo ako sa kanyang lap dahil duon. Titig na titig pa din siya sa akin, uminit ang magkabilang pisngi ko dahil duon. Damn Sera! Pavirgin masyado!

"I'm sorry. Hindi mo na dapat narinig pa iyon" seryosong sabi niya sa akin. Halos mamanhid ang braso ko ng maramdaman ko din ang lambing sa kanyang boses.

Nagiwas ako ng tingin. "Una pa lang naman halata ko na. Ang manhid mo naman kung hindi mo nahalata yun kay Fidez" sabi ko sa kanya. Hindi ko siya sinusumbatan, nagpapaliwanag lang ako pero yung bitterness hindi pumayag na itago.

Tumikhim si Kenzo. Hinapit niya ako sa aking bewang kaya naman mas lalo akong napahilig sa kanya. Namahinga ang magkabila kong kamay sa kanyang dibdib.

"Paano ko pa mapapansin iyon? Nasa iyo ang buong atensyon ko" napanguso ako ng makita ko ang naglalarong ngiti sa kanyang labi.

"Nagagawa mo pa akong landiin, matapos magconfess sayo ng bestfriend mo" mapanuyang suway ko sa kanya.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa aking bewang. Inabot niya ang aking mukha at hinalikan ako sa pisngi. "Wag kang maselos, wala iyon sa akin"

"Ang kapal. Sino nagsabing nagseselos ako?" nakangising sabi ko sa kanya. Pagod na ako at inaantok pero alam kong hindi nakakatulog basta basta si Kenzo ngayon. Kailangan ko siyang samahan.

"Ayoko lang na magaway tayo dahil sa mga ganitong bagay. Wala kang proproblemahin sa akin tungkol sa ibang babae, Sera. I never been this so attracted, sayo lang ako ganito" paliwanag pa niya sa akin kaya naman napabuntong hininga na lamang ako.

Nanahimik ako. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking leeg. Ilang beses kong narinig ang paghugot niya ng malalalim na paghinga. Halatang may pinoproblema.


"Siguro kailangan niyong magusap ni Fidez" pagbasag ko sa katahimikan.


Naramdaman ko ang kanyang pagiling. "Kung magseselos ka lang, wag na" pagtanggi niya na ikinanguso ako. Siraulo, ako nga ang nagsuggest tapos magseselos ako?


Hinarap ko si Kenzo. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi. "You need that. Hindi tayo matatahimik kung hindi kayo magkakaroon ng closure ni Fidez. Bestfriend kayo, hindi din biro ang pinagsamahan niyo" pagpapaintindi ko sa kanya. I'm trying to be mature here. Masyado akong tinamaan sa mga pinagsasabi ni Fidez kanina, kung makaduro siya sa akin at makatawag ng bata akala mo naman talaga sobrang laki ng age gap namin.


Dahan dahang inilapit ni Kenzo ang mukha niya sa akin. Sandali niya akong hinalikan bago niya pinagdikit ang noo namin. "Thank you, baby" malambing na sabi niya sa akin kaya naman nginitian ko siya.


Late na kaming nakatulog pareho ng gabing iyon. Mahimbing pa ang tulog ni Kenzo pagkagising ko kinaumagahan. Dahan dahan ang nagawa kong paggalaw para hindi siya magising. Napangiti ako ng makita ko kung gaano siya kapayapa kung matulog. Kahit sino atang makakita sa kanya sa tuwing umaga ay mas lalong maiinlove sa kanya.


Naka itim na boxer at ang puting kumot  na nakalagay sa kalahati ng kanyang katawan lamang ang nagtatakip sa kanya. Kahit tulog at kitang kita pa din ang tigas ng muscles niya sa braso at buong upper body niya.


Pumasok ako sa banyo para maligo. Pagkatapos nuon ay lumabas ba ako sa kitchen para maghanda ng breakfast naming dalawa. Aalis kami pareho ngayon papunta sa school. May aasikasuhin siya samantalanag ako naman ang kukuha ng summer class schedule para sa aming dalawa ni Abby. Hindi pa tapos ang enrollment kaya naman paniguradong marami pang tao duon. Dadaan din ako sa dorm para ayusin ang ilang gamit ko. 2 weeks from now magsisimula ang summer class kaya naman medyo matatagalan pa ako sa bulacan.


Magprito ako ng bacon at sunny sideup egg. May fried rice din at wheatbread. Mas gusto kasi ni Kenzo ang heavy breakfast. Ako naman ay hindi, minsan nga ay pumapasok ako na walang kain, basta ay makainom lang ako ng kape. Inaayos ko ang dinning ng bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Naamoy ko kaagad ang kanyang shower gel, nakaligo na din siya.


"Morning" bati niya sa akin. Nginitian ko siya, nang tuluyan siyang nakalapit sa akin at tumingkayad ako para mahalikan siya sa pisngi.


"Kain na tayo ng breakfast" yaya ko sa kanya. Tinanguan niya ako, paupo na sana kaming dalawa ng muling tumunog ang kanyang cellphone. Tahimik siyang umupo kasama ako.


Ako na ang naglagay ng pagkain sa kanyang pinggan. Pinapanuod niya ang ginagawa ko habang nakikinig sa nagsasalita sa kabilang linya.


"I'm sorry po tita. Yes po. Susubukan ko po"


Bayolente akong napalunok at kaagad ba nagiwas ng tingin. Malakas ang kutob kong Mommy iyon ni Fidez. Ayokong makita ni Kenzo na apektado ako, I want to be matured. Gusto kong magtagal ang relasyon namin kaya naman hindi ako magdedesisyon ng padalos dalos. Papatunayan ko kay Fidez na I am matured enough for this kind of relationship with Kenzo. He deserve that, Kenzo deserve someone who is mature as him.

Ibinaba ni Kenzo ang kanyang cellphone. "Thanks" malambing na sabi niya sa akin matapos kong asikasuhin ang kanyang pagkain. Tipid ko lamang siyang nginitian.


Si Kenzo na ang nagpresinta na maghugas ng pinagkainan namin pagkatapos ng breakfast. Hinayaan ko na siya. Nagayos na ako para makaalis na kami, sigurado daw kasing mahaba ang pila ngayon sa medicine registrar office kaya naman pagkatapos kong makuha ang schedule ko ay magstay na muna ako sa dorm.



"Ok lang sa akin kung hindi tayo sabay na maglunch. Sumama ka muna sa mga friends mo" sabi ko sa kanya habang nasa byahe kami papuntang fatima. Nagtaas ng kilay si Kenzo ng sandali siyang sumulyap sa akin.



Napanguso ako. What? I want to be matured here.



Narinig ko ang kanyang pagngisi. "Susubukan kong magsabay tayo sa lunch. Baka hindi ka nanaman kumain" suway niya sa akin kaya naman bumagsak ang aking balikat. Paano ako magiging mature kung masyado niya akong binibaby!? Damn.



Puno ang parking sa likod ng KFC kaya naman sa may malayong parking space pa kami napunta. Naglakad kami pabalik sa fatima na magkahawak ang kamay, kita ko pa din talaga yung tingin nung ibang estudyante na nakakasalubong kami. Hindi dahil sa magkahawak naming kamay kundi dahil sa aking katabi. Nakakainis, pansinin masyado!



Nagkagulatan pa pagkapasok namin sa second gate. Nakasalubong namin ang kapatid niyang si Piero kung hindi ako nagkakamali. Tangina, Quadruplets ito.


"Nagayos ako ng papers" tamad na sabi nito kay Kenzo. Tinanguan lamang siya nito bago sila may pinagusap pa na kung ano. Hindi ko maintindihan dahil na sa may hallway ng pjp first floor ang atensyon ko. Mula sa dulo ng hallway ay kita ko ang ilang med student, nagkakatuwaan matapos lumabas ng resgistrar, mukhang nakapasa!


"Tuloy ba si Cairo for MBA? Rinig kong tanong ni Piero. Bahagyang kumunot ang noo ko. Bakit kaya hindi niya alam? Bakit kailangan pa niyang itanong kay Kenzo. Hindi ba siya umuuwi sa bahay nila?



Tumango si Kenzo. "You should be there, Kailangan tayo ni Mommy ngayon, nagrerecover pa lang si Daddy" paguusap nila. Ok naman ang daddy niya ah? Saan nagrerecover?



Palihim akong napatingin kay Kenzo. Pakiramdam ko, madami pa akong hindi alam tungkol sa kanya. Kahit pa nagawa niya na akong ipakilala sa Dad niya. Pakiramdam ko, hindi ko pa din siya lubos na kilala. Masyado kasing naging mabilis ang lahat ng nangyari sa amin. Pero wala naman akong pinagsisihan.


Naghiwalay kami ng dumiretso ako sa gradute school building kung nasaan ang college of pharmacy faculty room. Dadaan muna ako sa secretary ni Dean para makuha ang signed clearance ko bago ako makakuha ng schedule para sa summer class.



"Sera"


Nagulat ako ng makita ko si Apollo. Mabilis ko siyang nginitian. Matapos ang outreach program ay ngayon ko na lamang ulit siya nakita. "Kamusta ka na? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.



Napakamot siya sa kanyang batok at nahihiyang ngumiti sa akin. "Itatake ko ang PCO. Hindi ko natake last sem" paliwanag niya sa akin kaya naman tinanguan ko siya.



Magiging magkaklase kami ngayong summer. Kailangan naming naipasa ang PCO para maging regular kami sa 1sr sem at makagraduate sa march.



"Sana talaga tuloy tuloy na" nakangising sabi ko sa kanya. Kagaya ko ay kabado din siya, isang taon na lamang ang kailangan naming gugulin sa pharma school. Ilang drum ng luha, dugo at pawis ang nawala sa akin para lang makuha ang pharmacy degree.



"Sama sama naman tayo. Tsaka balita ko, mas malaki ang chance na makapasa sa summer kesa sa regular sem. Alam mo na..." nakangising sabi niya sa akin na ikinatawa ko din. Mas nagiging considerate kasi minsan ang mga prof pag summer kaya mataas ang chance.


Nang makita kong malapit na kami sa pila ay nagtext na ako kay Kenzo. Dahil sa kwentuhan namin ni Apollo ay hindi ko na  namalayan ang oras.


Ako:

Malapit na akong matapos. Ikaw?


"Saan ka pagkatapos?" tanong ni Apollo sa akin.


Nagkibit balikat ako. "Hinihintay ko pa yung text ng boyfriend ko. Kung matagal pa siya ay baka magdorm na muna ako"



Napatango tango si Apollo. Saktong nagvibrate anf cellphone ko sa reply ni Kenzo.

Kenzo:

I can't make it for lunch. Ok lang sa dinner ba lang tayo magsabay? I miss you.


Napanguso ako ng mabasa ang huli niyang text. Ilang oras pa lang kaming nagkakahiwalay. Nakangiti akong nagtipa para sa reply.



Ako:

Sure, take your time. I miss you too


Matapos kong maisend iyon ay kaagad kong nakita ang pagdungaw din ni Apollo sa aking cellphone. Sandaling medyo naging awkward ng mahuli ko siyang nakatingin.



"Wala kang kasabay mag lunch?" biglaang tanong niya sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Okay, confirm. Nakikibasa ng text ang isang ito. Hayop.



"Oo eh. May ginagawa pa yung boyfriend ko" sagot ko sa kanya. Diniinan ko yung word ba boyfriend para naman alam niya. Hindi naman sa nagfefeeling ako, pero syempre i don't want to give false signal sa kahit na kaninong lalaki.


"Pwede kitang samahan. If you don't mind lang naman..." pagpreresinta niya sa akin. Gusto ko sanang tumanggi, pero alam kong hindi din naman ako makakakain ng magisa sa dorm kaya naman sumama na ako kay Apollo.



Pasado alas dose ng matapos kaming pareho sa pila. Tuwang tuwa pa ang loko ng makitang magkasection kami para sa summer class. Tatlong section ang binuksan kaya naman hindi mo din talaga alam kung sino ang magiging kaklase mo.



"First time kitang magiging kaklase" nakangising sabi niya sa akin na nginitian ko lamang.


Ako ang tinanong ni Apollo kung saan ko gustong kumain. Panay pa din ang kwento nito habang palabas kami ng main gate. Nagawa ko pang magtext kay Kenzo habang naglalakad ako.


Ako:

I'm done. Maglulunch ako with a friend.



Pagkasend ko nuon ay nakulangan ako kaya naman muli akong nagtipa ng text para sa kanya.


Ako:

Please eat your lunch. Wag kang magpapagutom. I love you


"Gusto mo sa tea cup?" tanong ni Apollo sa akin. Mabilis kong itinago ang cellphone ko sa bag ko. Feeling ko kanina ko pa siya nababastos dahil sa pagtetext ko habang nagsasalita siya.



"Sure"


Nalaman kong galing palang UST college of pharmacy si Apollo. Ang kaso, dahil sa personal problem ay nalipat siya sa fatima.



"Kamusta duon? Paniguradong kung mahirap dito sa atin ay mas mahirap duon" nakangising sabi ko sa kanya. Patayan talaga sa pharma, tangina! Papasok kang may buhok. Lalabas lang panot!


Napatawa si Apollo. Kahit papaano ay nasasakyan ko naman ang personality niya. Hindi ako masyadong kumportable sa lalaki pero sa kanya ay mukhang maagaan naman ang loob ko.

"May girlfriend ka na?" biglaang tanong ko sa kanya. Kita ko ang biglaan niyang pagkabato at pamumula ng kanyang tenga.



"Wala..."


Mas lalong lumaki ang ngiti ko. "Ilalakad kita kay Abby. Paniguradong swak ang personality niyo" nakangising sabi ko sa kanya. Ngumiti pa din ako kahit napansin ko ang disappointment sa kanyang mukha. Tangina Sera manahimik ka na.


Naglakad kami patungo sa teacup. Glass wall iyon kaya naman kahit malayo pa kami ay kita ng walang masyadong tao duon. Sa may pinakadulo kami umupo kung saan hindi naman gaanong kita ang counter. Si Apollo na din ang nagpresinta na umorder para sa amin.


"Ako na, Sera" pagtanggi niya sa perang iniabot ko. Ayoko sanang isipin niyang may something sa pagsama ko sa kanyang maglunch kaya naman sinubukan ko siyang bigyan ng pambayad ko. Pero wala akong magagawa dahil makulit ang loko.



Muli kong chineck ang phone ko kung may message na si Kenzo. Napanguso ako ng wala akong natanaggap mula sa kanya, mukhang busy pa talaga siya. Pinanuod ko ang dumadang mga sasakyan sa kalsada habang hinihintay na makaorder si Apollo.
Napaayos ako ng upo ng mahagip ng tingin ko ang dalawang taong parating. Si Kenzo iyon at si Fidez.



Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatayo ba ako? Sasalubingin ko ba sila? Mas lalong naghurumentado ang dibdib ko ng makita kong papasok din sila dito sa teacup. Halos sumumsob ako sa lamesa sa takot na makita nila ako. Wala naman akong dapat katakutan. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing magkasama sila ay pakiramdam ko hindi nila ako dapat makita, pakiramdam ko ay istorbo ako palagi sa kanila kahit ako naman itong girlfriend.


Nanigas ako sa kinauupuan ko ng maramdaman ko ang pagupo nila sa sumunod na upuan. Masyadong mataas ang backrest ng mga upuan sa dulo kaya naman halos kalahagi ng ulo na lamang ang makikita mo. Bayolente akong napalunok.


Ok Sera. Kumalma ka, ikaw ang nagsuggest ng lintik na closure na yan. Tangina.



Nanlaki ang mata ko ng makita kong pabalik na si Apollo na may dala dalang tray. Ngiting ngiti siya sa akin, kinabahan ako na baka tawagin niya ako sa aking pangalan kaya naman kaagad ko siyang sinenyasan na wag maingay. Nagulat siya at nagtaka, ngunit ng dumapos ang tingin niya sa sumunod na upuan ay mukhang nagets niya na.


"Hindi ba't boyfriend mo iyon?" mahinang tanong niya sa akin. Tinanguan ko siya at sinenyasan ulit na manahimik.



Naramdaman ko ang pagtayo ni Kenzo. Mukhang siya ang oorder para sa kanilang dalawa ni Fidez. "Let's eat" marahang sabi ko kay Apollo. Kita ko pa din ang pagtataka sa kanyang mukha pero sununod din naman siya sa akin.



Hindi pa ako nakakasubo ng makareceive ako ng message mula kay Kenzo.


Kenzo:

I'll eat my lunch too, with a friend.

Bigla akong nadisappoint sa message niya sa akin. Sa pagkakaalala ko ay may text ako na I love you ah! At talagang friend? Walang pangalan si Fidez?


"Gusto mong lumipat ng kainan?" nagaalalang tanong ni Apollo sa akin na kanina pa nakatitig sa akin.


Tipid ko siyang nginitian at marahang umiling. "Ayos lang ako. Alam ko kung bakit sila magkasama" sabi ko sa kanya kahit wala naman siyang tinatanong. Gusto ko lang malinis ang pangalan ni Kenzo sa isip niya, kita ko kasing may kakaibaba siyang tingin. Akala niya siguro nagchecheat si Kenzo sa akin.


Muli kong nahigit ang hininga ko ng maramdaman ko na ang pagbalik ni Kenzo sa kabila. Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago iyon binasag ni Fidez. Uminit ang pisngi ko ng makita ko ang marahang pagiling ni Apollo bago bumaba ang tingin niya sa kanyang pagkain.


Napanguso ako. Hindi ko din alam kung tama o mali itong ginagawa ko. Makikinig ako sa paguusap nila kahit alam kong mag karapatan naman ako dahil girlfriend ako ni Kenzo.



"I'm sorry sa nangyari kagabi" paguumpisa ni Fidez. Paos ang kanyang boses. Mukhang galing sa magdamag na pagiyak.


"I won't lie. Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kagabi. Sinaktan mo din si Sera. She doesn't deserve it, wala siyang ginagawa sayo" rinig kong tuloy tuloy na sabi ni Kenzo. Ramdam ko din ang galit sa kanyang boses kahit pa kalmado siya.



Hindi nagtagal ay narinig na namin ang mahihinang paghikbi ni Fidez. "Nagseselos ako..." umiiyak na sumbong niya kay Kenzo.


Bumigat ang dibdib ko, kahit pa alam kong may gusto si Fidez sa boyfriend ko. Natatakot pa din ako, paano kung gusto din pala siya ni Kenzo? Paano kung mas piliin siya ni Kenzo kesa sa akin? Di hamak na mas matagal silang nagkasama kesa sa amin.


"Bakit ka magseselos? We're bestfriends Fidez. Just bestfriend" kalmado pa ding sabi ni Kenzo sa kanya. Kahit papaano ay nababawi ang bigat ng aking dibdib.



"Because I love you Kenzo! Matagal na..." pagamin ni Fidez. Mariin akong napapikit, napatikhim naman si Apollo.



Hindi ba niya narealize na siya mismo ang magtutuldok ng ugnayan nila ni Kenzo dahil sa pagamin niya? Kahit hindi ko siya magawang masisi, but damn! If she really want to keep Kenzo dapat hindi siya umamin. Tangina! Kahit inaaway niya ako nasasayangan pa din ako sa friendship nila.



"Fidez. I love you too..." halos malagutan ako ng hininga. "As a friend. Parang kapatid, para ko na kayong kapatid ni Andrew. Magkakapatid na nga tayo..." nakahinga ako ng maluwag dahil sa idinugtong ni Kenzo. Kung nalate pa ng ilang minuto iyon ay baka naging emosyonal na ako.


Mas lalong narinig ang pagtangis ni Fidez. "Ayoko ng maging bestfriend mo. Ayokong maging bestfriend lang..."


Tangina! Torture ito.


"That's it Fidez. Ayoko na ding maging bestfriend ka. I love Sera. Ayoko siyang mawala sa akin..." diretsahang sabi ni Kenzo sa kanya.


Halos hanginin ang tiyan ko dahil sa aking narinig. Tangina! Para akong nakakita ng fireworks sa pader sa likod ng Apollo. Gusto kong maiyak sa tuwa, gusto kong magtatatalon at yakapin si Kenzo.



"Ayaw mong mawala si Sera. Kaya ayos lang na mawala ako sayo?" malungkot na tanong ni Fidez. Bigla akong nasaktan para sa kanya.



"I'm sorry" tipid na sagot ni Kenzo.


Muling naghari ang katahimikan. Ang mga sumunod na atake ni Fidez ay mas marahas na.


"Gusto niyang magpabuntis sayo, ginagamit ng batang iyon ang katawan niya para mapasunod ka" giit niya. Fuck! Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang sampalin. Tangina!.


"Ako ang may gustong mabuntis si Sera. Kasi Fidez kung may takot sa aming dalawa, ako iyon. Mas takot akong mawala siya sa akin" pagpapaintindi ni Kenzo sa kanya.



Narinig namin ang pagak na tawa ni Fidez. Medyo nakaramdam ako ng hiya ng tingnan ko si Apollo ba sinusubukan pa ding kumain kahit halatang nawalan na siya ng gana.



"Tangina, Kenzo! Ano bang ginagawa ng batang iyon at ganyang baliw na baliw ka sa kanya?" hindi makapaniwalang tanong ni Fidez.



Hindi kami nakarinig ng sagot mula kay Kenzo.


"Pagisipan mong mabuti!" galit na bato pa din ni Fidez.



"I love her so much...I can give up everything for her"


Narinig ko ang marahas na pagtayo ni Fidez. Hindi na yata niya kinaya kaya naman tumakbo na siya palabas duon. Mariin akong napapikit ng marinig ko ang paghampas ni Kenzo sa lamesa sa kabila. Gusto ko siyang yakapin, hindi naging madali ang mga nangyari.



Ilang minuto akong natulala, nakaalis na din si Kenzo kaya naman naiwan kaming muli ni Apollo. "That's rare. Mahal ka talaga..." puna ni Apollo.


I know. Sa sobrang saya ko para akong nanghina. Para akong lumulutang.



Napahinto ako ng tumunog ang aking cellphone dahil sa upcoming call.



Daddy calling...


"Hello Dad..." mabilis kong nailayo ang cellphone sa tenga ko ng marinig ko ang sigaw niya mula sa kabilang linya.



"Stupida kang bata ka! Wala ka ng ginawang tama!" sigaw niya. May kung anong bumara sa aking lalamunan.



"Dad..."


"Umuwi ka ng bulacan ngayon din!" galit na utos niya sa akin.



Nataranta ako. Ayoko pang umuwi! "Pero Dad..."


"Makipaghiwalay ka diyan sa boyfriend mo Sera. Makipaghiwalay ka!" sigaw niya. Napailing iling ako.



Hindi! Ayoko!


"Sa oras na umuwi ka dito at hindi ka pa nakikipaghiwalay. Matatamaan ka sa akin! " pananakot niya.























(Maria_CarCat)

Continue Reading

You'll Also Like

168K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
711K 25.2K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7M 227K 65
His Punishments can kill you