Against the Waves (THE PRESTI...

By diorlevestone10

1.1M 20.9K 5.3K

The Prestige Series 1 Layana never liked the idea that her first love suddenly left her without any warnings... More

Disclaimer
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Part 3
Epilogue - Last Part
Epilogue- Last Part (Spin off)
Note
SC 01: Twins

27

13.4K 276 44
By diorlevestone10

Mess

"Omygod." I heard Lene's gasp when she saw the results. Tulala lang ako. Hindi pa nagsisink in sa akin ang lahat.

"This... Omygod!" She repeated. "I'm sorry but I can't literally think properly right now," mas mukha pa itong problemado sa akin. "What are your plans?"

Ano na nga bang plano ko?

Napahawak ako sa tiyan ko. Magkakaanak kaming dalawa. Buntis ako. Dinadala ko ang anak ni Hayes. Pero...hiwalay na kami.

"Iniwan na nga ako. Nag-iwan pa sa akin ng remembrance." Natatawa kong kumento.

"Hey." Amo sa akin ni Lene.

She squatted in front of me. Nakaupo kasi ako sa isang upuan ng dining table. Agad na nangilid ang luha ko.

"We already separated, Lene."

Lene's mouth parted. I gave him a tired smile.

"And...I don't know what was his reason. He just...shoved me off. Nagsawa raw. Something like that."

"Layana."

I tried to smile again but my tears betrayed me. "His cheating issue is enough, I guess? Enough reason to tell me that I wasn't enough?"

"Layana, no. Don't think like that."

"And now I am pregnant." Problemado kong sabi. "Pregnant with the man who cheated on me."

Tanggap ko na. Sa ilang araw na nagdaan, natanggap ko na lang. Kahit hindi siya nag-explain o hinayaan man lang na sabihin sa akin iyong totoo, isa lang naman ang konklusyon ng lahat.

He cheated on me. He cheated on me with the girl he told me not to worry about. He cheated on me with his friend.

Hinayaan ako ni Lene na mailabas sa kaniya lahat. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Ang tanging nasa isip ko lang ay ipaalam kay Hayes na magkakaanak kami. May kung anong takot ang namumuo sa puso ko dahil bata pa ako.

I'm just 20 years old. I still have dream...and I don't know if I can raise my child alone if Hayes doesn't come back.

"Hindi ko na alam, Lene," bulong ko, nanghihina.

I covered my face with both of hands and started crying so loud this time.

"Masaya naman ako. Masaya ako dahil magkakaanak ako. Hindi ko iyon pinagsisisihan dahil alam kong ginusto ko rin naman ito. Ginusto namin ito...pero nakakatakot. Natatakot ako para sa anak ko sa ideya na baka lumaki siyang walang ama."

I don't want my child to experience how harsh the world is. Sobrang bata ko pa. Hindi ko alam kung kaya ko nang mag-isa.

"Stop crying," pang-aalo ni Lene. Nasa gilid ko na ito at niyakap ako.

"Natatakot ako, Lene. Natatakot ako."

I'm just 20.

"We're here," patuloy niyang pagpapatahan sa akin at hinaplos haplos ang buhok ko. "We'll find him, okay?" Umiiyak akong tumango. "We'll find, Hayes."

Umiling ako. "Para saan pa?"

Hindi ko alam kung ano pang dahilan bakit ko pa ipapaalam. He inflicted so much pain to me. But on the other side, I don't want my child to deprived his rights to know his father.

"For our baby." Lene answered. She is teary eyed too.

Mas dumoble ang luhang pumatak mula sa mga mata ko.

"We'll find him."

Pinanghawakan ko ang salita ni Lene. Pinakiusapan ko rin muna ito na kung maari ay kami munang dalawa ang makakaalam na buntis ako. Natatakot ako...natatakot ako sa sasabihin ng iba. Alam kong mali pero iyon ang totoo. Marahas ang mundong ginagalawan ko. Mauuna ang panghuhusga nila bago alamin ang buong kwento.

"Kumain ka nang kumain. Iyong gatas at fruits, nilagay ko na diyan sa bag mo. Uhm, any cravings or what?"

Napangiti na lang ako sa ginawa ni Lene. Siya ang nag-asikaso ng pagkain ko pati ang mga gamit ko. Kahit pabuhat ng bag ko ay siya na ang gumagawa. Nagtataka na nga si Eka sa ikinikilos namin.

"Ayos na ako, Lene. Salamat."

Nasapo nito ang ulo at tila natataranta pa. Mas lalo akong napangiti.

"Just text me if you need anything okay? I...I'll come to you."

"Why are you being like this, Lene? Layana can handle herself," nagtatakang tanong ni Eka.

Nagkatinginan lang kami ni Lene. Kagaya ng pinakiusap ko sa kaniya ay gusto ko munang sa amin munang dalawa ito. Hanggang hindi ko pa nakakausap si Hayes, gusto ko munang sarilihin ang balitang ito.

"Bawal na ba akong maging sweet sa kaibigan ko? Jelly ka ba?" nanunuyang tanong ni Lene kay Eka.

Tanging ngiti lang ang isinagot ni Eka at mailing iling na pumasok sa banyo para maligo. Doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.

"Basta, text me okay? Bibilisan ko lang 'yung pakikipag-usap kay Nathan."

I held Lene's hand and smiled emotionally. She'll ask for Nathan's help to look for Hayes' whereabouts as well as Sandra. Baka raw magkasama ang mga ito. At isa pa, kilala ni Nathan si Sandra. I really appreciate Lene's effort. Hindi ko alam ang gagawin kung wala siya.

"Thank you."

Lumamlam ang mukha nito at tila ba paiyak na naman dahil sa lungkot ng boses ko.Huminga ito ng malalim at umiwas ng tingin. Pana'y rin ang pagkurap.

"Anything for you. Don't mention it. Basta," she whispered. "Alagaan mo ang inaanak ko, ha? That's the only thing I want you to do, okay?"

Hindi ko na napigilan na lumuha habang tumatango. Napatawa pa ako nang bahagya nang tulungan ako ni Lene sa pagpawi ng mga luha ko.

"Don't cry, omygod. Ayokong masira ang make-up ko."

"I'm sorry. I...I'm just thankful because I have you."

Ngumuso ito "You can do this. We'll gonna find him okay?"

I nodded once again before I hug Lene.

"Please, be strong. Please.'"

Everything is too overwhelming for me. Kakadaan ko lang sa hiwalayan namin ni Hayes tapos ito naman ngayon, nalaman kong buntis ako. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam.

Sabay kaming tatlo na pumasok sa school pero nagtext naman sa akin si Lene nang bandang tanghali na tumungo na siya sa Manila. They'll look for Hayes. Malaki rin ang pasasalamat ko kay Nathan dahil walang alinlangan siyang pumayag sa pakiusap namin bagaman hindi niya na tinanong kung bakit.

"Layana, good morning!" bati ni Bella nang makapasok ako sa room.

Tipid ko lang siyang binigyan ng ngiti. "Morning."

Ramdam ko ang tingin ng mga blockmates ko pero hindi ko na iyon pinansin pa. Alam kong may ideya na sila na hiwalay na kami ni Hayes. Huwag na sana nilang tangkain pang tanungin dahil alam ko sa sarili ko na bibigay ako kaagad.

"Nagreview ka?" tanong ni Bella.

Alam kong sinusubukan lang ako nitong kausapin gaya ng dati pero ewan ko ba. Masyado siguro akong naapektuhan sa hiwalayan namin ni Hayes kaya maging ang pagkausap sa tao ay hindi na ako komportable. Kahit saan ako lumingon ay si Hayes ang nakikita at naalala ko.

"May recitation daw ulit kay Sir Gutierrez. Sana hindi sa atin mapunta ang math ano?"

Tinapunan ko ng tingin si Bella. She just wants to help you, Layana. She is just concerned about you. Huwag mong tarayan.

I smiled a little. "Sana nga."

Halos wala ako sa sarili buong klase. Kung dati rati ay kinakabahan ako sa presensiya ni Sir Gutierrez pero ngayon, kahit siguro pagkapehin mo ako ay hindi pa rin ako kakabahan sa presensiya niya.

"Anonuevo."

Maging ang kinaiisnisan kong subject ay nagpapaalala kay Hayes. Tangina lang. Ilang takbo pa ba papalayo ang gagawin ko para makalimot sa sakit.

Dumako ang paningin ko sa daliri ko. Gusto ko na namang umiyak. Alam kong mahal ako ni Hayes. Ramdam ko iyon noong mga panahong ibinigay niya sa akin itong singsing. He even asked me where I want to get married. We were so inlove. Kaya hindi ko maintindihan bakit kami umabot sa ganito.

"Anonuevo."

Kinalabit ako ni Bella. "Huy, ikaw na. Tinatawag ka ni Sir."

Matamlay akong nag-angat ng tingin kay Sir Gutierrez na ngayon ay nakakunot na naman ang noo. Siya pa rin nga pala prof ko, ang malas lang.

Tumayo ako at naghintay sa sasabihin ng prof ko. Recitation ito pero namanhid na nga siguro ako.

"You know that I don't like the student who doesn't pay attention to my class."

Yumuko ako. "Pasensiya na po, Sir."

Huminga ako ng malalim para kontrolin ko ang emosyon ko. Isa ang subject ni Sir Gutierrez sa mga major ko, Holticulture na ngayon.

"You're spacing out. Are you sure that you are still coping up with my lesson?"

Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko na rin alam ang isasagot ko. Marahil nakalimutan ko na nga kung anong pinag-aaralan namin ngayon. Ang nasa isip ko lang nitong mga nakaraan ay ang paghahanap kay Hayes...para sa anak namin.

"I think so po, Sir."

Taas noo akong tinignan ni Sir na para bang duda siya sa sinagot ko. "Let's see. Supposed a 10 random pigs of various sizes are placed in a room for almost 39 days. Give me the the average daily gain."

Napalunok ako sa itinanong ni Sir Gutierrez. Last year pa ang lesson na iyon. Inalala ko naman ang lesson namin patungkol sa average daily gain pero natuod ako sa kinatatayuan ko nang magbalik ang ala-ala namin ni Hayes noong tinuruan niya ako roon.

Kinagat ko pa lalo ang labi ko at hinawakan ang kamay kong nagsisimula nang manginig. Hindi Layana...huwag dito. Hindi pwedeng umiyak ka dito. Umayos ka!

"See? Hindi ka nakikinig! Iyan ang pinakabasic na information na dapat na alam n'yo pero hindi mo alam! Nag-aaral ka ba talaga!?"

Huminga ako ng malalim at pasimpleng pinunasan ang mga luha sa mata ko. "Pasensiya na po, Sir. Mag-aaral pa po ako ng mabuti."

Nanlilisik ang mata nito sa akin na para bang disappointed na disappointed siya sa akin."Halos bumagsak ka na nga sa akin noon kung hindi lang kita pinagbigyan. Set your priorities straight, Anonuevo!"

My lips tremble but still manage to nod. "Yes, Sir."

"Vera!" tawag niya sa kaklase ko at ito na ang sumagot sa tanong ni Sir.

Pagkaupo ko ay naramdaman kong hinawakan ni Bella ang kamay ko at malungkot na ngumiti sa akin.

"Bawi na lang sa susunod."

Malungkot akong napangiti. "Salamat."

Nang magbreak time ay dumiretso ako agad sa banyo at nagkulong na naman sa cubicle at umiyak doon. Gusto kong iwasan ang awa na ipinupukol sa akin ng mga estudyante. Alam kong hindi maganda para sa kalusugan ng anak ko ang maging stress at emotional ako pero sobrang sakit lang ng puso ko.

Kaya ko naman ito e. Alam kong kaya ko ito. Napanghihinaan lang siguro ako ng loob dahil alam kong mas buo ang loob ko kung kasama ko si Hayes.

Even our coffee shop, he chose to closed it. He changed his number. Ganoon niya kadaling pinutol lahat ng pwedeng magkonek sa amin. For the past few days of, I used to go to his place in Chalet. Hoping that he will come back.Pero napagod na lang ako, walang Hayes na bumalik.

Kinapa ko ang cellphone ko nang magvibrate iyon. Muntikan pa nga iyong malaglag dahil sa pagmamadali dahil baka si Lene na iyon. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Lailana. Pinunasan ko muna ang mga luha ko at huminga ng malalim. Nang makalma ko na ang sarili ko ay sinagot ko na iyon.

"H-hello?"

"Ate!" pag-iyak niya.

Agad akong naalerto nang marinig ang boses ni Lailana.

"Lailana, bakit?"

Hindi siya sumasagot. Hikbi lang nang hikbi.

"Bakit ka umiiyak?"

"A-ate sina mama at papa nasa farm! I-iyong farm ate, nasusunog!"

Kumalabog ang puso ko nang marinig ang balita. Napakapit ako sa pinto ng banyo dahil pakiramdam ko ay nanghina ako bigla.

"Ano?"

"Ate! Puntahan mo sila please!"

Marahas kong binuksan ang pinto ng cubicle, napatingin pa sa akin ang iilan. Dali-dali akong bumababa ng hagdan, tumatakbo.

"Ate sina mama at papa!"

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Napahawak ako sa tiyan ko nang maramdaman ang paghilab nito...Pero sina mama at papa!

"Nasa'an ka?" tanong ko kay Lailana, kinakabahan.

"N-nasa bahay ako, ate. Ibinalita lang sa akin ni ate Fely," hagulgol ni Lailana.

Huminto ako saglit nang tumindi pa ang sakit sa tiyan ko. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang tiyan ko.

"Just stay there, okay? I'll go there. Do you understand?" hiningal kong tanong.

"A-ate sina mama..."

Pumikit ako nang mariin. Kumakalabog na ang puso ko dahil sa kaba dahil baka kung anong mangyari kina mama at papa pero kung magpapatuloy ako sa pagpapanic, ang anak ko naman ang mawawala sa'kin.

"I'll end the call, Lailana. Stay there."

Nang medyo kumalma na ako ay agad akong pumara ng tricycle. Halos gusto ko nang sigawan ang driver na kung pwede ay bilisan pa ang pagtakbo. Napapikit ako sa inis nang makitang ang haba ng pila ng mga bus nang makarating ako sa terminal.

Nanginginig kong kinuha muli ang phone ko at tinawagan ang numero ng magulang ko pero cannot be reached iyon. Kulang na lang ay ibato ko ang cellphone dahil sa inis. I called Lene instead.

"Layana, what are you doing here?" natatarantang tanong ni Lene.

Huminto ang sasakyan niya sa tapat ko. Agad akong sumakay sa backseat bago pa ito makababa ng front seat. Bahagya pa akong nagulat nang makitang naroon din sa loob si Nathan.

"Lene, can you drive me to our farm?" natataranta kong sabi.

"W-what? Baki—"

"Just go! Please. Our farm is on fire!" nahihirapan kong sabi at muling hinawakan ang tiyan ko. I rested my head on the chair.

"What? Omygod!" rinig kong sabi ng kaibigan ko bago naramdaman ang pag-andar ng sasakyan.

Naghahalo halo na ang nararamdaman ko. Takot para sa pamilya ko, at takot para sa anak ko. Mas tumitindi ang kirot sa tiyan ko.

No.Just hold on.

Napamulat ako ng mata nang maramdaman ang kamay ni Nathan na pinisil ang kamay ko. He gave me a reassuring smile and placed his another hand on our hands.

"You're shaking. Calm down."

I somehow don't like Nathan's presence but this time, his presence made me calm in some ways. I squeezed his hands tighter. I badly need this for now. I badly need something to hold on to aside from myself.

"Magsilayas kayo! Papaano makakadaan ang mga bumbero kung nakaharang kayong mga tsismosa diyan!"

Mabilis akong lumapit sa harap ng farm namin, hindi na hinintay sina Nathan at Lene. Napahinto ako sa pagtakbo at napatakip ako ng bibig nang makita kung gaano kalaki ang sunog. Maging ang karatig na bahay ay nadamay na. Ang mga fire truck ay nakahilera. Nagkakagulo ang mga tao. Sumisigaw. Natataranta.

"Ma'am! Ma'am!" Lumapit sa akin ang isang may katandaang lalaking trabahador at inalog alog ang balikat ko. "Ma'am iyong anak ko po nasa loob! Ma'am tulungan n'yo po iyong anak ko!"

Hindi ako makapagsalita. Tumulo lang ang luha ko nang makita ang sakit at pagsusumamo ng matanda. Naramdaman kong inilayo ako ni Lene sa lalaki.

"Ma'am iyong anak ko po! Ang bata bata niya pa po para mamatay! Ma'am tulungan n'yo po kami!"

Nanlambot ang tuhod ko dahil sa narinig. Kung akala ko ay matutumba na ako, mabilis akong inilalayan ni Nathan at binuhat. Pakiramdam ko ay hihimatayin ako anumang oras.

"Ma'am iyong anak ko! Gumawa ka ng paraan, Ma'am!"

Bakit nagsasabay sabay ang problema! Bakit nangyayari ang lahat ng ito kung kailan wala iyong pinagkukunan ko ng lakas?

"Omygod! She's bleeding! Nathan! Omygod!"

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid. Basta ang alam ko ay binalot ako ng takot nang maramdaman ang pagdaloy ng likido sa binti ko. Bago ko tuluyang maipikit ang mga mata ko ay ang malaking tupok ng apoy ang huli kong nakita.

Masakit ang lahat ng sa akin. Pisikal man o emosyonal. Para akong binugbog. Kung ako nga lang ay ayaw ko nang imulat ang mga mata ko. Gusto ko na lang matulog nang matulog at magpahinga. Pero kailangan kong ipanalo ang bawat laban. Kahit nakakapagod na, kahit nakakasawa na, kailangan kong ipanalo ito.

Unti-unti kong iminulat ang mata ko pero agad ding napapikit nang tumama ang puting ilaw sa akin. Nakarinig ako ng ilang boses pero hindi pa iyon masyadong klaro.

"Layana, are you okay? How are you feeling?" dinig kong tanong ni Lene makalipag ang ilang minuto.

Pumikit pikit ako dahil sa dami ng pigura ng tao na naaaninag ko. Luminga linga ako sa paligid, puro nurse at doctor iyon. Bumaling ako kay Lene na ngayon ay nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.

"Y-yung anak ko...Lene," nanghihina kong sabi. Huminga ako ng malalim, nanghihina dahil sa nangyari.

"Your baby's okay, Layana. Your baby is safe," mangiyak ngiyak na sabi ng kaibigan ko.

Tumango tango naman ako habang ang luha ko ay dumaloy na naman sa pisngi ko. Tila nabawasan ang tinik sa dibdib ko nang malaman na ayos lang anak ko. Kung nawala siya sa akin, mababaliw ako.

"S-si...sina mama at papa?" nanghihina ko pa ring tanong.

Hinaplos haplos ni Lene ang buhok ko, gumaan naman kahit papaano ang pakiramdam ko roon.

"They're also safe. The fire is gone. Your parents are okay. So, you also need to be okay.Okay?" Naiiyak nitong pakiusap.

Hindi na ako nakasagot kay Lene dahil nanghihina pa rin ako. Pero ang luha ko ay hindi na mahinto. Akala ko...akala ko ay may mawawala na naman sa akin. Akala ko ay may tao na namang iiwan ako.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang presensiya ng mga tao ng araw ding iyon. Kagaya ng una kong paggising ay malabo iyon pero kalaunan ay luminaw naman na. Agad na nagsitayuan mula sa sofa ang mga kaibigan ko.

"Layana," umiiyak na bungad ni Eka. Agad naman siyang nilapitan ni Hugo at pilit na pinapakalma. "Ayos ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo?"

Binigyan ko na lamang ng isang tipid na ngiti si Eka. "Ayos lang ako."

My friends are here. Bigla ay gusto kong bumaon sa lupa. Marahil ngayon ay alam na nila na buntis ako. Hindi ako galit kay Lene kung nabanggit na niya sa mga ito ang pagdadalang tao ko pero nahihiya ako sa kanila.Baka...husgahan nila ako.

Lumapit sa akin si Abes. Napapikit ako nang maramdaman ang paghalik niya sa noo ko. Dahil doon, hindi ko na napigilan na lumuha ulit.

Anak, these are your tito's and tita's.

"I'm sorry," paghingi ko ng tawad kahit hindi ko alam kung para saan.

Hinawakan ni Migo ang kabila kong kamay, nakita ko namang umiiyak lang din si Lene sa sulok at si Nathan naman ay lumabas ng kwarto.

"Nandito lang kami," saad ni Migo. "Hanggang dulo, sasamahan ka namin."

Mas lalo akong humagulgol. Agad akong dinaluhan ng yakap ni Abes. Mahigpit ko siyang niyakap pabalik na para bang sa wakas ay mailalabas ko na lahat ng sakit. Ngayon, pakiramdam ko ay lumakas ako ulit kahit papaano.

"Hahanapin namin si Hayes. Hahanapin natin siya. Ibabalik ko siya sa'yo kahit na anong mangyari," bulong sa akin ni Abes.

Humigpit pa lalo ang yakap ko sa balikat ni Abes.
Walang tanong akong natanggap. Walang panunumbat. Walang bahid ng pagsisisi. Mas lalo akong naging emosyonal sa ideyang iyon ng mga kaibigan ko.

Ibinalita ni Lene na maayos naman ang magulang ko pero grabe ang pinsalang idinulot ng sunog sa farm. Umabot din sa halos 10 tauhan namin ang namatay. Muli akong napahqwak sa tiyan ko nang marinig iyon. This is too much for my child.

"Nasaan na sila ngayon?" tanong ko.

"Huwag mo nang isipin muna iyan, Layana. Asikasuhin mo ang sarili mo, buntis ka," pagpapaalala ni Migo.

Umiling iling ako. "Kailangan kong tulungan ang mga magulang ko, Migs. Hindi lang nila problema iyon, problema namin iyon dahil pamilya kami."

"Alam ko naman iyon pero kahit ngayon lang, hayaan mo munang magpahinga ang sarili mo. Kahit ngayon lang. Kami muna ang tutulong kina Tita Alani at Tito Fonso."

Aalma pa sana ako pero hinawakan agad ni Lene ang kanan kong kamat.

"Migo has a point, Layana. Let us handle this. You need to take care of your self first. Kabilin bilinan ng doctor na iwasan mo ang stress dahil makakasama sa bata."

"We'll go there now. We are all in this together, Layana. We'll help you," Migo said.

Nagpaubaya na lang ako sa gusto nilang mangyari. Silang tatlong lalaki ang umalis samantalang sina Eka at Lene naman ay naiwan kasama ko.

"Are you hungry?" tanong ni Eka.

Umiling lang ako.

"Si Hayes?" tanong ko kay Lene.

Nagkatinginan muna silang dalawa ni Eka bago ako sinagot ni Lene.

"Wala pa rin kaming balita. We went to his previous university but we got nothing. But...we'll keep on searching. I believe we'll find him."

Tila suntok na sa buwan ang sinabi ni Lene. Paano namin matatagpuan iyong taong ayaw magpakita? Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Kahit hindi na siya bumalik dahil sa akin...kahit para sa anak na lang sana namin. 

Continue Reading

You'll Also Like

288K 4.4K 43
"Matandang Mayamang Maagang Mamamatay." That's what the retired Lieutenant and multi-billionaire Frederick San Lorenzo is known for. Despite his weal...
372K 19.8K 51
WARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY (Gustavo Orion Sandoval) Completed
2.2M 36.7K 44
Galvez series #3 (Completed) Seven Ortiz is a rich basketball player who strongly believes in being faithful and loyal to one's lover. He has fallen...
1.2M 15.1K 39
Third installment of Organización Intrepída series Natasha Gail Suarez and Capt. Logan Ruis Dawson Story. Natasha Gail Suarez is a woman who loves to...